CHAPTER 17

2622 Words
CHAPTER 17 Naging ilag si Elisa kay Oliver, halos hindi na nga ito magreply sa mga message ng binata. Alam niyang pwede niyang tapusin ang relasyon nilang dalawa ni Oliver pero hindi kaya ng dalaga. Hindi niya kayang pakawalan ang lalaking kauna-unahang minahal niya. Kaya kahit na labag sa kalooban niya ay nagrereply pa rin ito sa mga mensahe ng binata dahil natatakot siya na baka magsawa si Oliver sa kakasuyo sa kanya at iyon ang maging dahilan ng paghihiwalay nila. Ayaw niyang mahiwalay sila. Siguro ay kailangan niya lang ng space para makapag isip-isip o di kaya ay pakalmahin ang sarili niya dahil hindi sapat ang paghingi ng tawad ni Oliver sa kanya kanina. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala sa paliwanag ng lalaki… kung dapat siyang maniwala sa mga pinagsasabi ng lalaki. Hindi niya alam kung paano pa siya maniniwala dahil para bang nawala lahat ng tiwala niya sa salita ng lalaki dahil sa isang pagsisinungaling na sinabi nito. Suminghap si Oliver tiyaka binitawan ang kanyang cellphone. Hindi siya mapakali dahil alam niya na kahit nag-usap na sila ni Elisa ay hindi pa rin sila ayos. Alam niyang kasalanan niya kaya halos hindi siya makatulog at walang maintindihan sa kanyang binabasa dahil sa ginawa niya. Dumagdag pa sa stress niya ang kanyang pinsan na si Marina na walang sawa siyang tinatadtad ng ranta dahil daw sa ginawa ni Samuel sa kanya kanina tiyaka niya tinatanong kung anong nangyari sa kanilang dalawa ni Elisa. Inis si Marina dahil hindi sinasagot ng kanyang pinsan ang kanyang mga mensahe kaya wala siyang magawa kung hindi hablutin ang ipad nito na nasa bedside table niya tiyaka nagpasya na tawagan ang kanyang kaibigan na si Elisa. Lubos siyang magtaka nang binaba ni Elisa ang tawag niya sa facetime dahil hindi naman ganoon ang kaibigan niya. Naghintay siya ng ilang minuto kung may mensahe ba ang kanyang kaibigan kung bakit hindi niya ito sinagot pero wala itong mensaheng natanggap. Lalong kumunot ang kanyang noo dahil sa nangyari, alam niyang meron problema pero hindi niya inaasahan na aabot sa ganito. Kung ang tatlo ay nahihirapan matulog dahil sa pagtataka, pagsisisi, at na mayroong sakit na nararamdaman sa kanyang puso ay ibang-iba sa nararamdaman ni Avery. Mukhang lahat ng excitement sa katawan nito ay nararamdaman niya ngayong gabi habang pinagmamasdan ang espasyo sa kanyang pader. Tila ba naghihintay ang espasyo na iyon na makabitan ng isang magandang picture frame at alam niya na magiging maganda ang litrato na ilalagay niya roon. Magandang ngiti ang binungad niya kinaumagahan. Samantalang si Elisa ay halos mugto ng kanyang mata dahil hindi niya mapigilan ang pag-iyak sa gabi dahil sa dami ng kanyang iniisip. “Mukhang maganda ang gising mo ngayon, apo?” Masayang tanong ni Alejandro—ang lolo ni Avery dahil napansin niya kung gaano kasigla at kung gaano kalawak ang ngiti ng apo habang kumakain sila ng umagahan. “I'm jus beautiful.” Confident na sagot nito sa kanyang lolo dahilan ng marahan na pagtawa ng matanda. Alam niyang hindi gaanong normal si Avery katulad ng ibang tao. Ang sabi nila ang isang tulad niya ay walang tiyansang magmahal pero sa pagkalap naman ng impormasyon ng kanyang lolo ay mayroon pa naman maliit na maliit na maliit na tiyansa at hindi siya nawawalan ng pag-asa gaano man kaliit iyon. “Hey, why are your eyes were swollen?” Pagtatanong ng mama ni Elisa pagkaupo na pagkaupo pa lang niya sa lamesa. Hindi maiwasan na maningkit ang mata ni Elsa dahil sa kalagayan ng kanyang anak. “I'm not in the mood, mom.” Walang ganang pagsagot ni Elisa dahil tila nawalan siya ng enerhiya sa mga bagay na tumatakbo sa isipan niya. Pasimpleng sinulyapan ni Elsa ang kanyang asawa dahil hindi naman ganito ang kanilang anak t'wing umaga. Madalas ay may ngiti sa labi nito na umaabot hanggang sa kanyang mata tiyaka ito babati ng magandang umaga gamit ang masigla at masaya niyang boses. Pero ngayon ay daig niya pa ang lantang gulay at halos wala man lang siyang kaayos-ayos sa kanyang mukha. Madalas ay naglalagay ito ng kaunting make up at lipstick dahil ayon sa kanya ay para mag mukha siyang presentable hindi lamang sa harapan ng ibang tao kung hindi para sa sarili niya. “Is it because of that man?” Hindi mapigilan ni Elsa ang inis sa boses niya dahil lang sa lalaking iyon ay naging ganito ang kanyang prinsesa. “Mom, let's not talk about this.” Marahan na pagbabawal ni Elisa dahil kahit na may ginawang masama sa kanya si Oliver ay hindi pa rin niya gugustuhin na masira ang imahe nito sa kanyang pamilya. Ganon niya kamahal ang lalaki na kahit siya na ang masira ay huwag lang siya. Sa tingin naman niya ay maayos pa rin nilang dalawa iyon at ayaw niyang makialam ang pamilya niya lalong-lalo na ang kanyang ina sa relasyon nila ni Oliver. Dahil paano siya mag-grow kung may nakikialam sa kanila? “Hon, your daughter is right. We can talk about it next time.” Sang-ayon ni Elias sa kanyang anak dahil malakas na ang pakiramdam nito na nag-away silang dalawa ni Oliver. “Elias, do you hear yourself?” Hindi makapaniwala na tanong ni Elsa sa kanyang asawa. “Can't you see your daughter?” Tinuro pa ni Elsa ang kanyang anak na ngayon ay halos mangitim ang ilalim ng mata niya dahil hindi siya makatulog kagabi. “We're eating, we can talk about it next time.” Mahinahon na pagpapaliwanag ni Elias sa kanyang asawa. Alam niya kasi na mainit na ang ulo ng kanyang asawa lalo na't madaling uminit ang ulo nito kay Oliver. Nagustuhan ni Elias si Oliver hindi lamang sa kanyang ugali at diskarte sa buhay kung hindi dahil napansin niya, simula noong dumating ang binata sa buhay ng kanyang anak na dalaga ay lagi itong nakangiti at kumikinang ang kanyang mata. Pero ngayon na nakita niyang ganito rin ang epekto ng lalaki sa kanyang anak ay hindi niya maiwasan na mag-alala para sa nag-iisa niyang unica iha. Pinapaalala na lang niya sa kanyang sarili na normal lang naman dumanas ang isang relasyon ng problema na lalong magpapatibay sa dalawang magkasintahan. “I already told you that guy isn't good for you. Look at yourself in the mirror so you can see what you look like.” Panenermon ni Elsa sa kanyang anak. Suminghap lang si Elisa dahil inaasahan na niya na sasabihin ng ina niya iyon. Alam naman niya na sa una palang ay ayaw na ng mama niya si Oliver dahil lang sa estado nito sa buhay at ngayon ay nagkaroon siya ng bagong dahilan para ayawan ang lalaki. “I told you to break up with him, didn't I? He is no good for you. What did he do? Did he cheat on you? Is he trying to make another rich girl fall in love with him just because he is poor?” Tuloy-tuloy na tanong ni Elsa. “I don't really understand why both of you admire that shitty boy.” Hindi na lang ito pinansin ni Elisa tiyaka nagpatuloy siya sa kanyang pagkain habang walang sawang dumadada ang kanyang mommy. Lalo lang mapapahaba ang usapan nila at baka mag-away pa sila ng mommy niya kapag sumagot-sagot pa siya. “Ano ba talagang pinag-awayan niyo?!” Hindi matago ang inis sa boses ni Marina dahil kanina pa siya hindi kinikibo ni Oliver at hindi niya man lang ito sinagot. Nasa sasakyan na sila at papasok sa university kaya ito ang pagkakataon niya para kulitin ng tanong si Oliver dahil hindi man lang niya ito tinitignan. “Nahawa ka na rin sa mga kaibigan mo no? Kaya sinabi ko kay Elisa na huwag pagkatiwalaan ang mga kaibigan mo!” Lalo siyang nainis dahil hindi na nga siya sinasagot ni Oliver at mukha siyang tangang walang alam ay naaalala niya pa ang ginawa ng pesteng Samuel sa kanya kahapon. “Panigurado ikaw ang may kasalanan dahil imposibleng si Elisa ang may kasalanan. Wala namang ibang ginawa iyon kung hindi intindihin ka palagi at mahalin ka sa punto na magmumukha na siyang tanga para sayo.” Tuloy-tuloy na sambit ni Marina pero para bang wala lang iyon kay Oliver. Ayaw na niyang sabihin sa pinsan niya kung anong nangyari dahil ngayon pa lang na hindi niya alam kung anong pinag-awayan nila ni Elisa ay para nang baril na bumubuga ng bala ang kanyang bibig paano pa kaya kapag nalaman niya na dahil na naman kay Avery? At baka hindi sila makarating sa university na maayos pa ang pandinig niya. “Tiyaka pagsabihan mo nga ang mga kaibigan mo! Mga wala silang manners!” Tuloy-tuloy na dada ni Marina. Bunganga niya lang ang maririnig sa loob ng kotse ayaw niya naman paganahin ang stereo dahil baka lalo lang mainis si Marina sa kanya. Nang makapag-park ay naunang bumaba si Oliver dahil halos hindi tumigil ang bunganga ni Marina hanggang makarating sila sa university. Narindi na nga siya lalo na kapag paulit-ulit na lang ang mga rants niya tungkol sa pag-aaway nila ni Elisa o di kaya naman ay tungkol kay Samuel. Loko talaga ang kaibigan niyang iyon, pagsasabihan niya nga mamaya na huwag na niyang pansinin ang kanyang pinsan dahil napakapikunin at mabunganga neto katulad na lang ngayon na akala mo ay may magagawa siya sa nangyari kahapon. Napahinto siya sa gulat nang madatnan niya sa gate si Elisa, palagi kasing silang dalawa ni Marina ang nauuna at sila ang naghihintay kay Elisa sa gate pero mukhang iba ang araw ngayon dahil si Elisa ang naghihintay sa kanila. “Elisa!” Gulat na sambit ni Marina dahil maging siya ay hindi niya inaasahan na mauuna ngayon si Elisa sa kanila sa university. Ngumiti si Elisa kaya lalong lumitaw ang pamumutla ng kanyang labi at ang namumugto niyang mga mata na baka mamaya pa mawawala. Nalungkot si Oliver dahil sa nakita niya ngayon sa dalaga, ibang-iba siya sa nakikita niyang Elisa t'wing umaga at alam niyang walang ibang pwedeng sisihin kung hindi siya. Kumunot ang noo ni Marina dahil sa itsura ng kanyang kaibigan kaya mabilis niyang tinignan ng masama si Oliver pero bago pa siya makadada ay kaagad na siyang hinila ni Elisa. “Tara na! Marami pa tayong pag-uusapan!” Sambit ni Elisa tiyaka niya hinatak papasok si Marina. Napasinghap si Oliver dahil hindi niya alam kung paano susuyuin ang dalaga. Ngayon lang sila nag-away ng ganito. Nag-usap na sila at binigyan na niya ito ng rosas pero siguro nga ay hindi lang nadadala sa ganon palagi. “That was so early for a lover's quarrel, huh?” Nagulat siya ng biglang sumulpot si Avery sa kanyang gilid. As usual, nakasuot ito ng dress na kulay black at ang boots niya. Napansin ni Oliver na kahit iisang kulay lang ang dress na sinusuot niya ay iba-iba ito ng design. Napangisi si Avery dahil napansin niyang sandaling natulala ang lalaki dahil pinagmamasdan siya nito. Hindi siya nababastos sa mga tingin ni Oliver, hindi katulad ng tingin sa kanya ng ibang lalaki kung kaya hindi siya nagalit o nainis man lang sa halip ay ngumisi pa siya. “You're obsessed with black dress, aren't you?” Hindi maiwasan ni Oliver ang punain ang pananamit ng dalaga kaysa sumagot pa siya sa pang-aasar nito tungkol sa estado ng relasyon nila ni Elisa. “So, you're observing me now?” Buong loob na tanong sa kanya ni Avery kaya ngumiti ang kaloob-looban niya dahil alam niya na kapag ang lalaki ay masyado ka ng in-obserbahan ay tumatama na ang kamandag nito. At hindi na siya makapaghintay na tuklawin niya ang binata sa tapat niya ngayon. “I don't!” Kaagad na depensa ni Oliver kahit na medyo totoo ang sinabi ng dalaga na naoobserbahan niya ito kahit na hindi niya ito sinasadya. Na kahit minsan ay parang pinagtaksilan siya ng sarili niyang katawan. “As you say so.” Ngisi ni Avery. “See you later!” Sambit pa nito tiyaka niya kinindatan si Oliver tiyaka siya kumekembot na naglakad papasok sa university kung saan kaagad naman nakasunod sa kanya si Lindsey. Pinagtatanggol ni Oliver ang kanyang sarili sa sarili niya mismo na hindi niya inoobserbahan si Avery at bilang depensa niya ay siya lang ang hindi nagsusuot ng uniform kaya madaling mapansin niya iyon sa araw-araw… kahit pa na iniwasan niya ito ng isang Linggo ay napapasulyap pa rin siya kapag nakita na niya ito sa hallway o di kaya ay kapag napadaan ito sa kanilang room. “HA?! GAGO IYANG PINSAN KO AH!” Malakas na sigaw ni Marina pagkatapos sabihin ni Elisa sa kanya ang lahat ng nangyari kahapon. Simula noong nakita niya sa kainan, noong tinanong niya at nagsinungaling siya hanggang sa nag-usap sila sa tapat ng bahay nila. “Easy ka lang, mag-uusap naman ulit kami mamaya.” Marahan na sambit ni Elisa dahil ayaw na niyang ma-stress si Oliver dahil sa kanya. “Anong easy? At anong usap? Ano? Makukuha ka niya ulit dahil sa ganon? Nako! Mag-isip ka nga muna! Huwag kang rurupok sa lalaking iyan!” Panenermon sa kanya ni Marina na tila biglang na-stress sa kinuwento ng kaibigan. “Marina, kailangan ko lang ng space para makapag isip-isip at para magdesisyon.” Marahan na pagpapaliwanag ni Elisa para kahit papaano naman ay kumalma ang mainit na ulo ni Marina. “At ano ang naging desisyon mo?” Tunong na naghahamon na tanong ni Marina sa kanyang kaibigan. “Kakausapin ko siya. Mag-uusap ulit kaming dalawa. Aayusun namin.” “Syempre, mahal mo kaya ayan ang gagawin mo!” Tila na-stress na sabi ni Marina sa kanyang kaibigan. Para siyang nakikiusap sa isang elementary student! “Ano pa? Paano kapag kinausap niya si Avery? Edi mag-aaway na naman kayo? Edi matutuwa na naman ang demonyita na iyon!” Inis na inis si Marina sa kanyang pinsan dahil pinayagan niya na magpaapekto sa ganoong klaseng babae at sa babaeng kinaiinisan pa niya! Para bang nanumbalik lahat ng inis niya sa ex boyfriend niya noon dahil ang pinagpalit sa kanya ay ang palagi niya pang nakakaaway na si Alice. Kaya hindi niya maiwasan na mag-alala na baka mangyari ang nangyari noon. Ang kaibahan nga lang ay kina Elisa at Oliver mangyari noon dahil nakikita niya ang relasyon nilang dalawa ng ex niya sa kanyang kaibigan at kanyang pinsan. Ganto-gantong nagsimula kung paano naging shaky ang relasyon nila, hanggang sa nawala na ang tiwala at napalitan ng pagdududa. Hanggang sa palagi na lang silang nagkakaroon ng pag-aaway sa halos araw-araw. At sa huli ay tama ang hinala ni Marina na niloloko nga lang siya ng lalaki kaya wala siyang ibang choice, kahit na mahal pa niya kung hindi makipaghiwalay dahil siya na ang nagmumukhang tanga at kaawa-awa sa relasyon. “Ayoko lang maulit kung ano ang nangyari sa amin noon.” Kumalma ang boses ni Marina dahil halos lahat ng atensyon sa classroom ay nakuha na nila kaya medyo nahiya na siya at kinalma na ang kanyang boses. “Alam mo kung anong nangyari sa amin at kung paano natapos ang relasyon namin.” Huminga ng malalim si Elisa dahil naintindihan niya ang pinupunto ng kanyang kaibigan. “Naintindihan ko.” Sambit ni Elisa. “Ayokong makita sayo ang sarili ko noon. Una, nagmukha na nga akong tanga dahil umaasa pa ako na maayos pa kung ano man ang problema namin at nagmukha ulit tanga sa ilang gabi na iniiyak ko ang lahat ng sakit na natamo ko sa relasyon na iyon.” Tumango si Elisa dahil naintindihan niya kung saan nanggagaling ang kanyang kaibigan. Tiyaka siya nagdesisyon na sabihin kay Marina ang plano niya. “I will tell him to stay away from Avery.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD