CHAPTER 26

2720 Words
CHAPTER 26 Kaagad na nahanap ni Marina ang taong hinahanap niya. Hindi siya mahihirapan na lapitan si Hanzo dahil nasa dance floor ito. Pasimple siyang napangisi na kung makasayaw ang lalaki ay akala mo ay wala siyang girlfriend. Tinatawanan niya si Alice sa kanyang isipan tiyaka naalala ang sinabi ni Alice sa kanya. “Yeah, karma's a b***h, b***h” Wika nito sa kanyang utak. Anong akala ni Alice? Nakuha niya dahil nanloko si Hanzo sa kanya, anong assurance ni Alice para makampante siya na hindi magloloko si Hanzo sa kanya? Kalokohan. Kagaya nga ng plano niya marahan siyang sumasayaw habang sinisilip niya sa gilid ng kanyang mga mata kung nasaan ang lalaki kaya pasimple siyang lumalapit kung nasaan ito habang sumasayaw-sayaw pa siya. “Ouch!” Kunwaring pag-iinarte niya nang mabunggo niya ang katawan ni Hanzo kaya kagaad naman siyang inalalayan ng binata, lihim siyang napangisi roon tiyaka niya ito hinarap. “Marina,” Pagtawag ng binata sa kanya na punong-puno ng adorasyon. Ngumiti ng malapad sa kanya si Marina para ipakitang hindi siya apektado rito. Ang kailangan niya lang naman ay makipaghiwalay ito kay Alice dahil hindi niya matanggap ang pagkatalo niya kanina. “Hanzo.” Punong-puno ng pag-aakit na sambit ni Marina. Alam niyang mali ang kanyang ginagawa pero kung si Alice ang karma ng kanyang kuya ay siya naman ang magiging karma ni Alice. “It’s nice to see you again.” Ngisi ni Hanzo habang sumasayaw-sayaw pa rin kaya sumabay si Marina. “Gago.” Ang nasa isip ni Marina pero syempre hindi niya sasabihin iyon kaya pinilit niyang manatili ang ngiti sa kanyang labi kahit na gusto na niyang sapakin ang lalaki sa kanyang harapan. Gusto niyang sapakin dahil napakagago nito para saktan siya at the same time gusto niya rin itong sapakin dahil kahit na konti lang iyon ay ramdam niya pa rin na may puwang pa ang lalaki sa puso niya. Ang tanga lang na palagi niyang pinapaalala kay Elisa na huwag siyang magpakatanga sa kanyang pinsan pero siya ito ngayong nasa harapan ng ex niya at nagpapansin. Pinilmi niya ang kanyang sarili dahil hindi ito ang tamang panahon para magtapon siya ng self pity party sa kanyang sarili. Lalo niyang siniglahan ang kanyang pagsayaw bago siya sumagot sa binata ng, “Yeah, it’s been what? I don’t remember the days.” Syempre, hindi iyon totoo dahil tanda niya pa ang araw na naghiwalay sila kung saan nakita niyang may kahalikan na iba ang binata. “Oh,” Pabirong humawak si Hanzo sa kanyang dibdib na para bang nasaktan siya sa sinabi ng dalaga kaya bahagyang natawa si Marina. “I guess it’s been three months?” Tumiim ang bagang ni Marina dahil naalala niya pa pala ang ginawa niyang panggago, ang kakapal nga naman talaga ng mukha ng mga lalaking katulad niya. “Oh? That fast?” Gulat na tanong ni Marina. Matandain si Hanzo kaya rin siguro nabibilog niya ang mga babae nang ganoong kadali. Minsan kasi, akala ng mga babae, porket natatandaan palagi ng isang lalaki ang sinasabi o di kaya naman ay natatandaan nila ang mga ayaw at gusto ng isang babae ay akala na kaagad ng mga babae ay mahal nila ito pero ang totoo isa lang iyon paraan para mabilog ka nila at maloko. “I thought you’d still remember.” Hanzo chuckled. Kung makipag-usap ito ay para bang hindi ito nanloko, para bang hindi niya minsan ginago at sinaktan si Marina. Halos ikuyom na ni Marina ang kanyang kamao dahil mukhang hindi man apektado sa kanya si Hanzo, hindi man siya na konsensya sa panloloko niya. Mukhang maayos pa rin ang buhay niya kaysa kay Marina na halos mawala na siya sa kanyang sarili dahil sa sakit na pinaranas ng binata sa kanya. “Hindi ko naalala kapag walang kwenta,” Malditang sambit ni Marina kay Hanzo kaya napangisi ang binata tiyaka iya hinawakan ang beywang ni Marina at hinila palapit sa kanya. Hindi inaasahan ni Marina iyon kaya bakas ang gulat sa kanyang mga mata. “I miss you.” Sambit ni Hanzo habang nakapatong ang kanyang baba sa ulo ni Marina. Mariin na napapikit si Marina dahil alam niyang niloloko lang siya ng lalaki—alam niyang binibilog niya lamang ito dahil nararamdaman niya ang bukol sa gitna ng lalaki. “Hey, you have a girlfriend.” Pagpapaalala nito tiyaka niya binigyan ng konting harot ang kanyang boses para lalong maturn on ang binata. At alam niya na kapag hinawakan na nito ang batok ay baka hindi na makapagpigil ang binata lalo na’t mukhang may tama na rin siya ng alak. Alam ni Marina ang weakness sa katawan ng binata dahil minsan itong naging sa kanya. Pero kahit na ganoon ay hindi niya pa rin sinuko ang kanyang buong katawan dito dahil nagdadalawang isip siyang ibigay at mabuti na lang ay hindi niya binigay kung hindi ay baka hanggang ngayon ay wala pa rin siya sa kanyang sarili dahil sa pagsisisi. Baka nga hindi pa siya maka-enroll ng college kung sakali man na binigay niya ng buo ang kanyang sarili dahil hindi niya alam kung kaya pa ba niyang makapag-aral pagkatapos niyang maranasan ang first heartbreak niya. “Damn it, woman, you really knew where my weakness was, huh?” Sambit nito habang marahan na hinahalikan ang tenga ni Marina. Marina chuckled tiyaka niya hinawakan ang dalawang magkabilang balikat ni Hanzo para magkalayo ang kanilang katawan pero ayaw siyang bitawan ni Hanzo sa halip ay mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak nito sa bewang ni Marina. Hindi naging kumportable si Marina doon at hindi niya maiwasan na makaramdam ng pait. Noong mga panahon na siya ang kumapit ay si Hanzo ang piit gumagawa ng paraan para magkalayo sila pero ngayon na nakakaramdam siya ng init ng katawan ay bigla na lang niyang hinihigpitan ang pagkakahawak sa dalaga? Parang gago. “Hanzo.” Pagbabawal ni Marina pero hindi tumigil si Hanzo sa pag halik-halik sa kanya kaya napangisi siya dahil magagawa na niya ang plano niya. Kung akala ni Alice ay nanalo na siya kanina sa kanya ay nagkakamali siya. Karma is karma and Marina is Alice’s karma and that’s on period. “Why don’t you break up with your girl first before we’ll continue what we’re doing.” Utos ni Marina. “Just like what you did when you broke up with me, text her saying you two were now over.” Hamon pa niya. Kung feeling ni Alice ay nasa kanya na ang huling halakhak kanina, sana ay nag-isip muna siya ng mabuti at sana inalam niya kung nasaan ang kanyang boyfriend dahil sisiguraduhin ni Marina na hindi makakatulog si Alice ngayong gabi. “You really had something, huh.” Manghang sabi ni Hanzo tiyaka niya niluwagan ang pagkakahawak kay Marina para makuha ang kanyang cellphone sa bulsa ng pantalon niya at kagaya ng gusto ni Marina ay makikipaghiwalay ito kay Alice. Halos mapalikwas sa kanyang kama si Alice kaya nahulog ang pipino na nakalagay sa magkabilang mata niya dahil sa message ni Hanzo na break na sila. Hindi niya alam kung bakit biglang nakipag break ang binata. Wala man lang itong eksplenasyon kaya kaagad siyang nagreply kung seryoso ba siya. Nakatingin si Marina sa cellphone ng binata at napangisi siya nang makita ang reply ni Alice. “Told her that you just used her kaya sawa ka na ngayon sa kanya.” Pagdidikta niya kung anong dapat i-reply ni Hanzo. Parang aso namang sumunod si Hanzo sa kagustuhan ni Marina sa pag-aakala na papayag ito sa gusto niya pero syempre hindi naman ganong klase si Marina kaya kapag halos mabaliw na si Alice tiyaka siya gagawa ng paraan para makatakas kay Hanzo. Hindi maintindihan ni Alice kung bakit biglang naging ganun ang kanyang kasintahan. Ramdam naman niya sa t’wing magkasama sila na mahal siya ni Hanzo kaya hindi nagkakaroon ng sense sa kanya kung bakit nakikipaghiwalay ngayon si Hanzo. Halos tadtarin niya ng message pero hindi nagrereply ang binata kaya sinubukan niya itong tawagan. Napangisi si Marina dahil sa sunod-sunod na message ni Alice pagkatapos ay sunod-sunod ang call niya kahit na binababaan ni Marina. Halos matawa siya nang ma-imagine niya si Alice ngayon na kawawa habang naghihintay na sagutin ni Hanzo ang kanyang cellphone at sana ay umiiyak na ito ngayon. Kinuha ni Marina ang cellphone ni Hanzo kaya kaagad na yumakap sa kanya si Hanzo habang humahalik-halik sa leeg nito. Hindi ulit sinagot ni Marina ang tawag ni Alice pagkatapos ay binlock niya pa ang number nito kaya halos matawa na si Marina sa itsura ni Alice. Kung sanang nakikita niya iyon. Ngunit bigla siyang napahinto nang maramdaman niya ang kamay ni Hanzo sa kanyang puwitan kaya bigla siyang naging alerto. “Hanzo.” Pagtawag niya tiyaka niya pilit na nilalayo si Hanzo ang kaso nga lang ay mas malakas ang pwersa niya. Nag-umpisa na siyang kabahan dahil sa katangahan na ginawa niya, wala siyang plano kung paano makawala sa mga halik nito sa kanyang leeg na umaabot na sa may bandang dibdib niya. “Hanzo, ano ba!?” Marahan niyang tinulak ang binata dahil halos mawalan na siya ng lakas dahil sa kaba. Ayaw niya rin na sumigaw ng malakas dahil baka maagaw niya ang atensyon ng lahat at baka husgahan lang siya ng mga ito. “What? We’ll do it, right?” Iba ang boses ni Hanzo kaya alam niyang nasa delikadong sitwasyon na siya. Halos maiyak na siya dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya. Nabitawan pa niya ang cellphone ni Hanzo dahil sa nanghihina ang kanyang sistema at the same time ay nagpapanic. Matagal na pinagmamasdan ni Samuel ang dalawa, kunot noo niyang tiningnan ang reaksyon ni Marina hanggang sa nahulog nito ang cellphone na hawak niya. Tinignan niyang mabuti ang mukha ng dalaga hanggang sa makita niya ang mga mata nito na nanunubig at pilit na kumakawala. Suminghap si Samuel dahil kahit na alam niyang pinagbawalan siya ni Oliver na lumapit sa kanyang pinsan ay hindi niya maatim na tignan ang dalawa lalo na’t mukhang hindi naman pumapayag si Marina kaya binitawan niya ang kanyang shot glass sa lamesa tiyaka niya iniwan pansamantala ang kanyang kaibigan bago siya sumiksik sa dance floor. Bago pa man mahalikan ni Hanzo sa labi si Marina ay kaagad nang nahawakan ni Samuel ang braso ni Marina tiyaka niya maingat na hinatak papunta sa kanyang likuran. Inis siyang tinignan ni Hanzo habang hindi mawala ang lamig sa titig ni Samuel. “Dude, you’re harassing my girl.” Walang emosyon na sambit ni Samuel habang nakahawak sa pulsuhan ni Marina. Napaawang ang labi ni Hanzo tiyaka matalim na tumingin kay Marina nang marealize niya kung ano ang ginawa ng dalaga. “So, you plan it, bitch.” Inis na sambit ni Hanzo pero imbis na gumawa ng eksena ay nag walk out na lang ito. Ayaw niyang ma-ban sa club na ito dahil ito ang paborito nilang magbabarkada. “What the f**k was that?” Pagtatanong ni Marina nang makabawi siya mula sa gulat, ang akala niya talaga kanina ay wala nang tutulong sa kanya ang kaso nga lang ay hindi niya nagustuhan kung sino man ang nagligtas sa kanya, alam niyang dapat na lang siyang magpasalamat ang kaso lang ay isang gago ang nagligtas sa kanya mula sa gago. “You're supposed to say thank you.” Samuel mocked her, napatingin si Marina sa kamay ni Samuel na nakahawak pa rin sa kanyang pulso. Sinubukan niyang alisin iyon ang kaso nga lang ay hinigpitan ito ng binata. “What the f**k? Let me go!” Sambit ni Marina tiyaka niya sinubukan kumawala kaso lang ay humigpit pa lalo ang pagkakahawak ni Samuel. “Let’s go.” Wika niya tiyaka niya kinaladkad ang dalaga paalis ng dance floor. Alam niyang pupuntahan sila ni Oliver kaya mas mabuti pang dala-dala nito ang maldita at ungrateful niyang pinsan bago pa siya mapahamak sa kagagahan nito. Pwede naman niya itong iwanan na lang ang kaso nga lang ay hindi niya maatim na mangyari ulit ang nakita niya kanina. Kung sanang mukhang gusto niya ang ginagawa ng lalaki ay papabayaan na lang niya ito ang kaso ay bakas sa mukha ni Marina ang pagtutol kanina. Pilit na lang niyang pinakinggan ang music keysa sa walang katapusan na pagmumura ng dalagang hila-hila niya. Ngayon alam na niya kung bakit madalang lang magmura ang kanilang kaibigan na si Oliver dahil nakabisado lahat ni Marina iyon, hindi lang kabisado kung hindi malulutong pa niya itong pinakakawalan sa kanyang bibig. Hindi maiwasan na mainis ni Marina dahil bakit sa dami ng lalaki sa club ay siya pa ang nagligtas sa kanya. Mukhang hindi niya kayang lunukin ang kanyang pride para magpasalamat kay Samuel. At ayaw niyang bawiin ang sinabi niya noon na gago si Samuel dahil gago pa rin siya kahit na may maganda siyang nagawa ngayong gabi. Katulad nga ng sinabi niya kay Elisa kapag bulok ang isang ngipin ay magiging bulok na ang mga nakapaligid dito. Kahit na may nagawa siyang tama ay mas marami ang mali na nagawa niya kaya mahahawaan ang tamang ginawa niya sa mga maling nagawa niya sa buhay. In short, gago pa rin siya. Hindi niya mapigilan na mainis sa sarili niya kaya patuloy ang pagmumura niya sa binata lalo na’t ang lalaki ng mga hakbang nito na para bang nagmamadali ang binata kaya halos masubsob si Marina dahil hila-hila siya nito na parang aso. Nang makalapit na sila sa lamesa ay pilit pa rin na kumakawala si Marina sa kanya. “The fck is your problem?!” Sigaw ni Marina. Hindi niya alam kung paano bumitaw si Samuel sa kanyang hawak pero may isang ideya na bigla na lang pumasok sa kanyang isipan kaya tinaas niya ang kamay niya kung saan may hawak si Samuel at dahil nakatalikod naman sa kanya ang binata ay hindi niya makikita ang binabalak nito. Nang mataas na niya ay nilapit niya ang kanyang mukha para makagat ang kamay ni Samuel. “What the fck are you doing?!” Tanong ni Samuel tiyaka hinarap ang dalaga. Hindi lang dahil kinagat siya nito kaya siya nainis ay dahil sa kagat na iyon ng dalaga ay may naramdaman siyang kakaibang pakiramdam na dumaloy sa kanyang katawan at hindi siya natuwa sa pakiramdam niyang iyon dahil pakiramdam niya ay mayroong epekto sa kanya ang spoiled brat na pinsan ni Oliver. “Why the fck are you together?!” Hindi na niya nasermunan ang dalaga ng muli itong magmura at halos umusok ang kanyang ilong at tenga sa galit kaya napatingin si Samuel kung nasaan ang tingin ng dalaga. Hindi maiwasan na umawang ang labi ni Samuel dahil nakita niya ngayon si Oliver na kasama si Oliver. “Bakit kayo magkasama?” Takang tanong ni Samuel. Matamis siyang nginitian ni Avery kaya napaayos siya bigla ng tayo. Napansin ni Marina ang pag-ayos ng tayo ni Samuel dahil lang kay Avery kaya hindi niya maiwasan mapairap tiyaka nalinawagan siya na hindi talaga nila kasama si Avery dahil base sa reaksyon ni Samuel ay nagulat pa ito kung bakit siya nasa lamesa. Muli niyang tinignan ang kanyang pinsan na ngayon ay matalim ang titig sa kanya dahil alam ni Oliver na pinagbabawalan ng kanyang tito si Marina na pumunta sa ganitong lugar lalo na kung mag-isa siya. “Bakit ka nandito?!” Inis na tanong ni Marina sa kanyang pinsan. Mas gugustuhin niya pang unahan niya itong mag bwisit keysa siya ang sermunan nito dahil nagkita pa talaga sila sa club. Sa dami ng club sa Pilipinas ay nagkita pa talaga sila! “At alam ba ni Elisa na may kasama kang ibang babae? Bakit kasama mo iyan?” Pero imbis na sagutin ni Oliver ang mga tanong ni Marina ay sinagot niya ito ng isa ring tanong. “Why are you here? Is tito aware that you are here?” Natikom bigla ang bibig ni Marina pero bigla ulit siyang nainis nang marinig niya ang boses ng isang bwisit at bruhang babae. “Hi, Marina!” Pang-aasar ni Avery tiyaka niya tinaas ang isa niyang kamay para kumaway kay Marina at lalo itong mainis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD