CHAPTER 16
Hindi nakaimik si Oliver sa tanong ni Elisa. Iyong katanungan na iyon ang gumugulo sa isipan niya sa mga lumipas na dalawang linggo. Pero hindi ba ang weird lang na maguluhan ka sa isang tao na hindi mo ganun kalubos na kakilala? Sa isang tao na halos isang linggo mo palang nakikita? Sa isang tao na kanina mo lang nakasama ng matagal? Hindi ba ay papunta na sa pagmamahal ang salitang gusto?
Oo, kung pisikal man ang usapan ay maganda si Avery. Katulad ng palaging sinasabi sa kanya ng dalawa niyang kaibigan ay may kung anong meron kay Avery na magugustuhan siya ng lahat. Hindi naniniwala si Oliver na nakabase sa itsura ang pagmamahal ng isang tao, sa oras na malaman mo ang kanyang totoong ugali at hindi ito tumugma sa ganda ng itsura niya ay mawawalan ka ng gana na gustuhin ang taong ito.
Pero bakit kahit na alam niya na hindi ganon kabait si Avery ay may kung anong epekto pa rin siya sa kanya? Bakit kahit na nakita niyang spoiled brat si Avery na siyang ayaw niya sa isang babae ay pilit pa rin itong gumugulo sa sistema niya? Na bakit kahit na nakita niya kung paano awayin ni Avery ang kanyang kasintahan at ang kanyang pinsan ay tumatambol pa rin ang kanyang dibdib sa oras na makita niya ito? Na kahit kakaiba ang kanyang ngisi ay parang nabubuo ang kanyang araw? Kahit na ang lamig ng mga mata niya kung tumingin ay nagpapainit ng prinsensiya ni Avery ang kanyang pisngi?
Bakit ganito ang nararamdaman niya sa dalaga? Bakit nagtataksil na sa kanya ang kanyang katawan na huwag pansinin, kausapin o di kaya ay kausapin ang dalaga? Bakit na kahit nakita niya na hindi maganda ang kanyang ugali ay may kung ano sa sistema niya ang gustong makilala si Avery nang mabuti at bakit gusto niya itong maintindihan?
Na sa oras na hindi na siya maintindihan ng mga taong nakapaligid sa kanya ay nandoon pa rin siya sa tabi ng dalaga para iparamdam na hindi siya nag-iisa?
Pero mali ang lahat ng nararamdaman niya. Mali ang lahat ng naiisip niya. Mali ang lahat ng gusto niyang gawin kasama si Avery. Mali dahil hindi niya ito gusto o hindi niya ito mahal.
Ang babaeng kasama niya ngayon ay ang babaeng mahal niya at ang babaeng gusto niya. Hindi niya dapat pagdudahan ang nararamdaman niya para kay Elisa kahit na hindi maintindihan ng puso niya kung bakit pinipilit na ilagay doon ang babaeng kasama niya.
“Of course not.” Sa wakas ay nakasagot na rin siya bago pa siya maunahan ni Elisa. “You’re the one I like.” He said. But to make it more accurate, it was like he was saying those words to himself.
“So, did you lie because you didn’t want to hurt me?” Pagtatanong ni Elisa. Alam niyang may kung anong mali sa matagal na pagsagot sa kanya ni Oliver pero hindi na muna niya iyon pinansin dahil hindi niya alam kung kakayanin pa ba ng puso niya ang lahat ng narinig niya ngayong araw. Mula kay Marina hanggang ngayon kay Oliver.
“Yes, I just don't want you to overthink.” Alam ni Oliver na walang kwenta ang kanyang sinagot pero iyon ang totoo. Ayaw na niyang magsinungaling pa kay Elisa.
“Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan ngayon?” At halos manlambot siya nang makita ang lungkot, sakit, at galit sa mga mata ni Elisa nang tumama ito sa kanyang mata dahil bigla niya itong tinignan.
Hindi niya maiwasan na masaktan sa pag-iisip na baka dahil sa kagaguhan niya ang susunod na makita niya ang ganitong emosyon sa mga mata na halos umiyak na ay ang kanyang kapatid na si Lianna. At dahil sa kanyang pag-isip tungkol doon habang nakatingin sa dalawang mata ni Elisa na ngayon ay may luhang tumulo at kaagad namang pinunasan ng dalaga iyon ay hindi niya maiwasan masaktan para sa kanyang kapatid.
“I’m sorry.” Tanging salitang nasabi niya. Umiling si Elisa dahil hindi niya pa rin maintindihan kung bakit kailangan niya pang magsinungaling gayong alam naman niya na kapag nagsabi siya ng totoo ay masasaktan siya—kapag nagsinungaling ang binata ay lalo siyang masasaktan katulad ngayon.
“W-why are you with her?” Kahit na hirap na hirap siyang itanong iyon ay kailangan niyang makuha ang kasagutan para makatulog siya mamayang gabi dahil kapag nanatiling mga katanungan ang mga tumatakbo sa kanyang isipan ay alam niyang mawawala siya sarili niya at maging bukas sa eskwela ay hindi siya makapag-tuon ng atensyon.
“It wasn’t planned.” Agap ni Oliver dahil baka iniisip ni Elisa na pinagplanuhan na magkasama sila palagi. “I was avoiding her for the whole damn week!” Hindi maitago ang frustration sa boses ni Oliver dahilan ng pag kunot ng noo ni Elisa dahil nadagdagan muli ang mga katanungan niya.
“Why are you avoiding her?” Litong tanong niya. Suminghap si Oliver dahil ayaw niyang magsinungaling kay Elisa, tama na ang isa.
Dahil alam niya sa sarili niya na sa oras na nagsinungaling pa siya ay hindi malabong makakapag sinungaling pa siya sa susunod hanggang sa maging panloloko na iyon sa mga susunod na bukas.
“Because Marina told me so.” Tanging sagot niya dahil iyong mag salita ni Marina noong nakaraang linggo ang nag-udyok sa kanya na kailangan na niyang layuan si Avery sa abot ng makakaya niya kung ayaw niyang humantong katulad ng mga gagong lalaking kakilala niya at kinaiinisan niya.
“We started eating outside the university so that I could avoid her.” Pagpapaliwanag niya. Tahimik na nakikinig si Elisa kahit na may mga bagong katanungan ang nasa isipan niya. “And she accidentally ate outside and she asked us if they could sit with us since Lindsey, her friend, admired Henry.” Iyon ang sinabi kanina ni Avery sa kanila kung bakit siya nakiupo.
“At first we didn’t know her reason but the two said yes, I don’t have a choice but to let them.” Oliver said. “Then she told us that Lindsey had a crush on Henry, that's why they chose to sit with us.”
Pero sa halip na mabawasan ang mga katanungan sa isip ni Elisa ay lalo lang itong nadagdagan. Na para bang hindi man nakatulong ang pag-uusap nila sa halip ay dumagdag pa ang mga sinasabi ni Oliver sa alalahanin niya.
“I saw you.” Kumunot ang noo ni Elisa dahil sa sinabi ng kasintahan niya. “I’m wondering if you saw us at that time. Even if it had a chance that you saw us I still chose to lie because I know you’re not fond of Avery and might think something else.”
“Or you’d worry until you sleep tonight.” Nagkakamali si Oliver sa sinabi niya, sinong nagsabi sa kanya na makakatulog siya ngayong gabi? Mukhang hindi siya lalong makakatulog dahil sa sinabi niya.
“And you think that, after you said all of those words, I wouldn’t be worried?” Umawang ang labi ni Oliver dahil sa sinagot sa kanya ng dalaga. Ang akala niya ay magiging ayos sila kapag nagsabi siya ng totoo.
“What do you mean?” Nalilitong tanong ni Oliver. Elisa chuckled bitterly.
“You know what’s running on my mind right now?” Panghahamon niya sa binata. “Is he telling the truth? Or was he lying again?” Nanuyo ang lalamunan ni Oliver dahil sa sinabi ni Elisa.
Alam niya naman na may tiyansang hindi maniniwala sa kanya si Elisa dahil sa ginawa niya kanina. Wala siyang ibang maisip na paraan para mapatunayan na hindi na siya nagsisinungaling. Ang hirap… dahil lang sa isang kasinungalingan ay parang nawawalan na ng saysay kung ano man ang katotohanan na sasabihin niya ngayon.
“What can I do… for you to believe me?” Pagtatanong ni Oliver dahil handa niyang gawin ang lahat paniwalaan lang siya ng dalaga. “You can ask Samuel and Henry.” Mabilis din na agap niya dahil sila naman ang kasama niya kanina.
“Do you think I trust your friend?” Kaunting napaawang ang labi ni Oliver dahil don. “You know what happened to Marina, right?” Pinagdikit ni Oliver ang dalawa niyang labi pagkatapos sabihin ni Elisa iyon.
“Her ex-boyfriend’s friends tolerated his wrong doing, what makes your friend special to those men?” Hindi maiwasan ang pait sa boses ni Elisa pagkatapos niyang sabihin iyon. “You’ve always got your back that even if you're doing s**t behind your girlfriend’s back, they wouldn’t say anything instead they will support you.”
“And how could I trust those two men if they adored Avery to the point that they are willing to close their eyes with Avery’s red flags?” Dahil sa sinabi ni Elisa tungkol kay Avery ay hindi maiwasan na makaramdam ng kaunting inis ni Oliver. Tingin niya ay hindi naman dapat ganon ang tingin nila kay Avery lalo na kung hindi nila alam ang kuwento ng buhay nito tiyaka isa pa, naniniwala siya sa character development.
“Just like how could I trust your words when you just lied in front of my face?” Natahimik si Oliver dahil tanggap niya na siya ang may kasalanan at walang sapat na rason para ipagtanggol ang side niya.
“Make up your mind, Oliver.” Sambit ni Elisa tiyaka niya kinuha ang tatlong rosas na nasa gitna nila. Kahit na galit siya sa lalaki ay hindi niya pa rin maitatanggi ang pagmamahal na meron siya para rito. At lahat ng mga bagay na binibigay ng lalaki sa kanya mapa-mahal man o hindi ay itinatago niya dahil sayang ang mga memories ng bagay na iyon.
“Huwag mo akong idamay sa kalituhan mo.” Dagdag pa niya tiyaka niya binuksan ang pintuan. “You said sorry but I wanted to see the act of being sorry. Not words, I want action.” Sambit niya bago siya lumabas sa kotse tiyaka niya sinara ang pintuan.
Sandaling natulala si Oliver dahil sa sinabi ng kanyang kasintahan. Maging siya ay hindi niya alam kung anong gagawin niya para mawala lahat ng gumugulo sa kanya. Napayuko siya tiyaka niya nilagay ang kanyang noo sa manibela dahil nahihirapan na siya.
Sa buong buhay niya ay alam niya kung anong mga desisyon ang tama. Kailanman ay hindi siya naguluhan ng ganito sa buong buhay niya. Alam niya….alam niya kung anong tamang desisyon ang gagawin na makakabuti sa lahat pero bakit may pwersa na pumipigil sa kanya? Pero bakit alam niya kung anong tama ay hindi niya pa rin ito magawa-gawa?
Bakit ba siya pinapahirapan ng ganito ng babaeng iyon?
Samantala, kabaligtaran ng pagluha at sakit na nangyari kina Oliver at Elisa ay ngiti naman ang binigay noon kay Avery. Kaya masigla siyang nanonood ng isang tragic na movie sa kanilang movie theatre kasama si Lindsey. Gusto niya ang mga sinagot ni Lindsey kanina kaya pinagbigyan niyang makapili ng palabas ang babae. At tulad nga ng inaasahan niya, katulad ng mga hopeless romantic na babae ay romance ang pinili nito. Alam niyang tragic ito dahil nag trending ang movie na ito online.
Pero hindi na lang niya pinakialaman ang desisyon ni Lindsey dahil naging maganda ang performance nito kahit na hindi niya ito binigyan ng script o kahit na impromptu lang ang nangyari kanina. Tiyaka isa pa, baka makakuha naman siya ng sweet lines and action dito sa pinapanood nila dahil hindi niya alam kung paano magsabi ng matatamis na salita o kung anong dapat gawin para maging sweet.
Para kasi sa kanya, corny lang ang pagmamahal. Bakit ba ang hilig ng mga taong magmahal ng ibang tao na higit sa sarili nila? Para sa kanya, mga baliw ang mga taong nagmamahal ng ibang tao na higit sa sarili nila. Kasi bakit mo bibigyan ng pagmamahal ang isang tao na sobra-sobra—na hindi mo naman maibigay-bigay sa sarili mo?
Kaya kung siya ang tatanungin kung sino ang taong mahal niya? Hindi siya magdadalawang isip na isagot ang sarili niya. Dahil alam niya na hindi siya sasaktan at pagtataksilan ng kanyang sarili hindi katulad ng mga ginagawa ng ibang tao.
Tiyaka hindi niya maintindihan, kung magmamahal din naman ng sobra-sobra ang isang tao bakit hindi na lang ang sarili niya? Tiyaka bakit masyadong naniniwala ang ibang tao sa kapwa nila tapos bandang huli ay madidismaya lang naman sila? Dahil ang paniniwala niya, kapag ang isang tao ay mahal na mahal ang sarili niya at sobra ang paniniwala nito sa kanyang sarili ay walang kung sino man ang makakasira sa kanya.
Katulad niya. Na kahit anong mangyari sa mga taong nasa paligid niya ay hindi siya naapektuhan. Hindi siya nagpapa-stress sa mga bagay na walang kwenta. Hindi siya nadidismaya sa mga taong tanga. At isa pa hindi siya nasasaktan sa mga taong manloloko.
Para sa kanya, ikaw lang din naman ang magbibigay consent sa mga tao para saktan ka dahil binigay mo ang tiwala at pagmamahal mo sa kanila. Pero kung hindi mo binigay? Ay hindi ka kailanman luluha.
Luluha… natawa siyang ng bahagya dahil hindi niya pa naranasan na lumuha dahil nasaktan siya. Lumuha lang siya para dagdag points sa drama niya lalo na kapag may gusto siyang bagay na ayaw ibigay ng kanyang lolo.
“What do you think about Oliver?” Pagtatanong ni Avery kay Lindsey kahit na nasa kalagitnaan palang sila ng movie. Tamad siyang kumakain ng pop corn dahil talaga namang nakakainip ang pinapanood nila.
Hindi kagaya ng kapag may p*****n ay makakita siya ng lamang loob o di kaya ay dugo. Tiyaka isa pa mas may thrill na iyon kaysa sa mga movie na ganito. Masyadong predictable ang buong plot, alam na alam mo na ang mangyayari sa susunod na scene o maging ang mga sasabihini nila minsan.
“A-anong meron sa kanya?” Kabadong tanong ni Lindsey.
“Do you think he likes me?” Hindi na nagulat si Lindsey sa pagiging straightforward ng kanyang kaibigan.
Sandali siyang nag-isip habang inaalala niya ang nangyari kaninang kumakain sila. Kung titignan niyang mabuti ay halos umiiwas si Oliver sa mga tingin ni Avery na animo’y isang malaking kasalanan kapag tumitig siya sa mga mata nito.
Kasalanan… “Oo.” Agad na sagot ni Lindsey, hindi man lang siya nagdalawang-isip na sabihin ito dahil iyon ang nakita at pakiramdam niya lalo na nang pumasok sa isipan niya ang salitang kasalanan. Naalala kasi nito na may girlfriend na ang binata.
Lumawak ang ngiti ni Avery dahil sa sinabi ni Lindsey. Hindi niya maiwasan na i-pat ang ulo ni Lindsey dahil doon. Medyo napatalon pa sa gulat si Lindsey nang maramdaman ang kamay ni Avery sa ibabaw ng ulo niya.
“Good girl,” Puri nito habang hinahaplos-haplos pa niya ang ulo ni Lindsey na para bang isa itong tuta. “You’re doing well today, huh.” Komento niya tiyaka siya umayos ng upo.
Oliver Ian Laureta… hindi mo ba ramdam na ako ang matamis mong mabangungot? Ngumisi si Avery dahil sa kanyang pag-iisip.
“I’m excited to tell you this but I’m afraid that you’ll tell anyone.” Sambit ni Avery kay Lindsey. Kaagad na umayos ng upo si Lindsey para ituon ang kanyang atensyon sa kanyang kaibigan.
“But I still tell you since I’m excited.” Ngiti ng dalaga. “At alam mo kung paano ako magalit kaya huwag kang magtangkang sabihin pa sa iba.” Gusto na lagn takpan ni Lindsey ang kanyang tenga dahil ayaw na niyang marinig pa ang sasabihin ni Avery kung ito pa ang magiging dahilan para sa ikapapahamak niya.
“What i-is it?” Labag sa loob ni Lindsey ang pagtatanong niyang iyon.
“That Oliver is the perfect guy for my picture frame.” Kumunot ang noo ni Lindsey at the same time ay nangilabot dahil sa kanyang kaibigan.
“Watch me to kill the perfect guy.”