CHAPTER 32
Lalong natauhan si Oliver dahil sa sinambit ni Avery, hindi pa siya mukhang okay dahil bakas pa rin ang trauma na iniwan nang kung sino mang lalaki ang pumatay ng pusa sa kanyang harapan. Umiwas ng tingin si Elisa tiyaka siya pilit na ngumiti kay Avery, ayaw niyang magpakita na ‘threat’ ang turing niya kay Avery para sa relasyon nila ni Oliver.
“He’s really sweet.” Sambit niya tiyaka siya ngumiti. Tinignan niya ang bulsa ni Avery nagbabakasakali na makita niya ang kuminang kanina pero baka nagmalik-mata lang siya at isa sa mga design ng kanyang black na dress iyon.
“You’re lucky to have him.” Pagpuri ni Avery gamit ang mahinahon niyang boses. Hindi niya maiwasan na sumaya ang kaloob-looban niya dahil ang bilis mapaniwala ng dalawang tao sa harapan niya na papakitaan mo lang ng luha ay kaagad na silang maawa.
“Yes.” Kahit na kinakabahan si Elisa katulad na lang noong nangyari noong araw ng eskwela ay pilit niyang tinapangan ang kanyang loob para hindi mabigyan ng satisfaction si Avery.
“That’s great!” Sambit ni Avery tiyaka pa siya madramang tumingin sa pusa na kanyang pinatay kanina lang. “I really love animals, how could a human be so heartless?” Madrama pa siyang bumuntong hininga.
“Only crazy people will do that.” Komento ni Elisa. Gusto sana siyang irapan ni Avery ang kaso lang ay baka masayang ang acting performance niya kapag nahalata nila na hindi siya nagsasabi ng totoo. “The man you’re talking about might be a crazy man.” Dagdag pa nito.
So, iniisip ng tangang babaeng ito na baliw siya? Mas baliw siya dahil nagpaniwala sila sa drama niya. Hindi niya maiwasan na ma-bwisit sa komento ni Elisa pero pinigilan niya ang kanyang sarili para awayin ito. At baliw din siya sa pagmamahal niya sa katabi niyang halata namang kapatid o kaibigan lang ang turing sa kanya.
‘Ha! Sino kayang baliw sa ating dalawa?’ tanong ni Avery sa kanyang isip. Hindi niya tuloy maiwasan na patayin si Elisa sa kanyang isipa habang binubuksan nito ang kanyang tiyan at kuhanin ang mga lamang loob nito lalo na ang kanyang dila dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi niya. Mas masaya sanang siya ang makita niyang duguan at walang buhay sa susunod keysa ang kuting na nasa loob na ng kahon kung saan nilagay ni Oliver.
Sa ilang segundo ay naisipan niyang si Elisa na lang ang papatayin niya, tutal ay mukhang kaya naman ni Elisa na isakripisyo ang kanyang buhay para sa kanyang boyfriend na apekto sa kanyang presensya.
Pero alam niyang hindi siya masisiyahan kung si Elisa dahil katulad ng pangit niyang mukha, malamang sa malamang ay pangit din ang dugo nito o di kaya naman ay pangit ang lamang-loob niya. Tiyaka isa pa, hindi siya bagay na ilagay sa frame na malaki no! Kaya alam niya ang isang tao lang ang babagay don, iyon ay ang katabi ni Elisa. Alam niyang gwapo pa rin ang mukha niya habang nakapikit na siya at naliligo sa sarili niyang dugo.
“I bet he is.” Tipid na sambit ni Avery para lalong ipakita sa kanilang na-trauma siya sa kung ano man ang nakita niya.
“Aren’t you going home?” Pag-singit ni Oliver sa usapan habang seryoso siyang nakatingin sa dalaga kaya mula sa pusa na nasa kahon ay lumipat ang tingin ni Avery kay Oliver na ngayon ay seryosong nakatitig sa kanya.
May kung ano sa sistema ni Oliver ang nagdududa sa sinabi ng dalaga dahil wala talaga siyang napansin na tumatakbong lalaki bago sila magpunta rito. Pero nasagot niya ang sarili niyang tanong na baka ilang minuto na rin na nandito si Avery, ang pasasalamat na lang niya ay kahit na matagal na nandito ang dalaga ay hindi na siya binalikan pa ng lalaking iyon. Tiyaka anong gagawin ni Avery dito na halos walang taong pumupunta? Iyon na lang ang natatanging tanong na hindi niya masasagot dahil alam niyang na kay Avery lang ang sagot non.
“A-h yeah!” Pag-arte pa ni Avery. Hindi niya kailangan pasalamatan ang acting workshop na pinasukan niya dahil ang sarili niya ang dapat niyang pasalamatan dahil sa talento niyang umarte na ngayon ay alam niyang paniwalang-paniwala ang dalawa sa kanya.
“Where is Lindsey?” Seryosong tanong ni Oliver habang tumingin-tingin pa sa paligid dahil ito ang unang pagkakataon na hindi niya nakita ang kaibigan ni Avery na nakabuntot sa kanya. Iyon din ang isang tanong na hindi niya kayang sagutin.
Biglang napatingin si Elisa sa kanyang kasintahan na sa tono ng boses nito, kung hindi kasama ni Avery ang kaibigan nitong si Lindsey ay may tiyansa na alukin ni Oliver si Avery na siya ang maghahatid sa bahay nila. Sa postura palang ni Oliver at sa pakiramdam niya pa lang ay alam niyang gagawin iyon ng kanyang kasintahan. Kaya naman, hindi maiwasan na kabahan ni Elisa.
Alam niyang darating ang kanyang driver para sunduin siya at alam din niyang hindi sasabay si Marina dahil nahila na siya ni Samuel kanina kaya kung sakali man na alukin ni Oliver si Avery ay sila lang dalawa at hindi iyon matanggap ni Elisa. Alam niyang dapat niyang pagkatiwalaan si Oliver pero dahil sa isang beses na pagsisinungaling ni Oliver ay hindi niya maiwasan mangamba. Isa pa, kahit na sabihan man siya ng iba na misogynist siya, ay wala siyang tiwala kay Avery. Sa mga ngisi at galawan ng dalaga alam niyang may binabalak itong masama.
Alam niyang dapat siyang magtiwala sa kapwa niya babae ang kaso nga lang ay ibang-iba si Avery sa ibang babae. May mga nakakasalamuha naman din si Oliver na ibang babae at lantaran na nagpapakita ng motibo sa kanya kahit na alam nilang may girlfriend na ito pero hindi naman siya apektado roon dahil alam niyang walang interes si Oliver sa kanila and she didn’t find them harmful.
Pero iba ang case ni Avery, hindi niya alam kung anong meron sa dalagang kaharap nila at ganito na lang ang labis na kaba ni Elisa na baka maagaw ni Avery ang kanyang boyfriend. Oo, alam niyang umamin si Elisa noong nakaraang linggo kay Oliver pero alam mo iyon? Kahit na lantaran din ang pagpapakita niya ng motibo ay ibang-iba siya sa mga malalanding babae na lumalapit kay Oliver.
Parang siguradong-sigurado siya na makukuha niya si Oliver. Ramdam niya na kaya siyang hiwalayan ni Oliver dahil lang sa kanya at iyon ang gumugulo sa isipan at nararamdaman niya. Dahil naging ‘threat’ sa kanya si Avery sa kanilang relasyon. At kaya malakas ang pakiramdam niya ay dahil ramdam din niya na apektado si Oliver babae. Na para bang kahit walang masyadong ginagawa si Avery ay makukuha niya pa rin sa kanyang palad si Oliver.
Pero hindi papayag si Elisa doon! Magkamatayan muna sila bago siya tuluyan na maagaw ni Avery. Mamatay muna siya bago siya tuluyan mapunta sa mga bisig ni Avery. Kung siguro sa ibang babaeng mapunta si Oliver ay hindi aabot sa p*****n pero kung kay Avery siya mapupunta ay iyon ang hindi niya matatanggap.
Tama naman ang hinala ni Elisa na kung sakali man na hindi kasama ni Avery si Lindsey o di kaya naman ay wala siyang kasamang uuwi at ihahatid niya ito sa kanilang mansyon kagaya ng ginawa niya noong nakaraang Biyernes. Nag-aalala rin kasi siya na baka nakamasid lang pala ang lalaki tiyaka niya susundan si Avery na ikapapahamak pa niya.
Hindi maintindihan ni Oliver kung bakit ganon na lang ang pag-aalala niya sa dalaga. Alam niyang kaya naman ni Avery iyon dahil nakita niya at naramdaman niya mismo ang lakas ng dalaga noong unang araw ng eskwela pero alam niyang ibang usapan na kapag ang kalaban niya ay may dalang patalim. Hindi niya kayang makitang masaktan ang dalaga o kaya ay mapahamak siya.
Lalo na ngayong nakita nila ito dito, nakokonsensya naman siya kung bigla niyan iiwanan dito si Avery at hindi man lang ihahatid ng ligtas sa kanilang bahay. Hindi kakayanin ng konsensya niyang mabalitaan niya kinabukasan na may nangyaring masama sa dalaga. At kung Lianna mangyari ang ganitong sitwasyon ay hinihiling niya na sana walang mang-iwan sa kanyang kapatid. Kaya iisipin niya na lang na ayaw niyang maging ganito ang kapalaran ng kanyang kapatid kaya hindi niya dapat iwanan si Avery mag-isa.
“The last time I know, she’s in the library.” Kumunot ang noo ng dalawa dahil hindi pa rin nila maintindihan kung bakit nga ba hindi sila magkasama ni Lindsey.
Siguro ay nasanay na ang mga estudyante ng La Medicina na kapag nakita nila si Avery ay hindi pwedeng mawala si Lindsey. Para niyang anino si Lindsey na hindi mawala-wala sa tabi niya o ‘di kaya naman ay sa kanyang likuran. Kaya halos hindi makapaniwala sina Oliver at Elisa na nagkahiwalay sila ng landas.
“Why is she in the library?” Hindi maiwasan na magtanong ni Elisa dahil sa pagtataka. Gusto man siyang pagtaasan ng kilay ni Avery ay hindi niya magawa. Bakit naman nagtataka si Elisa roon e hindi naman siya nagsisinungaling?
“She said that she’s looking for a book reference? I don’t know but she told me that she couldn’t find the book she wanted to read in our library at the mansion so she found it by herself in our university’s library.” Paliwanag ni Avery. Hindi niya alam kung bakit siya nagpapaliwanag pero mas okay na siguro iyon keysa magduda pa silang dalawa.
“You didn’t go with her?” Nagtatakang tanong ni Elisa dahil siguro kung si Marina ay sinabing ganoon ay sasamahan siya ni Elisa pumuntang library kaya hindi niya talaga maiwasan ang pagtataka.
“Yeah?” Pagtatanong ni Avery na may kaunting inis sa kanyang boses. Sinubukan niyang huwang magmukhang mataray ang pagsagot niya pero may kaunting pagkataray pa ang kanyang pagkakasabi. “It’s not my responsibility to join her?” Pagtatanong niya pa na tila ba hindi nila ma-gets na hindi naman sa lahat ng oras ay kailangan nasa tabi ka ng isang tao, hello? Ang lawak ng mundo?
“I thought you’re bestfriend.” Si Elisa dahil hindi niya maintindihan kung anong klaseng pagkakaibigan ang meron sila. “If Marina was the one who would go to the library, I would join or help her to find the book she wanted or needed to read.” Konting-konti na talaga ay iirap na ang mata ni Avery dahil kay Elisa.
Typical pick me girl.
“And? Should I give you a medal?” Biglang natauhan si Avery dahil hindi niya pa rin napigilan ang pagiging mataray niya, kumunot ang noo ni Elisa dahil nagmumukhang walang utang na loob si Avery pagkatapos siyang tulungan ng kanyang boyfriend. “I mean, we’re all different. You couldn’t expect anyone to be just like you. In the end, we have different worlds and priorities.” Sagot ni Avery. “And she’s not my best friend, she’s just my personal assistant.” Paliwanag ni Avery.
Somehow, Oliver understands Avery’s point. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nakadepende ka palagi sa isang tao, kailangan din na mapag-isa para lalo mo pang makilala ang sarili mo.
“And stalking a man with a cat is your priority?” Hindi nagustuhan ni Avery ang pagtatanong at tono ni Elisa na para bang dine-debunk niya ang gawa-gawa niyang kwento kaya tinignan na niya ito gamit ang malalamig niyang mga mata.
“I didn’t stalk him. I saw him holding the cat.” Walang emosyon na sambit ni Avery. “And stalking a stranger wouldn’t be my priority. The life of a cat was my priority earlier.” Kung titignan na mabuti si Avery ay para ba talaga siyang isang tao na mapagmahal sa isang hayop base sa tindig at tono ng kanyang boses.
“Lindsey asked permission to go to the library and I let her, I told her na mauna na ako sa gate then I saw this ‘crazy’.” Ginamit niya pa ang kanyang daliri para ba i-quote ang salitang iyon at i-emphasize pa. “As you called him.” Dagdag niya dahil si Elisa naman talaga ang nagsabi non. “And I have soft hearts for animals, especially for cats and dogs.” Kung totoo man si Pinnochio at humahaba ang ilong niya sa t’wing nagsisinungaling baka kasing-laki na ng ilong niya ang trapiko sa Edsa.
“What else do you want to know?” Mataray na tanong ni Avery. Biglang natikom ang bibig ni Elisa dahil don dahil para bang napahiya siya.
“Are you going back to the university?” Tanong ni Oliver kay Avery at hindi na pinapansin ang sagutan ng dalawa dahil wala siyang balak na palakihin pa ito o di kaya naman ay kumampi sa kanila kung sinong tama dahil masakit siya ng isa sa kanila.
“Of course!” Sambit ni Avery dahil ano namang gagawin niya dito sa gilid ng university? Maninigarilyo? The last thing she wanted to smell was the cigarette smoke. “Maybe it turns out that Lindsey was the one who’ll wait for me.” Sambit niya. Kukuhanin pa niya sana ang latest niyang phone ang kaso lang ay nang makapa niya ito ay hindi niya mapigilan na maramdaman ang malapot na dugo marahil ay dahil sa pocket knife na nilagay niya sa kanyang bulsa kanina.
Ngumiwi siya tiyaka niya pinunas ang kanyang kamay sa tela na nasa kanyang bulsa para mawala ang bakas ng dugo sa kanyang kamay.
“Do you have alcohol?” Pagtatanong niya dahil ang alcohol na dala niya ay nasa bag ni Lindsey at nagpapa-spray lang siya sa t’wing naghahanap siya ng alcohol.
“Ah, yeah.” Nagmamadali naman kumuha si Elisa sa kanyang bag dahil ayaw na niyang marinig na si Oliver pa ang mag-utos sa kanya.
Pagkatapos non ay binigay niya ito kay Avery, pasimpleng in-spray-an ni Avery ang kanyang kamay na galing sa kanyang bulsa kaya nawala rin kaagad ang dugo roon.
“Let’s go back.” Anyaya ni Oliver sa dalawa. Minuwetra niya kay Avery ang daan dahil gusto niyang mauna ang dalaga. “You go first, we got your back.” Sambit niya kaya tumango si Avery tiyaka nagsimulang maglakad.
Kagaya ng inaasahan ay nasa harapan nila si Avery habang nakasunod ang magkasintahan sa dalaga. Hindi niya mapigilan mainis dahil sa in-acting niya kanina ay hindi pa siya nagkaroon ng pagkakataon na kuhanan ng litrato ang pusa na sana ay may pandagdag na siya sa kanyang koleksiyon.
Gusto ni Oliver na mauna na sa paglalakad si Avery tiyaka alerto siyang nagmatyag sa paligid kung may kakaiba ba sa kilos sa iilang nakakasalubong nila o wala. At para makita niya kaagad kung may dalang patalim ang mga ito para makapag-handa siyang makipaglaban kung sakali man.
Tahimik si Elisa na pinagmamasdan si Oliver dahil magalaw ang mga mata nito sa kanilang paligid at minsan ay nakatitig ito kay Avery. Napakagat si Elisa sa kanyang labi dahil sa maliit na selos na kanyang naradaman lalo na’t ni minsan ay hindi man lang naligaw ang tingin ni Oliver sa kanya. Siya nga ang may hawak ng braso ni Oliver ngayon pero pakiramdam niya ay si Avery ang may hawak ng buong atensyon niya.
“Avery!” Sigaw ni Lindsey nang makita niya si Avery kaagad siyang lumapit tiyaka niya tinignan ang kabuuan ng kanyang kaibigan kung may galos ba siya o ano pero kumunot ang kanyang noo ng may nakita siyang blood stain, hindi siya sigurado kung dugo pero may kaunting mantsa ang kanyang dress.
“Kanina ka pa namin hinahanap ni tatay! Pagkabalik ko galing sa library ay wala ka na sa main gate.” Pagkuwento ni Lindsey. Narinig ng dalawa ang sinabi ni Lindsey kaya naniniwala na sila lalo na si Oliver na nagsasabi nga ng totoo ang dalaga.
“Lindsey,” Pagtawag ni Oliver nang hindi nagsalita si Avery. Nagtaka nga rin si Lindsey kung bakit hindi man lang nag-react o nagsalita ang kanyang kaibigan pero ang totoo ay umaarte uilt si Avery ara ipakita na na-trauma at pagod talaga siya sa nangyari.
“Ha?” Takang wika ni Lindsey tiyaka tumingin sa likuran ni Avery at doon lang nag sink-in na kasama niya sina Oliver.
“She’s tired. Accompany her inside your car, she needs rest.” Oliver commanded.