CHAPTER 33

2770 Words
CHAPTER 33 “AHHHHHHHHHHHHHH!!!” Halos takpan ni Lindsey ang kanyang tenga pagkapasok na pagkapasok nila sa kanilang sasakyan. Mabuti na lang at wala pa ang kanyang ama dahil magtataka siya sa biglaang pag sigaw ni Avery. May binili lang kasi sa tindahan na malapit sa university ang kanyang ama. “Fck that man! Fck that woman!” Inis na sigaw pa ni Avery dahil sa biglaang pagsulpot nina Oliver at Elisa kanina sa may gilid ng eskwelahan. “I’m gonna make sure that they will pay for it!!” Sigaw pa niya na punong-puno ng determinasyon, kahit na gusto man ni Lindsey na takpan ang kanyang mga tenga dahil nakakabingi ang sigaw ni Avery lalo na’t katabi niya lang naman ito ay alam niyang hindi niya pwedeng gawin iyon dahil baka siya ang pagbuntungan ng galit ni Avery. “That Elisa!! I’ll make sure that she’ll cry a river when the time comes that I’m on her boyfriend’s arm! I’m gonna make sure that I will tear her heart apart! I can’t wait for the moment when she is no longer Oliver’s girlfriend and just a desperate pitiful girl!” Sa tono ng boses ni Avery ay ramdam ni Lindsey ang galit niya kay Elisa. Hindi nga lang niya alam kung anong nangyari at kung bakit magka-kasama silang tatlo. Tiyaka isa pa, naguguluhan siya sa pagiging concern ni Oliver sa kanyang kaibigan. Ano bang nangyari at bakit ganon na lang ka-concern ang lalaki? Anong nangyari kung bakit niya nakitaan si Elisa ng inggit kay Avery? At ano bang nangyari sa mantsang dugo na nasa damit ni Avery? Kahit na kulay itim ang kanyang damit ay alam ni Lindsey na mantsa iyon ng dugo dahil wala naman nabuhos kay Avery simula kaninang umaga. Alam niya dahil ayaw ni Avery na nadudumihan ang kanyang damit pwera nalang kung dugo iyon. Alam ni Lindsey na mas gugustuhin pa ni Avery na marumihan ang kanyang damit kung ito ay dugo pero kung ibang bagay katulad na lang ng mga pagkain ang magpapadumi sa damit niya ay alam niyang magagalit ang dalaga. Hindi na lingid sa kaalaman ni Lindsey ang pagka-adik ni Avery sa dugo na para bang ito ang bumubuhay sa kanyang kaibigan, alam niyang dugo talaga ang isa na bumubuhay sa tao pero iba ang ibig sabihin ni Lindsey. Dahil kakaibang pakiramdam ang nararamdaman ni Avery sa t’wing nakakita at nakakahawak siya ng dugo. “And that fcking perfect guy named Oliver? I couldn’t wait to open his body and get his liver! That fcking couple who ruined my happiness!” Inis na dagdag pa ni Avery habang nakakuyom ang dalawa niyang kamao. Halos manginig na iyon sa pinaghalong galit at inis na nararamdaman ni Avery at wala na siyang pakialam kung dumugo man ang kanyang palad dahil sa kanyang mga kuko. Mataas ang pain tolerance niya kaya hindi man siya nasasaktan kahit na napakahigpit ng pagkakakuyom ng kanyang mga kamao. “Pinakialaman nila ako!” Inis dagdag pa niya. Halos hindi makapagsalita si Lindsey dahil natatakot siya na isang salita lang ay mapapasa sa kanya ang inis na nararamdaman ni Avery sa magkasintahan. At mukhang hindi niya kakayanin kung ano mang gagawin ni Avery sa kanya ngayon dahil hindi lang galit si Avery kung hindi galit na galit. “Pwes mas desidido na akong pakialaman ang relasyon nila!” Kung makakabuga lang ng apoy si Avery sa galit niya ay malamang sunog na ang kanilang kotse dahil sa walang sawa niyang pagsigaw na halos maputol ang litid ng kanyang lalamunan. “Putang ina nila!” Malutong na mura pa ni Avery na bakas sa kanyang malalamig na mata ang galit nito sa dalawang tao. Hindi malaman ni Lindsey kung paano pakalmahin ang kanyang kaibigan at hindi niya malaman kung anong sasabihin niya para lang mapakalma kahit papaano ang nararamdaman ni Avery tiyaka isa pa hindi niya alam kung bakit galit na galit si Avery. “A-ano bang nangyari?” Garalgal ang boses ni Lindsey habang tinatanong niya iyon dahil kabado siya na baka mapasa sa kanya ang galit ni Avery na pinapanalangin niyang huwag naman sana. At kung sakali man na mangyari iyon ay sana dumating na ang kanyang ama. Isa rin na pinagpa-pasalamat niya ay wala ang kanyang ama sa loob dahil alam niyang magtataka siya sa inaasal ni Avery. Si Lindsey lang at lolo ni Avery ang may alam sa kanyang kalagayan. Ang pagkakakilala ng kanyang magulang kay Avery ay kabaliktaran at malayong-malayo sa pagka-kilala niya dahil kilala ng magulang niya si Avery bilang mabait na apo sa kanyang lolo at mabait na kaibigan sa kanya. Minsan nga ay narinig niya pa ang kanyang mga magulang na pinupuri ang ugali ni Avery o di kaya ay napag-usapan nila sa hapag-kainan kung gaano kabait na kaibigan si Avery. Syempre, pinagtatakpan ni Lindsey ang kanyang kaibigan para hindi na rin mag-alala sa kanya ang kanyang mga magulang at hindi rin sila mabigla sa kondisyon ni Avery. Isa pa, alam niyang hindi naman sa kanya istorya iyon para ipagsabi pa sa iba. Totoo naman din na mabait si Avery sa mga magulang niya, napapabilib nga siya kapag nakikita niyang mabait at magalang si Avery sa kanila kaya kahit papaano ay ayaw niyang madismaya ang kanyang mga magulang sa oras na malaman nila ang kalagayan ni Avery. Umaasa pa rin si Lindsey na magbabago rin si Avery kahit na alam niyang imposible iyon. Ang iniisip niya ay siguro nagkulang lang sa pagmamahal ng isang magulang si Avery kaya siya naging ganon kaya hindi siya kailanman nagdalawang isip na paglapitin ang mga magulang niya si Avery. Kasi umaasa pa rin siya na baka sakaling maging normal na tao rin si Avery kagaya nila. Na hindi gumagawa at nag-iisip ng hindi normal para sa isang tao. Kahit alam niyang imposible iyon sa sensiya pero alam niya rin na walang imposible kapag iyon ang palagi niyang pinapanalangin t’wing gabi. Hindi lang kasi kaibigan ang turing niya kay Avery dahil halos sabay na silang tumanta at nasaksihan ang iba’t-ibang nangyayari sa mundo ay itinuturing na niya itong isang kapatid. Kahit na hindi ganoon ang turing sa kanya ni Avery, ayos na siya basta nasa tabi niya lang ang kanyang kaibigan na naging kapatid niya. “They interrupted me!” Naiinis na bumaling si Avery kay Lindsey kaya bahagya siyang napaatras at naramdaman na niya lang ang pintuan ng kotse sa kanyang likod. Alam niyang nakakatakot magalit si Avery kaya sa abot ng lahat ng makakaya ni Lindsey ay iniiwasan niyang magalit ang kanyang kaibigan. Kagaya na lamang ngayon na mukhang kakainin siya ng buo ni Avery. Nanlilisik ang kanyang malalamig na mata hudyat na hindi talaga siya natuwa sa kung ano man ang nangyari. Pero kung titignan niya si Avery kaninang sinamahan siya ng magkasintahan ay para bang pagod na pagod ito na nangangailangan ng pahinga. Pero pagkapasok na pagkapasok nila sa kotse ay bigla itong sumigaw ng malakas tiyaka nagbago ang kanyang emosyon na para bang nagbago ang kanyang pagkatao. “I didn’t even have a chance to capture the cat while bathing in its own blood!” Pagrereklamo ni Avery. Umawang ang labi ni Lindsey na para bang naintindihan na niya kung bakit ganito na lang kagalit si Avery. Ayaw na ayaw ni Avery na pinapakialaman siya lalo na kapag may pinapatay siyang hayop at isa sa magpapasaya sa kanya sunod sa dugo ng hayop ay ang pagkuha ng litrato dahil iyon ang magiging koleksyon niya. Naalala niya noong pumasok siya sa kuwarto ni Avery na halos tumayo ang kanyang mga balahibo dahil sa pader nito na punong-puno ng litrato ng mga patay na hayop. Isang beses lang siyang nakapasok sa kuwarto nito, aksidente lang siyang nakapasok dahil hindi sumasagot si Avery mula sa loob kaya hindi niya maiwasan na mag-aalala tiyaka siya nagpakuha ng mga susi sa kasambahay nila para matignan niya si Avery. Ang kaso nga lang ay imbis na si Avery ang kanyang makita ay bumungad sa kanya ang kakaibang pader ni Avery. Ilang minuto siyang nagulat at natakutan dahil hindi niya alam kung paano nakakatulog si Avery kung ganoon ang nakapaligid sa kanya. May table rin sa baba ng pader kung saan nakasabit ang mga litrato na punong-puno ng iba’t-ibang pocket knife na para bang isa pa iyon sa mga koleksiyon niya. Nang matauhan si Lindsey ay tinikom niya ang nakaawang niyang labi tiyaka niyakap ang kanyang sarili habang tinatawag ang pangalan ni Avery. Pumasok din ito sa walk in closet niya na wala kang ibang makikita kung hindi kulay itim. Pumasok din siya sa sariling banyo ng dalaga at wala siya roon. Doon lang nila napagtanto na tumakas si Avery kaya agad na nagpa-alerto ang kanyang lolo. Hindi alam ni Avery na pumasok si Lindsey sa kanyang kwarto, walang nakakapasok sa kanyang kwarto maging ang kanilang kasambahay ay hindi niya pinapayagan na pumasok dahil sa kanyang paniniwala ay siya lang ang dapat maglabas-pasok doon dahil pag-aari niya iyon. Tiyaka ayaw niyang makita ng ibang tao ang kanyang mga koleksiyon dahil baka agawin ito sa kanya o di kaya naman ay kuhanin. Kaya imbis na kasambahay ang maglinis sa kanyang kwarto ay nag-aaral siya kung paano maglinis para siya na lang ang maglinis doon. Alam ni Lindsey na sa oras na malaman ni Avery na nakapasok siya sa kanyang kwarto ay paparusahan siya nito. At sa panahon na iyon ay konti pa lang ang mga letratong nakadikit sa kanyang pader paano pa kaya ngayon na alam niyang marami ng napatay si Avery. “Di-did they see you killed the cat?” Hindi maiwasan na mag-alala ni Lindsey dahil baka kumalat sa kanilang university dahil nakita ni Elisa. At ramdam naman niya na ayaw ng dalaga kay Avery dahil alam niyang inaakit ni Avery ang boyfriend nito kaya hindi malabong ipagsabi ni Elisa kung ano man ang nakita niya tiyaka isa pa baka lumabas iyon sa campus at masira ang image ni Avery sa iba’t-ibang social media platform. Pero ang pinagtataka lang ni Lindsey ay kung nakita nilang pinatay ni Avery ang pusa ay bakit ganun na lang ang pag-alala ni Oliver? Bakit mukhang malungkot si Elisa imbis na matakot siya kay Avery? Bakit pa nila sinamahan si Avery na makabalik sa main gate kung nakita nila itong pumatay ng pusa? Bakit hindi man sila mukhang nagulat o di kaya ay natakot nang makita nilang pumatay ng pusa si Avery? Hindi ba normal lang na maging reaksyon ay ang matakot at mawerduhan? Pero iba ang pinapakita nilang reaksyon kanina. “Of course not!” Inis na sagot ni Avery kay Lindsey dahil ang bobo niya para isipin na ipakita sa iba ni Avery iyon edi hindi niya maisasakatuparan ang plano niya kay Oliver? Umikot ang kanyang mata bago siya muling nagsalita. “I’m not dumb like you!” Sunod-sunod na napatango si Lindsey dahil hindi niya halos kayanin ang inis sa boses pati na rin ang mata ni Avery na puno ng galit. Iyon talaga ang kinaiinisan ni Avery na hindi niya man muna nakuhanan ng litrato ang pusa bago dumating ang dalawa. Matagal na siyang hindi nakakapag dagdag sa kanyang koleksyon kaya kailangan na niyang magdagdag kung hindi ay mawawalan ng sigla ang kanyang pader. Ngayon sana ang pagkakataon lalo na’t hindi siya ganoong nahirapan na maghanap ng pusa at hindi man lang siya nahirapan na patayin ito dahil hindi man lang nanlaban sa panghihina ang kaso nga lang ay hindi niya nakuhanan ng litrato. “Of course, I acted like someone killed the cat! I acted like I was traumatized by what I saw.” Inis na pagkukwento ni Avery dahil nasira ang dapat ay masayang araw niya dahil kina Oliver at Elisa. Na sana dapat ay mailalagay siya sa kanyang pader ang kaso nga lang ay naglaho iyon na parang bula nang marinig niya ang boses ng dalawa kanina. Hindi maiwasan na mamangha ni Lindsey sa kanyang kaibigan kung paano niya nagawang mapaniwala ang dalawa at kung gaano siya kagaling na umarte dahil sa ekspresyon na pinapakita ni Oliver kanina ay paniwalang-paniwala sila kay Avery. Kung siguro siya ang nadatnan na gumagawa ng ganon ay hindi siya makakapag-isip kung anong gagawin hindi katulad ni Avery na napakabilis ng kanyang utak na mag-response sa nangyayari. Naging alerto siya bigla ng tinapon sa kanya ni Avery ang pocket knife na galing sa kanyang bulsa. Ang mabuti na lang ay nasalo niya ito kung hindi ay baka madagdagan pa ang inis ni Avery. Kaagad niyang kinuha ang panglinis sa pocket knife nito para malinis na niya bago pa dumating ang kanyang ama. Kumuha rin si Avery ng wet wipes at tiyaa alcohol para ilagay sa kanyang kamay. “Find me a puppy to kill later.” Utos ni Avery na para bang kumalma na ito mula sa labis-labis na galit kanina. Ang bilis niyang mag switch ng emosyon pagkatapos ay pumikit na si Avery para ikalma ang kanyang sarili. Hindi maiwasan na magpanic ni Lindsey dahil hindi niya alam kung saan siya kukuha ng tuta pero siguro ay may maligaw naman sa gilid ng kanilang bahay hindi ba? Hindi niya rin maiwasan na kabahan dahil alam niyang papatayin iyon ni Avery nang walang-awa sa kanyang harapan at mahihirapan na naman siyang makatulog mamayang gabi. Mabuti na lang din at natapos niyang linisan ang pocket knife ni Avery bago pumasok ang kanyang ama sa kotse tiyaka niya nilapag ang isang pamilyar na tatak ng tinapay sa paper bag sa upuan sa may harapan. Napangiti si Lindsey dahil alam niyang iyon ang paboritong tinapay ng kanyang ina. Pagkarating nila sa mansyon ay bumaba na sila sa sasakyan pero bago pa pumasok sa mansyon si Avery ay may sinabi ito kay Lindsey na siyang nag patigil sa kanya. “Make it two. I will just take a shower.” Sambit nito tiyaka na siya pumasok sa mansyon para umakyat sa kanyang kwarto at mag shower. Umawang ang labi ni Lindsey dahil sa sinabi ni Avery pero walang magawa si Lindsey kung hindi kumilos at maghanap ng dalawang tuta. Kahit na gulat siya sa sinabi ni Avery ay kailangan niyang kumilos dahil baka magalit sa kanya si Avery kapag pagkatapos niyang maligo ay wala ang hinihiling niya kay Lindsey. Kaya mabilis munang nag shower si Lindsey para makapagpalit ng damit tiyaka siya naghanap ng dalawang kawawang tuta. Laking pasasalamat niya na may nakita siyang dalawa pero hindi niya maiwasan na malungkot dahil ang cute-cute ng dalawang tuta ang kaso nga lang ay makikita niya itong walang buhay mamaya. Pero mas gusto na niya sigurong makita iyon keysa siya ang makitang walang buhay ng mga kasambahay sa mansyon. Pumunta sila sa likuran ng mansyon nina Avery. Bagong ligo nga si Avery at hindi niya maiwasan na magtaka sa dalawang picture na hawak ni Avery, mukhang nag print siya ng picture. Ngumisi naman si Avery dahil hindi siya binigo ni Lindsey. “How are you?” Ngisi ni Aveyry sa dalawang tuta na mukhang nanghihina dahil mukhang wala silang kinakain dahil buto’t balat na lang ang mga ito. Hawak-hawak ni Lindsey ang dalawa tiyaka niya dinikit ang dalawang picture na pinrint niya. Mukha iyon nina Oliver at Elisa pagkatapos ay sinenyasan niya si Lindsey na ibaba ang dalawang tuta. Umupo si Avery para lalo niyang makita ang mga tuta. Kinuha niya ang tuta na may nakadikit na picture ni Elisa tiyaka niya ito nginitian na para bang siya ang magiging amo nito pero ang totoo siya ang tatapos sa buhay nito. “Awww,” Sambit ni Avery nang dilaan siya ng tuta. Pero bago pa siya muling dilaan ng tuta ay mabilis niyang sinaksak iyon na may galit sa kanyang mga mata. Napapikit si Lindsey nang sumirit ang dugo ng kawawang tuta, may dugo pa na napunta sa kanyang mga paa pero nang mapatingin siya kay Avery ay halos mapuno ang kanyang suot ng dugo, hindi lang masyadong halata dahil kulay itim ang kanyang suot. “You fcking deserve it bitch.” Mariin na sambit pa niya sa kawawang tuta habang nakatingin ito sa litrato na dinikit niya. Muli niyang pinagsasaksak ang kawawang tuta habang iniisip na si Elisa ang kanyang pinapatay dahil sa inis nito. Nang mapagod siya ay kaagad niyang kinuhanan ng litrato at ginandahan pa niya talaga ang anggulo kung saan kitang-kita ang litrato ni Elisa. Ngumisi siya pagkatapos tiyaka siya tumingin kay Lindsey, hindi maiwasan na mapalundang sa gulat ni Lindsey nang magtama ang tingin nila ni Avery. “You should take care of that puppy.” Nginuso niya ang isang tuta bago siya muling ngumisi kay Lindsey. “When the time comes, I’m gonna kill Oliver, I will also kill that dog.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD