CHAPTER 45

1043 Words
CHAPTER 45 Nagulat si Marina dahil sa biglaang pagpayag ng kanyang kaibigan. Hindi niya lubos akalain na papayag si Elisa sa kanyang gusto. Ang akala niya ay mahihirapan muna siya ng husto para mapapayag ang kanyang kaibigan pero nagkamali siya. Hindi man lang siya nahirapan na yayain ang kanyang kaibigan sa lugar na hindi niya pinupuntahan at ayaw niyang puntahan. “Wow! Pumayag ka!” bilib na sabi pa niya sa kanyang kaibigan kaya napailing na lang si Elisa tiyaka niya na sinara ang kanyang bag dahil nalagay na niya lahat ng gamit niya doon pero si Marina ay na-stock pa sa kanyang kamay ang kanyang pen capsule dahil gulat na gulat siya sa biglaang pagpayag ni Elisa. “Bakit?” Natatawang tanong ni Elisa sa kaibigan dahil sa reaksyon ni Marina na daig pa nito ang nakakita ng multo. “Ayaw mo ba?” pang-aasar ni Elisa. Kaagad na umiling si Marina dahil don. “No!” agap niya dahil baka mag-iba pa ang isip ng kanyang kaibigan. “Wala akong kasamang pupunta don!” Sambit pa niya. “Gusto ko lang na maranasan ang ginagawa ng mga college student, you know? Inom pagkatapos ng exam.” Iyon ang punto ni Marina dahil gusto niyang maranasan ang lahat ng ginagawa ng mga normal na estudyante. Hindi naman siguro siya mapapahamak dahil kasama naman niya ang kanyang kaibigan at tiwala siya na hindi iinom si Elisa kaya kung sakali man na malasing siya ay matatawagan kaagad ni Elisa ang kanyang pinsan para sunduin sila. “Basta huwag mong damihan masyado ang iinumin mo ha? Baka hindi ko alam kung anong gagawin ko sa'yo.” habilin ni Elisa sa kanyang kaibigan pagkatapos ay tumayo na siya. Mabilis na nilagay ni Marina ang kanyang pen capsule sa kanyang bag tiyaka na rin ito tumayo. “Sa inyo na tayo magbihis!” suggestion ni Marina tiyaka niya kinalingkis ang kanyang braso sa kanyang kaibigan at naglakad na sila papunta sa lobby ng kanilang paaralan kung saan naghihintay na panigurado don ang kanyang pinsan. “Tiyaka huwag mong sasabihin kay Oliver na pupunta tayong club!” agap ni Marina dahil kilala niya ang kanyang kaibigan. Lahat ay sinasabi nito sa kanyang pinsan. At alam naman niyang hindi sila papayagan ni Oliver kaya baka magbago pa ng tuluyan ang isip ni Elisa. Tumango si Elisa sa sinabi ng kanyang kaibigan. Alam niya na kapag hindi pumayag si Oliver ay baka mabawi niya kung ano man ang sinabi niya sa kanyang kaibigan na si Marina kanina. Naintindihan niya rin kung bakit sa bahay nila magbibihis si Marina dahil alam niyang hindi siya pinapapayagan ng kanyang kapatid at ama nito sa nga ganoong lakad kahit na suki ang kuya niya sa mga ganoong lugar. “Sabihin mo muna ulit na mag-club tayo!” pamimilit ni Marina habang naglalakad sila sa hallway kaya bahagyang natawa si Elisa. Mukhang hindi pa rin kasi makapaniwala si Marina na pumayag siya dito. Kahit siya naman, hindi niya inaasahan na papayag siya sa gusto ni Marina. Hindi niya alam pero sa lumipas na isang sem ay hindi lang sa school works siya napagos kung hindi sa kakaisip ng mga what ifs at kung anong pwedeng mangyari sa relasyon nila ni Oliver. Hindi na nga siya makatulog sa gabi minsan kakaisip sa nararamdaman ng kanyang kasintahan kaya minsan ay nagbabasa na lang siya ng mga libro para may magawa naman siya at madistract ang isipan niya. Parang gusto niyang uminom ng alak dahil baka maging dahilan iyon ng distraction niya sa lahat ng iniisip niya. Deserve naman niya sigurong maging masaya kahit na papaano. Nang makarating na sa parking lot sina Avery at kaagad nang tinawagan ni Lindsey ang kanyang ama para masundo na sila. Pinagmasdan muli ni Avery ang kanyang kuko para hindi siya mainip ang kaso nga lang ay nainip na siya kaya kinuha niya ang kanyang cellphone para mag scroll. Umikot ang mata niya dahil wala mang kumuha ng atensyon niya sa lahat ng nakikita niya sa feed niya kaya in-scroll niya ito. Kumunot lang ang kanyang noo nang may nakita siyang pamilyar na litrato ng dalawang magkaibigan. Lumabas lang kasi ito dahil may nag heart sa fina-follow niya. m.lopez: guess who'll be a rebel college student later ;) Natawa siya tiyaka umikot ang kanyang mata dahil ang childish ng caption ni Marina. Rebel? Ano bang gagawin nila? Iinom? Like, typical college student s**t after an exam? Napailing si Avery dahil sa katangahan ni Marina. Kung gusto niya mag-rebelde, mag drugs siya. Pero dahil sa tweet ni Marina ay nakaisip siya ng magandang ideya. In-stalk niya ang twitter ni Marina at wala siyang nakitang naka-follow na Oliver and knowing Oliver being an old fashion, alam niyang hindi niya papayagan ang pinsan at kasintahan nito na uminom o kung ano man pagrerebelde ang nasa isip ni Marina. “Lindsey,” pagtawag nito sa kaibigan na may ngiti. Napatingin sa kaya si Lindsey tiyaka niya binaba ang kanyang cellphone para makausap niya ang kanyang kaibigan. Ayaw kasi ni Avery na kapag kinakausap niya siya ay nagce-cellphone siya o 'di kaya naman ay may ibang ginagawa. “Ba-bakit?” nagtatakang tanong ni Lindsey. Sino ba namang hindi magtataka kung kaninang pababa sila dito ay mukha siyang papatay ng tao na nakabusangot pero ngayon ay mukha siyang papatay ng tao na nakangiti kaya hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa dahil nakangiti ang kanyang kaibigan o kabahan dahil ramdam niyang may binabalak ang ngisi na iyon. “I have to do something,” hindi nakapagsalita agad si Lindsey dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin ni Avery. Wala naman siyang ibang sinabi noon na may lakad ito ngayon. “Ha?” nagtatakang tanong ni Lindsey. “May pupuntahan lang ako,” pagpapaliwanag ni Avery sa tagalog dahil baka hindi maintindihan ni Lindsey kapag in-english niya pa ito. Hindi pa nakaka-react si Lindsey ay kaagad nang naglakad si Avery palabas ng parking lot para makasakay na ng taxi. “Saan ka pupunta?!” nag-aalalang sigaw ni Lindsey. Susunod na sana siya pero kahit na nakatalikod na paalis sa kanya si Avery ay sinenyasan siya ni Avery gamit ang kamay nito na huwag sumunod sa kanya. “I'll make some fun,” sagot ni Avery habang nakangisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD