CHAPTER 44 (Part 2)

1079 Words
CHAPTER 44 (Part 2) “Avery!” sinundan siya ng kanyang manager habang mabilis na naglalakad si Avery. Bakas sa mukha niya na wala na ito sa mood kaya hindi na siya kinausap ni Lindsey sa halip ay sumusunod lang ang dalaga sa kanyang kaibigan na tahimik dahil takot siya na mabuntong sa kanya ang inis ni Avery.  Hindi pinansin ni Avery ang panghahabol sa kanya ng kanyang manager. Halos mapapikit si Lindsey dahil nasa ground floor pa lang ang elevator at pataas pa ito. Alam niyang ayaw makipag-usap ni Avery ngayon sa kahit kaninong tao pero base sa itsura ng kanyang manager ay desidido itong kausapin ang kanyang alaga dahil sa hindi magandang trato niya kanina sa CEO.  “Sir,” Lindsey immediately blocked Avery’s manager. Kaagad na niya itong sinalubong bago pa siya makalapit kay Avery na ngayon ay nakahalukipkip habang masama ang tingin sa elevator na akala mo ay may ginawang masama sa kanya ito.  “Avery, I’m talking to you,” pilit na lumalapit ang kanyang manager ang kaso nga lang ay pilit din siyang hinaharang ni Lindsey dahil kapag ganito na ang mukha ni Avery ay huwag mo na dapat siyang kausapin kung hindi ay iiyak ka lang sa kanya. Madalas na mawala sa mood si Avery kahit na wala man siyang dahilan, basta kapag naisipan niyang mawala sa mood ay wala na siya sa mood.  “Sir, we can talk about it naman po,” pakisaup ni Lindsey, pagod na siya sa kanilang finals pagkatapos ay may meeting pa sila ngayon kaya kailangan niya ng pahinga at kapag nawala pa lalo sa mood si Avery ay panigurado siyang hindi niya malalasap ang pahinga na gusto niya. “I can relay it to Avery later,” dagdag na pakiusap pa ni Lindsey. Pwede naman niya kasing sabihin iyon kapag good mood na ang kanyang kaibigan.  “No, I need to talk to her right now!” desidido rin ang kanyang manager na makausap siya dahil hindi na niya nagugustuhan kung ano man ang ugali na pinapakita ni Avery lalo na kanina dahil CEO ng kumpanya ang kanilang kausap at hindi lang kung sinong tao na nagtatrabaho sa kumpanya. Alam niyang siya ang pag-iinitan ng CEO pati na rin ang editor nito kaya kailangan niyang kausapin ngayon ang alaga niya para naman sulit kahit papaano ang sermon mamaya ng CEO sa kanya.  “She’s not in the mood,” simpleng sambit ni Lindsey, umaasa siya na maintindihan iyon ng kanyang manager dahil lahat naman tayo ay dumadaan sa phase na wala tay sa mood at ayaw natin ng kausap.  “Well, she should be in the mood since she’s working with us,” sagot naman ng kanyang manager. Hindi nakasagot si Lindsey dahil sa dahan-dahan na pagharap ni Avery. Alam niyang makulit ang kanyang manager at susundan at susundan pa rin siya hanggang sa parking lot at ayaw niya non dahil makakagawa sila ng eksena lalo na’t nandito lang sa paligid ang kanyang mga admin. “Filed a case against me now,” hamon ni Avery sa kanya na siyang nagpalaglag ng panga nina Lindsey at ang kanyang manager. “Breach of contract?” pagtatanong pa ni Avery. “I can pay the damages and I’ll see you in court,” sambit niya bago niya narinig ang tunog ng elevator kaya kaagad na siyang pumasok don.  Walang sabi-sabi niyang pinindot ang ground floor, hindi alam ni Lindsey kung kakausapin ba niya ang manager ng kanyang kaibigan o papasok na siya sa elevator pero nang makita niyang pinindor ni Avery ang close door ay aligaga siyang pumasok sa loob dahil mukhang iiwan pa siya nito.  Gulat pa rin ang kanyang manager na halos hindi makapaniwala sa ginawa ng kanyang alaga ngayon. Tinanggap niya ang pambabastos niya noon sa kanya dahil wala siyang ibang talent o artist na hawak na mataas ang kinikita, kay Avery niya lang mararanasan iyon. Kay Avery lang guminhawa ang kanyang buhay.  Napahilot siya sa kanyang sentido tiyaka siya bumuntong hininga dahil sa stress. Hindi naman niya tatanggapin ang hamon ni Avery dahil kahit na magbayad siya ng mga damages ay malaki ang mawawala sa kanya. Napailing na lang siya dahil mukhang wala na siyang makitang way na magpapabago sa kanyang alaga kaya labag sa loob na lang niyang tinanggap iyon.  “Let’s go to the club?” pag-aya ni Marina sa kanyang kaibigan dahil tapos na ang kanilang finals. Kinukuha na nila ang kanilang mga gamit sa lamesa tiyaka nila ito nilalagay sa kanilang bag nang tinanong iyon ni Marina.  Ngumuso si Elisa dahil hindi naman siya sanay sa mga ganoong lugar pero hindi niya rin naman pwedeng pabayaan ang kanyang kaibigan lalo na’t alam na niya kung ano ang nangyari noong nag club na mag-isa ang kanyang kaibigan. She was sexually harassed by someone! I mean, yeah, a club is not a prayer room but it’s not a place that would excuse a harasser!  “Sige na! Madalang lang naman ito!” pagyaya pa ni Marina tiyaka niya niyugyog ang braso ng kanyang kaibigan. Alam niyang hindi siya matitiis ni Elisa at konting pagpapacute niya lang ay sasama na rin ang kanyang kaibigan. “Isama natin ang jowa mo?” suhestiyon ni Marina dahil iyon na lang ang naiisip niyang paraan para pumayag si Elisa.  “Pagod siya, kakatapos lang ng finals,” sambit ni Elisa dahil sa buong linggo ay hindi man lang siya minessage ng kanyang boyfriend kung hindi siya ang unang magmemessage para kumustahin ito. “Tiyaka hindi naman din siya mahilig sa ganyan, mas pipiliin niya pang matulog na lang sa bahay keysa sumama sa mga ganyang lugar. Kilala mo naman ang pinsan mo!” natatawang sambit ni Elisa na para bang kakilalang-kakilala niya si Oliver.  “Sabagay…” bilang natauhan si Marina dahil alam niyang may punto rin naman si Elisa. Hindi papayag si Oliver tiyaka baka isumbong pa niya ito sa kanyang ama. Wala tuloy siyang magawa kung hindi iligpit ng malumanay ang kanyang mga gamit. Ang akala pa naman niya ay makaka-chill siya habang umiinom pero mukhang hindi pala.  “Gusto mo ba?” pagtatanong ni Elisa sa kaibigan dahil ayaw niyang mawala ang ngiti ng kaibigan niya. Mukha siyang lantang gulay na naglilipgpit ng kanyang mga gamit kaya nakonsensya ng bahagya si Elisa. Pasimple naman sumilay ang ngiti ni Marina dahil alam niyang papayag na ang kanyang kaibigan.  “Oo naman,” wika ni Marina ng walang pag-alinlangan.  “Let’s go then.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD