CHAPTER 44
“Lindsey?” pagtawag ni Avery sa kanyang kaibigan. Papunta na kasi sila ngayon sa publishing company niya dahil aasikasuhin na nilaang tungkol sa book signing.
“Avery,” alertong sagot ni Lindsey habang naglalakad sila sa loob ng kumpanya. Tapos na ang kanilang final exam kaya naman inaasikaso na niya ang book signing niya. Dalawang taon din simula noong last niyang book signing kaya nakakasigurado siyang marami ang pipila sa kanya.
“Chat all my admins so they could attend the meeting,” utos nito sa kanyang kaibigan habang taas noo siyang naglalakad. Halos pagtinginan na nga siya ng mganagtatrabaho sa kumpanya dahil sa ingay ng heels na suot-suot niya at syempre ang kanyang itim na outfit na napapasinghap ang lahat.
Nagpresinta kasi ang mga admin niya na maging marshall para sa kaayusan ng kanyang event. Noong una, syempre ay nagkunwari pa siya na ayaw niya dahil nag-aalala siya sa kanyang mga admin pero eventually ay pasimple niyang inikot ang kanyang mga mata bago siya pumayag at kunwari ay natouch siya sa kanyang mga fans.
“They'll be here within fifteen minutes,” sambit ni Lindsey kaya tumango siya bago sila pumasok sa meeting room para mapag-usapan ang kaayusan sa event na gagawin.
Kaagad siyang binati ng kanyang editor, hahalik pa sana ito sa kanyang pisngi ang kaso nga lang ay hindi siya pinansin ni Avery tiyaka na siya maupo. Gusto na niyang matapos ang meeting na ito dahil nabobored na siya. Tiningnan na lang niya ang kanyang mga daliri na bagong manicure at kulay pula ang napili niya dahil matagal-tatagal na rin siyang hindi nakakakita ng dugo.
Tumikhim ang kanyang editor tiyaka sila nagtinginan ng kanyang manager. Ramdam ni Avery 'yon kahit na hindi na niya tingnan ang dalawa. Minsan nga ay naririnig pa niyang binabackstab siya ng mga ito pero hindi na lang niya pinapatulan dahil kapag siya ang nagalit ay kawawa sila at mawawalan pa ng hanap-buhay.
Nahihiyang nanghingi ng pasensya si Lindsey sa ginawa ng kanyang kaibigan tiyaka siya naupi sa tabi nito. Umayos ang lahat nang nasa kwarto tiyaka na nila sinumulan kung ano man ang mangyayari sa araw ng event.
Bored na bored si Avery dahil pwede naman nilang pag-usapan through email ay nagpatawag pa sila ng meeting. Pero alam naman niya na gagamitin lang naman siya ng publishing company, ipopost nila ang picture niya ngayon at boom na kaagad ang likes, comments, at shares ng kanilang f*******: page.
“We expect you to be the best version of yourself, Avery.” natigil siya sa pagtingin ng kanyang bagong manicure na kuko dahil sa sinabi ng CEO ng kumpanya. Tinaasan niya ito ng kilay, kahit na CEO pa ito ay hindi siya natatakot.
Sa katunayan alam naman niyang sila ang dapat matakot kapag umalis na siya sa kumpanya nila. Alam niyang siya ang dahilan kung bakit mataas palagi ang sales ng kanilang kumpanya. Alam niyang mga libro niya ang nagiging paa ng kanilang kumpanya. Kaya naman hindi siya natatakot na pagtaasan ng kilay o 'di kaya ay sagut-sagutin dahil alam niyang may utang na loob ito sa kanya.
“What do you mean the best version of myself?” pagtataray ni Avery dahil tila hindi niya nagustuhan kung ano man ang sinabi ng CEO. Biglang napaayos ng upo si Tobias dahil hindi niya inaasahan na ganto pala talaga ang ugali ng batang ito.
Nameet na niya ng ilang beses dahil sa signing of contract pero ngayon niya lang nakasama sa isang meeting. Mabuti na lang talaga at hindi alam ng kanyang mga fans ang ugali niya dahil kung hindi ay wala ng susuporta sa bulok niyang ugali. Aaminin ni Tobias na asset nga ang malditang babae sa harap niya sa kanilang kumpanya.
“You might want to respect me, iha. I'm still the CEO and the owner of this publishing company,” hindi maiwasan ang inis sa boses ni Tobias dahil para bang nainsulto siya ni Avery.
“So what?” halos atakihin sa puso si Tobias dahil sa pabalang na pagsagot ni Avery sa kanya. Palagi siyang nirerespeto ng mga tao sa kumpanya kaya naman ngayon lang siya nainsulto sa buong buhay niya.
Kinuha ni Avery ang kanyang bubble gum sa bag, binuksan niya ito pagkatapos ay kinain na niya. Ngumunguya siya na para bang walang pakialam sa kanyang paligid at nakatitig lang siya sa malaking salamin kung saan natatanaw njya ang siyudad.
“Ah,” naiilang na tumawa ang manager ni Avery pagkatapos ay ag editor nito pero hindi niya ito pinansin. “Aver would be like that, sir.” Nahihiyang sabi pa ng kanyang manager.
“I can see that too! What a good writer, right?” pagtatanong naman ng kanyang editor. Kinakabahan na tumingin ang editor niya kay Tobias na may matalim ang tingin kaya mahihiya ulit siyang ngumiti.
“Fix that attitude of yours, miss Avery.” may diin na sambit ni Tobias na siyang ikinainis ni Avery.
“Why don't you fix your face first?” nalaglag ang baba ng lahat ng nasa meeting room dahil sa sinabi niya. “If I fix your face maybe, I'll change my attitude.” pinalobo pa ni Avery ang kanyang bubble gum na siyang nagpaigting sa panga ni Tobias.
“Avery!” halos sabay pa ang kanyang manager at ang kanyang editor sa pagtawag ng kanyang pangalan. Tahimik naman ang ibang tao na kasama nila sa meeting, pinaputok ni Avery ang bubble gum na pinalobo niya kanina tiyaka niya mayabang na tiningnan ang kanyang manager at editor.
“Why? Are you firing me?” tamad niya pang tiningnan ang si Tobias na halos pumutok na ang kanyang ugat sa sobrang galit.
Huminga ng malalim si Tobias dahil alam niyang hindi niya kayang gawin iyon kay Avery. Gaya ng sabi niya kanina ay asset siya kanilang kumpanya.
Pinili na lang niyang huminga ng malalim keysa makipagtalo pa kay Avery. Baka kapag nangyari iyon ay tuluyan nang mawala ang dalaga sa kanilang kumpanya at malaki ang maibaba ng sales nila.
“You can't, right?” natatawang tanong ni Avery dahil natahimik ang lahat ng nasa table.
“Because I am your biggest asset, loser!” sambit niya pagkatapos ay kinuha na niya ang kanyang bag at tumayo.
“This is such a boring meeting, good bye and you don't need to worry, I'll show up at my book signing.”