CHAPTER 43

2469 Words
CHAPTER 43 “Kuya?” nakangiting sumuwang si Lianna sa kwarto ng kanyang kuya habang seryosong nagbabasa ng libro si Oliver sa maliit niyang study area para sa exam nila kinabukasan. Final weeks kasi nila ngayon ay kailangan niyang mataas ang kanyang grades para hindi siya maalis sa scholarship. Hindi naman nila kayang bayaran ang ganoong kalaking halagang tuition fee dahil alam niya na hindi tatanggap ang kanyang ina ng kahit ano mang pera galing sa kanyang pamilya. Matagal nang pinatawad ng kanyang ina ang kanyang pamilya dahil sa masasakit na salitang binato ng mga ito sa kanilang ama. Ang kaso nga lang ay ayaw ng maulit ni Oliver kung ano man ang nangyari noon. Bata pa lamang siya ay nasaksihan na niyang nagmakaawa ang kanyang ina sa kanyang pamilya dahil na-dengue si Lianna at malaking halaga ang kailangan na bayaran sa hospital. Hawak-hawak pa ng kanyang ina ang kamay ni Oliver habang papasok sila sa subdivision kung saan nakatira ang kanyang lolo at lola. Lumiliga-linga pa ang batang si Oliver dahil hindi niya maiwasan na mamangha sa naglalakihang bahay. Magkakasunod ang mga ito pero kita niya pa rin ang malawak na espasyo. Hindi katulad sa barangay na tinitirhan nila kung saan dikit-dikit ang mga bahay na konting ingay lang ay maririnig na ng kanilang kapit-bahay. Sa bawat bahay na dinadaanan nila ng kanyang ina ay palagi siyang may nakikita isa o dalawa o kaya ay higit pang mga sasakyan sa garahe. Nang huminto ang kanyang ina ay napahinto na rin siya sa paglalakad. Inosente niyang tiningnan ang kulay itim na gate sa kabahayan. Malawak, malaki, at maganda ang bahay. Pinaghalong kulay itim at puti ang pintura nito. Ang kaunting bahagi ng pader ay salamin kaya nakikita ang nasa loob nito. Nakatali ang mga kurtina kaya kita ang kalooban ng bahay, kahit na medyo malayo pa ang bahay sa gate ay nakita na ni Oliver ang chandelier sa kabahayan. Hindi niya na narinig ang pag-uusap ng kanyang ina at guard dahil labis siyang namamangha sa kanyang paligid. Hindi niya maiwasan na itanong sa kanyang sarili kung bakit hindi sila nakatira sa ganitong klaseng bahay kung ang kanyang lolo at lola ay nakatira dito? Kasama pa ang mga kapatid ng kanyang ina. Bakit parang nahiwalay ang kanyang ina sa kanila? “Oliver, dito ka lang ha?” pagpapaalala ng kanyang ina sa kanya nang malapit na sila sa pintuan. Nagulat siya dahil ang buong akala niya ay makakapasok na siya sa magarang bahay pero nagkamali pala siya. “Opo,” imbis na magreklamo ay sumagot siya ng buong galang at sundin kung ano man ang gusto ng kanyang ina. Mangiyak-ngiyan pa ang kanyang ina habang papasok siya sa loob. Naintindihan naman niya iyon dahil halos isang linggo na rin simula noong sinugod sa hospital ang nakakabata niyang kapatid. Apat na taong gulang palang ang kanyang kapatid pero ang dami ng gamot ang nilalagay sa kanyang katawan. Ngayon ay unti-unti niyang naintindihan kung bakit sila nandito. Narinig niya kasi ang pag-uusap ng kanyang ina at ang doctor na malaking halaga ang kailangan nila. Mulat naman siya na sakto lang ang perang kinikita ng kanyang mga magulang at kung minsan ay nagkukulangan pa sila. Ang kinamamanghaan niya sa kanyang mga magulang ay hindi man sila nag-away sa pera kahit na minsan sa isang buwan ay hindi nagkakasya sa kanilang gastusin sa bahay. Iyong mmag-asawa kasi nilang kapit-bahay ay araw-araw na nag-aaway dahil lang sa pera. Doon kinamunghian ni Oliver ang pera, alam niyang kailangan nila ito at kailangan niya ito para mabuhay pero hindi niya lang maatim na ang dalawang taong nagmamahaln ay nag-aaway nang dahil lang sa pera. Kaya mula noon ay pinangako niya sa sarili niya na bibigyan niya ng magandang buhay ang kanyang mga magulang dahil baka magaya ito sa kanilang mga kapit-bahay na ginawang hobby ang pag-aaway. Nakarinig siya ng tawa mula sa loob ng bahay kaya mula sa pagmamasid sa paligid ay napatingin siya sa loob. Lumapit siya sa isang bintana para makita at marinig niya ng maayos kung ano man ang pinag-uusapan sa loob. “Ang akala ko ba ay hindi mo kakailanganin ang pera namin?” pagtatanong ng isang matandang lalaki at dahil nakita na ni Oliver iyon sa nakatagong picture ng kanyang ina ay alam niyang lolo niya iyon. Nawalan ng emosyon ang kanyang mata nang makita niyang umiiyak na ang kanyang ina. Hindi niya kayang makita na nasa ganoong kalagayan ang babaeng nagluwal sa kanya. “Na-nasa hospital lang si Lianna, dad. W-we don’t have enough money to pay for her bills,” dining niya ang panginginig ng boses ng kanyang ina at base sa pag-uutal nito ay nahihirapan siyang magsalita. Kumuyom ang kamao ng maliit na si Oliver dahil hindi na siya natutuwa sa nakikita at naririnig niya. “Where is your mighty husband?” pang-aasar ng matanda. Hindi alam ni Oliver kung bakit ganito na lang umasta ang kanyang lolo dahil kahit kailanman ay hindi ganito umasta ang kanilang ama kaya bakit kaya niyang pagsalitaan ng ganito ang kanyang anak? Tanging hikbi lang ang sinagot ng kanyang ina na tila hindi niya alam kung ano man ang isasagot niya at tanging iyak lang ang kaya niyang sabihin sa ngayon. “You left us with that unworthy man, right?” pagpapaalala ng kanyang lolo sa kanyang ina. Hindi mapigilan na tumulo ang luha ni Oliver kaya kaagad niya itong pinunasan dahil nasasaktan siyang makita na nasa ganoong kalagayan ang kanyang ina at nasasaktan siya dahil sa sinabi ng kanyang lolo sa kanyang ama. Alam niyang hindi mayaman ang kanyang ama pero nakukuha niya pa rin namang punan ang responsibilidad niya sa pamilya na halos wala na siyang tulog dahil sa kanyang trabaho. Na minsan ay marami pang trabaho ang tinatanggap niya lalo na kapag malapit na ang okasyon sa bahay nila. “Look at you now,” tiningnan ng kanyang lolo ang kanyang ina mula ulo hanggang paa na para bang dismayadong-dismayado na makitang nasa ganon itong kalagayan. “You look like a beggar asking for money!” dahil sa sigaw nito ay may isang lalaki, siya ang bunsong kapatid ng kanyang ina para awatin ang kanilang ama. “I raised and treated you like a princess! You are our second child. You’re our only daughter. Even a mosquito cannot touch your skin, we gave you all your whims and whatever you wanted. Wala naman kaming pagkukulang sayo!” napakagat si Oliver sa kanyang labi dahil hindi niya lubos maisip kung ano man ang nararamdaman ng kanyang ina at para sa kanyang ama kung sakali man na marinig niya ang sinasabi ng kanyang lolo. Tumingin si Oliver sa kanyang ina na ngayon ay nakayuko pero base sa paggalaw ng kanyang balikat ay umiiyak ito. Hindi niya matingnan ng deretso sa mata ang kanyang lolo. Alam ni Oliver na tatanggapin ng kanyang ina kung ano man ang sasabihin ng kanyang lolo dahil wala siyang ibang choice kung hindi lunukin ang mga salitang iyon para sa kanyang nakakabatang kapatid na nag-aagaw buhay sa loob ng hospital na ngayon ay binabantayan ng kanyang ama at hindi nakapasok sa kanyang trabaho. “Look at you now, from designer clothes to a dress that looks like a rug. Begging for money? When you didn’t even beg for money! You never had a problem with money not until that bastard ruined your life!” “Can’t you see yourself in the mirror? You’re so low. I couldn’t even recognize you as my daughter. Are you still eating? I guess he can’t even pay your bills on her own and you need to work to help him!” “Aren’t you regretting now that you married that kind of man?” biglang natigilan si Oliver dahil sa tanong ng kanyang lolo. “Look, you can’t even provide for your child’s hospital bills. For them to have a quality education, to have nice clothes, to get the things they wanted for short, you can’t even provide them a better life!” “I am a father and I know how it feels to give nothing to your children especially when they see their friends to have something they couldn’t have. You know why? It is because of you. Because you choose the wrong man to be their father. I pity my grandchild that you’re both their parents. They can’t even live the expensive life they deserve.” “If only you listen to me, you’re not begging for any amount of money! You have your own money! If you only marry the man I wanted for you then you’re not here, you might living the best life that every women dream of,” “Who are these women who dream of getting married to someone they don’t love?” pumikit si Oliver nang sumagot ang kanyang ina pero hindi na niya kaya pang pakinggan ang pagtatalo nila dahil siya ang nasasaktan para sa kanyang ama. At kinakabahan din siya na ang susunod na isasagot ng kanyang ina ay nagsisi itong pakasalan ang kanyang ama. Dahan-dahan siyang naglakad paalis sa magandang bahay at dahil may kausap sa telepono ang guard at maliit pa lamang siya ay hindi niya ito nakita. Isa lang ang napagtanto ni Oliver sa segundong iyon na ‘di bale ng sa maliit lang sila na bahay nakatira ang mahalaga ay sama-sama silang isang pamilya at hindi nag-aaway. Hindi nagkakasagutan at higit sa lahat ay hindi nagsusumbatan. Ang isang responsibilidad ay hindi dapat sinusumbat. Malungkot siyang naglalakad sa subdivision. Hindi niya alam kung saan siya ipupunta ng kanyang mga paa. Dahil bata pa siya ay patuloy lang siyang naglalakad hanggang sa makita na niya ang dead end o ang dulo pero bago siya makapagpatuloy ay bigla siyang napahinto dahil may nakita siyang isang batang babae. Tiningnan niyang mabuti ang bata. Sa kutis pa lang nito ay alam na kaagad na anak mayaman siya dahil napakakinis. Mukhang hindi man lang siya nadapuan ng lamok, mukhang mahihiya pa nga ang lamok na dumapo sa kanya dahil mukhang malambot ang kanyang balat. Hindi niya makitang maayos ang mukha nito dahil natatakpan ito ng kanyang buhk habang hinahaplos niya ang isang tuta sa kanyang paanan. Hindi namalayan ni Oliver na napangiti na pala siya habang pinagmamasdan niya ang bata, parang nawala ang bigat ng nararamdaman niya kanina sa pagtatalo ng kanyang lolo at ang ina dahil sa batang babae na hindi niya kilala. Dahil malikot ang ulo ng batang babae ay unti-unti niyang nasilayan ang mukha nito. Isa lang ang masasabi niya, maganda. Wala na siyang ibang alam na pang-uri na sasabihin sa kanya kung hindi ang isang salitang iyon. Lalapitan na niya sana ang babae para kausapin niya ito dahil mukha siyang mag-isa, kahit pala may mga guard sa subdivision para sa security at magaganda ang bahay ay ang lungkot manirahan dahil wala ka man lang makakalaro o makakausap na ibang bata. Nang papalapit na siya sa batang babae ay huminto muna siya dahil bigla siyang kinabahan. Paano kung matakot bigla sa kanya ang babae? Pero pinilig niya ang kanyang ulo dahil gusto lang naman niyang makipag-kaibigan. Pero bago pa niya muling maihakbang ang kanyang paa ay para bang napako na sa semento iyon dahil sa gulat. Biglang sumirit ang dugo ng tuta sa kanyang paanan kasabay ng paimpit na sigaw ng tuta bago siya mawalan ng buhay. Umawang ang labi ni Oliver dahil sa kanyang nakita, alam niyang magkasing-edad lang sila ng babae kaya paano niya nagawa iyon? Hindi niya mapigilan na manginig ang kanyang labi dahil sa kanyang nasaksihan kaya imbis na ihakbang niya papunta sa babae ang kanyang mga paa ay inihakbang niya ito paatras dahil sa takot. Alam ng batang babae na palapit sa kanya ang batang lalaki na kanina pa siya pinagmamasdan. Kaya imbis na magsayang pa siya ng oras ay dagli-dali na niyang pinatay ang kawawang hayop para makauwi na rin siya dahil baka mag-alala pa ang kanyang mga kasama sa bahay. Ngumisi siya nang marinig niya ang impit na sigaw ng tuta bago ito mawalan ng malay. Kaagad niyang inangat ang kanyang tingin para tingnan ang itsura ng batang lalaking sinubukan siyang lapitan kanina at ngayon ay mukha itong takot na takot. Napatawa siya dahil sa reaksyon ng isnag lalaki. Sabi nila ang mga lalaki raw ay matatapang pero mukhang wala naman iyon sa sexualidad ng isang tao dahil halatang takot na takot ang batang lalaki sa kanyang harapan. Base sa panginginig ng kanyang labi ay mukha na siyang maiihi sa kanyang short. Muli siyang natawa dahil iniisip niyang maihi ang lalaki kaya mabilis niyang pinasadahan ang short nito at nang makita niyang hindi siya naihi ay nadismaya siya pero nang bumalik ang kanyang tingin sa kanyang mukha ay muling bumalik ang ngisi. Gusto pa nga niyang humalakhak dahil sa itsura ng lalaki. “Gusto mo ba siyang hawakan?” pagtatanong pa ng batang babae tiyaka niya marahan na tinaas ang duguang tuta sa dalawa niyang kamay at handa na sana itong ibigay kay Oliver ang kaso nga lang ay para bang napako si Oliver sa kanyang kinatatayuan na kahit anong gawin niyang pagdidikta sa kanyang katawan ay hindi niya magawa. Hindi mapigilan ng batang babae ang kanyang tawa dahil sa reaksyon ng lalaki na daig pa ngayon ang estatwa dahil hindi ito makagalaw man lang. Tulala. Takot. Pangamba. Weirdo. Walang-awa. Iyan ang mga salitang naglalaro sa isipan ni Oliver pero kahit na may naiisip siya ay wala siyang lakas ng loob na kumilos. Mula sa ngisi ng batang babae ay tumaas ang tingin ni Oliver sa mga mata nito. Kumunot ang kanyang noo dahil naramdaman niya ang lamig ng kanyang mga mata na para bang may tinatago siya o may ayaw siyang ipakira sa mga tao. “Kuya?” biglang natauhan si Oliver dahil sa muling pagtawag ng kanyang kapatid na si Lianna. Bindi niya alam kung bakit naalala niya ang eksenang iyon noong bata siya gayong gusto na niya itong kalimutan dahil hindi niya nakakalimutan ang sinabi ng kanyang lolo sa kanyang ina. Hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang loob ni Oliver dahil don na para bang makapagsalita ang kanyang lolo ay anak ng lalaki ang kanyang mga apo. Pero ano pa nga bang magagawa niya? Kung hindi ang mag-aral ng mabuti para hindi na muli pang mangyari iyon. “Lianna, patapusin mo muna ang exam namin,” mahinahon na sagot ni Oliver sa kanyang kapatid. Napanguso si Lianna dahil sa sinabi ng kanyang kuya. “Kuya naman! Make sure lang, baka hindi ka pumayag?” may halong lungkot ang pagtatanong ng nakakabata niyang kaya napabuntong-hininga na lamang siya at tumango. “Yey!” pumapalakpak na sambit ni Lianna. That smirk. Those eyes. Alam niya ay nakita na niya iyon at muli niya pang nakikita ngayon ang hindi niya lang matandaan kung ano. Sino sa mga kaibigan niya ang mayroong ganoon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD