Jaleel
*
*
Nakasandal ako sa gilid ng pinto sa cafeteria, Nakatitig ako kay Alazne tulad ng dati nagmamadali siya nakasuot siya ng sapatos ngayon pero magkaiba ang kulay ng medyas magulo ang buhok.
" I hate her! Napakaburara sa sarili Magulo ang buhok." inis na sambit ko
Bumili ulit sya ng kape at biscuits araw-araw ganito ang routine niya. Hindi niya nauubos ang kape at biscuits niya tatakbo papunta sa classroom, Nakikipag tarayan sa mga kaklase namin. Oo same school kami at same Classroom pero hindi niya ako napapansin sa loob ng classroom dahil pagpasok nya nakikipag away sya sa mga kaklase namin. At habang nagtuturo ang professor namin natutulog sya.
" Hindi na naman ako nakaubos ng kape. Mamatay ako nito sa gutom! Kaya mo yan Alazne napagdaanan din ni mama ang pinagdadaanan ko ngayon. Magiging okay din ang lahat. " Kausap niya sa kanyang sarili habang naglalakad palabas ng cafeteria nakasunod ako sakanya nakapamulsa ako
" Jael! May lakad ka mamaya? Samahan mo ako may gusto akong panoorin na bagong movie's." nakangiti na wika ni Zenni
" Sige! Hintayin mo ako mamaya." Nakangiti na tugon ko kamaway si Zenni naglakad na siya patungo sa kabilang building
Pagpasok ko sa classroom naupo ako sa likuran ni Alazne
" Grabe! Grabe! Ang aarti nyo? Pakialam nyo ba kung magkaiba ang kulay ng medyas ko, Palibhasa ang papangit nyo kahit na magsuot pa kayo ng ginto pangit parin kayo. Ako kahit na hindi manuklay maganda parin. " mataray na wika ni Alazne
" Ja---
" Stay away from me, If you don't want me to blow up your head." Walang emosyong Putol ko sa sasabihin ng classmates ko na babae Namutla ang babae nagmamadali na bumalik sa upuan
" Good morning class." Wika ni Sir Daniel
*
*
Alazne
*
*
" Another day! May two days ako na pahinga. Kilan kaya ako makakapag hangout with my friends?" Tanong ko sa sarili ko habang naglalakad palabas ng campus
" Ash! tara hangout tayo." Aya ni Zenni nakaakbay sakanya si Jaleel
" Sorry! may lakad ako ngayon eh. " Tugon ko
" Bakit ayaw mo makipag kaibigan saamin? Halata naman na iniiwasan mo kami. Hindi ka sumasama saamin sa tuwing gagala kami. " naiinis na wika ni Zenni
" Pasensya kana Zenni! Wala akong oras para makipag saya sainyo. Mahalaga saakin ang bawat minuto, Sige medyo malayo pa ang pupuntahan ko." mahinahon na wika ko
" Naiingit ako sakanila. Mayaman sila lahat ng kailangan nila nakukuha nila. Sa dami ng spoiled brats bakit ako ang makikita ng karamihan. Mayaman ako may sarili akong companies na pinamana saakin ni Daddy si kuya ang may hawak ng companies ko. Wala akong pakialam sa companya ang gusto ko magkaroon ng sariling kong pera. Gusto ko mapatunayan sa ibang tao na kaya kong mabuhay na wala ang tulong ng pamilya ko. Kakayanin ko ang lahat hinding-hindi ko ipapaalam sa lahat ng tao na naghihirap ako. "
" Gusto mo ihatid na kita?" Tanong sa likuran ko, Napalingon ako
" OMG! Devin Ibrahim." Gulat na tili ko
Binuka niya ang magkabilang braso tumakbo ako sabay yakap sa leeg ng binata, Niyakap niya ako habang tumatawa
" Ang Gaan mo!." Pabulong na wika ng binata naghiwalay kami sa pagkakayakap sa Isa't isa
" Oh gosh! Devin ang gwapo mo." Masaya na wika ko
" Hahaha! pasaway, Nagugutum na ako libre mo naman ako." Napapakamot sa ulo na tanong ng binata
Hinawakan ko ang kamay niya hawak kamay kaming naglakad palapit sa kotse ng binata nasipat ko matalim ang tingin saakin ni Jaleel
" Ano ang kailangan mo bakit ka nagpakita ka saakin? " tanong ko sa mahinang boses
" Client mo ako gago! Nude painting ang gusto ko, Dont worry babayaran kita alam ko kailangan mo ng pera, Isasabit ko sa kwarto ko ang painting's. Ang iba sa living room may bago kasi akong bahay. " Nakangiti na wika niya
Pinagbukas ako ng kotse nakangiti na pumasok ako.
" Alam mo bang nabinta ko ang painting's mo ng 10M. Hahaha pag mayaman talaga walang pakialam sa presyo. " natatawa na wika niya
" Ang Alin Be mine? " Gulat na tanong ko
May ginawa kasi akong realistic nude paintings ni Davin para bang laging nang-aakit sa tuwing nakatitig ka sa painting. 500k ang binayaran niya saakin tapos nabinta niya ng 10M.
" Ilang paintings ang gagawin ko? Anong size? 1M bawat painting." seryoso na wika ko
" Oh C'mon! Ang mahal naman? Tapos Ilang buwan natin gagawin. " Naiinis na tugon ng binata piningot ko ang tainga niya
" Half Million ang binayad mo saakin tatlong buwan ko ginawa ang nude painting mo tapos 10 M ang binta mo. Aba parang hindi tayo magkaibigan Davin umayos ka pasasabugin ko yan bungo mo." Galit na bulyaw ko
" Hahaha! I'm kidding 5M for two realistic painting's. May picture ako na ibibigay sayo, Kailangan mo matapos sa loob ng anim na buwan. Wala ka nang kawala na transfer ko na ang pera sa account mo. Pang reregalo ko kay daddy kailangan ko impress kay dad. " Seryoso niyang tugon
" Bakit kailangan mo mag pa-impress? Diba nag-iisang anak ka lang naman? Wala silang choice kundi ipamana sayo ang lahat ng ari-arian nila." Tugon ko
" Kaya mo bang alamin kung sino ang naglagay ng drugs sa inumim ko last week? Babayaran kita kailangan ko lang ng CCTV footage o kaya kahit anong katibayan na nilagyan ng drugs ang inumim ko. Inakala ng mga magulang ko na adik ako nawalan ako ng mana mapupunta sa pinsan ko." Seryoso niyang tanong
" Semple lang ang pinsan mo ang may kagagawan, Gusto mo patunay? Tara samahan mo muna ako magbihis at e-deliver ang painting ko. Pagtapos ihaharap natin sa mga magulang mo ang may kagagawan ng lahat. " Nakangiti na tugon ko
" Pagdating sa bahay nagmamadali na akong kumilos nagbihis ako ng above the knee black dress naglagay ako ng knife sa magkabila hita naglagay ako din ng makapal na dark make-up. Naglagay din ako ng hikaw sa ilong ibang-iba ang itchura ko ngayon para akong gangster o kaya adik. May tatlong hikaw ako sa tainga ang isang hikaw ko may spy camera. Ganito ang itchura ko sa tuwing makikipag kita ako sa client's ko.
" Oh c'mon! Para kang vampire." Naiiling na wika ni Devin natawa lang ako
Pagkalipas ng ilang sandali nas byahe na kami
" Bakit mo nasabi na ang pinsan ko ang may kagagawan?" tanong ni Davin
" Jocelyn ang pangalan ng pinsan mo! classmate ko she's only 16 but she is evil. Pabagsak na ang company nila alalahanin mo adopted ang tatay ng pinsan mo, Sugarol, babaero, lasenggero. Kilala mo ako hindi ako basta-basta, Ang nangyari sayo ng nakaraan taon ang pamilya ng pinsan ng tatay mo ang may kagagawan. Narinig ko ang pag-uusap ni Jocelyn at ang kanyang mga magulang, Sa oras na mapatay ka nila kay Jocelyn mapupunta ang ari-arian ng pamilya nyo. Walang kamag-anakan ang daddy at mommy mo. Kaya kailangan mo maingat sa bawat araw na dumaraan. " Mahabang paliwanag ko
" Marunong kang makipag laban tulongan mo ako. Turuan mo ako Pakiusap." Tugon ni Davin
" May kakilala ako na makakatulong sayo. Isa siyang agent makakabuti kung mag-aaral ka sa school na pinanggalingan niya. Magagaling din makipag laban ang secret agent hindi basta-basta ang kaalaman nila. Kakausapin ko siya sa lunes tatawagan nalang kita. " Sagot ko
" Ilan taon kana ash?" tanong ni Devin habang nagmamaneho
" 16 mag 17 ako." Tugon ko
" I'm 20! Pagdating mo ng 25 na wala kapang boyfriend liligawan kita." nakangiti na tugon niya
" Hahaha! nakakatuwa ka naman. Pero sige-sige bakit hindi nalang tayo magpakasal pagdating natin ng 30 na wala pa tayong sariling jowa o kaya asawa. Malay mo pareho pala tayong hindi mahal ng taong mahal natin ." natatawa na tugon ko
" Hahaha! That's funny, Pero Totoo ayaw saakin ng nililigawan ko. " Natatawa na tugon niya humagalpak ako ng tawa
" Hahaha! Same." Natatawa na tugon ko nagtawanan kami
" Maganda ka pero kahit na anong gawin ko kapatid lang talaga ang pagtingin ko sayo. Para akong nagkaroon ng bunsong kapatid simula ng iligtas mo ako sa mga kidnappers." Nakangiti na tugon niya
" E di ikaw na ang male Bestfriend ko, Marami akong kaibigan pero wala akong Bestfriend. Meron akong matalik na kaibigan iniiwasan ko siya dahil laging nasa panganib ang buhay niya. Gusto ko ng tahimik na buhay Paminsan-minsan nagkikita parin kami. " Nakangiti na tugon ko
" Mahirap makakuha ng tunay na kaibigan, Yong dadamayan ka sa lahat ng Oras, May mga kaibigan ako pero simula ng malaman nilang tinanggalan ako ng mana, Umiwas sila saakin hindi na nila ako kaibigan kung ituring para akong utusan nalang nila. Kaya naisip kita Ikaw lang ang laging nakakauna saakin. Handang tumuloy saakin ng walang kapalit. " Nakangiti na tugon niya
" Alam mo swerte ang babaeng mamahalin mo. Napakabuti ng puso mo Devin. " Nakangiti na tugon ko
Ngumiti siya saakin at nagpasalamat, Pagkalipas ng dalawang oras na byahe huminto kami sa Isang luxury hotel, Naiwan si Devin sa loob ng sasakyan. Tinulongan ako ng staff ng hotel na buhatin ang dala kong painting. 30 x 48 inches ang laki ng painting na ginawa ko.
" Mr Almodel! Free delivery baka naman pwede mong dagdagan ang bayad mo. " Nakangiti na wika ko Hindi ko alintana ang mga baril na nakatutok saakin nandito ako sa loob ng luxury hotel room
" Nagtranfer na ako ng pera sa dollar account mo, five thousand dollars ang binayad ko, Ito regalo ko sayo tatawagan kita pag nagustohan ko ang gawa mo. " Nakangiti ni mr Almodel
Nasa late 30s na siya isang drugs Lord, pero wala akong pakialam sa iligal na gawain niya trabaho lang ang ginagawa ko.
Ngumiti ako ng ubod ng tamis lumapit ako sa kausap ko, Bumulong ako sa kanyang tainga
" Ang iligal business mo. Natunugan na nang mga pulis kaya kung ako sayo. Linisin mo na ang pangalan mo marami ka naman ligal business. Mahirap mabuhay na laging nasa hukay ang isang paa. Payong kaibigan lang naman wala akong pakialam sa business mo nagpaalala lang ako ayaw ko mawalan ng clients." Bulong na pahayag ko
Hinapit niya ako sa bewang hinayaan ko lang siya.
" Gusto mo ba ng extra income? Linisin mo ang pangalan ko babayaran kita ng malaking halaga. Kailangan mo lang tanggalin ang lahat ng iligal business ko. Ayaw kong mawalan ng pamilya. " Malambing na bulong ni Mr Almodel
" 50 million." Bulong ko
Hinaplos ni mr Almodel ang mukha ko
" 16 ka palang pero nakapa taba ng utak mo. 20 million." Nakangiti na tugon niya
" Deal." nakangiti na tugon ko
" Huwag kang mag-alala bago matapos ang taon na to malinis na ang pangalan mo. transfer mo saakin ang halaga ng napag-uusapan natin. " Nakangiti na tugon ko binitawan niya ang bewang ko ngumisi ako ng nakakaloko
" Hindi talaga ako makapaniwala bakit sayo ako humingi ng tulong. Simula ng makilala kita binago mo ako pinakita mo saakin ang kahalagan ng buhay. Kung gaano ako kamahal ng pamilya ko. Tutulongan mo ako Ash! Habang buhay ko ito tatanawin na utang na loob sayo." Nakangiti na wika ni Mr Almodel
" Sayang ang buhay mo kung mamatay ka. Alam ko may kabutihan d'yan sa puso mo, Lahat ng tao may karapatan magbago naniniwala ako na lahat ng nagawa natin kasalanan may kapatawaran. " Nakangiti na tugon ko
" Inabot niya saakin ang maliit na box binuksan ko yon Bumungad saakin ang diamond necklace ngumiti ako.
" Oh goodness! Talaga bang saakin to?" Masaya na tanong ko
" Yup! it's a gift Ash." Nakangiti na wika ni Mr Almodel
" Salamat! Vito. " Nakangiti na wika ko
Masaya ako na lumabas ng hotel room paglabas ko palabas din si Jaleel sa kabilang room nagkatitigan kaming dalawa.
Kinabahan ako, Nagmamadali ako naglakad hanggang sa makapasok ako sa elevator
" Sabihin mo? Ano trabaho mo Alazne? Napag-alaman ko na namumuhay ka mag-isa. Magdadalawang taon nang walang suporta sa pamilya mo. You're only 16! Saan ka kumukuha ng pera? Nakabili ka ng sariling bahay mahal ang tuition fees sa school. Saan galing ang pera mo? Tama ba ang usap-usapan na kumakalat sa campus? " Walang emosyong tanong ni Jaleel
Akmang lalabas ako sa elevator pero sumara na ang pinto ng elevator
" Ano naman ang kumakalat na tsismis sa school?" Tanong ko sa kalmado na boses
" 16 ka palang pero paiba-iba na ang kasama mong lalaki, Wala kang patawad kahit na matanda pinapatulan mo. Tama ang kumakalat na usapan isa kang bayaran babae." patuya niyang tugon
Parang Sinaksak ang dibdib ko. Malinis ang trabaho ko hindi ako pokpok, Bukod sa pag pipinta tumatanggap ako ng ibang trabaho tulad ng pagligtas ng mga nakidnap o kaya paglilinis ng mga pangalan ng mga politiko o kaya mga kilalang tao sa bansa, kailangan ko kumita ng malaking halaga. Gusto ko makapag tapos ng pag-aaral, Gusto ko maranasan ang buhay ng mga kaedad ko. Ngumiti ako kay Jaleel
" Sinusundan mo ba ako? Bakit may gusto kaba saakin Jaleel? Bakit concerned ka Ata saakin." Nakangiti na tugon ko
" Hinding-hindi kita magugustohan! Isa kang basura, Dahil sa pera gagawin mo ang lahat para lang matustosan ang kaartihan mo." Malamig niyang tugon
Hindi ako umimik pero parang sinaksak ang dibdib ko
Pagbukas ng elevator naglakad na ako palabas ng hotel nakasunod parin saakin si Jaleel
" Saan tayo?" tanong ni Devin
" Sa heaven." Natatawa na tugon ko
" Hahaha! malaki ata ang binayad sayo." natatawa na tugon ni Devin pinagbukas niya ako ng pinto ng sasakyan
" 5k USD." Nakangiti na tugon ko
" Hindi na masama may suot kapang diamond necklace." nakangiti na wika ni Devin narinig ko ang pagmumura ni Jaleel