Alazne
*
*
" Ito lang ba ang kuha ng
CCTV? tanong ko sa bartender
" Yan ang kuha last week, pina-delate saakin ng isang babae pero kumuha ako ng kupya naisip ko kasi baka may crimen na naganap." Tugon ng binata
" Good! Tulad ng dati ipunin mo ang lahat ng CCTV copies magiging pera yan. " nakangisi na wika ko inilagay ko sa kanyang bulsa ang sobre naglalaman ng 50k
" Basta Ikaw Ash! " Nakangiti na tugon ng binata
Naglakad na ako palabas ng club, kahit na Minor pa ako nakakapasok ako sa club hindi naman ako nagtatagal at hindi rin ako umiinum trabaho lang ang ginagawa ko
" Soon makakabili na ako ng Sports car at malaking bahay na may artstudio. " Piping sambit ko
" Sa bahay tayo." Nakangiti na utos ko kay Devin
" Sa tingin mo! Malilinis mo ang pangalan ko?" tanong ni Devin
" Yup! Pagkatapos nito ayusin mo ang sarili mo. Iwasan mo ang mga kaibigan mo na bad influence sayo. Ayusin mo ang sarili mo bumalik ka sa pag-aaral iwasan mo ang mga taong mapagsamantala. May mga taong pera lang ang habol sayo. Kausapin mo ang mga magulang mo mag-aral ka sa ibang bansa. " seryoso na tugon ko
" Sige! Pagtapos ng painting's mo mag-aaral na ulit ako abroad. Thanks Ash! mabuti kang kaibigan." Nakangiti na tugon ni Devin
" Pagdating sa bahay nagtimpla ako ng dalawang tasa ng kape, Madaling araw na ng oras na to. Seryoso kami sa panonood ng kuha sa CCTV footage
Habang nagsasalita si Devin pasemple pinalitan ni Jocelyn ang baso ni Devin ilang sandali lang parang wala na sasarili si Devin hanggang sa magwala na ang binata. May dumating na mga pulis dinala si Devin.
" Salamat! pangako aayusin ko na ang sarili ko, Lagi nalang ako nalalagay sa panganib, Balang araw ako naman ang tutulong sayo." Nakangiti na wika ni Devin tumayo siya dala niya ang flashdrive, Hinatid ko siya sa labas,
Kinabukasan maaga ako nagising naglinis ng bahay, Nagluto narin ako ng almusal at tanghalian, pagkatapos ko magluto nag-umpisa ako sa pagpipinta.
Lumipas ang tatlong buwan natapos ko ang painting's ni Devin nakatanggap ako ng five million.
" Makakabili na ako ng sasakyan, pero hindi pa ako pweding magdrive 16 palang ako. Salamat Devin malaking tulong saakin ang perang to. Makapag relax ako kahit paano makalapit na ako mag grade 12, Ibig sabihin maglapit na ako mag college." Nakangiti na wika ko
" Salamat! Nalinis mo ang pangalan ko dahil sayo. Natuto narin si daddy natuto narin siyang maniwala saakin, muntikan nang mawala saakin ang lahat-lahat mabuti nalang may kaibigan ako na handang tumulong saakin." nakangiti na wika ni Devin
" Paalam! Mag iingat ka devin. Lagi mong alalahanin, Huwag kang magtitiwala sa taong nakapaligid sayo. Hindi lahat ng nagpapakita ng kabaitan sayo mapagkakatiwaan na lagi mong tatandaan lahat sila kaaway mo. Ikaw ang tagapagmana ng company ng Daddy mo kaya ikaw ang target ng mga golddigger. " Mahabang pahayag ko
Niyakap ako ni Devin
" Mamimiss kita, Babalik ako ng may diploma na. Pangako magiging business man ako." Malambing na bulong ni Devin
Humiwalay siya sa pagkakayakap saakin, niyakap niya ang kanyang mga magulang hanggang sa nakatanaw kami nila tita kay devin habang papasok sa airport hila-hila ang malita
" Ihahatid ka namin iha." Mahinahon wika ni tita Dalia
" May pupuntahan pa po ako, Salamat po." Nakangiti na wika ko
" Salamat! Mabuti nalang may mabuting kaibigan ang anak ko. Salamat iha." wika ng ama ni Devin humalik ako sa mommy ni devin
Pagkalipas ng ilang sandali sakay na ako ng taxi pauwi sa bahay. Hinatid ko si devin flight niya ngayon sa America siya mag-aaral.
" Vito Almodel! Isang taon ako nakipag kaibigan sa taong yon. Ginamit ko ang kakulitan ko kaya siya napalapit saakin, Ilang beses ko siya niligtas sa kapulisan kaya nakuha ko ang respito ng taong yon. Dahil sa pang-aaboso ng isang pulis kay Vito kaya siya napasok sa iligal na gawain. Lahat ng ginagawa natin. may dahilan, Naniniwala ako na lahat ng tao pwede magbago.
Pagdating sa bahay na inihanda ko ang lahat ng gamit ko, Baril, bomba, knife.
" Hey handsome! Pasasabugin ko na mamayang gabi ang laboratory mo. Sabay sa birthday party ng asawa mo makakabuti kung nakalive kayo sa f*******:, Para malaman ng lahat na wala kang kinalaman sa laboratory. " Mahabang paliwanag ko kay Vito sa kabilang linya.
" Tapos kona eTransfer ang pera sa account mo. Nabura ko na ang kuha ng CCTV footage nang huling pagkikita natin. Isa lang ang problema Ang kaibigan mo si Mr Jaleel Scott. " Tugon ni Vito sakanya linya
" Huwag mo na alalahanin yon. Sige na malayo pa ang byahe ko. May pinadala akong gift para sa asawa mo. Huwag mo nang sasaktan ang asawa mo Ikaw din baka makahanap yan ng iba. Maganda at sexy pa naman Asawa mo. " Tugon ko
" Thanks Ash." Tugon niya
" May panganib sa paligid mo mag-iingat ka." wika ko sabay patay ng tawag ko agad ko binuksan ang app ng kilalang banko gumagamit ako ng online mobile banking app. Tamad kasi ako magbayad ng billings ko.
" 20M! Omg! OMG! Makakapag relax ako, Makapag hangout na ako kasama ang mga fake friend's ko." Masaya na sambit ko
Nagsisigaw ako sa sobrang saya, Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng ganito kalaking pera, 16 palang ako pero nauto ko ang isang mayaman negosyante, Ilang beses ko lang siya niligtas.
Sino kaya ang next target ko, Magiging millionaire ako sa pag-uuto lang ng mga negosyante, Pag-aaralan ko ang mga galaw ng next target ko aalamin ko ang lahat-lahat nang pagkatao nila. Sa ganon paraan magkakapera ako makakabili ako ng sports car mamahalin gamit, Makakabalik ako sa pagiging Rich kids.
Nilock ko ang bahay ko nakabagpack ako na lumabas, Tulad ng nakasanayan nag taxi ako.
" Manong! pwede ba ihatid mo ako sa address na to?" tanong ko sa taxi driver
" Naku ma'am ang layo po niyan. mag bus nalang po kayo ihahatid nalang kita sa sakayan ng bus." Tugon ng taxi driver
Ganon na nga ang nangyari nag bus ako mabuti naman nakasakay agad ako.
Umabot ng limang oras ang byahe ko ganon kalayo ang kinaroroonan ng hideout ni Vito
" Pagdating sa lugar! Napapakamot ako sa ulo, 20 million pero kailangan ko e-assassinate ang buong tauhan ni Vito, Hinding-hindi na magbabago ang mga tauhan ni Vito, Ilang beses na tinangkng magbago ni Vito pero tutol ang mga tauhan niya at sila na mismo ang nagpapasya sa kanilang grupo. at Ilang beses na nilang pinagtangkaan patayin ang kanilang boss. Pagnamatay si Vito bubuo ng malaking syndicate ang kanan kamay ni Vito, Yon ang ayaw ni Vito ang Marami pang inosente ang mapahamak.
Nag-aagaw ang liwanag at dilim sa oras na to. Sinuot ko ang night glasses ko pinag aralan ko muna ang paligid hanggang sa makabisado ko na ang bawat daanan. Napansin ko ang pagiging kampante ng mga armadong kalalakihan, nag-iinuman pa ang iba
" Sa tingin ko pagkatapos nitong gabi ako na ang magiging boss. Sasakupin natin ang probinsyanang ito. Papatayin ang mga politiko na nanunungkulan. " narinig kong wika ng isang may edad na lalaki
Maingat ang bawat kilos ko nilagyan ko ng time bomb ang paikot sa gusali, pati mga sasakyan nilagyan ko ng bomba.
Pagkatapos ko lagyan ng bomba ang paligid ng gusali. Isa-isa kong ginilitan ng leeg ang mga armadong bantay sa paligid ng gusali.
Naghintay ako na umabot ng 12 midnight bago ko pinasok ang loob ng gusali, Nilagyan ko ng gamot pampatulog ang Aircon na pag naamoy nila makakatulog silang lahat, Nakamask ako all black ang saut ko.
" Hoy bata ano----
Napangisi ako hindi naituloy ng lalaki ang sasabihin para siyang lantang gulay na natumba.
Mahimbing ang pagkakatulog ng mga tao sa loob ng gusali. Napamura ako habang isa-isang nilalagyan ng bomba ang bawat silid.
Tulog Lahat ng tao simula sa pinaka taas hanggang sa pinakababa.
Sa laki ng gusali, umabot ng isang oras bago ako natapos. Pakanta-kanta ako habang naglalakad palabas ng gusali. Isa-isa ko hinila papasok ang katawan ng mga bantay na wala nang buhay.
" Ang hirap ng trabaho ko. " Reklamo ko
Isa akong mamatay tao. Pero tanging mga clients ko lang ang nakakaalam. Kahit si kuya kenzo walang alam Ang pagkakakilala nila saakin isa akong inosente. Pasaway at mabait ako Mababa ang loob.
Nag-umpisa ako maglakad palayo sa gusali. Malayo na ako saka ko pinindot ang timer ng bomba. Nakakabingi na pagsabog ang narinig ko napaupo ako sa tabing kalsada nakatakip ang magkabilang kamay sa tainga.
Panandalian ako nabingi nang makabawi ako tumakbo na ako palayo sa lugar, Hinubad ko ang sumbrero ko, jacket at Jean's. Nakasuot nalang ako ng maikling shorts at white shirt. Sumakay ako ng tricycle patungo sa sakayan ng bus madaling araw na sa oras na ito.
Nakasalubong pa namin ang sasakyan ng mga pulisya.
8 Am na ng Umaga ako nakarating sa bahay, Naabutan ko si kuya kenzo nagkakape sa garden kasama si Jaleel
" Bakit hindi ka umuwi magdama" Tanong ni kuya pagpasok ko sa gate
" Gumala ako kuya, Nag beach ako ng two day's. " Pagsisinungaling ko
" Mabuti naman naisipan mo magsaya kahit paano. " Tugon ni kuya
Kinikilig ako na ngumiti kay Jaleel umirap naman si Jaleel, Ngumiti ako nagpaalam na magbibihis lang ng pangbahay.
Pagpasok ko sa kwarto nilagay ko sa secret closet ko ang bagpack ko, Nakatulog ako sa bus kaya kahit paano hindi pa ako inaantok. Naligo ako nagpahid ng manipis na makeup, Magsuot ako ng Semple dress nagpabango. Paglabas ko nagtimpla ako ng kape, Bitbit ko ang tasa na may laman kape naglakad ako patungo sa garden.
" Bakit ka napabisita? May kailangan kaba kuya?" tanong ko pero kay Jaleel ako nakatitig
" Wala naman! Namimiss lang kita, Kumusta ka? Bigla kadaw nawala kahapon sabi ng mga tauhan ko na nagbabantay sayo." Tugon ni kuya
" Kuya! Ilang beses ko bang sasabihin sayo hindi ko kailangan ang bantay, Kaya ko ang sarili ko." Yamot na tugon ko
Hirap kaya takasan ng mga tauhan ni kuya. Nakakainis na sa tuwing may mahalaga akong pupuntahan lagi nalang may nakabantay.
" Kuya! Pwede bang huwag mo akong bantayan?" Pakiusap ko nakatitig ako kay kuya tahimik lang si Jaleel abala siya sa cellphone
" May birthday party mamaya ni tito Jorge, Kailangan mong pumunta." Wika ni kuya Tumayo na sila ni Jaleel
" Dude! Dito ka nalang magpalipas ng maghapon, Sabay na kayo ni Alazne mamaya. Baka tumakas na naman ang isang yan." Seryoso na wika ni kuya kay Jaleel
" What? Oh c'mon! Susunduin ko mamaya ang girlfriend ko." Reklamo ni Jaleel
" May date ako kuya mamaya, Baka late na ako makapunta." sabat ko
" Date? Huwag mo ako lukohin Princess Alam ko kung sino ang crush mo. NBSB ka, Wala ka pang first kiss " Pang-aasar ni kuya
" May first kiss na ako, Kuya hinalikan ko sa pisnge si Sir Daniel. " Mabilis na tugon ko
" What? Ang teacher na naman na yon? " galit na bulyaw ni Jaleel
" Bakit? Pakialam mo ba? Gwapo si Sir Daniel masarap siya magluto, Tinuroan niya ako magluto. Pakialam mo ba? " Mataray na sagot ko napansin ko si kuya sumakay sa sports car na dala niya.
" 16 ka palang! Tapos lumalandi kana." Galit na bulyaw ni Jaleel
" Pakialam mo ba? Bakit sabi mo hindi mo ako Gusto? at hinding-hindi mo ako magugustohan." Mataray na tugon ko
" Hindi naman talaga kita gusto, Nagpapasarap kalang sa buhay kahit sarili mo hindi mo kayang alagaan. Pumapasok ka sa school na hindi pares ang sapatos at medyas. Magulo buhok na parang sinabunutan." masungit na tugon ni Jaleel
Namumula ang mukha ko sa inis! Bigla ko siya sinipa sa tuhod napadaing siya sa sakit
" Tandaan mo! Saakin kalang Jaleel. Ikaw future husband ko tandaan mo yan. " Galit na Bulyaw ko
" Hinding-hindi kita magugustohan." Tugon niya
" Wala akong pakialam kung Ayaw mo saakin. Crush kita at hindi ako aasa na magugustohan mo ako. Wala pa akong alam sa pag-ibig 16 palang ako kaya hindi ko pa alam kung ano ang nararamdaman ko sayo, Pero sa tuwing nasisilayan kita lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Nanghihina ang tuhod ko madalas sinusungitan kita para mawala ang kaba sa dibdib ko. " Galit na paliwanag ko
" What? " Nakakunot noo na tanong niya
" Huh? May sinabi ba ako? Sige matutulog lang ako. Balikan mo nalang ako mamayang gabi. " Wika ko sabay talikod patakbo ako na pumasok sa bahay
Hawak ko ang dibdib ko sumandal ako sa pinto ng kwarto ko narinig ko ang pag-alis ng Sasakyan ni Jaleel
" Tanga mo talaga Alazne! Bakit kasi ang daldal mo? " paninirmon ko sa sarili ko
Nahiga ako sa kama pagulong-gulong ako sa kama
" 25 million ako, hindi na muna ako tatanggap ng client sa painting's. Mag-enjoy na muna ako sa pagiging teenager. Mahirap na baka malaman ng pulisya na ako ang hacker na nagbubura files ng record nila. Tulad ni Vito binura ko ang lahat ng police record ni Vito lahat-lahat pati ang mga kaso na nakasampa. Ninakaw ko din pati ang mga papeles na nagpapatunay sa iba't ibang kaso ni Vito. Bata pa ako ayaw ko makulong. Kaya kailangan ko magpahinga. Malaki ang pera na nakuha ko. five million kay Devin bayad sa painting at kabayaran ng paglinis ko sa pangalan ng binata.
" Magpapahinga ako! Bibili pa ako ng regalo kay tito Jorge." kausap ko sasarili ko