Chapter 2 You're mine Jaleel

2114 Words
ALAZNE high 5.5 vital statistics 36 24 36 Grey eyes Black hair heart-shaped lips Jaleel! high- 6'2 Black eyes muscular Alazne * * " Wow Sir Ang cute ng bahay mo, Ang liit maganda kung may painting dito sa living room. Sir gusto mo ipinta kita libre ko nalang sayo. " Nakangiti na wika ko maliit lang ang bahay ng guro ko dalawang kwarto iisa ang kusina at sala paglabas mo ng pinto kalsada na " May sakit ang kapatid ko kailangan ko ng malaking halaga para sa pagpapagamot niya. Hindi naman malala nalumpo lang siya kailangan niya ng tuloy-tuloy na gamotan para makalakad ulit siya. Kaya ganito lang kaliit ang kaya kong upahan." Mahabang paliwanag ni Sir Naupo ako sa sofa nakangiti ako habang pinapanood si Sir na magluto " Hindi naman pala ganon kalala ang sakit ng kapatid niya bakit kailangan niya ng malaking halaga?" Tanong ng isipan ko " Sino ang lalaking humawak sa phone mo kanina? nadukot kadaw?" Tanong ni Sir " Ah yon ba? Kidnappers ordenaryong pangyayari nalang yon para saakin. " Baliwalang tugon ko " Halika dito tuturuan kita magluto." Aya ng guro ko tumayo ako Naging abala kami sa pagluluto matiyaga sa pagtuturo si sir Daniel. " Ang sweet pala ni sir Daniel sana all may gwapong prof." Piping sambit ko " Wow! Bilis lang pala magluto? Sir Pag wala kang trabaho pasyal ka sa house ko, Kilala ako bilang batang artist karamihan ng client ko mayayaman at ang iba leader pa ng gangster ang iba drugs lord pa. Wala naman akong pakialam sa personal nilang buhay basta bayaran nila ako ng sapat na halaga sa painting ko. Kaya kailangan ko din minsan ng kasama." Mahabang paliwanag ko " What the heck? Mapanganib ang mga taong nakakasalamuha mo. Paano kung mapahamak ka?" Nag aalala na wika ni Sir Daniel " Kaya ko ipagtanggol ang sarili ko." Baliwalang tugon ko " Ummm! Sarap talaga." Nakangiti na wika ko " Sempling adobo lang yan Alazne. Dapat mag-aral kang magluto alam mo karamihan sa lalaki gusto nila sa babae ang marunong sa gawain bahay, Maglinis magluto hindi lang puro ganda ." Paliwanag ni Sir Daniel Marunong naman ako magluto wala lang ako oras dahil abala ako lagi " Sir! Puntahan natin sa Saturday ang kapatid mo, Sa ngayon kailangan ko matapos ang painting ko." Nakangiti na wika ko habang inilalagay sa Tupperware ang natirang adobo " Oh c'mon nakikain kana nga magbabaon kapa." Sita ni sir Daniel " Hehe! Sir damihan mo bukas ang baon mo." Natatawa na tugon ko " Kaunti nalang ang natira sa budget ko nagtitipid nga ako pasaway." Naiinis na wika ni Sir, Dinukot ko ang phone ko " Sir Gcash number mo?' Tanong ko wala sasarili na binigay saakin si Sir ang number niya sa Gcash nagtranfer ako ng limang libo " Good night Sir, Huwag mo na ako ihatid mag taxi nalang ako. " Nakangiti na wika ko " Oh My God! Bakit nagbigay ka ng limang libo?" Gulat na tanong ni Sir " Pangdagdag sa budget mo. Sir simula bukas sabay na tayo kumain ako na bahala sa budget mo sa ulam. Puro cup noodles ang pagkain sa bahay eh." Nakangiti na tugon ko Naglakad kami palabas ng bahay nag-abang kami ng taxi " Diba marami ang kasambahay nyo? Bakit walang pagkain?" tanong ni Sir " Diba nga! Mag-isa ako namumuhay simula ng 15 years old ako. Dapat may mapatunayan ako sa sarili ko tama si Mama hindi habang buhay kasama ko sila kaya ngayon palang dapat matuto na ako mamuhay na hindi Umaasa sa iba. Sanay na ako mag-isa Isang taon na simula ng umalis ako sa bahay namin. Sa awa ng diyos nakakakaya ko mapaaralin ang sarili ko. Bakabili ako bahay wala nga lang sasakyan. Kaya araw-araw nagtataxi pa ako." Nakangiti na paliwanag ko Nakatitig lang si Sir Daniel saakin " Sir! Ipagpatuloy mo ang Dating trabaho mo. Tutulungan kitang gumaling ang kapatid mo, Mahirap ang ganitong setwasyon mo, Mas Astig ka pagmasdan sa tuwing nakikipag laban ka. Malay mo balang araw kailanganin ko ang tulong mo. " Nakangiting na wika ko " What the heck?" Gulat na sambit ni Sir hinalikan ko si Sir Daniel sa pisnge nanlaki ang mga mata niya namula ang magkabilang pisnge " Thank you Sir." Nakangiti na sambit ko pumasok na ako sa backseat ng taxi nakita ko pa ang pagngiti ni Sir hinaplos niya ang kanyang pisnge " Agent Daniel! Bakit nagpapanggap kang Guro sino ang target mo sa school?" Piping sambit ko Ilang minuto ang lumipas nakarating na kami sa tapat ng Gate ng subdivision " Manong! Dito nalang po salamat po sayo nalang po ang sukli. " Magalang na wika ko hininto ng taxi driver sa harapan ng gate ng subdivision bumaba ako sa taxi Ngumiti ako sa security guard na nakabantay sa gate naglakad ako papasok sa loob ng subdivision ilang minuto na paglalakad nakarating na ako sa bahay. Pagdating ko naglinis ako ng bahay 9pm na nang matapos ako sa paglilinis. Nagtimpla ako ng black coffee pumasok ako sa Isang silid kung saan ako nagpipinta " Malapit na matapos! Kaunting Oras nalang." Nakangiti na sambit ko Matiyaga ako sa pagpipinta dito ako kumukuha ng pera, Mukha ni Papa ang ginagawa ko. Pang regalo ko sa birthday niya next week " Holy shit...." Gulat na sambit ko Natapos ko ang painting ni Papa. Painting naman ng client ko ang hinarap ko. Nagtimpla ulit ako ng kape kailangan ko matapos ito " Bakit kasi nakalimutan ko dapat ito ang inuna ko. " paninirmon ko sa sarili ko Isang kilalang negosyante ang client ko pinapinta niya ang kanyang sarili nagpadala lang siya ng larawan. " AHHH! s**t Umaga na." taranta na Sigaw ko, tumakbo ako palabas ng art's studio ko Hinubad ko ang uniform ko, hindi na ako nakapag bihis kagabi. Pagtapos ko maglinis nagpinta na ako, 5 am na ngayon may apat na oras pa ako para makatulog. Nakapanty at bra lang ako na natulog, Nagising ako sa alarm ng cellphone ko nagmamadali na ako maligo nagbihis ako ng uniform ko, Magulo pa ang buhok ko na lumabas ng bahay " Iha itinawag na kita ng taxi." Nakangiti na wika ng securityguard. " Salamat po. May bunos kayo saakin." Nakangiti na wika ko tumakbo na ako palapit sa taxi Pagkalipas ng ilang sandali naglalakad na ako papasok sa campus nagtitinginan pa ang ibang mag-aaral saakin " 20 minutes pa." Nakangiti na sambit ko Naupo ako sa upuan malapit sa garden nilabas ko ang suklay sa bag ko habang nagsusuklay ako may nagtatawan " Grabe para siyang sinabunutan." Natatawa na wika ni Jocelyn " Mangkukulam kamo." Sabat ng isa " Nagugutum ako. Pambihirang buhay to oh " sambit ko tumayo ako bitbit ang bag ko nagsusuklay parin ako habang naglalakad patungo sa cafeteria, Nakatulog kasi ako sa taxi kaya hindi ako nakapag suklay Napangiti ako nasilayan ko si Jaleel. Naglalakad siya papasok sa cafeteria Tinago ko ang suklay ko nagkunwari ako na hindi siya nakita. " Bakit? Naka tsinelas kalang?" Tanong ni Jaleel Napakunot ang noo ko napatingin ako sa paa ko ganon nalang ang pagkagulat ko nakatsinelas lang ako ngumiti ako ng alanganin Nilagpasan ko si Jaleel bumili ako ng kape at Biscuits. Tahimik lang ako habang nagkakape. Hindi ko pinansin si Jaleel nakatitig lang siya saakin hindi ko alam kung bakit siya nakatitig saakin. " Nakakahiya! Nakatsinelas lang ako, Dapat matapos kona ang painting ko mamaya kailangan ko na mai deliver bukas na gabi. Sa sunod na araw na ang party birthday." Sambit ng isipan ko Tumayo ako hindi ko na naubos ang kape at biscuits ko uminum nalang ako ng tubig. " Mahirap ang mamuhay mag-isa. Pero kaya ko to, Patutunayan ko sa lahat ng tao na kaya ko mabuhay na wala ang tulong ng pamilya ko. Kahit na gaano kahirap kakayanin ko! kaya ko to." Kausap ko sa sarili ko habang naglalakad papasok sa classroom " Good morning Sir." Nakangiti na bati ko " Good morning class." Tugon ni Sir Daniel " Ano kaya ang trabaho niya dito? Hindi naman siya totoong guro. Hindi ako pweding magkamali isa siyang secret agent na ng bansa. " Piping sambit ko naupo ako Naging seryoso ako sa pakikinig kay Sir Daniel, Dumating ang lunch time nakangiti na dimampot ko ang bag ko nakangiti ako na lumapit kay Sir Daniel " Sir! Ano ulam mo? " Nakangiti na tanong ko Walang imik na binigay saakin ni sir Daniel ang paper bag na may laman Tupperware " Thank you Sir. " Nakangiti na tugon ko Hindi umimik si Sir Daniel lumabas lang siya ng classroom nakangiti ako na lumabas din ng classroom " Ano kaya ang niluto ni Sir?" Nakangiti na tanong ko sa sarili ko naglakad ako patungo sa likod ng campus naghanap ako ng puno na walang tao naupo ako sa ilalim ng puno nakangiti ako na nilabas ang Tupperware sa paper bag " Wow! Chicken barbeque." masaya na sambit ko Agad ko nilantakan ang pagkain na bigay ni Sir Daniel, Wala akong almusal kaya gutom na gutom na talaga ako. " Ganyan kaba kababa? Pati Teacher nilalandi mo?" Napaangat ako ng tingin nakatayo si Jaleel sa harapan ko, yumuko ako pinagpatuloy ko ang pagkain. Hindi ko pa nakakalahati ang pagkain ko nawala na sa pagkain ko Halos napaiyak ako ng itapon ni Jaleel ang pagkain ko, Uminum ako ng tubig tumayo ako kinuha ko ang Tupperware binalik ko sa paper bag at pinasok ko sa bag ko ang paperbag " Bakit mo tinapon? Alam mo bang gutom na gutom na ako? Nanginginig na ako sa gutom hindi ako nag-almusal. Sumasakit na ulo ko dahil sa gutom sama mo naman. " pagalit na tanong ko " Tsk! Spoiled brat! Wala ka kasing ginawa kundi ang kaartihan! Tsk." Masungit na tugon niya " Bakit kaba galit na galit saakin? Sige na hindi na kita crush! Huwag kana magalit saakin, Ayaw ko kasi ng nakikipag away sayo. Hindi ko alam kung Bakit sa tuwing susungitan mo ako parang sinaksak ng patalim ang puso ko. " Mahina na wika ko " Tsk! Tandaan mo! Hinding-hindi kita magugustohan." Masungit na tugon niya naglakad siya palayo saakin naupo ako sa ilalim ng puno niyakap ko ang tuhod ko tahimik ako na umiyak " Bakit Ayaw niya saakin? Wala naman akong ginagawa na masama. Wala akong sinasaktan na tao wala akong inaapakan na tao. Tahimik ako na namumuhay, Kahit na nahihirapan ako pilit ako lumalaban. " Umiiyak na wika ko Tumayo ako huminga ako ng malalim saka ako sumigaw " Makikita nyong lahat! Magiging successful ako balang araw! Kakayanin ko lahat ng pagsubok na darating sa buhay ko. Magiging okay din ako! May magmamahal din saakin bukod sa pagmamahal ng pamilya ko. Makakapag tapos ako na walang tulong galing sa pamilya ko. " Umiiyak na sigaw ko " Patutunayan ko sainyong lahat na may mararating ako, Kaya kong mabuhay sa sarili kung pagsusumikap." Umiiyak na sigaw ko Huminga ako ng malalim pinunasan ko ang luha sa pisnge ko. Tumakbo ako pabalik sa school, Gumaan ang pakiramdam ko ganito ako, 16 lang ako nasasaktan din pero pagkatapos ko umiiyak okay na ako. Hindi ko pinapakita sa lahat ng tao o kahit na sa pamilya ko na umiiyak ako. Pagdating ng umuwian nakita ko nakasandal si Jaleel sa sports car niya " Miss Shoun! " tawag ni Sir Daniel " Sir! Ipagluluto mo ulit ako? Pasensya kana bukas ng gabi nalang may gagawin ako ngayon." Nakangiti na wika ko " Ang Tupperware ko" Naiiling na tugon ni Sir Daniel nakangiti na kinuha ko ang Tupperware sa bag ko " Sarap ng luto mo naubos ko nga eh." Pagsisinungaling ko " Oh sya mag-ingat ka sa pag-uwi." Tugon ni Sir Daniel pumasok na siya sa kotse niya " Sabay kana saamin." Nakangiti na aya ni cleo " Ate! May dadalohan kasi ako ngayon na birthday party. Bukas nalang." nakangiti na tugon ko " Ulol sinungaling." Sabat ni Zenni Tumawa ako kumaway ako sakanila nakatayo parin si Jaleel nakapamulsa siya nakatitig lang saakin " Balang araw makakabili din ako ng sports car." Sambit ko " Taxi." Sigaw ko " Sabay kana saakin! Pupuntahan ko ang kuya mo." paanyaya ni Jaleel " Mag sorry ka muna saakin." Mataray na tugon ko " Tsk! Bakit ako magsosorry sayo?" Galit na tanong niya Binuksan ko ang backseat ng taxi nakangiti ako na nagsalita. " Balang araw magugustohan mo din ako. Hinding-hindi ako iibig sa ibang lalaki. You're mine Jaleel." Nakangiti na tugon ko " Tsk! Hinding-hindi ako mapapa-sayo Alazne, Hinding-hindi kita magugustohan." Malamig na tugon niya Kumindat ako kay Jaleel pumasok na ako sa taxi " Balang araw mapapaibig din kita Jaleel." piping sambit ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD