Jaleel
*
*
" Wala na siyang tiwala sa lahat ng sinasabi ko zen! Hindi siya na niniwala na mahal ko siya. Isang taon na akong nanliligaw sa sarili kong asawa pero wala eh. Hindi parin siya naniniwala na mahal ko siya. Balak pa niya magpakasal sa ibang lalaki hindi ko na alam ang gagawin ko paniwalaan lang niya ako." Naiinis na kwento ko sa kaibigan ko
" Huwag kang susuko! Sabi ko naman sayo magpakatoto ka sa sarili mo. Ikaw kasi sinabihan na kita hindi basta-basta mawawala ang pagmamahal sayo ni Ash pero kaya ka niyang kalimutan. Kilala ko si Ash nagmamahal siya ng walang hinihingi na kapalit. Kaya niyang mabuhay na wala ka. Ayain mo mag date! iparamdam mo na special siya sayo. Suyuin mo Ikaw naman kasi babaero ka pareho lang kayo ni Axel nakakainis mga bwusit kayo sa buhay ko. " Naiinis na tugon ni Zenni sa kabilang linya
Napakamot nalang ako sa batok pinatayan ako ni Zenni ng phone
" Let's go may kailangan akong pag-aralan na documents naiwan sa office. " Nagmamadali na aya ko kay Reggie naglakad ako palabas ng bahay naabang na si Migs nakabukas na ang pinto ng sasakyan sa back seat
Si Migs ang driver katabi niya si Reggie
" Nakahanda na ba ang lahat? Mauna kayo mamaya Migs sabihan mo si Rodel ihanda ang truck. 12 midnight ang dating ng kargaminto kailangan natin maunahan grupo ni junrey." Wika ko
" Boss! Isasabay natin ang pagsalakay sa kuta ni junrey balita ko dead or alive daw ang patong sa ulo ng gagong yon! Sa dami ng kaso hindi na dapat binubuhay." Tugon ni Migs
" Mga kabataan ang sakay ng barko na dadaong mamaya. Galing pa ng iba't ibang bahagi ng bansa, Kailangan natin maligtas ang mga plaslit bago nila ibinta." Sabat ni Reggie
" Ano kaya ang gagawin ko? Paano ko ba susuyuin ang asawa ko? sana may anak na kami ngayon kung hindi dahil sa siraulo niyang kapatid, Makakaganti din ako kay kenzo pinakasal ako sa kapatid nya pero hindi ko pweding pakialaman. Mahigit isang taon na ako nanliligaw sa sarili kong asawa pero para akong hangin. Namimiss ko ang malambing na alazne ang palaging nagsasabi na mahal nya ako. Ngayon para bang nawalan na ako ng pag-asang mapatawad niya. "
" Boss Spade Clan ang makakalaban mo sa isla, Tandaan mo kailangan mo lang makalabas ng buhay sa Isla. Isang taon nalang matatapos na ang pagsubok mo sa mafia organization. " Paalala ni Migs saakin
" Iba na ang batas ng mafia organization ngayon hindi na sapat ang lakas at yaman, Kailangan mo na makapasa sa pagsubok nila para mapatunayan na karapat-dapat ka mapabilang sa mafia organization. " Naiiling na wika ni Reggie
" Kung hindi lang kayo mahalaga saakin hindi ko tatanggapin ang pagiging mafia boss. " Naiinis na tugon ko
" Boss nandito na tayo." wika ni Reggie
Napakamot ako ng batok sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na nakarating na kami sa Scott hotel kung saan ang private office ko.
*
*
Alazne
*
*
" Ihanda nyo nalang ang mga iihawin dalhin sa kubo magdala kayo ng vintage wine." nakangiti na utos ko
" Ma'am ilang wine po ang dadalhin?" tanong ni manang Iya katiwala sa bahay
" Two bottles ako lang naman iinuman. " Nakangiti na tugon ko
" Sige po ma'am ihahanda na po namin. may kailangan pa po ba kayo?" tanong ni manang Iya
" Wala na po! tatapusin ko lang tong paintings ko." nakangiti na wika ko
Nakangiti ako habang tinatapos ko ang painting ng papalubong na araw may nakaupo na babae sa tabing dagat nakatanaw sa papalubong na araw.
" Every day can end beautifully.” nakangiti na sambit ko
nilagyan ko ng pangalan sa pinaka-ibaba ng paintings
Iligpit mo nga itong mga ginamit ko." nakangiti na utos ko sa isang lalaki maingat na binuhat ko ang natapos kong painting's naglakad ako papasok sa bahay nakangiti na sinabit ko sa wall paakyat sa hagdan.
" Bata pa naman ako! Susubukan kong mag enjoy kasama si Jaleel, Hindi pumayag si mama at papa na maghiwalay kami ni Jaleel subukan ko padaw kahit isang taon pa, Susubukan ko ayusin ang relasyon namin gusto ko din subukan kung talagang Mahal nya ako.
Naglakad na ako patungo sa dalampasigan naabutan ko ang ilang tauhan ni Jaleel na nag-iihaw ng isda at liempo. Nakangiti na binuksan ko ang wine nagpatugtog ako ng malakas.
Sumasayaw-sayaw ako habang tinutungga ng alak, sinasabayan ko pa ng pagkanta.
" Ma'am! ma'am! Nandito na po ang Cake, " wika ni manang Iya
" Iwanan nyo na ako! Magpapakasaya ako ngayon gabi wala akong oras para umiyak. " Nakangiti na wika ko
Napakamot sa ulo ang mga tauhan ni Jaleel nagtataka siguro sila bakit sobrang saya ko
Naghintay ako na makaalis ang mga tauhan ni Jaleel saka ko binuksan ang Cake na pinagawa ko para sa sarili ko.
" Hahaha! it's huge! OMG! it's huge hahaha " Nakatatawa na wika ko Nagpagawa ako ng birthday cake with p3nn!s. Nakatayo ang t!ti brown ang kulay may white chocolate sa ulo ng p3nnis
" Happy 23 birthday self! It’s my favorite kind of day! I can’t wait for lots of laughs, lots of cake, and lots of love! Happy Birthday to my dearest self." Excited na wika ko Sinubo ko ang p3nnis cake nag picture ako.
" Suck it Ash happy birthday. "
Caption ng post ko sa f*******: Ilan sandali lang nagkagulo na sa comment's section
" Hoy anong birthday! Tarantado hindi mo birthday. " Comment ni mama
" Hahaha! Simula ngayon araw-araw birthday ko para may dahilan ako magsaya." Tugon ko sa comment ni mama nag logout na ako sa Facebook
" Sarap! Tamang-tama ang pagkakatimpla. " Kausap ko sa sarili ko habang nilalantakan ang slice ng liempo
" Siguro naman maalala na ni Jaleel kung kilan birthday ko." Kausap ko sa sarili ko
" Malapit na ang 23 birthday ko gusto ko maalala niya ang pangako niya saakin na tuwing birthday ko pupuntahan nya ako sa puno ng narra sa parke. Pero mukhang nakalimutan nya ata kung kilan ang birthday ko nag 21 and 22 birthday ako hindi siya dumating.
" Sobrang saya ko malapit na akong mag 23 birthday ibig sabihin makakalaya na ako sa sakal este kasal namin ni Jaleel. Hindi kasi ako pweding mag travel outside the country dahil sa mawawalan ng mana si Jaleel. Isa sa mga kasunduan ng pamilya namen ang manatili ako sa tabi ni Jaleel habang kasal pa kami.
Nakalahati ko na ang wine alam ko sa sarili ko lasing na ako hinubad ko ang dress ko
Akmang tatakbo ako papunta sa tubig ng may humila saakin.
*
*
Jaleel
*
*
" Hawak ko ang baril sa magkabilaan kamay ko pa-sigzag na tumakbo para Iwasan ang nagliliparan bala, Bawat tamaan ko bumabagsak na wala nang buhay. Nandito kami sa pantalan nakikipag laban sa tauhan ni junrey.
" Boss okay na naligtas na ang mga kabataan, Kami na ang bahala dito." Hingal na wika ni Reggie
Inasinta ko ang ulo ng isang lalaki bago naglakad pababa sa barko.
" Tara na parating na ang mga pulis sila na ang bahala dito. " Aya ko binigay ko ang baril ko kay migs
Sumalodo ako sa hepe ng pulisya saglit na nag-usap bago ako tuloyan pumasok sa kotse
Nakasalubong pa namin ang sasakyan ng mga reporter ng news sa sikat na TV station.
" Hinubad ko ang suit ko gamit ang wet wipes tinanggal ko ang dugo sa katawan ko. Nagpalit ako ng Cotton short at t-shirt
" Sa bahay na tayo." utos ko kay Migs
Boss hindi mo ba sasagutin ang tawag sayo?" tanong ni Migs naiinis na sinagot ko ang tawag ni daddy
" Bilisan mo naku ang asawa mo sinapian na naman. Mag open ka ng f*******: mo." Wika ni daddy sabay patay ng tawag hindi na ako nakatanong kung ano ang ibig niyang sabihin
" What the heck?" Gulat na sambit ko
" Tangna bilisan mo ang pagmamaneho Migs pasasabugin ko yan Ulo mo." Galit na bulyaw ko
" Tanga mo boss! Umayos ka wala akong atraso sayo." Tugon bi Migs
" Hindi pa naman niya birthday siraulo talaga ang babaeng yon. Hanap ako ng hanap ng pumapatay sa mga naging babae ko. Tapos malalaman ko si Alazne pala at ang kaibigan niyang si devon. makikilala din kita Devon sisiguradohin kong hindi ka makakalapit sa asawa ko. " galit na sambit ko
" Naku Boss nababaliw na ata si ma'am kanina pa siya sumasayaw at kumakanta habang umiinum. " Salubong saakin ni Manang Iya
Sa bakuran palang ng bahay natanaw ko na si Alazne sumasayaw-sayaw habang kumakanta may hawak siya na bote ng alak.
" Ano naman kaya ang nangyari sa babaeng to, Inabot na naman ng kabaliwan." Tanong ko sa sarili ko
Patakbo ako na pumunta sa kinaroroonan ng asawa ko namumula ang mukha ko sa gamit ng masilayan ko ang kakaibang cake may nakatayo na t!ti
Nanlalaki ang mga mata ko nasilayan ko ang dahan-dahan pagbuhad ng dress ni Alazne tumakbo na ako bago pasiya makatakbo palapit sa tubig nahawakan ko na ang kanyang kamay
Bakit naglalasing ka? Burahin mo ang post mo nakakahiya ang pinag-gagawa mo." Pagalit na utos ko
Nagtataka na nakapalingon siya saakin ngumiti si Alazne ng ubod ng tamis saglit ako natulala
" Bakit ang ganda ng babaeng to? Kahit na papalit-palit ako ng babae wala nang mas gaganda sa pasaway na to. Kung sa pagiging pasaway mas malala sakanya si Zenni.
" Hehe Hi cheater! Sobrang saya ko Ilan buwan nalang single na ulit ako. Makakapag travel ako abroad at makakapag umpisa akong muli. Malayo sayo hehe! Saya diba? Wala naman kasing kwenta ang katulad mo dapat hindi mo pinirmahan ang marriage contract natin. " Lasing na wika ni Alazne napahinga ako ng malalim
Binitawan ko ang kamay niya naglakad naman siya palapit sa table na puno ng pulutan at dalawang bote ng alak malapit na maubos ang isa
" Hubby halika dito sarap oh. mag celebrate tayo magtatatlong taon na tayong naglolokohan." Nakangiti na aya niya saakin napailing nalang ako napalitan ng inis ang ngiti ko
" Hi love can you be my girlfriend?.
" Oh God nakita ko na ang future Wife ko.
" Bakit ang daming nagchat sayo na mga lalaki?" Galit na tanong ko ang daming nanliligaw sakanya online isa isa kong blenock ang mga nanliligaw sakanya madilim ang pagmumukha ko napasinhap ako napatakbo ako ng wala sa oras
Agad ko hinila si Alazne muntikan natumba sa apoy sumasayaw siya malapit sa bonfire.
" Tangna apoy yan " galit na bulyaw ko Hinapit ko siya sa bewang
" Tsk! Ulol! Nag-aalala ka! Alam mo kung ayaw mo saakin okay lang! Hindi yon gusto mo ako ihawin na parang baboy! siraulo ka gusto mo bang sunugin ako ng buhay?" Lasing na bulyaw ng siraulong asawa ko
Pinagsusuntok niya ako sa dibdib, Napahinga ako ng malalim ako ang sinisi sa kalokohan niya kung hindi ko siya nahila baka nasubsob na siya sa apoy.
" Hanggang ngayon pasaway ka parin. Aalagaan kita Darling hindi ako papayag na masaktan kang muli, Gagawin ko ang lahat-lahat para maibalik ang pagtingin mo saakin. Naniniwala ako na mahal ko parin ako nasaktan kita kaya takot ka nang magtiwala saakin. Hindi na ako nanbabae simula ng magalit ka saakin. " malambing na wika ko
" Dapat ba ako mag pasalamat? Ulol hindi ka lang ang lalaki anong akala mo sa t!ti mo ginto? Oyy hindi na ako papayag na masaktan mo kahit ilan taon pa ang umabot hindi mo na ako mauuto. May plano na ako sa future with my kids! yes! Gagawa ako ng paraan para maging ina. At hindi ko nakikita ang sarili ko na kasama ka. Lagi kayong magkasama ni Zenni pwes papakasalan ko ang male Bestfriend ko para patas tayo." lasing na tugon niya
Naiiling na pinasan ko siya na parang sako ng bigas naglakad ako pauwi, Kung ano-ano pa ang sinasabi niya Hindi ko nalang pinansin
Inilapag ko siya sa loob ng banyo tinapat ko sa shower
" Woohoo! Lamig." Lasing na reklamo ni Alazne
Natawa ako kahit na lasing siya nahihiya parin siya saakin walang pag-aalinlangan na hinubad ko ang natitirang saplot niya hinampas niya ako sa ulo napailing nalang ako
Habang pinaliguan ko ang asawa ko kung ano-anong mura ang lumalabas sa bibig niya.
" Hek! Hek! Siraulo ka! " galit na bulyaw ni Alazne saakin
Inilapag ko siya sa kama bigla nalang siya nakatulog.
Napakamot ako ng batok nagmamadali ko siya binihisan ng terno na pajama sinandal ko siya sa dibdib ko pinatuyo ko ang basang buhok niya.
" Ikaw ang gusto kong makasama Alazne, Kaya hindi kita inangkin dahil gusto kitang iharap sa altar ng malinis. Napaganda mo Alazne sa tuwing nasisilayan kita parang gusto kitang ikulong sa kwarto at angkinin ng paulit-ulit. Pero hindi ko pweding gawin yon! Mas lalong mapapalayo ang loob mo saakin! Lalo mong iisipin na hindi kita mahal, Aakalain mong s3x lang ang habol ko sayo, iniingatan ko ang lahat ng pera mo inaalagaan ko ng mabuti ang companies mo. Mahal kita hindi ko lang talaga alam kung paano ko sasabihin sayo o paano ko ipaparamdam sayo. Matagal na kitang mahal Alazne nangako ako sa kuya mo na hindi kita gagalawin hanggang hindi kita naihaharap sa altar." malambing na kausap ko sa natutulog na si Alazne
Marahan ko siyang inihiga sa kama hinaplos ko ang maamo niyang pisnge, Gamit ang cellphone ko kumuha ako ng larawan na namin ni Alazne nakaunan si Alazne sa braso ko hinahalikan ko siya sa labi.
" Balang araw malalaman mo kung gaano kita kamahal. " malambing na bulong ko
" Huwag kang magkakamali na galawin ang kapatid ko Jaleel, she's too young umayos ka." bungad na wika ni Kenzo sa kabilang linya
" Tutuparin ko ang pangako ko sayo. Sa tingin ko hindi lang crush ang nararamdaman niya saakin talagang nagmamahalan kami kenzo. Pinakasal mo kami pero hindi ko pweding sipingan ang sarili kong asawa. Sa tingin mo ba mapapatawad ka ng kapatid mo pag nalaman na ikaw ang dahilan kung bakit siya nasasaktan?" Pagalit na tugon ko
" Bata pa kayo, Kung hindi ko Susubukin baka maghiwalay lang kayo balang araw. ngayon palang dapat malaman nyo na kung gaano nyo kamahal ang isa't isa. Nag-iisang babae sa aming magkakapatid ang asawa mo Jaleel hindi ako papayag na masira ang kanyang kinabukasan, Kaya ko kayo pinakasal para mapalapit sa Isa't isa kung sa tingin ko sa loob ng tatlong taon na mahal nyo ang isa't isa hahayaan ko na ang kapatid ko." Seryoso na wika ni Kenzo
Hindi ako umimik pinatay ko ang tawag
" Bakit pamilya kayo ng mga baliw?" Naiinis na tanong ko
Napamura nalang ako kahit anong pagpapakalma ko sa sarili ko ayaw lumambot ang alaga ko
Naiinis na naglakad ako papasok sa banyo, Napabuntong hininga ako habang naliligo, Kahit na anong lamig ng tubig ang init parin ng pakiramdam ko. Hindi maalis sa isip ko ang hubad na katawan ng asawa ko.
" Kailangan ko paibigin ang asawa ko kailangan ko siyang mapapayag pakasal sa simbahan? Tangna ano ang gagawin ko para pakasal siya saakin sa simbahan?" Naiinis na tanong ko
Ngumisi ako ng nakakaloko isang idea ang pumasok sa isipan ko.
" Sasabihin ko sa Asawa ko ang kalokohan ng kapatid niya, Sigurado ako mapapatawad ako ng asawa ko." Kausap ko sa sarili ko