Chapter 19 fear of getting hurt by someone you loved

2505 Words
Alazne * * " Tika nga ibaba mo nga ako." Galit na utos ko kay Jaleel " May tama ka ng bala sa balikat, Tatlong linggo kang hindi umuwi, Hindi ka Aalis Alazne." galit na bulyaw ni Jaleel Sapilitan niya ako pinasan na parang sako ng bigas papasok sa bahay hanggang sa makapasok kami sa kwarto pinahiga niya ako sa kama. " Look! Pagod ako! Tapos sa tuwing uuwi ako ng bahay wala ka, Alazne may asawa kana hindi kana dalaga para gumala. Pwede ba kahit ilang buwan lang ganpanan mo naman ang papel mo bilang asawa." Pagalit na wika ni Jaleel " So gusto nya maglaro ng bahay bahayan. Okay simula bukas magluluto ako ng almusal maghahanda ng mga gamit niya. Maglilinis at maghihintay ng pagdating niya, Pagdating niya saka ako Aalis." Kausap ko sa sarili ko " Tangna naririnig kita Alazne! Ayusin natin ang relasyon natin. Gusto ko bago tayo maghiwalay kahit paano may maganda tayong samahan na maalala." pagalit na wika ni Jaleel Hindi ako umimik! nahiga ako at pumikit Kinabukasan nagising ako na yakap ni Jaleel, Nakaharap ako sakanya wala sa sarili na napangiti ako. " Bakit mahal kita? Kahit na anong gawin ko ikaw parin ang Mahal ko. Hindi ko alam kung bakit ikaw ang tinitibok ng puso ko. Kung pwede lang magpalit ng puso ginawa kona. Hangad ko ang kaligayahan mo Jaleel hindi kita pababayaan uubusin ko ang lahat ng may tangka sa buhay mo. Ako ang magiging tagapagligtas mo. Simula ngayon hindi ko na papatayin ang lahat ng babaeng lumalapit sayo. " Malungkot na sambit ng isipan ko Naiinis na bumangon ako kumikirot ang balikat ko, mababaw lang naman magpapahinga na mona ako sa pagtugis sa kalaban ni Jaleel. Naligo ako maingat ang bawat lagaw ko para maiwasan ang pagdugo ang sugat ko " Tulongan na kitang linisin ang sugat mo." Mahinahon na wika ni Jaleel Paglabas ko ng banyo Lumapit ako sa closet kumuha pares na undies nagbihis ako na parang walang ibang tao sa kwarto. " Tangna 22 na ako malapit na mag 23 ano kaya ang pakiramdam ng sinasabi nilang oral s3x? Bakit ko hahabohin ang lalaking ayaw saakin. Makikipag relasyon ako sa ibang lalaki. Kung may gusto sana akong makarelasyon si Vito sana at Si Devon kaso ayaw nila saakin pambihira, Mababait sila mabango sweet sa tingin ko mapagmahal sila at kaya niya akong iturin na special. " Kausap ko sasarili ko habang nagbibihis " Sino si Devon at Vito? Answer me Alazne!" Galit na bulyaw ni Jaleel napaigtad ako sa gulat napalingon ako sa likuran ko nanlilisik ang mga mata ni Jaleel nakatitig saakin. " Sila ang gusto ko bilang future husband, Sobrang sweet sila at maalaga. Ilang buwan nalang maghiwalay na tayo gusto ko isa sa kanila ang magiging asawa ko, " Masungit na tugon ko " Hinding-hindi tayo maghihiwalay Alazne! You're fvcking mine! I'm jealous I am fvcking jealous. " Galit na galit na bulyaw ni Jaleel " Napangiti ako ng lihim, Tama ang nasa isipan ko kailangan ko lang ipakita sakanya na hindi sya kawalan saakin. " Jealous? nagpapatawa kaba? Hindi paba sapat ang kompanya ko? million piso ang pumapasok ni piso hindi ako kumuha ng pera galing sa kompanya na pinamana saakin ni Papa, Na sayo ang kabuohan ng kompanya ko! Bakit mo pa ako inuuto? Pera lang ang habol mo saakin! Pera lang ang dahilan kaya ka pumirma sa marriage contract natin! Kahit anong sabihin mo hinding-hindi na ako papauto sayo. Gagawin ko ang gusto kung gawin wala kang karapatan para pigilan ako. Ikaw ang unang nagloko Jaleel hindi mo nirespeto ang kasal natin. Harap-harapan mo akong niloloko. Magtatatlong taon mo na akong tinatago kahit kay Zenni hindi mo sinabi na ako ang Asawa mo. Magpapakasal ako sa ibang lalaki pagkatapos ng tatlong taon. " galit na sumbat ko sa haba ng sinabi ko hindi ko namalayan na umiiyak na ako Bigla ako niyakap ni Jaleel tuloyan na akong napaiyak " Tama na darling! Ako ang may kasalanan ng lahat! Kasalanan ko kung bakit ka nagkakaganyan, Hindi ko pala kayang makita kang may kasamang ibang lalaki, Hinding-hindi ako Papayag na masira ang buhay mo dahil sa walang kwentang katulad ko. Patawarin mo ako! mahal kita bumalik kana saakin hindi na kita sasaktan pang muli. Mag-umpisa tayong muli." Halos pabulong na pakiusap ni Jaleel habang yakap ako Hindi ako umimik nakasubsob ako sa kanyang dibdib, Nagtatalo ang isipan at puso ko. Pero Nagpakatatag ako hindi ko pinaniwalaan ang lahat ng lumalabas sa kanyang bibig. " Tahan na! Naintindihan ko ang sakit na nararamdaman mo sa tuwing nasasaksihan mo akong may kasamang iba. Hindi ko kaya! Hindi ko pala kayang mawala ka, Sisikapin ko na magbago alang-alang sayo gusto kitang makasama sa pagtanda. Bumalik kana saakin Wife! Please be mine again." Malambing na pakiusap niya Humiwalay siya sa pagkakayakap saakin pinunasan ang pisnge ko na basa ng luha. Yumoko ako ayaw ko matitigan ang kanyang mga mata, Gusto kung kalimutan sya naubos na ang oras ko sa paghahabol sa lalaking kahit kilan hinding-hindi ako kayang mahalin " Sorry! Pero may mahal na akong iba! Naramdaman ko sakanya nag tunay na pagpapahalaga na kahit kilan hindi ko naramdaman sayo, Naramdaman ko ang itrato ng special, Yon bang parang babasagin cristal kung Ingatan handang iwan ang lahat para lang makasama ako. Hindi siya mayaman pero mahal na mahal niya ako. Gusto kong pakasal sakanya pagkatapos natin maghiwalay. " Garalgal na pagsisinungaling ko " Nooooooo! " Galit na sigaw ni Jaleel humiwalay siya sa pagkakayakap saakin napasabunot siya sa sariling buhok sinuntok ang pader " You're mine!. you're fvcking mine! " Galit na sigaw ni Jaleel habang nagwawala lahat ng mahawakan sa kwarto binabato Lumabas ako ng kwarto pagdating ko sa kusina nagtimpla ako ng kape " You're mine! You're my wife! Akin kalang, Akin kalang ." Pagsusumigaw ni Jaleel sa loob ng kwarto namin Naupo ako sa upuan kaharap ng table tahimik ako nagkakape habang nagwawala si Jaleel naririnig ko rin ang pagkabasag ng mga gamit " Ash! Sa wakas nahanap ko na ang babaeng kinababaliwan ni Matthias, Ano ang gagawin natin? Inaalam ko pa ang pagkakilanlan ng nasabing babae." Wika ni Dev sa kabilang linya " Alamin ang pagkakilanlan ng babae! sa ngayon pahinga kana. Hindi naman tayo nagmamadali. " Tugon ko Pinatay ko ang tawag narinig ko kasi ang yabag ng paa ni Jaleel. Nagulat ako ng naupo sa tabi ko si Jaleel, Naawa ako sa nangyari sa kamay niya duguan namumula ang mukha sa galit, Napangiti ako inilapit ko ang mukha ko sa kanyang mukha dinampian ko ng halik ang kanyang labi. " Fvck! " Mura niya kinabig niya ako niyakap ng mahigpit " Mag-umpisa tayong muli, Walang kasinungalingan maging tapat tayo sa Isa't isa. Hindi ko kayang panoorin ka na may kasamang ibang lalaki, iniisip ko na baka hindi pagmamahal ang nararamdaman ko sayo. Pero para akong mababaliw, Sa tuwing may kasama akong babae ikaw ang nasa isipan ko. Nawalan ako ng gana sa ibang babae! Hindi ako nagsisinungaling sayo mahal kita Alazne." Parang bata na pakiusap niya saakin " Hindi kasi ako naniniwala sa mga sinasabi mo! Ilan taon akong naghabol sayo paulit-ulit mo akong pinagtabuyan, Alam ng lahat ng tao kung gaano mo ako ipagtabuyan, Huwag mo naman akong paglaruan ayuko nang masaktan, Tama na ang paghahabol ko sayo ng ilan taon, Unti-unti na kitang makakalimutan bakit mo ba ako pinapahirapan?" Garalgal na tugon ko " Kung pwede ko nga lang sabihin sayo ang dahilan! Pero alam kong magagalit ka, Balang araw malalaman mo ang dahilan kung bakit hindi ko magawang tanggapin ka, Kahit na gustohin ko pa nakasalalay kasi ang buhay ng mga tauhan ko. Nag-uumpisa palang ako hindi ko pa kayang labanan ang kapwa ko mafia boss." Paliwanag ni Jaleel na nagpagulo sa isip ko " Boss may paparating na mga kalaban nalaman nila ang kinaroroonan mo. Hindi na kayo ligtas dito." Wika ni Reggie Humiwalay si Jaleel sa pagkakayakap saakin hinawakan niya ang kamay ko. Hinila niya ako palabas ng bahay " Magpapaiwan ako." Wika ko " Hindi! Hindi na kita iiwan Alazne! Simula ngayon kung nasaan ako kasama kita, Ipapaalam ko sa lahat na ako ang Asawa mo. Papatayin ko ang lahat ng lalaking lalapit sayo. " Mariing na wika ni Jaleel Wala na akong nagawa pumasok nalang ako sa back seat ng sasakyan, Napasinhap ako ng biglang nabasag ang side mirror ng sasakyan namin, Pinaharorot ni Reggie palayo ang sasakyan, May mga tauhan si Jaleel na nakipag laban. " Matthias! Alam ni Matthias kung sino ang nagpasabog ng bahay nya kagabi. Hindi ko pweding pagkilosin si Devon mapapahamak ang pasaway na yon. Magpapagaling na muna ako saka ko iisa-isahin ang mga tauhan ni Matthias hanggang sa mga iligal business niya. Kaya kong pabagsakin ang taong yon kahit na ako lang mag-isa. " Kausap ko sa sarili ko " Narinig ko ang mga sinabi mo Alazne! Anong pinasabog mo? sinong Matthias? sinong Devon? Ayaw ko ng nagsisinungaling ka Alazne. May kinalaman kaba sa pagsugod ng mga kalaban sa bahay natin?" pagalit na tanong ni Jaleel " Sino kaya ang kinababaliwan ni Matthias? dapat malaman ko ang lahat-lahat sa babaeng yon, Ayon sa nalaman ko may-ari si Matthias ng shipping company kaya malayang nakakalabas pasok at makalabas ng bansa ang iba't ibang uri ng drugs, Kailangan ko mapasok ang shipping company na yon. Tika si Dev tama ang pasaway na yon." kausap ko sa sarili ko Nagmamadali ko dinukot ang cellphone ko sa bulsa ng Jeans ko " Pauwi palang ako. Bakit?" bungad na tanong ni Dev " May bago kang trabaho! Ako na ang bahala sa babae ni Matthias, Pasukin mo ang shipping company ni Matthias, Kukunin natin ang pera niya. Ang galing ng naisip ko diba? " Excited na wika ko " WOW! Bagong trabaho, Sige Pasasabugin natin ang lahat ng barko na nagdadala ng kargaminto. Tapos kukunin Ang pera win-win matagal narin tayong walang laban. Magpagaling ka muna tapos tatawagan nalang kita pag okay na. Ihahanda ko narin ang mga gagamitin natin. " Masaya na tugon ni Dev " Excited na ako! Alamin mo ang bawat pantalan na pagdadaongan ng barko na may laman kargaminto. Kung sino ang client nila, Sya nga pala Ipadala mo ang listahan ng pangunahin na tauhan ni Matthias dapat mapatay ko sila bago ang pagsalakay natin sa kargaminto." Nakangiti na wika ko " Noted Ash! Iwasan mo muna ang pumunta sa club hindi kita mababantayan." Wika ni Dev pinatay ko na Ang tawag " Boss hindi ka naman pinapakinggan ng asawa mo, Narinig mo Matthias ang kalaban niya. Maaaring yon din ang boss ng kalaban natin." Mahinahon na wika ni Reggie " Tangna kanina pa ako nagtatanong sayo! Sino si Matthias?" Galit na bulyaw ni Jaleel " Matthias Ledger! Anak ni John Ledger dating kalaban ng mommy mo! tangna ang ingay mo bakit kaba sigaw ng sigaw? Tanga mo talaga! Ang kalaban ko sila din ang mga kalaban mo! tangna ka ganyan kita kamahal, Kahit na ginagawa mo akong tanga magpapakamatay parin ako para sayo. Ang mga babae mo lahat sila padala ng kalaban. Tumigil kana sa pambabae mo naging criminal na ako dahil sa katangahan mo! Huwag mo akong sigawan pasasabugin ko yan bungo mo. " Galit na bulyaw ko Napamura si Reggie, Napanganga si Jaleel sa lahat ng narinig. " What? Ikaw ang pumapatay sa lahat ng naging babae ko?" Gulat na tanong ni Jaleel " Hindi ako! pinapatay ko sa male best friend ko. Siya din ang plano kung pakasalan pagkatapos natin maghiwalay. " Mataray na wika ko " Bakit may male Bestfriend ka? Tika magkatabi ba kayo matulog? magkayakap? Naghahalikan? may namagitan naba sainyo? akala ko kaibigan mo bakit papakasalan mo?" Sunod-sunod na tanong ni Jaleel " May girl best friend ka, Ang pagakakaiba lang saatin dahil naging anino ko si dev! Siya ang gumagawa ng mga hindi ko kayang gawin. Kaibigan ko siya Jaleel walang malisya kung maghubad ako sa harapan niya. Hinding-hindi ko siya iiwasan tulad ng ginagawa mo sa kaibigan mo." mataray na wika ko Napasabunot si Jaleel sa sariling buhok narinig ko na may kausap sa cellphone si Reggie. " Tama ang hinala mo boss si Matthias nga ang kalaban natin. Hindi naman magsisinungaling si Alazne kaya masisiguro ko na nagsasabi siya ng totoo." Wika ni Reggie kay Jaleel " Si Matthias lang ang tanging anak ng kalaban nila mommy naghihiganti Ang iba nagbagong buhay na nagpalit ng pangalan at nasa ibang bansa naninirahan. Si Matthias lang ang bumuo ng grupo para maghiganti sa mga magulang ko." Paliwanag ni Jaleel " Alam mo naman pala pero pinairal mo ang katangahan mo." Galit na bulyaw ko " Bakit ba kayo ang sisigawan magkatabi lang naman kayo." Narinig ko na tanong ni Reggie " Aaaayyyy...." Gulat na daing ni Jaleel binuhusan ko ng alcohol ang kaman kamay niya na may galos sanhi sa pagsuntok niya kanina sa pader " Dahan-dahan naman." Inis na utos ni Jaleel umirap ako nilagyan ko ng benda ang kamay niya Huminto kami sa malaking bakuran napangiti ako tumakbo ako papalapit sa bakuran tanaw ang malawak nakaradatan. Maganda magkape dito sa garden masisilayan ko ang paglubog at pagsikat ng araw. Napasinhap ako ng maramdaman ko ang kamay ni Jaleel sa bewang ko sinubsob niya ang mukha sa leeg ko " Ito ang bahay na pinagawa ko. Si Zenni ang nag design nito. Dito tayo bubuo ng pamilya. May Anim na kwarto sa taas may gym din sa loob. may swimming pool sa likod bahay. Tanaw din ang karagatan. Mahal kita Alazne hindi kita niloloko, Gagawin ko ang lahat para maniwala ka saakin. " malambing na bulong ni Jaleel " Nakakakilig ang mga sinabi mo pero nakakatakot." Tugon ko " Bakit ka natatakot?" tanong ni Jaleel " Natatakot ako magtiwala sayo, Baka masaktan ulit ako hindi ko pinangarap na makasama ka habang buhay, Alam ko kasi na hindi mo ako mahal at hinding-hindi mo ako magugustohan. Parang sirang plaka na paulit-ulit na naririnig ko ang sinasabi mo saakin dati na hindi mo ako gusto hinding-hindi mo ako magugustohan at hindi ang katulad ko ang gusto mo maging asawa. Makikitira nalang ako dito habang naghihintay na mapawalang bisa ang kasal natin." malungkot na tugon ko Pinaharap ako ni Jaleel hinalikan ang noo ko " Takot kang masaktan? patawarin mo ako kung nasaktan kita ng paulit-ulit. Hinding-hindi na kita sasaktan pangako hindi tayo maghihiwalay. Hindi na ako gagawa ng ikasisira ng tiwala mo saakin. Aayusin natin ang relasyon natin mahal kita Alazne matagal na kitang mahal. Hindi kita niloloko lahat ng sinabi ko sayo totoo. Mahal kita at Ikaw ang pinangarap kong makasama habang buhay. " malambing na wika ni Jaleel " Kung hindi lang siya paulit-ulit na nanbabae at hindi niya ako paulit-ulit na pinagtabuyan maniniwala ako sa mga sinasabi niya. Pero mahirap magtiwala baka masaktan lang ako. " Piping sambit ko " Nagugutum ako." Pag-iiba ko sa usapan " Tara! ipapakita ko din ang kwarto natin." nakangiti na wika ni Jaleel hinawakan niya ang kamay ko magkahawak kamay kami na naglakad papasok sa loob ng bahay
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD