Chapter 21 Wrong person

2790 Words
ALAZNE * * " Nilagyan ko ng silencer ang baril ko naglakad ako pasalubong sa lalaki may kasamang babae, Pagtapat ko sa target ko tinutok ko ang baril ko sa dibdib niya pinaputokan ko ang lalaki sa dibdib. Nakakabingi na pagtili ng mga tao ang narinig ko naglakad ako palayo na parang walang nangyari. binalik ko ang baril ko sa bewang ko inayos ko ang suot ko na mask at sumbrero Bago ako sumanpa sa motor ko narinig ko ang wang-wang ng paparating na pulisya, Pakanta-kanta ako habang nagdrive. Magaling na ang balikat ko nag enjoy din ako sa bahay ni Jaleel gabi-gabi na tabing dagat ako sumasayaw-sayaw habang nagpapakalunod sa alak. Hindi ako pinapansin ni Jaleel wala naman akong pakialam sakanya kung hindi nya ako papansinin. Huminto ako sa restaurant tinanggal ko ang helmet na suot ko napansin ko ang ilang tao na napanganga sila ng masilayan ang kagandahan ko. Ngumiti ako ng ubod ng tamis inayos ko ang pagka park ng motor ko bago ako pumasok sa restaurant. Naupo ako sa sulok na bahagi ng restaurant may lumapit saakin na waiter nag order ako ng steak at salad. ilang minuto ako naghintay bago dumating ang order ko. Habang kumakain ako tumunog ang phone ko " Bakit? Bakit pati ang kaibigan ko pinag selosan mo? Nag aagaw buhay ngayon si Zenni, Hindi paba sapat ang pagpatay mo sa mga naging babae ko! pati si Zenni gusto mong patayin?" Galit na wika ni Jaleel sa kabilang linya " What?" Gulat na tanong ko Hindi ba sumagot si Jaleel nawala na siya sa kabilang linya Tumawag si Papa nanginginig ang kamay ko na sinagot ang tawag ni papa " Bakit anak? Pinakasal naman kita sa lalaking gusto mo? Asawa mo na si Jaleel bakit pati si Zenni sinamama mo sa listahan ng pinagseselosan mo? Ikaw ang tinuturo ni giemma pinagtangkaan mong patayin si Zenni. Lumabas sa imbistagasyon ng tauhan ni giemma na ikaw ang pumapatay sa lahat ng babae ni Jaleel kaya ikaw ang suspect. Sumuko ka anak! Huwag mo palalain ang setwasyon." Mahinahon na pakiusap ni Papa Nabitawan ko ang cellphone ko agad ako nag lapag ng pera sa table dinampot ko ang phone ko na basag na tumakbo ako palabas " Bakit ako? Kalalabas ko lang ngayon gabi sa mansion ni Jaleel? Bakit ako ang suspect sa nag tangka sa buhay ni Zenni? I'm innocent! Hindi ako susuko. Hindi ako susuko wala akong kasalanan. Bakit ako agad ang suspect? Kung gusto kong patayin si Zenni dapat noon pa." Nagugulohan ako sa mga nangyayari pinaharorot ko ang motor ko paalis sa lugar. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ako ligtas alam kong tutugusin ako ng mga assassin ni tita giemma, Idagdag pa ang mga tauhan ng asawa ko, Akala ko okay na anniversary namin ngayon ni Jaleel galing ako sa parke sa naupo ako sa ilalim ng puno ng narra nag-iwan pa nga ako ng bulaklak at cake sa ilalim ng puno. mag-isa ako nag celebrate ng anniversary namin. Pagkatapos ko mag celebrate mag-isa sa parke inabangan ko ang target ko Tinapon ko ang phone ko ayaw ko ng may makasunod saakin " Namalayan ko nalang nasa harapan na ako ng bahay ni Devon! Pinagbukas ako ng kasambahay ng gate " Ma'am! Kakauwi lang ni Sir Dev galing sa hospital nagkaroon kasi siya ng UTI tigas kasi ng ulo lakas sa soft drink. Kakatapos lang kumain nagpapahinga na po sya. Ipagtimpla ko po kayo ng tea." Nakangiti na wika ni Lora katiwala sa bahay " Salamat! Pakilock ng gate huwag kayo magpapasok ng kahit na sino. " Kalmado na tugon ko naglakad ako paakyat sa kwarto ni Dev " Dev! " Garalgal na tawag ko Hindi sumagot ang binata naupo ako sa tabi niya hinaplos ko ang pisnge ng kaibigan ko nilalagnat siya. Nilagyan ko siya ng cold fever sa noo nahiga ako sa tabi ng kaibigan ko sumiksik ako ginawa kong unan ang braso niya. " HMMMM! bakit ka umiiyak? Tahan na baka mahawa ka sa lagnat ko. Anong problema? " Inaantok na wika ni Dev niyakap niya ako humagolhol ako sa pag-iyak habang sinasabi ang mga nangyari. " Hindi ako ang pumatay! tatlong araw ako sa hospital trankaso at UTI ang sakit ko. Nagkasabay-sabay kaya hindi tayo ang may kasalanan. Tara Aalis tayo ano mang oras may darating baka patayin nila tayo. Wala magagawa ang papa mo sa mga nangyari." Nag-aalala na wika ni Dev Bumangon si Dev nagsuot sya ng makapal na jacket, Hinila niya ako palabas ng kwarto " Manang Lora ikaw na ang bahala dito. pag-may nagtanong kung nasaan kami sabihin mo nasa ibang bansa. May business trip." Wika ni Dev Pagkalabas namin ng bahay ako ang naupo sa driver seat yumakap saakin si Dev pinaharorot ko paalis ang bigbike ko. Dahil sa naka helmet kami hindi kami nakilala ng mga tauhan ni tita giemma nakasalubong namin sila. " Sa bahay tayo sa probinsya! magtatago muna tayo hanggat hindi pa natin nalalaman ang totoong nangyayari. " Wika ni Dev Napasinhap ako ng may sunod-sunod na putok ang narinig ko. binilisan ko pa ang pagmaneho pa-sigzag ang pagmamaneho ko. Tumutulo ang luha saakin mga mata habang nagmamaneho. " Huwag kang gumanti hayaan mo silang patayin tayo. Wala tayong kasalanan wala akong kinalaman sa nangyari kay Zenni." Garalgal na wika ko " It's okay! Nandito ako hinding-hindi kita pababayaan." Malambing na tugon ni Devon Pinasok ko sa talahiban ang motor ko pinatay ko ang makina, Tahimik kami ni Dev ng ilang minuto hanggang sa makalagpas ang mga humahabol saamin. nagmamaneho na ulit ako pero patungo sa pantalan. Kumuha ako ng ticket sa barko binigay ko kay Dev kasama ang isang ATM cards ko, Alam ko na wala siyang dala na pera. " Umalis ka ng bansa! Pakiusap ang business ko ang pagtuunan mo ng pansin. Ipapamana ko ang business na pinaghirapan ko sa magiging anak ko. Pangako magiging okay lang ako. Mas mahalaga ang kaligtasan mo marami ka nang magawa para saakin. Mag asawa ka Devon maghanap ka ng babaeng mamahalin ka ng panghabang buhay ang sasamahan ka sa hirap at ginhawa, Tatawagan nalang kita pakiusap sundin mo ako aayusin ko ang gusot na to." Naiiyak na pakiusap ko Niyakap ako ng mahigpit ni Dev! Naiiyak na humiwalay siya sa pagkakayakap saakin. " Tatawagan mo ako! Mag-iingat ka pakiusap mag-iingat ka Ash!" Garalgal na pakiusap ni Devon humiwalay ako sa pagkakayakap niya hinalikan ko siya sa pisnge at tinulak na paakyat sa barko Nagmamadali na ako bumalik sa motor ko pinaharorot ko palayo sa pantalan. Nagugulohan ako sa mga nangyayari hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari! Hindi ko alam kung napano si Zenni. Hindi ko alam kung saan ako pupunta! Nagmaniho lang ako ng ilang oras hanggang sa makarating ako sa bahay na pinagawa ko. Inaayos ko ang pagkaparada ng motor ko binuksan ko ang gate lumabas ang katiwala ko na si mang pablo " Okay lang po dalhan nyo nalang ako ng isang bote ng wine sa kwarto ko. Bukas ng umaga ibinta mo ang motor ko o kaya ipamigay mo basta ilayo mo sa baranggay na to." Mahinahon na wika ko " Sige po ma'am! Mamaya ko po ilalayo ang motor ano po ang gusto nyong ulam sa pananghalian?" tanong ni mang pablo " Kahit ano po hapon pa po ako magigising." magalang na tugon ko Naglakad ako paakyat sa kwarto ko malaki ang bahay ko dito may apat na kwarto may malaking gym sa ibaba tanaw sa loob ng gym ang swimming pool. May minibar sa ibaba tanaw sa living room ang dining area may hallway patungo sa kitchen * * Jaleel * * " Bakit? Bakit pati ang kaibigan ko pinag selosan mo? Nag aagaw buhay ngayon si Zenni, Hindi paba sapat ang pagpatay mo sa mga naging babae ko! pati si Zenni gusto mong patayin?" Galit na bungad na wika ko kay alazne sa kabilang linya Pinatay ko ang tawag napagtanto ko na hindi si Alazne ang may kasalanan galit na hinarap ko si tita Giemma ina ni Zenni " Ano po ang nangyari Tita? bakit nyo nasabi na si Alazne ang nagtangka sa buhay ni Zenni? " Nagugulohan na tanong ko " Si Alazne ang pumapatay sa lahat ng naging babae mo, Matagal nang may gusto ang babaeng yon sayo sigurado ako dahil sa selos niya sa anak ko kaya niya nagawang lasonin." Pagalit na Bulyaw ni Tita giemma " Paano kayo nakasiguro na Asawa ko ang may kagagawan? iniwan ko siya kanina sa bahay tapos ngayon gabi kasalukuyan siya nasa restaurant kumakain ng dinner?" Pagalit na tanong ko " A- Asawa? Tanong ni Tito Dylan " Asawa? Kilan pa?" nagugulohan tanong ni Tita giemma " Tatlong taon na kami mag-asawa! Inosenti ang asawa ko. Hindi matatapos ang gabing ito na hindi ko nalalaman ang totoong nangyari! Sa oras na mapahamak ang asawa ko Makakalimutan ko na kaibigan kayo ng mga magulang namin mag-asawa. Mahal ko ang asawa ko! Ang anak nyo ang laging nang-aagaw sa oras ko na para dapat sa asawa ko! Tapos ito pa ang igaganti nyo? Ilang beses ko naba niligtas ang buhay ng anak nyo? May bodyguard sya bakit nangyari sa anak nyo to? " mahabang pahayag ko sa galit na boses " Reggie! Imbistagahan ang totoong nangyari kay Zenni." Pagalit na utos ko " Tika! Dylan pinag-utos ko ang pagpatay kay alazne! Hindi na ako nakapag isip ng maayos ng maabutan ko si Zenni na nag-aagaw buhay sa loob ng kanyang silid " Nababahala na wika ni Tita giemma " Mga angkan ng Shoun, Cuizon, Scott. Ang makakalaban nyo! Huwag na huwag nyong sasaktan ang asawa ko uubusin ko ang angkan nyo." Walang emosyong wika ko naglakad na ako palabas ng hospital " Migs! Hanapin natin ang kinaroroonan ni Alazne! Sigurado ako siya ang may kagagawan sa pamamaril sa kanan kamay ni Matthias. " mahinahon na utos ko " Papatayin ko kung sino man ang naglason kay Zenni, Buong buhay ko lagi nalang si Zenni ang inuuna ko dahil sa kaibigan ko siya. pero ibang usapan na kung kaligtasan na ng asawa ko ang nasa panganib." " Boss namataan si Ash sa pantalan! May kasamang lalaki umiiyak daw, Agad din umalis pagkasabay sa barko ng kasama na lalaki.." Wika ni Migs " Dalhin mo ako sa pinapagawa niyang bahay sa probinsya. Doon lang siya pupunta, Huwag nyo nang habolin ang kasama niyang lalaki, Kaibigan yon ni Alazne siya si Devon kababata at best friend ng asawa ko. " Mahinahon na tugon ko Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi ni Migs sinagot ko ang tawag ni Reggie " Boss gising na si Zenni! May nakuha akong CCTV footage naglason ng kanyang sarili si Zenni. Nagkakagulo dito sa hospital nagwawala ang angkan ng Cuizon napapaligiran ng mga assassin ni Gwen Cuizon ang buong hospital Nakagapos ang mga magulang ni Zenni." Nababahala na wika ni Reggie " Ibalik mo sa hospital Migs." Utos ko Pagkalipas ng ilang sandali tumakbo na ako papasok sa hospital " Nasaan ang pinsan ko?" galit na tanong ni Gwen " Ligtas siya papunta sana ako doon pero dahil may nalaman ko ang katutuhanan kung bakit nandito tayo ngayon nagkakagulo." Kalmado na wika ko " Diyos ko anak kumalma ka! " Hingal na sita ni Tito Flint sa anak " No Papa! Si Alazne ang pinag-uusapan dito." Galit na sigaw ni Gwen Pumasok ako sa kwarto ni Zenni Nakagapos sa upuan si tita giemma at Tito Dylan " Umiiyak si Zenni habang nangangatog sa takot. Nakaupo na siya sa kama may Dextrose ang kamay maayos na ang kalagayan niya " Bakit Nilason mo ang sarili mo? Bakit ang asawa ko ang pinag bintangan nyo? Kaibigan kita Zenni hindi pa ba sapat na Ikaw ang inuuna ko kaysa sarili kong asawa? Nasa panganib ngayon ang buhay ng asawa ko dahil sayo! " Galit na bulyaw ko " Diyos ko giemma! Oh my god! ikaw naman kasi sa dami ng pagbibuntangan mo anak ko pa." Narinig kong wika ni Papa ben " Asawa? Sinong asawa? Iniwan ako ni Axel, Umalis siya sa pagiging bodyguard ko papakasal na siya sa ibang babae." Umiiyak na wika ni Zenni " Tangna ka! Napakabobo mo! hindi mo pag-aari si Axel! Sinira mo ang buhay ng asawa ko! Anniversary namin ngayon three years anniversary, Ngayon gabi sana ako mag propose kay Alazne, Ngayon gabi ibibigay saakin ni kenzo ang kalayaan ng kanyang kapatid. Ilan taon ako magtiis para lang maging karapat-dapat sa pamilya ng asawa ko. Pero sinira mo." Nagpupuyos sa galit bulyaw ko " Simula ngayon hindi ka pwede makaapak sa bahay hanggat hindi mo inaayos ang sarili mo. Mamuhay kang mag-isa napakalaking gulo ang ginawa mo." Walang emosyong wika ni Tito Dylan " Per--- " Manahimik ka giemma! Ikaw ang dahilan kung bakit walang alam sa buhay ang anak natin! Papatay ka ng inosenting tao anak pa ng kaibigan mo. Halika ka na uuwi na tayo. Ipapadala ko dito ang ilan perasong damit ng anak mo. " galit na bulyaw ni Tito Dylan kay Tita giemma " Kalimutan mo na naging magkaibigan tayo Zenni. Simula ngayon hindi na kita kaibigan sinira mo ang tiwala ko dahil sayo nasa panganib ang buhay ng asawa ko. Pinag-utos ng mommy mo ang pagpatay sa asawa ko. " malamig na wika ko " Sorry! pero hindi ko naman alam kung bakit si Alazne ang sinisisi ni mommy." Umiiyak na paliwanag ni Zenni, Tumalikod ako kay Zenni " Ako na ang bahala sa asawa ko Papa alam ko kung saan sya hahanapin. Pasensya na kung nasira ang surprise natin para sakanya. " mahinahon na wika ko tinapik ako ni Papa at kenzo sa balikat " Nagtagumpay ka sa pagsubok Jaleel! Simula ngayon hinding-hindi na ako makikialam sainyo mag-asawa, Sigurado na ako na Mahal mo nga ang kapatid ko, Bigyan mo agad ako ng pamangkin." Nakangisi na wika ni Kenzo " Arayyyyy! Papa masakit yon!. Huhu Mama mapunit tainga ko." Reklamo ni Kenzo Nakatanggap ng sapak at pingot si Kenzo " Ikaw ang dahilan kung bakit nasasaktan ng paulit-ulit ang kapatid mo? Ikaw din ang dahilan kung bakit papalit-palit ng babae SI Jaleel? Kung sana hindi ka nakialam sa buhay pag-ibig ng kapatid mo sana may Apo na ako ngayon. " Namumula sa galit na wika ni mama Laura " Okay na Gwen! kumalma kana nakakabaliw ang mabigo sa pag-ibig." Mahinahon na wika ko " Hindi ako nakikialam sa pinsan ko pero ibang usapan kung buhay na niya ang nakataya. Bakit si Alazne agad pinagbintangan nila. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakikitang nahihirapan ang kanilang pamilya. " namumula sa galit na wika ni Gwen " Regalo mo na saakin ang galit mo Gwen. Pwede ko nang ipagsigawan sa lahat na Asawa ko ang pinsan mo. Nakapasa ako sa pagsubok ng mafia underground. Tatlong taon na ngayon buhay pa ako buhay pa ang asawa ko. Hindi na di susi ang bawat galaw ko isa na akong ganap na mafia boss." Nakangiti na wika ko " Talaga? Pwede bang Ibigay mo saakin ang mga pangalan ng Mafia boss nagpahirap sayo? Kung bakit naka monitors ang bawat galaw mo? Tangna gagantihan ko sila. Tatlong taon kayo nagtitigan ng pinsan ko." Maangas na wika ni Gwen nailing nalang ako "Tinuro ko si Reggie " Oy! Bigay mo saakin ang location ng pinaka centro ng mafia underground pasasabugin ko ang mansion na pinagdadausan ng pagpupulong." pagalit na utos ni Gwen " Bigay mo na Reggie! Huwag mong gagalitin yan isang tarak ng karayom sayo patay ka agad-agad." Naiiling na utos ko habang naglalakad palabas " Iho pwede bang makausap ka kahit sandali?" Pakiusap ni tito Dylan Dad ni Zenni " Don't worry! Tito hindi na ako galit! Spoiled brats ang anak mo, Nasanay siya na laging nakukuha ang lahat ng naisin niya. Hindi na siya bata Tito hindi habang buhay kasama niya kayo. " mahinahon na wika ko huminto ako sa tapat ng pinto ng kotse ko " Ako na ang bahala sa anak ko, Aalisin ko ang lahat ng nakasanayan niya. ipapadala ko siya sa malayong probinsya kung saan kailangan nya maghanap buhay para lang makakain. " Mahinahon na wika ni Tito " Pasensya kana iho! hindi ko rin alam kung bakit naisip ko na si Alazne ang may kasalanan sa nangyari kay Zenni." Wika ni Tita giemma " Huwag kang humingi ng pasensya saakin tita. Si Gwen ang alalahanin mo at ang galit ni kenzo. Si Alazne ang pinag-uusapan natin dito nag-iisang kapatid ni Kenzo at kapatid na kung iturin ni Gwen, Baka bumagsak ang ilan sa business nyo. Kaya ngayon palang ayusin nyo na ang gulo na ginawa nyo. Alalahanin mo dating mafia boss karin tita pero iba ang ugali ni Gwen mapaghiganti siya." Mahinahon na wika ko bago pumasok sa kotse

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD