Six

904 Words
"Dapat kapag nag mahal ka hindi lang sa una may halaga ang relasyon nyo, hindi lang dapat sa una may halaga sya sayo, dapat willing ka mag sacrifice para sa taong mahal mo kasi wala eh mahal mo, kapag sinabi mo na “mahal ko sya” dapat walang sapat na explanation ang kaya mong ibigay dahil ang pagmamahal walang katumbas, walang pero-pero, walang kasi-kasi." Tumaas ang kilay ni Prince at napaangat ang kanyang tingin ng marinig ang mga sinasabi ni Aeris kay Brent na halatang problemado at wala pang tulog. “Mamahalin kita kahit gano pa kahirap ang pagdaanan ng relasyon natin. Hindi kita susukuan. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Hinding-hindi ko babaliin ang pangakong binitawan ko. Wala na kong ibang mahihiling dahil ikaw lang, sobrang kuntento na ko. Ganun dapat ang banat Brent, tingnan lang natin kung dipa mahuhumaling yang hinahabol mong babae ” Nagpapayo ba ito O pinapagalitan lang ang kaibigan nilang nakayuko at tahimik lang na nakikinig. "Eh! Aeris, hindi naman normal na babae yang hinahabol ni Brent." Sabat ni Eruto sa usapan. "Ha! Hindi normal? Anong ibig mong sabihin Eruto, na isang engkanto din ang nagugustuhan nito?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Aeris. "Anupa nga ba, eh sa ganda ba naman ni Alex, makakaligtaan ba yan ni Doc. Brent." "Langya! Brent, baka nagayuma ka lang ni Alex di kaya?" Nakangising singit ni Prince sa usapan ng mga kaibigan. "Malamang may katotohanan yang sinabi mo Prince, kasi di naman madaling mapaibig tong si Brent eh! Bato ang puso nito saka isa pa sabi nya dati "I hate girls period", naalala nyo sinabi nya yun diba?" Ani Pyre na nakikipaglaro ng billiard kay Griffin. "May sinabi ba akong ganun? Parang wala naman.. echosero ka lang Pyre, sipain kita dyan eh!" Naiinis na tanggi ni Brent. "Hoy Brent, bawal magsinungaling kaya aminin mo na! Tangnang to ginawa pakong sinungaling. Baka ikaw ang sipain ko ulol, makita mo." napipikong sabi ni Pyre. Nagtawanan naman ang lahat dahil sa sagutan ng dalawa. Naiinis na tumayo si Brent at napasabunot sa buhok nito. Halata talagang problemado. "s**t, pinatawag ko kayo para tulungan ako sa problema ko hindi para awayin ako mga gagong to. Di kayo nakakatuong lalo nyo pakong nililito eh! Pumunta lang yata kayo dito para makalibre hindi para tulungan ako. Magsilayas na nga lang kayo kakapal ng mga mukha nyo. Layasss." Pagtataboy sa kanila ni Brent. Na tinatawanan lang nilang lahat at di seneryoso tuloy lang ang inuman at pamumulutan nila. "Masyado ka namang high blood brod, syempre tutulungan ka namin, ikaw pa ba Doc. pababayaan namin." Inakbayan ni Keros si Brent saka naman sila binalingan ng tingin at nag thumbs up ito. "Owkeyy! Mahal mo si Alex, ang tanong, mahal ka rin ba nya?" Si Griffin na nagmamagaling na naman. "Minsan sinabi nyang.. 'Mahal kita Brent'." Nag aalangang sabi ni Brent sa kanila. Pagkarinig ni Prince ng salitang "Mahal Kita" bigla syang natigilan at napatingin sa malayo. Tila ninamnam ang salitang yun na kaysarap sa pakiramdam. 'Ang sarap pakinggan ng mga salitang yan, lalo na kung galing mismo sa kanya. Pero mas maganda sana kung kaya nya rin tuparin.' Biglang naisip nya agad si Mia. "Yun naman pala anupang pinoproblema mo ngayon? Eh mahal ka naman pala nya?" Narinig nyang tanong ni Mark. "May kakaiba kasi sa kanya, Oo ngayon mahal nya ako, sunod na araw hindi na daw nya ko mahal. Ang gulo diba? Napakalabo nya." Hinaing ni Brent. "Lam mo Brent, given na yan sa kanilang mga diwata. Ganyan ang mga ugali nila, kasi nga di naman sila normal na tao, kaya ganun sila intindihin mo na lang." Si Eruto ng sumagot kasi parehong mga diwata ang mga babaeng minamahal nila. "Sana lahat ng nasa isang relasyon kayang tuparin yung bawat salitang binibitawan nila, lalo na yung mga lalaki, kasi yung mga babae halos lahat ng bawat salitang binibitawan ng mga boyfriend nila kabisadong-kabisado nila, ganun talaga kapag sobrang mahalaga, at mahal mo yung isang tao." Napabuntong hininga na lang si Gaelan matapos sabihin yun. "Lam nyo, kahit na dumating sa puntong sobrang hirap na ng pinagdadaanan ng relasyon nyo, dapat walang susuko, dahil parehas nyong pinasok ang problemang yan, dapat parehas nyo rin ayusin, hindi yung isa lang yung gumagawa ng paraan, kaya minsan in the end na uuwi sa hiwalayan, ang hirap isipin na dahil napagod o sumuko sya kaya kayo nag hiwalay, wag sana dumating sa point na dahil lang sa mahinang loob, mahinang kakayanang panindigan lahat mauuwi lang sa wala." Payo naman ni Aeris na ang asawa ay si dj hugot. "Once na nagmahal ka, ikaw at sya ang haharap sa problema na pinagdadaanan nyo, dapat maging malakas kayo para sa isat-isa. Kung talagang meron kayong pagmamahal kahit anong problema pa yan kayang-kaya dahil may sapat kayong pagmamahal. Kahit ilang problema ang ibigay sa inyo ng tadhana wag kayong panghinaan ng loob harapin lahat ng yan. dahil pag subok lamang yan ng diyos, para subukin kung hanggang saan nyo kayang patunayan sa isat-isa yung pagmamahal nyo." Si Keros ang boss nila at ang unang nag asawa sa kanila. "Walang sukuan, walang iwanan." Si Prick na bihirang magsalita sa kanilang lahat. Napapailing at napapangiti na lang Prince sa mga kaibigan. Kapag kasama nyang mga 'to marami syang nalalaman at natututunan sa mga ito. Kaya minsan napapaisip na lang sya na baka posible ring maging sila ni Mia kahit na mag best friend pa sila. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD