Seven

1317 Words
"Kahit naman ipaglaban mo, kung ayaw talaga sayo. Wala kang magagawa eh. Ang benefit lang kapag pinaglaban mo eh sa huli ay wala kang pagsisisi. Kasi sinubukan mo, hindi ka nanahimik sa isang tabi. At hindi mo man nakuha ang gusto mo? Ang mahalaga kampante na ang loob mo at maitutuloy mo ang buhay mo na tahimik at walang natitirang katanungan sa sarili. Wala yung mga "what if ginawa ko?" "what if may gusto din sakin?" Mga simpleng katanungan na ganun." "Ssss! Saglit lang Mars! Wag ka munang maingay." Tinakpan kaagad ni Mia ang bibig ni Sm ng maulinigan ang mga boses na pamilyar sa kanya. "Minsan, hiniling ko na sana ganon din kataas yung pride ko, katulad ng sayo. Para kayang kaya din kitang tiisin, wag pansinin at balewalain. Para maramdaman mo rin yung pakiramdam ng paulit ulit na naghahabol sa oras at naghahanap ng atensyon. Kung gaano kasakit sa pakiramdam na parang pampalipas oras ka lang. Pero pasalamat ka na lang din, kasi mas mahalaga ka kesa sa pride ko, kaya hindi ko kayang gawin sayo. Wag mo lang akong hayaang masagad sa limitasyon ko, baka kasi bukas makalawa, pag gising mo, wala na rin ako." Nagkatinginan sila ni Sm at sabay pang nasabi ang pangalan ni Georgia. Nagsinyasan pang dalawa at sabay na hinawi ang mataas na halamanan na nakatabing sa tatlong taong seryoso na nag uusap. "Mars, sino yang lalaking kasama nila? Ngayon ko lang yan nakita ah." Bulong ni Sm kay Mia na tutok ang mga mata kila Prince. "Masisisi mo ba ako kung bakit ako nagkakaganito Georgia? Dimu man lang ako nirespeto. Bakit ka nagpapagamit sa pinsan ko ha? Ano may gusto kaba sa kanya?" "Masama bang tulungan ang kababata ko ha, King?, isa pa kung hindi dahil sa kanya walang tayo! Naiintindihan mo ba ako ha?" Paliwanag naman ni Georgia sa kasintahan. Lalong dumilim ang aura na nakapalibot kay King, binabalot ito ng matinding selos. "Tapatin mo nga ako Georgia, mahal mo ba talaga ako O pinaglalaruan mo lang ako ha?" "King, tama na! Wag mong awayin si Georgia, sakin ka magalit kasalanan kong lahat." Pumagitna na si Prince sa dalawa, ayaw nyang masira ang pagsasama ng dalawa ng dahil lang sa kanya. "Ikaw na hayop ka, kung wala kang gusto sa bestfriend mo at sukang suka ka sa kanya, bakit hindi mo sya tapatin? bakit kelangan nyo pang magpanggap ng gf ko? para ba sa ano Prince ha? kasi, hindi ko maintindihan ang totoong dahilan mo. Na sabi ni Georgia, ayaw mong saktan ang sinasabi mong best friend mo, dahil may pangako daw kayo sa isa't isa. Ganun lang ba talaga? Eh, Lentek! na pangako yang sa inyo, pati kami nadadamay, yan pang ikakasira ng relasyon namin ni Georgia." Nanggagalaite na sa galit si King habang yakap yakap ni Georgia na walang tigil ang pag iyak. "Eh ang kitid naman pala ng utak mong gago ka, wag mo kaming husgahan ni Mia dahil wala kang alam sa ugnayan naming dalawaa!" Labas ang litid sa leeg ni Prince na halatang nagpipigil lang ng kanyang galit. "Hoy,! Mars, maghunosdili ka.. Halika na umalis na lang tayo dito." Hila hila ni Sm si Mia sa kamay palayo sa lugar na yun. Ayaw nyang makigulo sa tatlong nagtatalo.. Saka mas ayaw nya ang nakikitang hinanakit at sakit sa mukha ni Mia. "Saglit lang Mars! Diko na kayang ipagpaliban pa ito. Dito ka lang.. sandali lang ako." Hindi na napigilan pa ni Sm ang kaibigan na dire deretsong naglalakad papunta kila King, Georgia at Prince. "Ano nga bang katotohanan Prince? Ginawa mo akong best friend para saan? Bakit kayo nagpapanggap ni Georgia, para sa ano? Madali lang naman akong kausap, hindi nyo na kelangang magpanggap pa at kung sukang suka ka naman sakin wag kang mag alala ako na mismong lalayo para hindi kana mahirapan pa." Matapos sabihin yun ni Mia tumalikod at naglakad na ito papunta kung saan naghihintay si Sm. Hindi naman agad nakakilos si Prince dahil sa sobrang pagkabigla ng makita si Mia. Samantalang si King naman ay hinila na si Georgia palayo sa lugar na yun. "Mars, tara mag ice cream tayo." Yaya ni Mia kay Sm na mababakas ang pag aalala sa mukha nito. "Sure ka Mars, na ice cream ang gusto mo, hindi alak?" "Alam mong hate kong hang over diba? Kaya mag a ice cream na lang tayo." Pilit ang ngiting sabi ni Mia. Pumasok silang dalawa sa nakitang Mc Donald. Si Mia ng omorder ng makakain nilang dalawa. Habang si Sm ang naghanap ng mauupuan nila. "Woww Mars, nagda diet tayo diba! diba? Ba't napakarami naman nitong inorder mo, baka ma impatso tayo nito." Di malaman ni Sm kung anong uunahing kainin, fries ba O spaghetti, O di kaya burger ba O sundae, may mango at pineapple pie pa, saka large cola. "Uubusin nating lahat to Mars, dahil ito ng huli nating kain na magkasama." May lungkot na sabi ni Mia sa kaibigan. "Ha! Hooyy! Wag naman ganun Mars! Wag kang magpapakamatay ng dahil lang sa kabiguan mo Marsss!" Tinampal ni Mia sa braso si Sm. "Sira! Hindi pa'ko ganun ka desperada para gumawa ng ganung bagay nuh. Kain na nga lang tayo." "Mars, ok kana ba?" Nag aalangang tanong ni Sm sa kaibigan. Umiiling na napabuntong hininga na lang si Mia. "Hindi ko alam kung bakit gusto ko sya. Hindi ko alam kung bakit sya pa. Hindi ko alam kung anong nakita ko sa kanya." "Siguro nga Mars, hindi mo mapipili ang taong magpapatibok ng iyong puso. Pero malay mo baka hindi yun permanente baka pulso lang yun ng kalandian." Nag peace sign kaagad si Sm ng makitang naningkit ang mga mata ni Mia na nakatingin sa kanya. "Tigilan moko Mars!"pagbabanta pa ni Mia. "Pero malay mo rin, ang damdaming iyan ay hindi mo namalayang pag-ibig na pala na mauuwi sa pagmamahalan ninyong dalawa. Hindi mo alam na kayo pala ang magkakatuluyan sa kahuli-hulihan. Ang Diyos lamang ang tanging nakakaalam." Hirit pang sabi ni Sm na hinawakan pang kamay nya. "Lika na nga, tulungan mo na lang akong mag empake ng mga gamit ko. Kelangan makaalis nako mayang gabi kaya tara na Mars." "At san ka naman pupunta aber?" Nakapamewang pang tanong ni Sm. "Sa Tasmania." Tipid nyang sagot. Kumunot ang noo ni Sm. " Sa Australia? talaga! Anlayo naman nun Mars?" Reklamo pa nito. "Dun muna ako kay Kuya Axel, secret lang natin to ha! Wala kang pagsasabihan na kahit sino ok!" "Kahit si Prince?" Nakalabing tanong pa ni Sm. "Lalong lalo na si Prince! Please Mars, gusto ko munang lumayo, wala nakong choice kundi ito na lang!" Bilang sagot mahigpit syang niyakap ni Sm na naluluha luha na. "Promise! walang makakaalam tayong dalawa lang. Mars, kung mayroong dalawang pagpipilian, kung ang magstay ka o ang lumayo, hindi masamang piliin mo na lumayo kasi nga nasa pagpipilian yan. At hindi nangangahulugan na kapag lumayo ka ay pinili mo na ding kalimutan at iwan ang isang bagay na alam mong mahalaga sayo. Lumalayo ka dahil yun ang alam mong tama at mas nakakabuti. Lumalayo ka dahil alam mong baka tuluyan lang masira ang kung ano mang merong kayo at sobra mong pinapahalagahan ang natitirang bagay na yun. Lumalayo ka dahil ayaw mo siyang makitang nahihirapan at nasasaktan dahil kapag nanatili kang andyan sa tabi niya, baka hindi mo lang maiwasang mas mahalin pa siya ng sobra at tuluyang lamunin ang pagkakaibigang tunay na namamagitan sa inyong dalawa." "Salamat Mars, sa lahat lahat." "Lab kita eh! Kaya sayo ang loyalty ko. Mars, ingat ka dun ha! saka lagi mokong i update sa mga adventure mo dun!" Naluluhang napayakap sa kanya si Sm. Tumatangong niyakap nya rin ang kaibigan na panay ang singhot, sabay pa silang napatawa sa isa't isa dahil sa kadramahan nilang dalawa. Wala eh, nakakamatay ang sakit na kanyang nararamdaman ngayon. 'Simula bukas.. Sabay sa paglisan ko dito ang kamatayan ng puso ko...' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD