"Matagal ko ng gustong malaman mo, pero hindi ko masabi sabi sa'yo, dahil inuunahan ako ng takot ko, kasi alam ko naman na mare-reject lang yung feelings ko. Diba iba yung gusto mo? Kaya ayan, hindi ko tuloy maamin sa'yo yung nararamdaman ko.
Pero ito na nga, gusto kita. Gustong gusto kita. Sabi nga ng kanta na Linger by The Cranberries, 'You got me wrapped around your finger'. Minsan nga naisip ko, baka mahal na kita, pero di ko lang maamin sa sarili ko. And at this point, I'm too afraid to ask myself if I actually love you. Kung ano man talaga, iisipin ko pa rin na gusto pa lang kita. Naisip ko nga, bakit ba ako naglalaan ng napakaraming oras para sa'yo? Pinagpupuyatan kita, kasi gusto kita... at gusto rin kitang palaging kausap. Kahit kasama ko kaibigan ko, tinetext pa rin kita, kasi gusto ko kausap din kita. Hindi mo rin alam kung gaano ko kamahal ang tunog ng boses mo sa tenga ko. Alam ko naman na hindi ganon yung nararamdaman mo para sakin pero okay lang kasi sanay naman na ako sa ganito. Sa tinagal tagal nitong nangyayari, nasanay na ako. Nasanay na ako sa'yo. Gusto kita... at sa tinagal tagal niyang andito sa puso ko, medyo bumibigat na. Gusto kita, kahit may iba kang gusto, andito pa rin ako para sa'yo, handa kang tanggapin ng buong buo. Gusto kita, at sa hirap na dinaranas ko para hindi ko maamin sa'yo, medyo masakit na. Gusto kita, at habang tumatagal medyo kinakabahan na ako dahil baka sa susunod, hindi ko mamamalayan, mahal na pala kita."
"Practice ka ng practice, eh memorized mo na nga yang linya mo bakit dimo pa sabihin kay Prince yan Mars! Para matapos na."
"Di ko alam kung anong pwedeng mangyari sa hinaharap o sa mga susunod na buwan, Mars, pero hahayaan ko na lang na ang tadhana ang magdesisyon dito."
"Mars, naisip ko lang panu kung love ka rin ni Prince, nung move mo?"
Biglang nagningning ang mga mata ni Mia. "Kung love din ako ni Bestfriend? Naku! Mars, it's a dream come true!" Kaylapad ng pagkakangiti nya, yun na.. nangarap na naman sya ng gising. "Langya, sana nga magkatotoo Mars, Eeeee"
"Sana nga Mars! Yeeeyyy." Napatayo naman bigla si Sm saka naghawak kamay silang dalawa ni Mia at nagtatatalon habang sumisigaw. Pero maya maya lang napahinto si Mia at napabalik sa pagkakaupo.
"Anyari Mars? Ba't bilis mag byernes santo yang mukha mo? masaya na tayo diba? eh, ba't sa isang saglit lang ganyan ka? Anuka ba, may sayad na?"
Napabuga ng hangin si Mia saka nangalumbaba. Ilang minuto rin itong nanahimik bago binalingan si Sm at nagtanong.
"Mars, Naranasan mo na bang maawa sa sarili mo? Yung dadating sa point na titingin ka sa salamin tapos gusto mong damayan yung sarili mo kasi sobrang nararamdaman mo sa itsura niya na nasaktan siya? Yung gusto mong tanungin yung nakikita mo sa salamin kung bakit ganoon na lang palagi yung nangyayari sa kanya kahit wala naman siyang ginagawang masama? Tipong nakikita mo sa taong nakikita mo sa salamin na ginawa naman niya ang lahat para mapabuti at mapasaya yung taong inaalagaan niya pero sa huli mararamdaman mo na kapos pa rin yung ginawa niya."
Umiling si Sm. "Hindi pa naman, bakit?"
"Kung pwede lang utusan at sabihin sa taong nakikita mo sa salamin na okay lang, ginawa mo naman ang lahat, ngumiti ka na ginawa mo na, pero dahil sa nararamdaman mo yung nararamdaman niya, wala kang magagawa kundi huminga na lang nang malalim sa harap ng salamin at bumalik sa dating gawain at kasabihan na life goes on."
"#hugotpamore... by: Mia Kehmer."
Nakangising kinuha ni Sm ang cellphone nito saka nag selfie kasama si Mia.
"Kapag mahal, papatawarin. At kapag naulit muli, papatawarin ulit at mamahalin hanggang masanay na lang sa sakit para kunwari wala ka na lang pake at wala ka na lang nalaman. Para kunwari matatag ka, kahit parang manipis ka na lang na salamin na anytime mababasag kapag nakaranas na naman ng isang mabigat na dalahin."
"Hay! Grabe ka kasi kung magmahal, todo buhos ni hindi ka man lang nagtitira kahit konti sa sarili mo. Wag naman ganun, Mars! Kasi ikaw ang talo. Kita mo wagas kang mag emote sa taong ni wala ngang alam sa tunay mong nararamdaman. Bakit dimo na lang tanggapin at aminin sa sarili mo na hindi talaga sya para sayo!"
"Ang hirap tanggapin Mars, na mawawala yung isang tao sayo. Yun bang kapag magkasama kayo parang walang mangyayaring masama pero once na hindi na ulit kayo magkasama andun na ulit lahat ng banta. Tipong all through out na kasama mo siya masaya ka.Tipong sobrang bait mo para sa kanya para saktan niya. Kaya nag-iisip ka ng paraan paano ma lelessen yung pain na yun dahil ayaw mong maramdaman yung biglaang sakit dahil andun yung pag-asa mo sa kanya na siya na. Parang napakahirap din tanggapin na ang dami mong na iimagine na magagandang plano sa inyong dalawa. Pero alam mo yung pakiramdam na puro plano ka lang? Puro ilusyon at pag pipicture out ng magagandang scene sa utak mo. Madalas ka mag daydream dahil iba kasi talaga ang feeling kapag mahal na mahal mo yung taong hindi mapasayo eh. Tipong puro what if ka sa likod ng isip mo eh."
"At minsan, dahil hindi mo alam ang sagot. Napapakamot ka na lang ng ulo. Napapangiti ka na lang. Kasi hindi mo alam ang sagot eh. At ayaw mo din naman itanong dahil takot ka sa kasagutan at tuluyang mawala. Hangga’t walang kasiguraduhan ang isang bagay wala ka talagang pinang hahawakan eh. Dahil kung tutuusin lahat ng bagay na ginagawa nila eh kaya ring gawin ng iba. So tayo yung maraming iniisip at hindi sila. Tipong kinakalaban natin ang sarili natin. Tayo mismo ang gumagawa ng sarili nating problema. Tama ako diba Mars?"
Nakataas ang kilay na pagtatapos ni Sm sa mahabang litanya ni Mia.
"Tumpak! Trulala yang mga sinabi mo Mars. Kilalang kilala mo na talaga ako, parang soulmate nga tayo."
"At dahil soulmate nga tayo gaya ng sabi mo, tara ng maghanap ng solosyon dyan sa kamarteran mo. Hugot ka ng hugot pati ako nagmumukha ng tanga kakasagot dyan sa mga hugot mo."
"Ayaw mo ba nun Mars? Marami ka ng natutunan sakin na maa apply mo kapag ikaw naman ang pinana ni kupido hahaha."
Napasimangot agad si Sm at napailing iling pa sa sinabi ni Mia sa kanya.
"Ay parang ayoko ng ma inlove Mars, kung ganyan lang din naman ang magiging kapalaran ko."
"Wag magsalita ng tapos Mars, baka sobra pa sakin ang tumamang bagyo sayo galing kay kupido hahaha."
Nagulat na lang si Mia ng biglang nagsisisigaw si Sm at mabilis na tumakbo palayo sa kanya.
"Waaaaa.. Ayokong ma inlove, mag mamadre na lang akooo ."
"Hahaha hoy! loka loka hintayin mo akooo."
Mabilis nyang hinabol ang kaibigan na panay pa rin ang sigaw habang tumatakbo palayo.
"Baliw, hahaha"
?MahikaNiAyyana