Eight

945 Words
"Ang hirap pala nung ikaw lang yung nakakalam na nahihirapan ka na, na napapagod ka na, na nasasaktan ka na. Akala ng iba walang problema, akala ng iba okay lang lahat. Pero hindi nila alam unti-unti kang nadudurog dahil sa sakit na nararamdaman mo. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan mo sasarilihin na pagod ka na, na nahihirapan ka na, na nasasaktan kana? May mga bagay na hindi mo masabi, hindi… mo alam kung ano yung salitang tutugma dun sa nararamdaman mo. HIndi mo alam kung ano yung tamang estansa para sa tinitibok ng puso mo, masakit man o hindi. Tipong yung tanging ikaw lang talaga ang makakaalam, kasi ikaw yan. Kasi sayo yan, kasi nga hindi mo masabi, hindi mo mailabas kasi ang sakit sakit. Ang hirap maging matapang. Kahit na pilitin kong pigilan yung pagtulo ng luha ko, lalabas at lalalabas parin. Kahit na pilitin kong itago yung sakit, hindi ko pa rin matatago yung hirap dahil kitang-kita yun sa mga mata ko, Ang sakit lang Kuya, yung para kang ibinasura pagkatapos pakinabangan." Nakayukong pagkukwento ni Mia sa nakakatandang kapatid. "Sa kahit anong problema, kailangan nating matutong maging matapang. Walang masamang umiyak pero dapat sa simula lang yan. Dapat mong pag-aralan kung paano bumangon pagkatapos mong bumagsak. Ganun naman dapat eh. Huwag mong hayaang manalo yung problema sa’yo. Ngumiti ka. Isipin mo laging hindi ka nag-iisa. Mia, may mga kaibigan at pamilya ka pa para tulungan ka." "K - Kuya!" Niyakap nyang kapatid at sa dibdib nito dun sya umiyak ng tahimik. "Kung magmamahal ka din naman, dun ka na sa taong malaki ang tiwala sayo. yung tatanungin ka muna niya bago maghinala. lalawakan ang isip niya sa mga bagay bagay para di kayo mag away. Handa ka niyang irespeto. hindi ka babastusin at hindi pipilitin sa mga bagay na ayaw mo. pati sa mga plano at desisyon mo, di ka niya pangungunahan. pakikinggan muna niya ang side mo. irerespeto ka niya na parang nanay niya, na takot siyang masaktan ka kasi pag ginawa niya yun parang sinaktan nadin niya ang nanay niya." Mas lalo tuloy bumigat ang nararamdamang sakit ni Mia sa dibdib, dahil sa narinig na sinabi ng kanyang kapatid. Hindi sya sumagot basta nakikinig lang sya sa mga sinasabi nito. "Yung, Ipagmamalaki ka, kahit kailan hindi papasok sa isip niya ang ideny ka sa kahit na sino. kahit ano pang itsura at ugaling meron ka, kaya ka niyang ipagmalaki kasi yun ka eh. at yun ang mga bagay na minahal niya sayo. Mamahalin ka ng buong buo. No if’s and but’s, ikaw na yun. Ikaw ang tumatakbo sa utak niya at sinisigaw ng puso niya. Na lahat kaya nyang gawin para sayo, handang iparamdam sayo ang pagmamahal niya ng buong buo. Makikipag usap sayo na parang tropa mo lang, iingatan ka ng parang nakababata niyang kapatid, irerespeto ka na parang magulang niya at mamahalin ka na parang asawa na niya talaga. Ipaparamdam niya sayo kung gaano kasarap ang mainlove. Ipapakita niya sayo kung gaano kakulay ang buhay niya simula nung dumating ka at handa siyang patunayan sayo kung gaano kasarap mamuhay sa mundo ng kasama siya." "May lalaki pa bang ganun Kuya? Parang sa mga telenobela at libro lang yata nag e exist ang mga Prince charming na ganyan." Pinahid nyang mga luha saka pinakatitigan ang kapatid nyang matagal ng hindi nakakasama. Ngumiti si Axel ng makahulugan. "Meron pang Prince charming na para lang sayo! Kaya steady ka lang, parating na sya para pasayahin ka! O, panu alis na ako't may pasyente akong dadating." Pinisil pa nito ang pisngi nya bago ito nagpaalam dahil may duty pa ito sa hospital. Ng maiwang mag isa napaisip na naman sya. Naalala na naman nya si Prince. 'Ilang taon tayo naging masaya, marami na tayong napagdaan pero sinayang mo. Sinayang mo ang isang tao na magbibigay sayo ng totoong pagmamahal. Niloko mo ang isang tao na kahit kailan ay hindi ka lolokohin, na kahit kailan ay ikaw lamang ang tanging mamahalin niya. Sa dami ng pinagdaanan natin, natibag tayo sa isang pagkakamali na ginawa mo. Natibag tayo dahil lang sa panloloko at pagsisinungaling mo. Nagkunwaring umibig sa iba. Umiyak ako ng mag-isa. Ang sakit isipin na yung ilang taon natin na magkasama ay nasayang. Nasayang sa isang pagkakamali ng kahapon. Hay Mia, Magbago kana! Magbabago ka hindi para maging lesser na tao kundi para maging better for someone na deserve mo. Ititigil mo na ang pag-iyak sa taong hindi ka naman pinapahalagahan. Sayang ang luha. Kawawa ang mga mata. Magbabago ka para sa taong tunay na magmamahal sa ‘yo at sa taong hindi ka kayang nakikitang umiiyak. Magpapahinga ka sa lahat ng nakakapagod na effort na ginawa mo sa taong kahit kailan, hindi ka na-appreciate. Sa mga oras na nasayang, sa mga pangarap na walang pinatunguan. Lalayo ka sa taong umaasa kang magbabago pero wala pa rin talaga. Lalayo ka dahil hindi mo na nakikita ang respeto at pagmamahal. Lalayo ka dahil binabasura ka lang kahit wagas mo naman syang iniibig. Lalayo ka dahil pagod ka nang masaktan. Siguro kailangan ko na talagang magbago. Magbabago ako hindi para sa kanya kundi para sa sarili ko.' Sa mga naisip at pagmumuni muni nya, buo ang loob na napatayo sya bigla at tinapik ng tatlong beses ang kanyang dibdib. Saka sinabing... "Tama! Bagong Mia, bagong pag asa, bagong buhay." Naglakad sya papasok ng kanyang silid saka nanalamin, inayos ang kanyang sarili. Bukas na bukas din maghahanap na sya ng trabaho. Tutal naka graduate na naman sya, at magaling na photographer kaya pwede na syang magtrabaho. Ayaw nyang maging pabigat sa kapatid kaya kelangan nyang makapag trabaho agad. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD