Two

1049 Words
Alam niyo yung pinakamasakit sa lahat? Yung nagprepretend ka na okay ka, na wala kang problemang dinaranas. Yung ngingiti ka na lang at tatawa. Ang sakit palang masaktan. Hindi ko pa kasi nararanasan masaktan. Basta’t pagdating sa kanya. Talo na'ko. Bakit kasi ako pa yung nahulog saming dalawa? Bakit hindi na lamang siya? Bakit kasi ako nahulog sa mga salita niya. Bakit kasi naniwala ako sa iniisip ko na gusto ako ng taong gusto ko. "Diba Mia, mahal mo ako? Diba! Diba ha?" Pangungulit ni Prince sa kanya na nagpatigil saglit sa kanyang paghinga. "Hoy! Miaaaa! Helloo.. ok ka lang ba girl?" Nagpanting ang tenga ni Mia ng marinig ang matinis na boses ni Georgia. "Oo, ok ako! Kaya wag mo akong sigawan. Tsura mo. Bakit close ba tayo? Kung makasigaw ka naman sakin, feeling close lang ha! Gagang to. Pinag iinit mong ulo ko ah. Sipain kita dyan eh." Lahat nakaawang ang mga labi at napamulagat sa biglang pagsigaw ni Mia sa kanila. Kung dipa umawat si Prince dipa matatapos ang litanya ni Mia. Kumukulo talaga ang dugo nito kapag ganitong harap harapang hinaharot ni Georgia ang bestfriend nya. "Bestfriend, ok ka lang ba? Anong nangyayari sayo ha?' Nag aalalang tanong ni Prince sa kanya. "Hahaha charot lang, kayo naman dina masanay sanay sakin. Praktis lang yun, kasi kasali ako sa theater play eh! Ano pasado na bang acting ko bestfriend ha?" Mabilisang palusot ni Mia sa mga kaharap na agad namang narelax ng marinig ang paliwanag nya. "Wheww! Kala ko totoo, tatakbo na sana ako palayo, natakot ako sayo Mia eh!" Pilit ang ngiting sabi ni Georgia kay Mia. "Hmp napaka plastic talaga ng haliparot na'to." Bulong ni Mia kay Sm na ngingiti ngiti lang. Kasi ito lang ang tanging nakakaalam ng katotohanan sa pagitan nila Mia at Prince. "O, Mars, sagutin mo ng tanong ni Prince, kanina pa yan nag aantay ng sagot mo eh!" Kumindat pa si Sm kay Mia saka inginuso si Prince na matiim namang nakatingin sa dalaga. Kaagad naman nyang nakuha ang nais ipahiwatig ni Sm sa kanya, kaya hinarap nya si Prince saka sinapo ang magkabila nitong pisngi saka pinakatitigan ito bago nagsalita. "Syempre naman bestfriend, hindi lang kita mahal, kundi mahal na mahal." "Mahal din kita, bestfriend." Nakangiting sagot naman ni Prince sa kanya. Nangingiting inilapit nyang mukha sa binata saka ikiniskis ang tungki ng kanyang ilong sa matangos nitong ilong na ikinatawa ng lahat. Ganun sila kung maglambingang dalawa. Mag best friend nga diba hmm. "Uys! Tama na yan, baka may magselos dito hahaha." Awat ni Sm sa mag bestfriend na kung iba lang ang makakakita mapag kakamalang mag kasintahan ang dalawa at hindi mag bestfriend lang. Kaagad namang napabitaw sa isa't isa ang dalawa. Hinarap ni Mia si Georgia saka tiningnan sa mga mata at sinabing.. "Maswerte ka kasi ikaw yung mahal niya. Maswerte ka kasi ikaw yung nakikita niya. Maswerte ka kasi napapansin ka niya. Maswerte ka kasi ikaw ang nagpapasaya sa kanya. Maswerte ka kasi napapangiti mo siya. Maswerte ka. Sobrang swerte mo.. kasi ikaw ang nagustuhan niya, ikaw ang nakikita niya sa bilyong bilyong tao sa mundo. Kahit ayaw kong mainggit sayo, kahit ayaw kong magselos sayo. Nagseselos at naiinggit pa rin ako. Kasi ikaw yung mahal ng taong gusto ko eh. Ikaw yung nakikita niya imbis na ako. Ikaw yung nagpapasaya sa kanya imbis na ako. Ikaw yung mahal, ako yung kaibigan. Ako yung bestfriend nya lang. Ingatan mo sya't pakamamahalin, isa pang pagkakamali mo tatanggalin ko yang pekeng ilong mo. Tandaan mong mga sinabi ko sayo espasol girl." Kitang kita ang pamumutla ni Georgia na ang isang kamay ay nakatakip na sa ilong nito na tila pinoprotektahan iyun. Natatawang inilapit pa ni Mia ang mukha sa namumutlang dalaga saka may ibinulong pa dito. "Natakot kaba? Dapat lang na matakot ka, kasi totoo na yung mga sinabi ko at hindi na yun isang..." Pinutol muna nito ang huling sasabihin saka tumuwid ito ng tayo. "Charot! Lika na Mars, rarampa pa tayo." Nauna ng naglakad si Mia. "Boomm.. To see is to believe humm." Pahapyaw na sabi ni Sm ng dumaan sa harapan nila Prince at Georgia. Mabilis itong naglakad maabutan lang si Mia. "Ano Mars, kaya pa ba O suko kana?" Agad na sabi ni Sm ng maabutan si Mia. "Bakit kasi nagustuhan ko siya? Bakit ako nakakaramdam ng dissapointment at parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa ng malaman kong ayaw niya sakin? Nang malaman kong wala pala talaga siyang feelings sakin. Na trip niya lang ako. Hindi ba sumagi sa isip niya sa mga ginagawa niya. May umaasa. May nasasaktan. At kung kailan ko nalaman yun. Nahulog na ko sa kanya. Tinago ko ang sakit ng nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag ngiti at pagtawa na parang wala lang yun sakin. Na parang okay lang sakin na wala siyang pagtingin sakin. Pero, Mars, nasasaktan ako." Tinapik tapik ni Mia ang kanyang dibdib kung saan banda nakapwesto ang sugatan nyang puso. Kasabay nun ang pag agos ng kanyang mga luha. Naaawa namang niyakap sya ni Sm at dinaluhan. "Tama na Mars, time out kana muna pwede! Mars, Save your heart for someone who cares. For someone who knows that you are worth it. For someone who knows how to care how to love and how to treasure someone’s heart. People always want fun, but being in love and having a relationship is not for fun. It’s for someone who knows to treat someone like how treat them like a pearl. Save your heart for someone who can love you back. for your friends, family and those people who loves you truly. Na gets mo bang pinapayo ko sayo Mars?" "Hindi! Halika, mag ice cream na lang tayo." Hinila na ni Mia si Sm na nakasimangot. Ang totoo nyan lahat naman ng pinapayo sa kanya ni Sm ay puro sa ikabubuti nya at naa appreciate nya talaga ang lahat ng sinasabi nito kasi malaman at mabibigat. Masakit din pero yun ang katotohanan, isinasampal at ibinabato lang sa kanya ni Sm para sya'y matauhan. Kaya lang manhid na sya eh kaya paulit ulit na lang ang mga nangyayari sa kanyang buhay. Ika nga ni Sm... #tanga... pangalan nya ay Mia. At Totoo yun , isa syang dakilang tanga. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD