One

946 Words
Minsan nakakaloko na gusto mo ipagdamot yung taong hindi naman sayo. Yung taong hindi mo naman pag mamay-ari dahil hindi naman kayo. Kumbaga more than friends at more than lovers na nga eh, pero may mga bagay talaga na hindi maipapaliwanag kung bakit hindi pwedeng maging kayong dalawa. Minsan dadating ka sa buhay niyang malungkot siya. At nakita mo yung worth niya. Nakita mong binasura siya ng iba. Tapos andun ka para i recycle yung taong ibinasura nya. Kinupkop mo at inilabas yung tunay na halaga nung taong ibinasura niya. Nailabas mo ang tunay niyang ganda. At nung nakita niya yung tunay na worth nung taong ibinasura niya. Babawiin niya na parang walang nangyari. Babalik siya na parang wala siyang kasalanan. At ang tunay na maiiwan eh yung taong nagbibigay ng halaga at yung taong nakakita ng tunay niyang halaga. Siguro yun na ang pinaka malungkot. Mag alaga ng isang tao na kapag ok na lahat eh biglang babawiin lang sayo. Ok sana ang lahat kung hindi hahayaan ng tao na yun na saktan siya ulit nung taong ibinasura siya. Na ang pipiliin niya eh yung taong kayang patunayan at higitan yung ginagawa ng nakaraan niya. Lam mo yun? Chance lang ang need niya. Yung magtiwala lang ulit yung taong naiwan. Lalo na’t alam nung taong nakakita ng halaga sa kanya ang istorya ng nakaraan niya. Sa tingin niya ba iiwan pa siya? Who knows? Pare parehas lang tayong nagmamahal. "Hay buhay!" Napabuntong hininga na lang si Mia at natigil sa pag iisip ng makita si Prince at ang ex nitong nagkabalikan kelan lang. Napakakupal talaga ng Georgia na yun matapos ibasura ang besfriend nya, ngayon babalik at eeksina na naman. " hooo.. Kapal muks talaga!" Napalingon sya sa katabi ng tapikin nitong bigla ang braso nya. "Hoy! Mars, kung nakakamatay lang ang tingin bumulagta na yung dalawang yun hahaha." "Tigilan moko Sm! Naiinis ako, kaya manahimik kana lang dyan. hmp." Umirap pa sa hangin si Mia, iniiwas ang tingin kila Prince at Georgia na kapittuko sa isa't isa. "Tara na kasi, samahan moko magpa salon, Mars. Gusto kong mag pagupit! Sige na naman Mars, please!" "Hay! Tara na nga! Ikaw talaga napakabisyo mo." Hinila na nito si Sm palabas ng school nila. Pero bago tuluyang makalayo isang sulyap pang ginawa nya kila Prince bago tumalikod at naglakad ng tuluyan kasabay si Sm. Hindi na tuloy nakita ni Mia ang nakasunod na tingin ni Prince sa kanya. "Hindi solusyon ang pag-iwas sa pag-ibig para maiwasang masaktan. Kasi kapag sinabi mong iiwasan mong magmahal kasi ayaw mong masaktan para mo na rin sinabi na iiwasan mo ng kumain kasi ayaw mong tumaba. Kapag sinabing “wag magpakatanga”, ibig sabihin gamitin mo ang utak mo at huwag puro puso ang sinusunod. Hindi mo kailangang pigilan ang sarili mo na makaramdam ng pagmamahal. Kailangan mo lang alamin kung hanggang saan lang ang pwede mong ibigay. Kasi kahit bakuran mo man ang sarili mo, ilayo mo man ang sarili mo sa mga taong handang magmahal sayo, hindi mo kakayanin. Kasi tao lang naman tayo, likas sa atin ang magmahal kahit na walang kasiguraduhan ang lahat, kahit pwede tayong masaktan sa huli." Napatingala na lang sa langit si Prince para ikubli ang halo halong emosyon na mababasa sa mukha nya. Kapag talaga nagbitaw ng salita si Georgia palaging sapol sya. "Thanks Georgia, maaasahan ka talaga!" Bahagya nyang kinurot ang pisngi ng "ex" nya. "Bakit kelangan mo pang magkunwari? Bakit ayaw mo pang aminin sa kanya ang totoo mong nararamdaman." "Dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin, mas mabuti ng manatili kaming ganito at least magkasama kami kesa masirang pagkakaibigan namin at tuluyan kaming magkakalayo. Ayokong mangyari yun saming dalawa." "Kaya pati ako ginagamit mo sa palabas mong 'to, hmp." "Parang walang kapalit ang acting mo kung makareklamo ka dyan ah? ha!" "Basta Prince ha! Totoo yung sinabi mo tungkol kay King ha?" Biglang umamo ang mukha ni Georgia ng maalalang kasunduan nilang dalawa. "Syempre naman, nag promise ako sayo diba? kaya tutuparin ko yun. Mmm." Pinisil nyang tungki ng ilong nito. "Anuba! Sabi ng wag ang ilong ko eh!" Tinabig ng dalaga ang kamay ni Prince. "Kasi, peke ang ilong mo! Yeah I know that already hahaha." Pang aasar pa nya sa kababata. Kaya sila napagkakamalang magkasintahan dahil sobrang close silang dalawa. "Kainis kang pulgas ka! Secret yun eh ba't nilalabas mo paaaa.." Panay ang hampas at kalmot nya kay Prince na panay ilag naman habang malakas na tumatawa. Habang nagkakasayahan ang magkababata may isang nasasaktan naman sa di kalayuan ng mga ito. "Mars, halika na! Wag mo ng i t*****e pang sarili mo dyan. Tama ng drama ngayong araw kotang kota kana, abah umaapaw na nga sa lalagyan yang luha't sipon mo eh." Hinihilang pilit ni Sm si Mia na halos nanigas na yata sa kinatatayuan nito. "Tara na nga! mag salon na tayo magpapakalbo nako! waaaa.." "Sira! Hahaha di bagay sayong kalbo kasi magmumukha kang kwago dahil sa laki ng mga mata mo. hahaha." Hindi mapigilan ni Sm ang matawa sa kaibigan. "Tse! Kainis ka, kaibigan ba talaga kita? Kung pagtawanan moko wagas ah!" "Tara na kasi! Tss.. puro ka emote dyan, halika na mag chill tayo dun sa salon ni Mama Vi." Hinila na nya si Mia na dipa rin maalis ang tingin kila Prince at Georgia. "#tanga... pangalan nya ay Mia. Hahaha." "Sige lang Mars, tawa pa more. Pero tandaan mo'to! karma is a bitch." Pananakot pa ni Mia sa kaibigang alaskadora. "Nyenyenye.. Ok lang karmahin ako basta't magkasama lang tayo.. hahaha" Biglang tumakbo na palayo si Sm kay Mia palibhasa alam nyang napipikon ng kaibigan sa kanya kaya kelangan na nyang dumistansya. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD