"Ang sarap nga naman makipagbiruan sa mga taong mahilig makisakay sayo, ang mahirap lang sa biruan eh minsan nahuhulog ang isa at patuloy na nagbibiro yung isa. Ang hirap ng ganun, tipong akala niya nag bibiro ka pa rin pero hindi na pala, ang dali mong sabihin na mahal mo sya dahil alam niya eh nagbibiro ka lang, kumbaga nakakagaan lang sa parte mo dahil nasasabi mo sa kanya ng walang hirap yung nais sabihin ng puso mo."
Napahilamos ng mukha si Mia ng mapagtantong si Prince na naman ang topic nila ni Sm ngayon. Panu ba sya makakapag move on kung ganitong lagi na lang pinapaalala sa kanya ng hitad na'to ang hidden desire nya sa kanyang bestfriend. Naku namaaann..
"May point ka Mars, bakit nga ba kasi minsan sineseryoso natin ang mga landian na walang patutunguhan na kahit alam naman natin na malabo at hindi talaga magkakatotoo sa darating na panahon, eh patuloy nating ipinagpapatuloy ang kagagahan na ito. Dahil ba para itong skyflakes na pampalipas gutom? Isang vitamins para maging inspired parati na walang halong commitment? Maraming kumplikadong tanong."
Patay malisyang pakikisakay nya dito na kunwari di sya affected sa palitan nila ng kuro kurong dalawa. Ganito sila kapag walang pasok nasa senior high si Sm samantalang sya naman ay nasa kolehiyo na. Mas matanda sya ng dalawang taon sa kaibigan.
"Minsan talaga may pagkakataon na kahit alam mong landian, minsan iniisip mo totoo na lang, kasi naiisip mo na “ Nagawa niyo na eh, ayun na yun eh.. bakit hindi pa namin maituloy sa gusto naming pagmamahalan?” Bakit bawal kami? Friendzoned na naman ba? Sa gilid na naman ako? Waiting room ulet? Una ako sa pila tapos waiting Room? Parang ganun na lang ang masasabi mo sa sarili mo eh."
"Arayko naman Mars, mag preno ka rin paminsan minsan! Nakakasagasa kana eh."
"Ano Mars, durog na ba? Lasog lasog na ba O naghihingalo na? Hihihi."
" Letse! Hindi naman ako masokista gaga! May limit din ang katangahan at kagagahan ko, kaya wag mo nang ipangalandakan. Malditang 'to, kung maka bully sakin wagas ah! Parang di mag Mars, kainis ka."
Panay tawa lang si Sm at panay naman ang pandidilat at pag irap dito ni Mia. Nahinto lang sa pag aasaran ang dalawa ng biglang may umupo sa tabi ni Mia. Agad na umusod palayo si Mia at nilingon ang tumabi sa kinauupuan nya.
"Hi Bestfriend, musta na? Tagal mong nagtago sakin ah!"
Lalong sumingkit ang mga mata ni Prince sa ginawa nitong pagkakangisi kay Mia.
"Oo nga naman nuh Prince, bakit ka nga kaya pinagtataguan ng bestfriend mo? Hmm let me guess.. Una - Siguro may nililihim sya sayo. Pangalawa - may sekreto syang tinatago sayo. Pangatlo - may gus - hmmp.."
Maagap na tinakpan ni Mia ang bibig ni Sm saka hinila ito patayo at akmang kakaladkarin na paalis doon ng magsalita si Prince.
"Pang apat - may galit sya sakin kaya iniiwasan nya ako? Tama ba'ko bestfriend? "
Seryoso ang mukhang sabi ni Prince na titig na titig kay Mia na hindi naman makatingin sa kanya ng deretso.
"Saka na tayo mag usap Prince, may pupuntahan pa kami ni Sm eh!"
Pagdadahilan ni Mia na halatang naiilang sa binata.
"Tangna! Ba't dimu pa kasi ako deretsuhin ha Mia? Para hindi naman ako mag mukhang asong ulol na habol ng habol sayo."
Pigil ang galit at sama ng loob na nararamdaman ni Prince ng mga oras na yun.
Sasagot na sana si Mia na biglang uminit din ang ulo dahil sa pagsigaw ni Prince ng marinig nilang boses ni Georgia.
"Prince! Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Lets go we're late already!"
Nilapitan nito si Prince saka hinila paalis dun, nilagpasan lang nito sila Mia at Sm na nakasunod lang ang tingin sa kanila. Walang imik naman si Prince na nagpahila na lang kay Georgia patungo sa nakahimpil nitong sasakyan. Hindi na ito nag abalang lingunin pa ang dalawang dalaga na naiwang nakatulala dun. Unang nakabawi si Sm at yun na ratatat na naman ang bunganga nito.
"Ay grabe talaga sya! Parang pader lang tayo dito kung tratuhin ng babaeng espasol na yun ah! Makikita nya, sa susunod na makita ko sya talsik sakin yung pekeng ilong nya grrr..'
Papadyak padyak pa si Sm habang nagpupuyos sa galit ang kanyang damdamin. Natigil lang sya ng mapansin si Mia na nakaupo na ulit sa bench ng park na tambayan nila. Nakayuko lang ito habang sinisipa sipa ang maliliit na bato malapit sa paanan nito. Naaawang tinapik tapik ni Sm ang balikat ng kaibigan.
"Mars, wag masyadong dibdibin! sinasabi ko sayo may laban ka sa retokadang yun. Lakasan mo lang ang loob mo kapit lang dahil ikaw ang mananalo, itaga mo yan sa ilong ng retokadang Georgia na yun."
Kahit naiiyak, napatawa ng malakas si Mia sa mahabang litanya ng kaibigan nyang mahadera. Itong gustong gusto nya kay Sm. Masayahin, pag kasama nya ito gumagaan ang kanyang pakiramdam. Gumagaan ang kanyang mundo.
?MahikaNiAyana