9- "A kiss on the dancefloor."

1329 Words
Marahang ngumiti siya. “Darating din po tayo diyan pero sa ngayon, wala pa po kasi sa isip ko, eh. Priority ko po ang trabaho ko ngayon sa kompanya ng daddy at ito nga**** tumulong at magpasaya sa mga bata kahit sa mga simpleng bagay lamang.” Siyempre, last but not the least, Mei surprised her best friend Ninna. “Huyyy! Nananaginip ba ako? Lokaret ka! Ikaw na ba talaga ‘yan, Meiryn?” She proudly posed like a model. “The one and only.” Excited at halos magtititili itong tinakbo siya’t sinunggaban ng mahigpit na yakap. “Loka ka talaga! Hindi ako makapaniwala! Akala ko nasa Thailand ka pa at next week pa uwi mo! ‘Yon ang sinabi mo sa akin, eh!” Mei grinned. They freed from the hug. “Sinabi ko lang ‘yon because I wanted to surprise you.” “At nasurpresa nga ako, loka-loka!” Humalakhak ito. “Pero na-miss kita, ah! Sobra! Kailan ka pa dumating?” “Kanina lang umaga. Kay Austin ako nagpasundo. By the way, I missed you too.” “Pasalubong mo sa akin, nasaan? May dala ka bang Oppa diyan?” Nagmuwestra pa talaga itong sumilip sa likuran niya kung may dala nga siyang lalaki. Sa muli ay napahalakhak siya. “Gagi! Sa Thailand ako nanggaling, girl, hindi sa South Korea! But yes, may dala akong pasalubong para sa 'yo.” They ended up sitting on one of the tables in this wide and creative restaurant. Si Ninna kasi ngayon ay may sarili nang restaurant business, and she’s the one managing it, as well. “Thank you dito, ah! Sana naman gumanda na ako rito at makahanap na sa wakas ng Oppa ng buhay ko!” patuloy nito sa pagiging pilya nang iabot niya ang box ng mga sabon at beauty products na originally made in Thailand. Napailing na lang siya. Kahit kailan si Ninna talaga, loka! Habang tinitingnan at sinusuri ng kaibigan ang bawat produkto, hindi maiwasan ni Meiryn na magbalik-tanaw sa nakaraan. Pagkatapos ng graduation ceremony, mas pinili niyang magpadaus ng simpleng salu-salo lamang kasama ng daddy niya at ni Ninna the other day, not to mention na nagpadala din siya ng packed party food para sa mga bata sa bahay-ampunan bilang bahagi ng kanyang selebrasyon at tagumpay sa pagtatapos ng pag-aaral. Natuwa ang daddy niya nang sabihin niya ritong hindi na siya papasok ng kumbento at hindi na mag-aaral ng theological and philosophical studies para maging Madre, hindi na niya itutuloy ang binabalak niyang iyon. Partly kasi ay supportive naman ang daddy niya sa gusto niya pero tulad ni Ninna ay doubtful din talaga ito sa pangarap niyang iyon dahil ang mas nais umano nito ay ang tumulong siya sa pagpapalakad ng negosyo at ang magkaroon ito ng mga apo lalo pa’t nag-iisang anak lamang siya. Kung ito ang tatanungin, mas gusto nito ang magkapamilya at magkaroon siya ng mga supling. Si Ninna naman ay hati din ang naging reaksyon sa pagkabigla sa anunsyo niya. “Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano, knowing na hindi mo na itutuloy, Mei, pero may kutob talaga akong may kakaibang nangyayari, eh. Like, why so sudden changed your decision? Eh, buong buhay mong ginusto at pinangarap ‘yan, hindi ba?” sabi nito nang maiwan silang dalawa. She just smiled, but couldn’t hide the sadness in her eyes. “Matuwa ka na lang since ayaw mo naman talaga na mag-Madre ang best friend mo, hindi ba?” “Kilala kita, Mei. Hindi ka basta-bastang magdedesisyon ng isang napakalaking bagay at hindi mo basta-bastang tatalikuran ang bagay na buong buhay mong pinangarap kung walang anumang nangyari na makakapagpabago ng isip mo. You tell me the truth, ano ba talaga ang nangyayari sa 'yo? May kinalaman ba ito doon sa gabi ng birthday party ni Dana last January?” She sighed hard, and finally had the courage to tell Ninna everything. After all, best friend naman niya ito, hindi ba? Kaya hindi na rin siguro masama ang magkuwento at magsabi ng tunay na nararamdaman para kahit papaano ay mabawasan ang bigat sa loob niya. “Oh my goodness! Nakipag-one night stand ka?!” As expected, gulat na gulat at hindi halos ito makapaniwala. She nodded frustratingly. “Yes, and God knows I am regretting it everyday of my life. I feel so dirty, Ninna. Pakiramdam ko, pariwara ako at walang kuwentang babae. I hated myself for it.” “Pero paano ka nalasing? Eh, hindi naman ganoon katapang ‘yung ininom natin, ‘di ba? Besides, tatlong baso nga lang ‘yung binigay ko sa 'yo.” “’Yon din ang ipinagtataka ko dahil sa pagkakaalala ko’y sa huling inom ko ng basong iniwan mo para sa akin, doon na ako nagsimulang nakaramdam ng pagkahilo at matinding panlalamig na literal na parang may sariling buhay ang katawan ko at naghanap ng kakaibang init sa ibang tao.” “Oh my! Parang hindi ako makapaniwala…” patuloy nito na nasa mukha ang lungkot at simpatya para sa kanya at sa nangyari. “Kung sana hindi na lang kita iniwan doon sa table, kung sana bumalik ako kaagad, baka naagapan pa natin ang nangyari.” “Pero nangyari na at wala na tayong magagawa do’n. Hindi kita sinisisi, Ninna, kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala namang may kagustuhan sa nangyari at isa pa’y pareho naman nating hindi inaasahan na mangyayari ang ganoong bagay.” Sa kabila ng sinabi niya, nasa mukha pa rin nito ang guilt dahil para rito ay accountable ito sa nangyari dahil naging pabaya itong kaibigan sa mga sandaling iyon. “Pero dahil ba sa nangyaring iyon kaya tatalikuran mo na lang ang matagal mo nang pinapangarap, Mei?” “I feel so dirty, Nin. I’m not pure anymore. Pakiramdam ko, nawalang bigla ‘yung debosyon ko kasabay ng pagpapaubaya ko sa sarili ko sa lalaking ‘ni hindi ko gaanong kakilala. I’m purely a sinner now.” “Pero tulad nga ng sinabi mo, hindi mo naman ginusto ‘yon, eh! Besides, becoming a nun doesn’t require one to be pure, ‘di ba? As long as you’re not committed in a relationship with anymore.” “Hindi na, Nin,” she finalized. “Sa nangyari, pakiramdam ko hindi na ako bagay na magsilbi dahil hindi na ako malinis. ‘Yung isang bagay sana na alay ko sa Diyos at panghabang buhay na dapat ay para sa sarili ko lamang, naisuko ko nang ganoon kadali sa isang estranghero sa isang pinakamakasalanang gabi sa buhay ko.” Ninna sadly embraced her. “Huwag mong sasabihin ‘yan. Nagkamali ka lang, but you’re not dirty, Mei. Nadapa ka lang pero hindi ibig sabihin, pariwara ka. I know you. I know you very well. Huwag mo nang masyadong pinarurusahan ang sarili mo sa kasalanang ‘ni hindi mo rin naman ginusto.” One tear fell from Meiryn’s eye. Maaaring tama si Ninna, her mistake wouldn’t define her a whole as a woman or her worth, ngunit sa ngayon, hindi talaga niya maiwasang kuwestiyon at halos isumpa ang kanyang sarili. “Anyway, that man… do you know him? Does he know you?” seryosong tanong nito nang maghiwalay sila sa yakap. “The room was dark when we did it but I saw his face the morning after. Siya, hindi niya ako nakita dahil tulog na tulog siya’t sigurado din akong ‘ni hindi ako kilala ng lalaking ‘yon. I barely know him, pero minsan ko na siyang nakita sa campus…” “What?! Ibig sabihin, schoolmate lang natin?” Mabigat ang loob na tumango siya. “Sino? Kilala ko ba, Mei?” She sighed hard before revealing who the man was. “’Yung lalaking minsan kong nakabangga sa lobby noong hinahabol mo ako…” Naitakip pa nito ang palad sa bibig nito sa sobrang gulat. Basically, gets at kilalang-kilala na nito ang sinasabi niya. “Oh my goodness! Si Grant!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD