PAGKALABAS ni Meiryn ng boardroom, diretso siya sa elevator. Isang palapag lang naman at naroon na ang kanyang opisina.
Upon walking on the hall of the offices, namataan niya ang Finance Manager na si Elly Lasperez, tatlong taon lang ang tanda sa kanya sa pagkakaalala niya, na galing sa kung saan at ngayon ay papabalik na sa loob ng opisina nito.
“Hi, Elly,” patamad na bati niya rito.
Saglit na tiningnan lamang siya nito at pagkatapos ay hindi naman pinansin o kahit tumugon man lang sa kanyang simpleng bati. Snubera.
Mei doesn’t mind, though. Kabisang-kabisa naman na niya ang ugali ng isang ‘yon. Insekyura sa kanya ang nasabing babae dahil ‘di hamak na dalawang taon itong mas naunang ma-in sa kanya dito sa kompanya bago siya naka-graduate at magtrabaho din dito. As far as she could remember, Elly applied and started as Finance Advisor and then a year after Elly’s good performance, she was finally hired to being the Finance Manager– ang pangalawang pinakamataas na position on finance after the CFO. Ang pinaghihimutok ng butsi nito ay ilang taon na’t stagnant pa rin ito sa ganoong posisyon.
Mei, on the other side, humbly started really from below, as a Sales Representative, and then got promoted half a year later to being the Marketing Manager, and in just two years, she is sitting on the post she has right now****** the Chief Marketing Officer.
Tingin kasi ni Elly, inagawan niya ito ng puwesto na pinaniniwalaan nitong para rito sana, ngunit sa kanya ibinigay. Sentimyento pa nito sa nalaman niyang ipinagkakalat nitong chismis sa mga kadepartamento nito dati, hindi naman daw talaga siya kagalingan at anak lamang naman siya ng may-ari at Presidente ng kompanya kaya siya nasa mataas na puwesto ngayon. Hinahayaan na lamang ni Mei at hindi na pinapatulan pa, bahala itong mag-isip ng kung anu-ano at wala siyang balak na ipagtanggol ang sarili rito. She knows she doesn’t owe anyone an explanation*** will just be a pure waste of time and energy. She believes mas maraming kailangang unahin para sa pagpapalago at pagpapayaman ng kompanya kaysa sa i-address pa ang personal na inggit nito sa kanya.
Sa totoo lang, for years na nagtatrabaho si Elly dito sa Montevalle CAB, nakita naman talaga ni Mei na magaling ito at dedikado at matalino sa trabaho, kaya walang problema si Mei sa babae. Bahala ito sa problema nito sa kanya basta siya, she really doesn’t mind Elly at all, as long as ginagawa lang nito ng maayos ang trabaho nito.
“Uy, Miss! Nandiyan na po pala kayo! Grabe! Na-miss ko po kayo, Miss Mei!” tuwang-tuwa na salubong sa kanya ng sekretaryang si Ruth nang mamataan na siyang papasok sa kanyang opisina.
Naka-table kasi ito dito sa labas ng kanyang opisina para kung kinakailangan niya ng kahit na ano, madali niya itong matatawag at mahahagilap.
Marahang napangiti na lang siya sa natural na ka-hyper-an na taglay ng kanyang sekretarya.
“Kamusta po kayo?”
“Maayos naman ako, Ruth. Kamusta din? Ang opisina ko?”
“Naku, eto, Miss, maganda pa rin po tapos ‘yung opisina ninyo, I always make sure na name-maintain ko at kasing ganda ko pa rin!” biro nito sabay hagikgik.
Marahang natawa at nailing na lamang siya. Malinis na klase ng tao si Ruth, partida table nito ay sobrang organize kaya hindi na siya magtataka kung bakit parati ding malinis ang kanyang opisina dahil bukod sa pagiging sekretarya niya’t pag-aayos nito ng mga schedule niya, eh naging routine na rin para rito na pati opisina niya ay imentina para mapanatili ang kagandahan, kalinisan, and the feels of refreshing.
Pumasok na siya at nakasunod ito sa likod niya.
“Naiwan ko pala ‘yung maleta ko sa boardroom, pakikuha na lang later doon at pakidala rito. May mga pasalubong ako roon at mayroon kang isa do’n.”
“Naku naman, Miss! Nag-abala pa po kayo!” pakunwari pang turan nito.
She looked at her, kidding. “Ah, so ayaw mo? Puwede ko namang hindi na lang ibigay sayo*“
“Eto naman, siyempre gusto ko, Miss!”
Napailing na lang siya.
“Anyways, may kontak ka pa ba doon sa taong pinagagawan natin ng imbestigasyon tuwing may mga impormasyon akong kailangang makuha?”
“Ay, oo naman po, Miss!” aniya. “Bakit? May paiimbestigahan na naman po ba kayong impormasyon?”
She nodded as she reached her table. Nilapag doon ang magazine na dala-dala niya.
“Gusto kong ipakuha mo ang schedules at mga lakad ng lalaking ‘yan by next week or even better this week, if it’s possible. The sooner, the better. May gagawin lang ako.”
Dinampot ni Ruth ang magazine at halos mapatili sa kilig nang tumambad sa mga mata ang page ng gwapong naka-feature doon at profiler ni Mr. Grant Lorenzo.
“Ayyy! Ang gwapo naman nito, Miss!”
She just tilted her head sa papuri ng kanyang sekretarya sa lalaking nasa picture. Given na na gwapo, eh, ano ngayon kay Mei? That’s not really what matters!
Malisyosa siyang binalingan ni Ruth. “Ito ang paiimbestigahan ninyo para makuhanan ng impormasyon tungkol sa schedules niya, Miss?”
She plainly nodded. Exactly.
“Bakit? Uy, kayo, Miss, ah! Bet niyo po, ano?”
Mataman lang niyang tiningnan ang sekretarya sa pilyang akusasyon nito sa kanya.
Nakuha naman kaagad nito ang punto niya at agarang nagtino. “Sabi ko nga po, ilalakad ko na.”
Naupo siya sa kanyang swivel chair, at hindi pa rin pala natapos ang opinyon nito sa lalaki na pinuno na yata nito ng papuri.
“Grant Lorenzo. Twenty-seven. Single* ayy! Single pa daw, Miss, oh! Beke nemen!”
Tumaas na lamang ang kilay ni Mei. Kahit kailan, wala naman yatang hindi gwapo sa paningin ni Ruth lalo na kapag mga lalaking nafi-feature sa magazine ang pinag-uusapan.
“A successful business tycoon who started at the early age of twenty-five. Graduated on St. Mandimore University with a Degree on BS Architecture, affiliated and recognized as MVP for two years as being the Captain of their varsity in Basketball. He proceeded on his Master’s and self-studied how business works in the modern-day world. Passed the board exam for Architects with flying colors. Currently appointed as the Executive Director of Lorenzo Group of Companies. Ay, Executive Director pa ng nangungunang kompanya ngayon sa Pilipinas!”
Pagkatapos na mahabilin kay Ruth ang pinagagawa niya at sa tao nila para makuha ang impormasyong kailangan niya mula sa Grant Lorenzo na ‘yon, dumiretso na muna si Mei sa bahay-ampunan para mamahagi ng mga dala niyang pasalubong. Tuwang-tuwa naman ang mga bata at nagsisihalik ang mga iyon sa kanya, na-miss umano siya. Kilala na rin kasi siya ng halos lahat dahil mula pa man noon ay hindi siya tumigil sa pagtulong sa mga ito kahit pa nga hindi niya naituloy ang kanyang pagma-Madre sanang plano dati.
“Maraming salamat, Mei, ah? Mula pa man noon, ang laki-laki na ng naitutulong mo dito sa bahay-ampunan at hindi ka nagsasawang magpasaya ng marami pang mga batang mga ulila na at wala nang mga magulang at tahanan,” anang isa sa mga head sisters ng nasabing orphanage.
“Wala po ‘yon, sister,” she genuinely responded as she dearly stared at the kids playing and enjoying the food she gave them. “Masaya po ako sa ginagawa ko kaya hindi ako nagsasawa.”
“Hindi ka man natuloy sa iyong pagma-Madre, alam kong iyon ay dahil may ibang balak ang Diyos para sayo, Mei. Tingnan mo naman, kahit hindi ka pumasok ng kumbento, nananatili kang mabuting tao at matulungin sa kapwa. Hindi naman kasi ibig-sabihin na kapag gusto mong magsilbi, kailangang maging Madre o Pari ka. Minsan nga kahit nag-aasawa at nagkakaroon ng sariling pamilya ang isang tao, kapag pasyon mo na talaga ang pagtulong sa kapwa, kahit ano ka pa, walang sinumang kukuwestiyon sa layunin mong ‘yon.”
Tumango-tango siya, learning so much from sister’s words for thought.
“Ikaw? Binabalak mo bang magkapamilya at mag-anak, hija?” tanong naman nito sa kanya sabay magiliw na ngumiti. “May nagpapatibok na ba sa iyong puso?”
Agaran siyang natawa saka madaling umiling. “Naku, wala pa po ‘yon sa isip ko ngayon, sister.” Totoo naman dahil sa ngayon, she’s a career woman, at marami pa siyang gustong patunayan lalo na pagdating sa usaping pamamalakad sa isang napakalaking negosyo.
“Alam mo, hindi naman masama ang umibig, hija. Isa pa’y napakaganda mo, imposibleng walang sinuman ang aaligid at magpapalipad-hangin sa 'yo mapansin mo lamang.”