Hindi napigilan ni Jossa ang pagsilay ng isang ngiti mula sa kanyang mga labi habang tinititigan niya ang mukha ng matandang lalaki. Though, hindi pa naman talaga ito katandaan kung susuriin. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa late forties pa lamang ito, o baka nga kaedad lamang ito ng kanyang ama na ngayon ay kwarenta y siyete na.
Katulad ng sinabi niya kanina ay kababalik lamang ng kanilang pamilya sa bayan ng Sta. Monica. Sa loob ng ilang taon ay sa Maynila sila nanirahan.
Ngayon lamang siya ulit nakaapak sa lugar na iyon. Kahit pa sabihin na may pabrikang pag-aari ang kanilang pamilya sa Sta. Monica ay hindi na siya muli pang nakauwi roon mula nang manirahan sila sa Manila noong elementarya pa lamang siya.
Bagay iyon na hindi niya maunawaan sa kanyang ama. Ito ang may gustong huwag silang umuwi roon ng kanyang ina. Katunayan, iyon din ang madalas na pagmulan ng away ng kanyang mga magulang. Kung bakit hindi nais ng kanyang amang si Eduardo na magtungo silang mag-ina sa Sta. Monica ay hindi niya alam. Tanging ito lamang ang umuuwi roon minsan sa loob ng isang buwan upang bisitahin ang pabrikang pag-aari.
Ngayon na lamang ito pumayag na umuwi silang muli. Ngayon na lamang matapos mamatay ng kanyang ina dahil sa sakit. Iyon pa ang dahilan kung bakit may baon na hinanakit ang kanyang ina na si Lucille nang mawala ito.
Lucille wanted so much to go to Sta. Monica but Eduardo would always say no. Humantong pa iyon sa puntong lagi na ay may nakabantay sa kanila ng kanyang ina para lang masiguro ni Eduardo na hindi sila aapak man lang sa probinsiyang iyon. Ni hindi niya alam kung ano ang mayroon sa bayang iyon at halos isumpa ng kanyang ama.
Kaya ngayon, ang marinig na may nakakakilala sa kanyang pamilya ay labis na nakapagpasaya sa kanya. Hindi pa natatagalan mula nang umuwi silang mag-ama at masaya siyang makahalubilo ang mga kakilala ng kanyang mga magulang.
"Paano niyo ho nakilala si Dad?" tanong niya ulit sa matandang lalaki nang ilang saglit na ang lumipas pero hindi pa rin ito nagsalita.
"M-Magkakababata kami ni Eduardo... pati na rin ni Lucille," sambit nito.
Pagkabanggit ng matandang lalaki sa pangalan ng kanyang ina ay agad na lumarawan ang lungkot sa kanyang mukha. Hindi niya maiwasang makadama niyon sa tuwing naaalala ang tungkol sa nangyari sa kanyang Mommy Lucille.
She forced to give them a smile. Alam niya pa na ang ngiting iyon ay hindi man lang umabot sa kanyang mga mata.
"Masaya ho akong makaharap ng isang tulad mo na kilala ang mga magulang ko," sinsero niyang sabi dito. "Nakakalungkot lang ho na hindi na kayo maaaring magkita ni mommy."
Ang mga sinabi niya ay naging sanhi para humarap ito sa kanya nang tuluyan. "B-Bakit naman, hija?"
"My mom died two years ago. Kidney failure ho," malungkot niyang sagot dito.
Hindi niya alam kung bakit pero gusto niyang isipin na pagkagimbal ang dumaan sa mukha nito nang ibalita niya ang nangyari sa kanyang ina. Wari ba ay hindi nito nagustuhan ang nalaman at kinakitaan niya pa ng kalungkutan ang mga mata dahil sa mga narinig.
"Ayos ka lang ho ba, 'tay?" tanong ng lalaki na halos nangsinghal sa kanya kanina. Akmang lalapitan pa nito ang matanda ngunit naawat lamang nang magwika ito.
"O-Oo naman," tugon nito. "Ikinabigla ko lang ang nangyari kay Lucille. Simula nang... nang umalis kayo ng Sta. Monica ay wala na akong narinig sa kanya."
Kahit siya man ay ikinabigla nang malaman ang tungkol sa sakit ng kanyang Mommy Lucille. Nasa unang taon siya noon sa kolehiyo nang matuklasan nila ang karamdaman nito. Nang mga oras na iyon ay halos maguho ang mundo niya nang ipaalam ng doktor na malubha na iyon at mahirap nang gamutin pa.
Isang taon itong nakipaglaban sa sakit bago tuluyang bawian ng buhay. Mahirap man ngunit pinilit niyang ipagpatuloy ang pag-aaral hanggang sa makapagtapos siya ng kolehiyo dalawang taon matapos nitong mawala.
And after her graduation just months ago, her father decided to go back to Sta. Monica--- bagay na gustong-gustong gawin ng kanyang ina ngunit hinndi pinagbigyan ng ama niya. Kung kailan wala na si Lucille ay saka naman ito nagpasya na umuwi na ng probinsiya. Kung bakit ay hindi naman nito masabi sa kanya.
Nag-alis ng bara sa lalamunan nito ang matandang lalaki bago tumayo na nang tuwid. "Gustuhin ko mang makausap ka pa, hija, ay hindi ko na magagawa. Papasok muna ako sa loob. Biglang sumama ang pakiramdam ko."
Ang huling pangungusap na binitawan nito ay laan para sa binatang kasama nila. Agad pang naalerto ang lalaki dahil sa mga narinig kasabay ng pagbakas ng pag-aalala sa mukha.
"Ayos lang ho ba kayo, 'tay? Gusto niyo ho bang---"
"Maayos lang ako, Lemuel. Estimahin niyo na lamang si M-Miss Lodado," wika nito sabay sulyap pa nang bahagya sa kanya. Tumango ito at akma na sanang maglalakad papasok sa loob ng bahay nang magsalita siya.
"I will just pay the damage that I've caused---"
"Huwag mo nang problemahin pa iyon," mabilis nitong awat sa kanya. "Madali na lang ayusin ang nasira mo."
"Pero, sir---"
"Narinig mo si tatay." Sa pagkakataong iyon ay ang lalaking tinawag na Lemuel naman ang sumingit sa pagsasalita niya. "Hindi mo na kailangan pang bayaran. Bakod lang iyan. Ang importante ay wala kang nasaktan."
"Tama si Lemuel, hija. Isa pa, huwag mo akong tawaging sir." Ngumiti ito sa kanya sabay patuloy na sa pagpasok sa loob ng bahay.
Sa tingin niya pa ay dahil sa pakikipag-usap sa kanya kaya sumama ang pakiramdam ng matanda. Hindi niya lang alam kung alin sa mga sinabi niya ang nagdulot niyon dito.
Nang tuluyan itong makaalis ay narinig niya naman ang tinig ng isa pang lalaking kasama nila roon. Hawak na nito muli ang isang maliit na tabas ng kahoy at wari ay itutuloy na ang naudlot na ginagawa kanina. Nagsasalita ito habang sinisipat pa ang cabinet sa harap nito.
"Kilala sa bahaging ito ng Sta. Monica si Tatay Simeon. Karaniwan na'y hindi talaga siya nagpapatawag ng sir. Tatay Simeon lang ay sapat na sa kanya. Kahit iyon na lang din ang itawag mo," mahabang pahayag nito. "Ako nga pala si Art."
She didn't bother to answer. Nakatayo lamang siya roon hanggang sa mayamaya ay napabaling siya kay Lemuel. Iyon ang tinawag dito ni Tatay Simeon kaya malamang na iyon ang pangalan ng binata. Hindi pa mahirap hulaan na anak ito ng matandang lalaki.
Hindi niya pa alam kung ano ang gagawin nang mahuli niyang mataman na nakatitig sa kanya si Lemuel. Hindi niya mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isipan nito at kung maaari lang na sawayin ito sa paninitig na ginagawa sa kanya ay ginawa niya na.
Tumikhim siya. Dali-dali niya pang kinuha ang lapis na nakita niya sa ibabaw ng cabinet na ginagawa ng mga ito. Marahil ay gamit iyon pananda sa pagsukat ng mga materyales roon. Inabot niya ang labis at ang kwadernong nakapatong sa isang mesa.
Ang ginawa niya ay nag-ani pa ng pagdikit ng mga kilay ni Lemuel. Nagpalitan din ng tingin ito at ang nagpakilalang si Art.
Hindi niya iyon pinansin. Isinulat niya ang kanyang numero sa likod na bahagi ng kwaderno bago iyon inilapag muli sa mesa.
"That's my cell phone number. K-Kung may kailangan gastusin para sa pagpapaayos ninyo ng bakod ay---"
Hindi na niya natapos ang mga sasabihin nang mabilis iyong putulin ni Lemuel. "Mapilit ka talaga, ano? Sinabi na ni Tatay na hindi na kailangan, hindi ba?"
"Kahit na. It would just be a small amount compared to the damage that I've caused. I-text mo ako o tawagan kung sakali."
Lemuel harshly got the notebook where she wrote her number. Doon nakatitig ang mga mata nito habang halos pabulong na nagsalita.
"Gusto mo lang yata ako maging textmate," anas nito na halos hindi na umabot sa kanyang pandinig.
"I beg your pardon?" aniya.
"Wala," mabilis nitong sambit na sadyang ikinatawa pa ng kasama nito. "Tatawagan na lang kita, Miss Reckless.Driver."
Sukat sa itinawag nito ay nanliit ang kanyang mga mata. "Brute!" galit niyang sabi sabay talikod na.
Tumatawa pa ang dalawa habang naglalakad na siya patungo sa kanyang sasakyan. Walang modo! Nagmamagandang-loob na siya dahil alam niya rin namang siya ang may kasalanan pero hayun at nagawa pa siyang alaskahin.
Naghuhurumentadong tumuloy na siya sa kanyang sasakyan. Nang makapasok na sa loob ng driver's seat ay agad na niyang binuhay ang makina niyon. Hindi naman ganoon kalakas ang impact ng pagkakasadsad niya sa bakod kaya walang halos pinsala ang kanyang sasakyan.
Bago pa tuluyang umalis ay napalingon muli si Jossa sa direksiyon ng shop na pinanggalingan niya. Nagpatuloy na si Art sa ginagawa nito habang nakangisi pa rin. Samantalang si Lemuel ay nanatiling nakatayo, seryoso na ang ekspresyon ng mukha at nakasunod ng tanaw sa kanya.
Kung ano man ang inilalabas na emosyon ng mga mata nito ay hindi niya mabigyan ng pangalan.
*****
"LEMUEL! LEMUEL!"
Tuloy-tuloy sa paglakad si Lemuel at ni hindi pinansin ang tumatawag sa kanyang pangalan. Katatapos lamang ng huli nilang klase at akmang pauwi na siya upang tulungan na ang kanyang Tatay Simeon sa shop nito. Ganoon lagi ang routine niya sa tuwing maraming order ang kanyang ama. Tumutulong siya dito kahit pa hindi naman siya nito inoobliga.
Ang gusto ng kanyang Tatay Simeon ay ang pag-aaral niya ang pagtuunan niya ng pansin. But he insisted. Gusto niya itong tulungan sa negosyo nito.
Kaya naman sa tuwinang maraming kailangan tapusing materyales ay diretso siya ng uwi pagkatapos ng huling pasok niya sa unibersidad. Kapag iilan lang ang order ay saka lamang siya nagliliwaliw.
"Lemuel! Didn't you hear me?" galit nang tawag sa kanya ni Katrina.
Pagkalabas pa lang ng classroom nila ay nakasunod na ito sa kanya. Inaasahan niya na iyon. Matapos ng huli nilang pagkikita ay alam niyang kakausapin siya ng dalaga.
Kaedad niya si Katrina. Kapwa sila bente-tres anyos na at kapwa na rin sana sila tapos sa pag-aaral kung hindi lang dahil sa ilang rason.
Siya ay kinailangan tumigil saglit sa pag-aaral dahil mas inuna niya ang paghahanap-buhay. Sapat na nga sana sa kanya ang tumulong na lang sa kanyang Tatay Simeon sa shop nito at hindi na sana nais pang tumuloy sa kolehiyo.
Bumalik lang siya sa pag-aaral dahil na rin sa udyok ng kinikilala niyang ama. Pumayag si Lemuel sa nais ng kanyang Tatay Simeon na tapusin niya ang kanyang kolehiyo sa unibersidad na pinapasukan niya ngayon.
Samantalang si Katrina ay nasa kolehiyo pa rin dahil sa papalit-palit ito ng kurso dahilan para maging atrasado lagi ang pagtatapos nito.
"Hindi mo man lang ba ako kakausapin?" narinig niya pang hirit ng dalaga.
"Nag-usap na tayo, Katrina. Nasabi ko na ang mga nais kong sabihin nang huli tayong magkita."
"Ganoon-ganoon lang?"
Nahinto siya sa akmang pagsuot ng kanyang helmet at hinarap ito. Kasalukuyan na silang nasa tabi ng kanyang motorsiklo at hanggang doon ay talang sinundan siya nito.
"Pinapatotohanan mo nga ang bansag nila sa iyo--- womanizer!" she said angrily.
"Alam mong wala tayong relasyon, Katrina," wika niya. He even faced her to emphasized what he said. "You know what we have was just pure lust for each other. Iyon lang. Besides, hindi ko ugaling makihati sa kapwa ko lalaki. Nakikipagkita ka kay Michael, so let's end what we have."
"Isang beses lang ako sumama kay Michael. Hindi na iyon naulit pa. Nagseselos ka ba sa kanya?"
Pagak siyang natawa nang marinig ang mga sinabi nito. "Huwag mo nang hilingin na sagutin ko pa iyan, Katrina. Save your pride, lady."
"Rude! Tama nga sila. Hindi ka rin marunong magseryoso sa babae, sa pag-aaral mo, maging sa buhay mo mismo. A happy-go-lucky brute!"
Nang marinig niya ang huling salitang binigkas nito ay agad siyang natigilan. Hindi iyon ang unang beses na may tumawag sa kanya niyon. The first one was almost a week ago--- isang babaeng basta na lamang sumulpot sa harap ng bahay nila at mula niyon ay hindi na maalis sa kanyang isipan ang hulma ng mukha nito.
For whatever reason, the woman's face was just distracting him.
"s**t!" mura niya sa kanyang isipan. Ni hindi na niya namalayan pa ang pag-alis na ni Katrina sa kanyang harapan. Wala na rin naman siyang balak pang maghabol dito. It was never his cup of tea.
Mas natuon na ang pansin niya sa dalagang nakilala niya ilang araw na ang nakararaan. Maliit lang naman ang Sta. Monica. Maaari kayang magkita pa sila nito?