CHAPTER 3

2285 Words
"Are you sure you can drive now? Baka kung saan ka na naman bumangga, Jossa?" natatawang saad ni Brix sa kanya, anak ng isa sa malalapit na kaibigan ng kanyang Daddy Eduardo. Malapit sa kanya ang binata. Bago pa man sila manirahan sa Manila ay talagang madalas na niya itong nakakasama sapagkat lagi na ay nagpupunta ito sa kanilang bahay kasama ang mga magulang nito. Kasabay ng paglipat nila sa Manila ay ang paninirahan din doon ni Brix. Doon din kasi nito napiling ituloy ang pag-aaral dahilan para hindi maputol ang ano mang komunikasyong mayroon silang dalawa. Mas naging malapit pa sila at sa ilang pagkakataon ay marami ang nag-aakalang may relasyon sila ng binata. Bagay iyon na pinagtatawanan niya lang sa tuwing may nang-uusisa. Wala silang relasyon ni Brix maliban sa malalim na pagkakaibigan. Sa kabila ng madalas silang magkasama ay hindi man lang nahulog ang damdamin niya dito sa romantikong paraan. Sa panig niya ay oo... pero hindi kay Brix. Alam niyang may pagtanggi ito para sa kanya. Minsan na iyong inamin ng binata na sadyang tinanggihan niya. Hindi sa ano mang rason. Kung iisipin ay sadyang perpekto na ito upang maging kasintahan--- gwapo, maginoo at kung estado ng buhay ang pag-uusap ay nagmula din naman ito sa maalwan na pamilya. Idagdag pa na tapos na ito sa pag-aaral at ngayon ay isang lisensiyadong inhinyero na. Pero ang lahat ng katangiang iyon ay hindi naging dahilan para gustuhin niya ito. Pagiging magkaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay at magalang naman iyong tinanggap ng binata. Ni hindi pa iyon naging hadlang para maputol ang pagkakaibigan nila. Madalas pa rin silang magkausap at kung may oras lang din ay nagkikita pa rin silang dalawa. Katulad na lamang ng araw na iyon. Ngayong nakauwi na sila sa Sta. Monica ay sakto namang may proyekto itong hawak sa lugar na iyon sanhi para nagkakasama pa rin sila. "You are underestimating me, Brix. Natuto na akong magmaneho," natatawa niya ring tugon sa mga sinabi nito. "Really? Baka mabalitaan ko na naman, e, sumadsad kung saan iyang sasakyan mo. Malalagot ka na talaga kay Tito Eduardo," saad nito. Agad siyang natigilan, hindi dahil sa sinabi nitong malalagot siya sa kanyang ama. Natigilan siya sapagkat naalala niya ang unang pagkakataong sumadsad ang kanyang kotse. Nabanggit niya nga iyon kay Brix na sadyang pinag-alala pa nito. At ngayong sumagi iyon sa kanyang isipan ay hindi niya rin maiwasang maalala ang mga taong nakaharap niya nang araw na iyon. Especially that arrogant man who happened to occupy her mind these past few days--- si Lemuel. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa lalaking iyon at hindi nawaglit sa isipan niya gayung kung iisipin ay magaspang ang pag-uugali, antipatiko at bastos ito! Hinamig niya ang kanyang sarili at muli nang hinarap si Brix. "One failure won't define me, Brix. Marunong na ako. Besides, tinuruan mo ako nitong nakalipas na mga araw, hindi ba?" "Oh well, natuto ka nga ba?" Tuluyan na siyang natawa. Humakbang na siya patungo sa kanyang sasakyan at binuksan ang pinto sa may driver's seat. Bago pa siya sumakay roon ay muli siyang nagsalita sa binata. "Try me, Brix. Kung gusto mo ay magtungo tayo sa may dagat. Sa kalsada tayo dumaan at huwag sa baybayin. Follow me with your car. What do you think?" Napangiti ito. Hindi man nagsalita ngunit nakita niya ang pagsang-ayon sa mukha nito. Agad na nga itong lumapit sa sariling sasakyan saka pumasok na rin sa may driver's seat. Ang dagat na sinasabi niya ay may kalayuan sa kanilang bahay. Kilala ang Sta. Monica sa magandang dagat na iyon na madalas ay puntahan ng ilang turista. Ang kinaganda ng naturang lugar ay hindi pa ito masyadong nagagalaw ng makabagong panahon. Still very natural at hiling niya pa na sana ay manatiling ganoon ang dagat sa kanilang lugar. She smiled mischievously. Pumasok na rin siya sa may driver's seat at agad nang binuhay ang makina ng sasakyan. Pinauna siya ni Brix sa pag-alis at ilang saglit pa nga ang pinalipas nito bago sumunod sa kanya. Napangiti siyang muli habang panaka-nakang tinitingnan ito sa may side mirror. It was so obvious that he was just indulging her. "Ipapakita ko sa iyo, Brix, na marunong na talaga ako," napapangisi niyang sabi sabay diin ng apak sa accelerator ng sasakyan. Sanhi iyon para mas bumilis pa ang pagmamaneho niya at magkaroon ng malaking agwat mula sa sasakyan ng kanyang kaibigan. ***** "NAKU, ang sabi ko kay Simeon ay kahit sa Biyernes na niya dalhin dito ang mesang iyan. Hindi naman rush ang pagpapatrabaho ko sa inyo, Lemuel," masayang wika ni Mrs. Bautista, isa sa mga nagpagawa sa kanila ng mesa na yari sa matibay na kahoy. Hugis bilog iyon na ayon sa ginang ay gagamitin nito para sa komedor nito sa bahay. "Wala namang problema, Mrs. Bautista. Maaga din naman naming natapos kaya ang bilin ni itay ay dalhin na dito," napapangiti niyang sabi. "Sandali lang. Hintayin niyo ako dito," saad ni Mrs. Bautista saka nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay nito. Napalingon na lamang siya kay Art na ngayon ay naghihintay sa kanya sa tabi ng sasakyan. Kasama niya ito sa pag-deliver ng naturang materyales. Sa pagkakataong iyon ay gamit nila ang owner jeep ng kanyang ama. Sadyang inalis nila ang likurang parte ng sasakyan upang paglagyan ng mga kagamitan na dini-deliver nila sa kanilang mga customer. Nagtatakang napatitig pa sa kanya si Art. Waring naiinip na ito sa tagal ng pakikipag-usap niya sa ginang. Hindi naman nagtagal ay bumalik sa kinaroroonan niya si Mrs. Bautista. Agad nitong inabot sa kanya ang pera na kung hindi siya nagkakamali ay tatlong daang piso. "P-Para saan ho ito, Mrs. Bautista?" usisa niya. "Para sa mas maagang pag-deliver sa pinagawa ko." "Naku, hindi na ho kailangan. Bayad niyo na ho ang mesa at sapat na ho iyon," aniya sabay balik ng salaping inabot nito. Ngunit hindi na iyon kinuha pa ni Mrs. Bautista. Iwinasiwas pa ng ginang ang isang kamay nito, pagpapakita na kunin na niya ang binibigay nitong pera. "Kunin mo na iyan, hijo. Pangmeryenda niyo na rin," anito sabay sulyap pa kay Art na alam niyang nakikinig sa palitan nila ng usapan. Nahihiyang ngumiti siya dito sabay lagay ng tatlong daan sa kanyang bulsa. "Maraming salamat, Mrs. Bautista. Asahan niyo po, kapag nagpagawa kayo ulit, magiging prayoridad kayo sa shop ni tatay." "Kuu, eh, nang-uto pa ito. Salamat ah." Nagpaalam na si Lemuel dito kasabay ng muling pagpapasalamat. Humakbang na siya patungo sa sasakyan at nang makita ni Art ang paglapit niya ay agad na rin itong tumayo nang tuwid. "Muntik na kitang batukan, Lemuel. Aba'y tatanggihan mo pa iyang inaabot ni Mrs. Bautista. Pang-softdrinks na rin iyan," wika ng kaibigan niya nang makapasok na sila sa loob ng sasakyan. Prente na itong nakaupo habang siya ay binubuhay na ang makina ng owner jeep. Napangisi pa siya dahil sa mga sinabi nito. "Siyempre, dapat konting pakipot muna, Art. Baka makahalata si Mrs. Bautista na atat akong kunin ang binibigay niya," natatawa niyang saad. "Sira ka talaga!" bulalas nito. "Saan tayo ngayon? Ikain na natin iyang binigay ni Mrs. Bautista." "May bagong bukas na lomihan sa may patungo sa dagat. Doon tayo," masigla niyang sabi sabay maniobra ng sasakyan papunta sa direksiyon ng dagat. Ang lomihan na tinutukoy niya ay bagong bukas lamang. Dahil sa dinarayo na ang kanilang lugar ng ilang turista mula sa kabilang bayan at ang iba ay nagmula pa sa Kamaynilaan ay maraming negosyong nagbukas malapit sa naturang dagat. At doon niya balak idiretso ang sasakyang iminamaneho niya. Tapos na rin naman ang mga kailangan nilang gawin sa shop. Ang ibang order naman ay bukas pa nila sisimulan. Walang kaso kung gumala man sila ngayon ng kaibigan niya. Marahan siyang nagmamaneho at nang matanaw niya ang isang interseksyon, dapat ay liliko siya sa kaliwa. Ngunit agad siyang naalarma at nakabig niya pa ang manibela ng sasakyan nang mula sa kanan ay nagmamadali at dire-diretso sa pag-andar ang isang kotse. Muntik na siya nitong masagi kung hindi niya lang naihinto agad ang iminamaneho niya. "s**t!" mura niya. "Parang pamilyar ang sasakyan na iyan, Lemuel," saad ni Art. Mataman itong nakatitig sa kotseng ngayon ay nakahinto na rin sa gilid ng daan. "Tingnan mo nga naman ang pagkakataon," saad niya sabay labas sa owner jeep. Nakita niya pa ang pagsunod din ni Art ngunit nanatili lang ito sa tabi ng kanilang sasakyan. Agad niyang nilapitan ang kotseng ayon nga kay Art ay pamilyar na sa kanila. Alam niyang maraming ganoon na sasakyan ngunit nahihinuha niyang iyon din ang sumadsad sa kanilang bakod ilang araw na ang nakararaan. Kinatok niya ang bintana nito na agad namang bumukas. Bumungad sa kanya ang mukha na pagkalipas ng ilang araw ay ngayon niya lamang ulit nasilayan. He swallowed hard. Agad pa siyang yumuko at itinukod ang kanyang mga kamay sa bintana nito. "Ikaw ulit. Magandang hapon, binibini. Mukhang hanggang ngayon ay hindi ka pa rin marunong magmaneho," nakaloloko niyang saad. "I-I..." kandautal-utal nitong sabi bago napabulalas, "It's your fault!" He faked a shock expression. "Oh? Kasalanan ko? Kasalanan ko ba na hindi ka tumitingin sa kaliwa't kanan mo? Interseksiyon na ang dadaanan mo, binibini. Sana'y tumingin ka sa magkabila mong panig kung may sasakyan bang liliko man lang. Besides, wala ka pa kanina kaya talagang patungong kaliwa ang tinutumbok ng sasakyan ko. Bigla na lang ay sumulpot ka at ang bilis pa ng pagmamaneho mo." "You should have stopped nang makita mo ako." "Anak ng...!" Napatayo siya nang tuwid. "Aba'y hindi makaintindi. Nakikita mo ba ang pinanggalingan mo?" aniya sabay turo pa ng daang dinaanan nito. "Pakurba, binibini. Paano ko makikita agad na paparating ka? Ikaw ang dapat ay dahan-dahan na lang ang pagmamaneho sa mga daang katulad nito." Hindi ito tumugon. Hindi man ito nagsalita ay alam niyang nagimbal din ito sa nangyari. Masyadong naging mabilis ang pagmamaneho nito.Nanggaling pa ito sa pakurbang daan kaya talagang hindi niya nakita na paparating ito. Saktong paliko na siya nang mabilis na itong sumulpot at sadyang tatahakin din ang direksiyong pupuntahan niya. Napabuntong-hininga siya nang makitang wala itong imik. "Hindi ka dapat humahawak ng manibela kung hindi ka pa marunong magmaneho, binibini---" "Will you stop calling me that? I feel like you're insulting me," she snapped at him. "At ano ang masama sa salitang binibini? Sabi nga ni Bonifacio, ang hindi magmahal sa sariling wika ay masahol pa ang amoy sa malansang isda. Pa-ingles-ingles ka pa, eh, sa Manila ka lang naman galing," pang-aasar niya pa. She rolled her eyes upwardly. "It was Rizal who said that, for goodness' sake!" He smiled inwardly. Siyempre, alam niya ang tungkol doon. Puro man siya kalokohan sa buhay ay hindi naman siya ganoon kabobo. It was just that, he loves irritating this lady. "Besides," patuloy ng dalaga sa pagsasalita. "Marunong na ako magmaneho. Tinuruan ako ng kaibigan ko. It's just that, hindi ko natantiya ang paliko." Napaangat ang isang kilay ni Lemuel. "Pwes, kulang pa ang mga tinuro ng kaibigan mo at---" Hindi na niya natapos pa ang pagsasalita nang mayamaya ay huminto ang isang sasakyan sa likod ng kotse ng dalaga. Lumabas mula roon ang lalaki at lumapit sa kanila. "What happened, Jossa? Ang bilis ng pagpapatakbo mo sa sasakyan. Hindi kita nasundan agad." "I'm sorry, Brix. I-I think, I lost control a while ago." "Are you okay?" Tumango lang si Jossa bilang tugon. Napahalukipkip siya. Malamang na ito ang kaibigan na tinutukoy ng dalaga na siyang nagturo dito kung paano magmaneho. "Go to your car. U-Umalis na tayo," marahang saad pa ni Jossa. Atubili man ay tumango na lang din ang binatang kakilala nito. Isang sulyap pa ang iginawad nito sa kanya bago maging siya ay tinanguan din. Gusto pang mairita ni Lemuel dahil sa kaisipan na hindi man lang siya ipinakilala ni Jossa sa 'kaibigan' nito. Bakit nga naman iyon gagawin ng dalaga? Eh, ano ba sila? They are not even friends! Humakbang na pabalik sa sasakyan nito ang lalaki at muli nang pumasok sa may driver's seat. Nang wala na ito sa tabi nila ay muli niyang niyuko si Jossa. "Iyon ba ang kaibigang tinutukoy mo?" "Yes. May problema ba?" mataray nitong turan. "Bakit hindi na lang ako ang kunin mo para magturo sa iyo kung paano magmaneho? Pinapangako ko sa iyo, hindi lang ang kotseng ito ang matututunan mong sakyan," he said mischievously. Isang kindat pa ang iniwan niya dito bago tumalikod at naglakad na patungo sa kanilang owner jeep. Akmang bubuksan na niya ang pinto sa driver's seat nang lumingon ulit siya sa dalaga. Hindi pa nakasara ang bintana sa panig nito kaya kita niya pa rin ang maganda nitong mukha. And Lemuel wanted to laugh out loud when he saw the puzzlement on her face. Waring pinoproseso nito sa isip ang mga sinabi niya. At nang tuluyang maintindihan ang ibig niyang ipahiwatig ay agad napalitan ng galit ang pagkalito sa mukha nito. Angrily, she closed the car's window and started the engine again. Pinaandar na nito ang sasakyan paalis na sinundan naman agad ng kotse ng kaibigan nito. Sinundan pa ang mga ito ng tanaw ni Lemuel hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin. "Pupunta pa ba tayo sa lomihan na sinasabi mo, Lemuel?" si Art, nakaupo na ito sa loob ng owner jeep. He sighed and opened the door. Sinagot niya ito nang nakapasok na siya at binubuhay na ang makina ng sasakyan. "Uwi na tayo, Art. Sa ibang pagkakataon na lang. Sa bahay na lang tayo magmeryenda," tugon niya na hindi na nito sinalungat pa. Hindi na niya nais pang tumuloy sa may dagat dahil doon ang direksiyong tinahak ng dalawa. Hindi niya maunawaan pero hindi niya gustong makita ang mga ito roon nang magkasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD