TEN YEARS AGO:
"Are you leaving now? Maaga pa naman, Lemuel?" mapang-akit na saad ni Katrina, kaeskwela niya sa unibersidad na kanyang pinapasukan sa bayang iyon ng Sta. Monica.
Hindi niya pinansin ang mga sinabi nito. Tumayo na siya mula sa kama at pahablot na kinuha ang kanyang underwear at maong na pantalon sa ibabaw ng pang-isahang sofa na naroon. Balewala sa kanya ang maglakad nang nakahubad sa harap ng dalaga at isa-isang muling isinuot ang mga damit sa kanyang katawan.
And Katrina's eyes instantly darted to his manhood as he stood up from her bed. Nasa mga mata nito ang hindi itinatagong paghanga para sa kanya. He can't blame her, or any other girls if they drool over him. Batak ang katawan niya sa trabaho dahilan sa edad niyang bente-tres anyos ay sadyang maganda na ang kanyang pangangatawan.
Kaedad niya si Katrina at iisang eskwelahan ang kanilang pinapasukan. Una pa lang ay nagpakita na ito ng atraksiyon sa kanya sa kabila ng dami ng manliligaw nito. Why, she's beautiful, seksi ang pangangatawan at malaki pa ang hinaharap--- mga bagay na alam niyang habol dito ng mga kalalakihan.
But he didn't like her. Hindi niya gusto ang mga uri ito, yaong kalabitin mo lang ay waring sasama na sa iyo at maaari mo nang angkinin kahit saan. Just like what they have right now.
Wala silang relasyon. Ni hindi niya ito niligawan. When she gave him motive, he just grabbed it just for fun. Malay niya bang bibigay talaga ito. They've been fvck buddies for months now. Hanggang doon lang. Walang halong emosyon.
"Stay a little bit longer, Lemuel. Maaga pa naman. Alas-tres pa lang ng hapon," giit pa ni Katrina.
Lumingon siya dito. Kasalukuyan na niyang isinasara ang butones ng kanyang polo.
"Exactly, Katrina," saad niya. "Alas-tres pa lang ng hapon. Napakaliwanag pa para sa iniisip mong gawin. Besides, ayokong maabutan dito ng mga magulang mo. So, one round is enough, babe."
"Ayaw mo noon? E, di mapapadali ang pagpapakasal nating dalawa kapag naabutan tayo dito nina mama't papa," tudyo pa nito.
He grinned. Tapos na siyang magsuot ng kanyang mga kasuotan samantalang nang titigan niya ang dalaga ay wala pa itong kahit isang saplot man lang sa katawan. Kahit ang magtakip ng kumot ay hindi na nito pinagkaabalahang gawin.
He walked towards her. Napaupo ito sa kama at akmang hihilain siya pabalik sa pagkakahiga nang bigla siyang magsalita.
"At bakit naman tayo magpapakasal, Katrina?" tuwiran niyang tanong. "You're not even my girlfriend."
Ang mapang-akit nitong ekspresyon sa mukha ay agad na napalitan ng yamot. "How dare you? How about this?" Inilahad nito ang isang kamay, tinutukoy ang ginagawa nila sa kama nitong mga nakalipas na buwan.
Umayos siya ng pagkakatayo. "We know our score. Saka huwag kang umakto na para bang hindi mo ito ginagawa sa iba. There's Michael, remember?" tukoy niya sa varsity player ng kanilang unibersidad.
Alam niyang nagkikita din ang dalawa. Wala silang opisyal na relasyon ni Katrina kaya wala din naman siyang pakialam. Ni hindi niya ito kinompronta. Aaminin niya rin kasing hindi lang naman ito ang babaeng kinikita niya.
"You're so rude!"
"I know," ngisi niya dito. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga bago humakbang na patungo sa pinto ng silid nito. "Goodbye, Katrina. Thank you for that some tumble in bed."
Hindi na niya ito hinintay pang sumagot. Dali-dali na siyang lumabas mula sa silid nito at tinahak ang daan palabas.
Katamtaman lang ang laki ng bahay nina Katrina. Solong anak ito at kasalukuyang nasa trabaho ang mga magulang. Kanina, pagkatapos ng huling klase nila ay nag-aya ito patungo roon. Pinagbigyan niya hanggang sa humantong sila sa silid nito.
Alam niyang may binabalak itong gawin--- ang pikutin siya. And he's not a dumb to succumb that easily. Kapag naabutan sila roon ng magulang nito ay hindi malayong ganoon ang mangyari.
Hindi niya pa gustong pumasok sa mas seryosong relasyon. Kailangan niya pang magtapos ng kanyang pag-aaral para sa kanyang Tatay Simeon.
Pagkarating sa labas ay agad na siyang sumakay sa kanyang motorsiklo. Luma na iyon at katunayan ay second hand pang nabili ng kanyang ama. Ibinigay nito sa kanya ang naturang sasakyan para magamit sa pagpasok niya sa unibersidad.
Agad na nga niya iyong pinaharurot pauwi. Hindi nalalayo roon ang bahay nila kaya ilang saglit lang ay ipinaparada na niya ang motorsiklo sa harap ng kanilang shop.
His Tatay Simeon owns a shop. Gumagawa ito ng mga materyales na gawa sa mga solidong kahoy. Karaniwan na ay mga nagpapagawa ng built-in cabinet, papag, mesa at mga upuan ang mga nagiging kliyente nila.
Ang shop ng kanyang ama ay nasa harap lamang ng maliit nilang bahay. Doon ay nagkalat ang mga kahoy na ginagamit nito sa paggawa. Naabutan niya pa nga roon si Art, matalik niyang kaibigan at suma-side line sa shop ng kanyang ama para kumita.
"Nariyan na ba si tatay?" agad niyang tanong pagkalapit dito. Kanina kasi ay nagpasabi ang kanyang ama na magde-deliver ito ng mga materyales na natapos na.
Naglalakad pa siya habang hinuhubad ang polo saka isinunod ang sandong puting panloob. Basta niya lang isinampay ang mga iyon sa alambreng nakakabit sa tagilirang bahagi at kumuha ng isang t-shirt na nakasampay pa roon. Ni hindi na niya pinagkaabalahang pumasok sa kanyang silid at sa sampayan na lang kumuha ng damit na ipangpapalit sa kanyang uniform.
Isinuot niya ang t-shirt at agad binalingan ang ginagawa ng kanyang kaibigan. Isang malaking cabinet para sa isang kusina ang kasalukuyan nilang tinatapos. Ang alam niya ay bukas iyon kukunin sa kanila.
"Nariyan na si Tatay Simeon. Bakit ba ngayon ka lang?" ani ni Art habang kinikiskis ng papel de liha ang isang bahagi ng kahoy.
"Dumaan ako sa bahay nina Katrina," pag-amin niya. Mataman niya pang sinisipat ang ginagawa nito habang nagsasalita.
Sukat sa kanyang mga sinabi ay agad natigilan si Art. "Kina Katrina? At ano naman ang ginawa mo roon?"
He looked at him. "Kailangan ko pa bang sabihin?" natatawa niyang saad.
"Loko ka talaga, Lemuel. Alam mo bang kung sino-sinong lalaki ang---"
"Come on, Art. Hindi naman ako tanga. Besides, huling paglabas ko na iyon kasama siya. Hindi ko gustong mapikot nang wala sa oras."
Akmang magsasalita pa ang kaibigan niya nang siya namang labas ng kanyang ama mula sa loob ng kanilang bahay. Dala nito ang isang maliit na kwaderno kung saan nito nililista ang mga orders na kailangan nilang gawin.
"Matagal na kitang pinagsasabihan tungkol diyan sa mga ginagawa mo, Lemuel," wika ng kanyang ama sa nananaway na tinig. Hindi mahirap hulaan na narinig nito ang usapan nila ni Art. "Tigil-tigilan mo ang paglalaro sa mga babae. Ang isipin mo ay ang pag-aaral mo. Ilang buwan na lang ay magtatapos ka na. Huwag mong sayangin ang mga pinaghirapan mo."
"Oo naman, 'tay. Hindi ko sasayangin ang lahat ng paghihirap mo para paaralin ako. Magtatapos naman ako para sa iyo."
"Huwag para sa akin. Para sa iyo iyan," anito. Inilapag nito ang dalang kwaderno sa mesang naroon.
"'Tay, para sa inyo rin," wika niya. "Pasasalamat ko sa pagpapalaki mo sa akin kahit hindi mo ako tunay na anak."
He smiled at Simeon. What he said was true. Hindi niya ito totoong ama. Nang mamatay ang kanyang ina, na kinakapatid nito, ay si Simeon na ang nag-aruga sa kanya. Lumaking malapit sa isa't isa ang dalawa dahilan para hindi ito nagdalawang isip na kupkupin siya nang maulila na.
He was only seven years old when his mother died. Iyon din ang taon kung kailan siya kinuha ni Simeon upang akuin nang palakihin. Ang kanyang tunay na ama nama'y hindi niya kilala dahilan para wala nang mapagpilian ang kanyang abuela kung hindi ang ipaubaya nga siya kay Simeon.
And he was okay with that. Dama niya ang pagmamahal sa kanya ni Simeon. Itinuturing siya nitong isang tunay na anak at wala na siyang mahihiling pa. Nang mawala na rin ang kanyang abuela ay tuluyan nang inako ni Simeon ang lahat ng responsibilidad sa kanya.
But despite giving him so much love, Simeon didn't adopt him legally. Dahilan iyon para apelyido pa rin ng kanyang ina ang dala-dala niya.
"Alam mong hindi mo iyan kailangan gawin para sa akin, Lemuel," wika pa ng kanyang amain. "Hindi ka man sa akin ay itinuturing kitang anak. Gawin mo iyan para sa kinabukasan mo at sa bubuuin mong pamilya."
"Oo naman, 'tay. Alam kong---"
Hindi niya na natapos pa ang nais niyang sabihin nang bigla ay makarinig sila ng isang malakas na tunog. Sabay-sabay pa silang napalingon sa harapan ng kanilang bahay nang doon ay sumadsad ang isang sasakyan na siyang pinagmulan ng ingay na gumambala sa kanilang pag-uusap.
Gawa lamang sa sala-salabat na mga kawayan ang bakod nila. Dahil sa pagsadsad doon ng naturang sasakyan ay nasira pa ang bahaging tinamaan nito.
Si Simeon ang naunang tumakbo palapit sa sasakyan. Sumunod sila ni Art at nakitang kinakatok na ng kanyang ama ang bintana sa may panig ng driver's seat.
The car's door opened. Mula sa loob ay lumabas ang isang babaeng kung hindi siya nagkakamali ay bata sa kanya ng ilang taon.
"I-I... I am sorry. Hindi ko ho sinasadya..." the woman said. Bakas pa sa tinig nito ang takot dahil sa nangyari kanina.
"Nasaktan ka ba?" tanong ni Simeon dito.
Umiling lamang ang babae. Sa kinatatayuan ng dalaga ay kitang-kita ni Lemuel ang mukha nito.
She has fair complexion. Kung titingnan ay wari bang hindi sanay sa mabibigat na gawain. Mahaba ang buhok nito na alam niyang natural ang maitim na kulay. She has beautiful eyes. Pinaresan ang mga iyon ng mga kilay na kahit hindi guhitan, katulad ng ginagawa ng ilang kadalagahan, ay sadyang maganda at pantay na.
Then, Lemuel's eyes moved down to her pointed nose and down to her... sensual lips. He can't even undestand why he was able to say that those lips were sensual. She was not even trying to look sensual at all. She was just talking to his Tatay Simeon casually.
"Halika, tumuloy ka muna dito," narinig niyang sabi ng kanyang ama dahilan para maputol ang paglakbay ng kanyang mga mata sa mukha ng dalaga.
Atubili man ay sumunod ito sa kanyang ama na nauna na sa pagbalik sa shop. Art followed. Siya ang nahuli sa paghakbang dahilan para maglakbay pa sa kabuuan ng katawan ng babae ang kanyang mga mata.
Why, this woman was undeniably gorgeous! Maging ang katawan nito ay halos perpekto.
"Maupo ka," alok ni Art ng isang upuan.
"Salamat," she uttered but didn't bother to take a seat.
"Ano ang nangyari? Hindi ka ba nasaktan?" usisa pa ni Simeon. Sa dalaga ito nakaharap at bakas pa sa tinig ang pag-aalala.
"Maayos lang ho ako," wika ng babae sabay lingon sa kanilang bakod. "B-Babayaran ko na lang ho ang nasira---"
"Kuu, huwag mo iyang pansinin. Maraming kahoy dito na maaaring ipangpalit diyan," awat ni Simeon dito.
"Pero ho---"
"Paanong nabunggo ka sa bakod gayung ang luwag ng daan? Nawalan ka ba ng preno?" tanong niya. Sa unang pagkakataon ay binalingan siya nito. Hindi pa nakaligtas sa kanyang paningin ang matagal na paninitig nito sa kanyang mukha.
She cleared her throat. "I-I... I was practicing. Nag-aaral pa lang ako na magmaneho."
"Nag-aaral pa lang?! Anak ng...!" he said, almost shouting. Dahil sa bahagyang pagtaas ng kanyang tinig ay napapiksi ang dalaga.
"Lemuel..." pananaway ni Simeon.
"At sa kalsadang ito napili mong mag-ensayo ng pagmamaneho?" patuloy niya pa na hindi man lang pinansin ang kanyang ama. "Alam mo bang maaari kang makadisgrasya diyan sa ginagawa mo? Buti sa bakod ka lang sumadsad. Paano kung may tao kang nasagasaan? O 'di kaya'y ibang sasakyan?"
Sa haba ng mga sinabi niya, isa man roon ay walang sinagot ang dalaga. She became tense, halatang nahintakutan dahil sa paninita niya.
"Hindi mo masisisi ang anak ko sa mga nasabi niya, hija," Simeon said in a low voice. "May mga pagkakataon na may mga batang naglalaro sa daang ito. Hindi ito angkop na lugar para sa pag-aaral mo na magmaneho."
"I-I'm sorry. Hindi ko intensiyon na makasira o ano man. Babayaran ko ang nasirang bakod. How much does it cost?"
Tumikwas ang isang sulok ng kanyang mga labi na naging sanhi ng paglingon sa kanya ng dalaga. "Typical rich man's kid," bulong niya na umabot naman sa pandinig nito.
Bago pa man makasagot ang dalaga ay sumingit na ang kanyang ama. "Taga-saan ka ba, hija? Para bang ngayon lang kita nakita dito sa Sta. Monica. At ano nga ang pangalan mo?"
"Kauuwi lang ho namin galing ng Manila. My father decided to stay here for good. He owns the EL Garment Factory. Ako ho si Jossa... Jossa Lodado."
"EL Garment?" Inulit ni Simeon ang pangalan ng factory na binanggit nito. "L-Lodado? Kaano-ano mo si... si Eduardo?"
Dahil sa naging tanong ng kanyang ama ay waring umaliwalas ang mukha ng dalaga. "Kilala niyo ho ang aking ama?"
"Anak ka ni Eduardo?!" Simeon exclaimed.
Kumunot ang kanyang noo. Agad niya kasing napansin ang mistulang pagkabalisa ng kanyang Tatay Simeon nang marinig ang pangalan ng ama ng dalaga. Kakilala ba nito ang pamilya ng babaeng kaharap nila?