Marahang isinara ni Lemuel ang pinto ng driver's seat nang makapasok na siya sa loob ng kanyang sasakyan. Binuhay na niya ang makina niyon at mula sa bahay ng dati niyang amo na si Alejandro Lebedev ay nagmaneho na siya paalis.
Ang plano niya kanina ay dumaan lamang sa bahay ng mga ito upang ibigay ang regalo niya para sa ipinagbubuntis ni Miss Brianna, ang asawa ng kanyang Sir Alejandro. Ilang linggo na nga lang ang kailangan hintayin bago isilang ang ikaapat na anak ng dalawa.
Technically, ikatlong pagbubuntis pa lang iyon ni Miss Brianna. Kambal ang ikalawang anak ng mag-asawa dahilan para ang isisilang ng ginang ay ang pang-apat na supling na ng mga ito.
Iyon ang dahilan kung bakit naisipan niyang regaluhan ng wooden crib ang mag-asawa na siya mismo ang gumawa. Wala siyang ibang maisip na ibigay kundi iyon.
Matagal-tagal na rin mula nang huli siyang makatapos ng isang kasangkapan na gawa sa mga solidong kahoy. Dahil nga sa mas natuon ang pansin niya sa pagtatrabaho sa mga Lebedev ay isinantabi niya muna ang nauna niyang trabaho.
Lemuel can't help but to smile. Nakatutok sa daan ang kanyang mga mata ngunit naglalakbay ang kanyang isipan.
Walong taon nang kasal sina Alejandro at Brianna. At mula nang makilala ni Alejandro ang asawa nito'y naging tahimik na ang buhay ng dati niyang amo, kaibang-kaiba kaysa nang nagsisimula pa lamang siyang mamasukan dito.
He was not just a simple bodyguard for Alejandro. Siya din ang nagsilbing hitman nito nang mga panahong ito pa ang namumuno sa illegal na organisasyong itinatag pa ng ama nito. Yes, he was doing illegal things before. Masasabi niyang masalimuot din ang buhay niya nang magtrabaho siya sa mga Lebedev.
Pero may mas sasalimuot pa ba sa mga nangyari sa buhay niya bago pa man iyon? Kung iisipin nga, isa si Alejandro sa mga tumulong sa kanya para makabangon ulit. Isa ito sa mga dahilan para maayos niya ulit ang buhay niya. Kung wala ito ay hindi niya alam kung saan magsisimula pagkatapos niyang makalaya sa kulungan.
Yes, he was an ex-convict. Nakulong siya at nagkaroon ng maduming record sa mga kapulisan dahil sa isang krimen na hindi niya naman ginawa. Ang dali sanang lusutan ng kasong idinidiin sa kanya noon. May isang taong maaaring tumestigo sa kanya upang malinis ang kanyang pangalan. Ngunit ang taong inaasahan niyang tutulong sa kanya upang ganap na makalaya ay ang siya pang naging dahilan para mahatulan siya sa korte.
And it was so hard for him to accept that it was the woman whom he loved so much. Ang babaeng pinangarap niyang mahalin sa buong buhay niya ang siya pang nagsadlak sa kanya sa kulungan. Halos gumuho ang lahat sa kanya nang marinig itong tumitestigo laban sa kanya. He really thought she loved him. He really thought she cared for him.
Pero sadyang nabulag lang yata talaga siya ng labis na pagmamahal para dito. Mula nang mangyari iyon ay mistulang nawala sa kanya ang lahat. Kahit ang pagnanais na ituloy pa ang mabuhay ay hindi na niya makapa sa kanyang sarili, lalong-lalo na nang mabalitaan niyang magpapakasal na ito sa iba. Wari bang pinagsakluban siya ng langit at lupa noon.
And what happened in his past made him entered the world of Alejandro Lebedev. Pakiramdam niya naman ay wala nang patutunguhan ang buhay niya mula nang mawala sa kanya ang babaeng minsan niyang minahal.
He became one of Alejandro's men. They do illegal transactions and even killed people that would ruined Lebedev's organization. Nagbago lang ang ganoong takbo ng buhay niya nang lumagay sa tahimik si Alejandro.
Mula nang makilala nito si Brianna ay pansin niya ang pagbabago sa kanyang amo. Truly, love is so powerful that it could change people. Si Alejandro ay nagbago para sa mabuti.
Samantalang ang pag-ibig na natagpuan niya noon ay binago siya sa ibang paraan. He became cold, savage in some ways. Hindi naging maganda ang dulot niyon sa kanya ilang taon na ang nakararaan.
He exhaled an air. Napahigpit pa ang hawak niya sa manibela saka pilit na iwinaksi ang mga tumatakbo sa kanyang isipan.
It has been years. Ilang taon na nga ba? Ten years?
Gusto niyang sabihing nakalimot na siya. Sa tagal na niyon ay kaydami nang nagbago sa buhay niya. Kaydami nang dumating na tao sa buhay niya... at isa na roon si Masha--- ang kasintahan niya sa loob ng tatlong taon.
Matapos ngang magbagong buhay ni Alejandro ay bumalik na rin siya sa dati niyang ginagawa. He was a carpenter before. Namana niya ang kakayahang iyon sa yumao niyang ama na si Simeon. Mostly, they do wooden materials just like the wooden crib that he gave to Brianna.
Malaking shop ang mayroon ang kanyang Tatay Simeon noon sa probinsiyang kinalakhan niya. Iyon ang negosyo nito at iyon din ang dahilan kaya siya nakapagtapos ng pag-aaral. Nagbukas siya ng katulad ng shop nito at tumanggap ulit ng mga kliyenteng nagpapagawa ng mga buit-in cabinet, naglalakihang mesa at iba pa.
Iyon na ang pinagtutuunan niya nang pansin nang makilala niya naman si Masha. Her aunt became his customer. It was when he met her and things led them to another. Sa ngayon ay tatlong taon na ang kanilang relasyon at masasabi niyang maayos naman ang lahat sa kanilang dalawa.
And he loves her. Hindi man siguro kasinglalim nang nadama niya tulad sa una niyang pag-ibig pero masasabi niyang mahalaga para sa kanya si Masha. Isa ito sa mga rason kung bakit mas pinipilit niyang magbago ngayon.
His phone rang. Dahilan iyon para matuon na doon ang kanyang pansin. Isang ngiti pa ang sumilay sa kanyang labi nang makita ang pangalan ng kanyang kasintahan.
"Hello," aniya nang sagutin niya ang tawag. Nakalagay ang wireless earphone sa isa niyang tainga at iyon ang ginamit niya para kausapin ang nobya.
"Hi, hon. Where are you?" saad ni Masha mula sa kabilang linya. Marahil ay narinig nito ang ingay ng mga sasakyan sa kalsada.
"I'm driving. Galing ako sa bahay nina Sir Alejandro. I already gave them the crib."
"I see," masigla nitong saad. "Tumawag lang ako para sana ipakiusap na kung maaari nating iusog ang date natin bukas."
"And why?" tanong niya, bahagya pang umangat ang isang kilay.
"We got a new client, hon. Bukas nang hapon lang siya available para makipagkita sa amin. Hindi ko alam kung anong oras kami matatapos sa pakikipag-usap sa kanya."
"May magagawa pa ba ako?"
"Oh please," wika nito. "After this, babawi ako sa iyo. Ipagluluto kita."
He chuckled. "Aasahan ko iyan."
"Naman," natatawa nitong wika. "I'll hang up now. Nagmamaneho ka pa. I love you."
He heaved out a deep sigh. "Let's have dinner this weekend. Siguro naman ay maaari ko nang makasama ang kasintahan ko sa araw na iyon?"
"O-Of course, I'll see you," mahina nitong sambit. Nasa tinig nito ang pagnanais na may marinig pa mula sa kanya at waring nadismaya nang hindi niya binitawan ang mga salita.
The call was ended. Bumalik ang kanyang atensiyon sa pagmamaneho kasabay ng pagbaling niya sa may dashboard ng kanyang sasakyan. Doon ay nakapatong ang kahon ng singsing na nabili niya nang isang araw.
Iisa ang rason kung bakit nais niyang ayain si Masha para sa isang date--- he would propose to her. Tatlong taon na rin naman silang magkasintahan at sa susunod na buwan ay trenta y tres na siya. He's not getting any younger. Gusto niya na rin magkaroon ng sarili niyang pamilya.
He didn't want to sound unfair. Kahit si Masha ay alam niyang dama na may kakaiba sa kanilang relasyon. Sa loob ng tatlong taon bilang magnobyo ay mabibilang lang yata ang pagkakataon na naghayag siya ng nadarama para dito.
He cares for Masha. Totoong mahalaga ito sa kanya. Pero alam niya rin sa kanyang sarili na hindi nito nahigitan o napantayan man lang sa puso niya ang unang babaeng minahal niya.
And Lemuel wanted to do something about it. Matagal nang tapos na kabanatang iyon ng buhay niya. Gusto niya na iyong kalimutan. At mangyayari lamang iyon kung magsisimula na siya ng sarili niyang pamilya... with Masha, of course. After his ex, si Masha lang ang naging seryoso niyang karelasyon.
Ilang saglit pa ay inihinto ni Lemuel ang kanyang sasakyan sa harap ng isang restaurant. Gabi na rin naman at nakakain na siya sa bahay ng mga Lebedev. Nais niya lang daanan ang naturang establisimiyento para magpa-reserve na sa dinner date nila ni Masha. Of course, he wanted to add some effects on his proposal to her.
Nasa hallway pa lang siya patungo sa entrada ng restaurant nang siya namang paglabas ng isang batang babae. Tumatakbo ito at huli na nang makita siya para iwasan. She bumped into him. Muntik pa itong matumba kung hindi niya lang nahawakan sa kamay.
"I-I'm sorry," hinging-paumanhin nito.
"Hindi ka dapat bastang tumatakbo, young lady," turan niya dito.
"Ikaw ho ang hindi tumitingin sa daan. Nang nakita niyo ho ako sana'y umiwas na kayo. Hindi ko na tuloy mauunahan si mommy sa sasakyan," saad nito sabay lingon pa sa likuran.
Umangat ang isang kilay ni Lemuel. Katatapos lang siguro nitong kumain kasama ang pamilya at marahil ay uunahan sa paglabas ang ina. Hindi niya pa maintindihan kung bakit hinayaan ng ina na mauna itong lumabas? Paano na lang kung maaksidente ang bata? Katulad na lang ng nangyari ngayon. Muntik na itong matumba dahil sa nabunggo sa kanya.
"Lianna, what---"
A woman approached them. Nasa bata ang tingin nito nang lumabas ngunit agad din nahinto sa paglalakad nang mapansin siya. Maging ang mga sasabihin nito ay agad nang naawat nang mapatitig sa kanyang mukha.
"L-Lemuel..."
Of all places... after how many years, they met again.
*****
DAIG PA ni Jossa ang naitulos sa kanyang kinatatayuan nang mapagsino ang lalaking kausap nang kanyang anak. Pagkalipas ng maraming taon ay ngayon niya lamang ito nakita ulit.
"You know him, mom?" usisa ni Lianna, her nine-year old daughter.
Marahas pang napayuko si Lemuel nang magsalita ang kanyang anak. Pansin niya pa ang biglang pagbitaw nito sa kamay ni Lianna na hawak-hawak nito.
"Y-Your daughter?" tanong nito sa kanya sa malamig na tinig. Maging sa mga mata nito ay bakas ang kalamigang iyon.
"Y-Yes," aniya, waring may nagbara sa lalamunan.
"So, may anak na kayo," he said more of a statement than a question. Muli nitong niyuko si Lianna bago tumikwas ang isang sulok ng mga labi.
Alam niya kung sino ang tinutukoy nito. She wanted to say something but got interrupted when Lemuel talked again.
"Hindi mo dapat hinahayaang mauna sa paglabas ang anak mo. Paano na lang kung madisgrasya iyan? Muntik na kaming magkabungguan kanina."
"I can take care of myself, mister," singit ni Lianna sa usapan.
Lemuel smiled. For a moment, Jossa wanted to think that it was genuine. Waring naaliw ito sa mga sinabi ng kanyang anak. "Mag-ina nga kayo, parehong matigas ang ulo niyo."
Then, he stared at her. Gone was the amusement and the coldness went back. Kung ano man ang laman ng isipan nito habang pinagmamasdan siya ay hindi niya mabasa. Ang alam niya lang, kinamumuhian siya nito noon at hindi niya ito masisisi.
Hanggang sa mayamaya ay tumalikod na ito paalis nang wala man lang paalam. Ang akmang pagpasok sa restaurant ay hindi na nito itinuloy pa.
Nakasunod pa siya ng tanaw dito nang magsalita na si Lianna. "Who is he, mommy? He looked so strict but cool."
She was not able to answer. Ang kanyang mga mata ay nanatiling nakapako sa daang tinahak ni Lemuel. Ni hindi na niya napansin pa ang paglakad na ni Lianna palapit sa kanilang sasakyan na nakaparada malapit lang sa kanilang kinatatayuan. Ni hindi na siya nito hinintay na sumagot pa.
"Who is he?" she parroted what Lianna said in almost a whisper. Hindi na siya nito marinig sapagkat kasalukuyan na itong nasa tabi ng kanilang kotse. "He's your father, Lianna..."