Mataman na nakatitig si Jossa sa kanyang ama habang masaya itong nakikipag-usap sa mga kasama nila. Kasalukuyan silang nasa isang sitio sa Sta. Monica kung saan ilang residente ang kinatagpo ni Eduardo.
Nang sabihin nitong uuwi sila sa bayang iyon at doon na mananatili ay halos makadama siya ng pinaghalong inis at pagtataka. Inis, hindi dahil sa hindi niya nais ang lugar. In fact, she loved Sta. Monica. Dito rin naman siya nanirahan hanggang elementarya at sa kabila ng mga taon na nagdaan ay hindi niya nakalimutan ang nasabing bayan.
Nakadarama lang siya ng inis sa kanyang ama dahil kung kailan wala na ang kanyang Mommy Lucille ay saka lamang ito nakaisip na bumalik sa Sta. Monica. Nang nabubuhay pa ay iyon ang lagi na'y hiling ng kanyang ina.
Nagtaka din siya kung ano ang dahilan ni Eduardo sa biglaang desisyong iyon. Sa nakalipas na mga taon ay nagagawa naman nitong pamahalaan ang EL Garment Factory kahit pa sa Manila sila nakatira. Nariyan naman ang makabagong teknolohiya na ginagamit nito para makipag-ugnayan sa mga empleyado. Idagdag pa na sa loob ng isang buwan ay ilang ulit din itong pumaparoon upang bisitahin nang personal ang pabrika.
She was puzzled why he decided to go home. Now, she knew why--- balak tumakbo ng kanyang ama bilang gobernador ng bayang iyon sa susunod na eleksiyon!
At ngayon ay nasa Sitio Maharlika nga sila para kitain ang ilang residente doon at siyempre, para magpabango na ng pangalan sa mga ito. Kasama pa nila ang ilang kapanyero ng kanyang ama. At kung bakit pa siya isinama nito ay hindi niya alam.
"Ito na ba ang anak ninyo ni Lucille, Eduardo?" narinig niyang tanong ng isang lalaki na halos kaedad lang yata ng kanyang ama.
Eduardo stared at her. Isang masuyong ngiti ang sumilay sa mga labi nito bago siya inabot at inakbayan.
"Siya na nga, Ben. Si Jossa," wika ni Eduardo.
"Maganda ang dalaga mo, Eduardo. Kawangis ni Lucille."
Eduardo just shrugged his shoulders. "Kanino pa ba magmamana ng ganda kundi sa maganda ko ring asawa? At alam niyo bang nakapagtapos na ito ng pag-aaral? She's a nurse now, at itutuloy niya ang pag-aaral niya ng medisina. Kapag naging doktor ang anak ko ay dito siya magtatrabaho. I was planning to build a clinic here and my daughter would be the doctor. Para naman hindi na kayo masyadong lumayo sa pagpunta sa ospital sa kabayanan."
Eduardo laughed with humor. "Pero sa ngayon, maninilbihan muna siya bilang nurse sa inyo hanggang sa pakapagtapos siya ng medisina," dagdag pa nito.
Jossa harshly turned to look at her father. Totoong ikinagulat niya ang mga sinabi nito.
Yes, tapos na siya ng kolehiyo at nursing ang kanyang kinuha. Hanggang doon lang. Hindi na niya balak pang ituloy iyon sa pagmemedisina. Kung tutuusin ay hindi niya talaga gusto ang kursong nursing. Si Eduardo lamang ang nag-udyok sa kanya na iyon ang pag-aralan.
At halos makadama siya ng pagrerebelde ngayon dahil sa mga binitawan nitong salita. Hindi man lang muna siya tinanong kung nais niya ang ideyang iyon.
Not that she didn't want to help. Bukal sa loob na handa naman siyang tumulong sa mga residente roon pero sana'y kinausap man lang muna siya ng kanyang ama tungkol sa mga plano nito. Kung tutulong man siya ay hindi sa paraang gusto nito. Hindi sa pamamagitan ng politika.
"Magandang ideya iyan, Eduardo," nagagalak na wika ni Ben. Maging ang mga kasamahan nito ay natuwa dahil sa mga sinabi ng kanyang ama.
"Mas mapapadali ang pagtupad sa plano ni Eduardo kung makakaupo siya sa katungkulan, Ben," saad naman ng isa sa mga kapanyero ng kanyang ama. "Kung tutulungan niyo si Eduardo ay nasisiguro naming magiging maayos ang serbisyong pangkalusugan dito sa inyong sitio, lalo pa't handang tumulong ang kanyang anak. Hindi ba, Jossa, hija?"
Jossa was not able to answer. Ni hindi pa nga halos maproseso ng isipan niya ang takbo ng kanilang usapan. Hindi pa nga siya sang-ayon sa mga plano ng kanyang ama tapos hayun at inilalagay naman siya sa alanganing sitwasyon ng kaibigan nito.
Hindi niya nais mangako sa mga residente roon ngunit naramdaman niya na ang paghigpit ng hawak ni Eduardo sa kanyang balikat dahilan para mapilitan na siyang ngumiti.
"O-Of course... Of course, I am willing to help," aniya sa mahinang tinig.
"Katulad ka rin ng iyong amang mapangkawanggawa," wika ni Ben sa kanya bago binalingan si Eduardo. "Makakaasa ka, Eduardo. Hihimukin ko ang mga kasamahan ko na suportahan ka sa halalan. Malaking tulong sa amin ang mga plano mo."
Nagpatuloy pa sa pag-uusap ang mga ito. Kung saan pa napunta ang paksa at halos makadama na ng pagkabagot si Jossa. Higit sa ano pa man, politika talaga ang pinakaayaw niya sa lahat. Masyadong magulo iyon at kung bakit naisipan ng kanyang ama na pasukin ang mundong iyon ay hindi niya maunawaan.
"Dad, what was that all about?" usisa niya dito nang sa wakas ay papauwi na sila.
Naglalakad na sila palapit sa kanilang mga sasakyan. Dala ni Jossa ang sarili niyang kotse at katabi iyon ng kotse naman ng kanyang ama.
"Do I still need to explain everything from A to Z, Jossa?"
"You did not even tell me about that? Na tatakbo kayo ngayong halalan? Iyon ba ang dahilan ng pagpasya mong bumalik tayo ngayon sa bayang ito?"
Huminto ito sa paglalakad at hinarap siya. "Matagal ko nang plano ang bagay na ito, Jossa. Walang masama kung susubukan ko. Malaki ang tiyansa na manalo ako dahil kilala ako sa bayang ito dahil sa negosyo natin."
"And how about what you said a while ago?" hirit niya pa. "Dad, hindi ko gustong magdoktor. I-I... I mean, walang kaso sa akin ang tumulong sa mga tao rito pero hindi ko na idadaan pa iyon sa politika. I can help anytime."
"Pinapatamaan mo ba ako sa mga sinabi mong iyan?" mapanganib na wika ni Eduardo.
Agad siyang natigilan dahil sa nakitang galit sa mga mata nito.
"Ito ang isaksak mo diyan sa isipan mo, Jossa. I've spent a lot for raising you. Hindi rin biro ang halaga ng matrikula sa unibersidad na pinasukan mo sa Manila. Doing what I want is the only way that you can do to pay me back."
Daig niya pa ang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang mga sinabi nito. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakaringgan niya ng ganoon ang kanyang ama. Noon pa man ay lagi na itong nagpapatutsada na wari ba'y malaking utang na loob niya dito ang pagbuhay nito sa kanya.
And she can't understand why. Kung iisipin ay obligasyon naman iyon ni Eduardo dahil ama niya ito.
Mayamaya ay narinig niya ang pagpapakawala nito ng isang malalim na buntong-hininga. "Hindi tayo magkakaroon ng problema kung aayon ka na lang sa nais ko, Jossa. Para din naman sa iyo ang ginagawa ko. Napakagandang propesyon ang pagiging doktor."
Napayuko na lang siya ng kanyang ulo at hindi na nagbigay pa ng komento. Kung magsasalita pa siya ay hahaba lang ang usapan nila. Besides, kilala niya ang kanyang ama. Hindi naman ito nagpapatalo sa kahit anong usapin.
"Gusto mo bang sumabay ka na sa akin? Uutusan ko na lang si Pablo na siya nang magmaneho ng sasakyan mo."
She raised her head and met her father's eyes. "It's okay, dad. A-Ako na lang ho ang magmamaneho ng sasakyan ko."
"Are you sure?"
"Yes, dad."
"Dumiretso ka ng uwi, Jossa," mariin nitong saad sabay tingala saglit sa langit. "Makulimlim. Tiyak na uulan mamaya. Dito ka man pinanganak sa bayang ito ay hindi mo na kabisadong maigi ang pasikot-sikot dahil sa paninirahan natin sa Manila. Baka kung saan ka pa mapadpad."
Hindi pa man nakakasagot si Jossa ay tumalikod na si Eduardo at nagsimula nang maglakad patungo sa sasakyan nito. Naroon na si Mang Pablo, ang matagal na nitong driver. Hinintay niya pa na makasakay na ang mga ito at makaalis na ang sasakyan.
Nang tuluyang maiwan roon ay nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Her father didn't change at all. He's still that dominant Eduardo that she used to know.
Sumakay na rin siya sa kanyang sasakyan at nagmaneho na paalis. Habang nasa daan ay hindi niya pa maiwasang mahulog sa malalim na pag-iisip.
They are rich, yes. Hindi siya kailanman nakaranas ng hirap at kakulangan sa kung ano mang pangangailangan niya. Halos lahat ng kakilala niya ay kinaiinggitan ang maalwan na buhay na mayroon siya.
But deep inside? She's not living the kind of life that she wanted. It was always her father who decides for her. Lahat-lahat.
Hindi niya mapigilan ang pagtiim ng kanyang mukha. Sa halip na taluntunin ang daan pauwi sa kanila ay agad niyang kinabig ang manibela patungo sa ibang direksiyon--- ang patungo sa may dagat.
Hindi niya man gustong aminin ay dama niya ang hinanakit para sa kanyang ama. Sa mga magulang niya ay masasabi niyang mas malapit siya sa kanyang ina. Istrikto kasi si Eduardo kaya madalas ay wari siyang nangingilag kapag kasama ito.
Mariin niyang inapakan ang preno ng sasakyan. Ilang metro pa ang layo niya sa dagat nang magpasya siyang lumabas sa kanyang kotse at maglakad patungo sa may baybayin.
Mula sa kalsada ay mangilan-ngilang bahay pa ang madaraanan. Paglampas roon ay ilang hakbang na lang ay pinong buhangin na ang makikita. And then... ang dagat.
She inhaled an air. Malamig na ang hangin tanda na mayamaya lang ay uulan na. But she's not bothered. Nanatili siyang nakatayo roon at nakamasid lamang sa malawak na katubigan sa kanyang harapan.
Sa pagkakataong katulad niyon niya mas hinahanap-hanap ang kanyang ina. She missed her terribly. Ito ang lagi na ay kakampi niya sa lahat. Kung nabubuhay lang ito, nasisiguro niyang sasalungatin nito ang nais ng kanyang ama. Walang ibang mahalaga para sa kanyang Mommy Lucille kung hindi ang mga bagay na ikaliligaya niya. And her mother would know very well that her father's decision was against her will.
She closed her eyes tightly. May magagawa ba siya? Alam niyang ikagagalit ng kanyang ama oras na hindi niya sundin ang nais nito. Pero paano naman ang gusto niya? Paano naman ang mga nais niyang gawin sa buhay niya?
Hilam na ang kanyang mga mata sa luha. Sa edad niyang iyon ay hindi pa rin siya masanay-sanay sa pagiging diktador ng kanyang ama.
"Jossa..."
Marahas siyang napamulat ng kanyang mga mata nang marinig ang pagtawag sa kanyang pangalan. Hindi pa man tuluyang nakakalingon ay nahihinuha na niya kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na iyon.
*****
NAPAPAILING na humakbang pa si Lemuel palapit sa direksyon ng dalaga. May ilang saglit na niya itong pinagmamasdan mula sa kinatatayuan niya kanina.
Naroon siya sa may dagat nang hapong iyon dahil kinailangan niyang puntahan ang isang bahay na nasa may malapit lang. Bagong kliyente iyon ng kanyang Tatay Simeon at sinadya niya ang naturang bahay upang sukatan ang taas ng lababo kung saan ilalagay ang pinapagawa nitong built-in cabinet.
Kanina niya pa iyon natapos ngunit hindi pa siya agad umuwi. Nakasalubong niya kasi kanina si Phoebe, isang third year student sa unibersidad na pinapasukan niya. Nakipagkwentuhan pa ito na sadyang halata naman ang pagpapapansin sa kanya.
He talked to her for a while. Kung gagawin niya lang dito ang ginawa niya kay Katrina ay nahuhulaan niyang hindi rin ito tatanggi. But she's not his type. Idagdag pa na nakita niya nga ang marahang paglakad ni Jossa patungo sa dagat kaya agad na siyang nagpaalam kay Phoebe.
Hindi niya pa inasahang makita roon ang dalaga. At first, he thought she was with someone else. Iyon ang rason kung bakit hindi niya ito agad nilapitan. Ngunit lumipas na ang ilang saglit ay nanatiling mag-isa lamang si Jossa dahilan para unti-unti ay humakbang na siya palapit sa kinaroroonan nito.
Hindi pa maiwasan ni Lemuel na matamang pagmasdan ang kabuuan nito. Nakalugay lang ang mahabang buhok nito na kanina pa pinaglalaruan ng papalakas nang hangin. Isang kulay itim na pantalon ang suot ng dalaga na ang pang-itaas ay isang blusang puti.
Napakasimple nitong tingnan ngunit alam ni Lemuel na hindi biro ang halaga ng mga kasuotan nito. So simple yet classy.
"Mukhang mag-isa ka lang ngayon, binibini? Nasaan iyong 'kaibigan' mong nagturo sa iyo na magmaneho?"
He saw how she exhaled a sigh. Humakbang pa siya palapit at nais pa sana itong pikunin.
"Wala ka ba ngayon---"
"Pwede bang huwag ngayon, mister?!" marahas nitong sabi sabay lingon sa kanya.
And Lemuel was taken aback as she turned to look at him. Nanunubig ang mga mata nito dahil sa mga pinipigilang luha.
"Bakit naiiyak ka?" bigla ay tanong niya dito.
"It's none of your business!" she snapped at him.
Pumihit na ito upang sana ay iwan na siya roon ngunit naging maagap si Lemuel. Mabilis niyang hinawakan ang isang braso ni Jossa dahilan para mapalingon itong muli sa kanya.
"Ano ba?! Bitiwan mo ako---"
"Ano ang nangyari sa iyo? Bakit narito ka at naiiyak---"
"I said it's none of your business. Bitiwan mo na ako--- Oh God!"
"s**t!"
Sabay pa silang napaigtad ni Jossa nang magsimula nang pumatak ang ulan. Mas naging agresibo ito sa pagbawi ng brasong hawak niya ngunit hindi ito binitawan ni Lemuel.
Hanggang sa mayamaya ay marahan niya itong hinatak patungo sa kinapaparadahan ng owner jeep na gamit niya kanina sa pagpunta sa lugar na iyon. Hindi iyon kalayuan sa kinatatayuan nilang dalawa sapagkat sadyang ipinarada niya iyon malapit sa daang patungo sa bahay na pinanggalingan niya kanina.
"S-Saan mo ako dadalhin?"
"Sakay na!" aniya nang nasa tabi na sila ng owner jeep.
"What---? Dala ko ang sasakyan ko..."
"Mas malapit ito kaysa sa sasakyan mo," mabilis niyang saad. "Pumasok ka na kung ayaw mong mas mabasa tayong dalawa."