#HugotPaMoreZed

454 Words
Exam lang kami mula umaga hanggang lunch time. Madali lang naman ang exam, kung nakinig ka. Nakinig naman ako, pero merong ilan na hinulaan ko lang. Hindi ko matandaan. Kung hindi ako papasa hindi ko naman 'to ikatatanggal sa trabaho ko. Habang snack time nilabas na nila 'yung result. Ang sabi ng President ng BAP, may prize daw na makukuha ang tatlo na makakakuha ng mataas na score. Hindi na ako umaasa. Ayoko ng umasa sa bagay na walang kasiguraduhan, masasaktan na naman ako. #HugotPaMoreZed President: in no particular order, here are our top three for this years' annual conference. Mr. Harley Tamayo of Floresca Builders. Palakpakan naman kaming lahat, tapos ni-congratulate siya ng lahat ng madadaanan niya papunta sa stage kung saan nandoon ang BAP President. President: next is Miss Merzedez Chevy Lorena of United Polygon Incorporated. Okay lang naman kahit hindi ako manalo, 'wag lang nilang sasabihin ng buo ang pangalan ko. Harley: nice name. Congratulations. Ako: thank you. President: and last but not the least, Mr. Stephen Maharlica of Polytechnic Builders Corporation.  Nang marinig ko ang pangalan na Stephen at Polytechnic Builders Corporation I was like, kasing-laki-ng-plato-ang-mga-mata-ko-dahil-sa-gulat look. Naisip ko tuloy kanina na pwedeng kumanta si Stephen ng sarili n'yang version ng "Mahal ko o mahal ako" kaya lang sa kanya "Gusto ko o gusto ako." Pero hindi pa iyon ang pinaka-nakakagulat. President: congratulations to the three of you. I know all of you are equally excited to know what's our prize this year. Hindi po ako kasing excited ni Stephen. Tingin ko siya ang pinaka-excited sa lahat. Sa lahat ng nandito ngayon, at sa lahat ng nanalo mula pa noong unang annual conference ng BAP. Binigyan kami ng sobre ng isang babae na umakyat ng stage. Ano naman 'to? Sana cash na lang talaga ang premyo. I need money. President: those envelop have something inside. And that something is a round-trip plane ticket to Singapore with three-days-two-nights free accommodation at Resorts World Sentosa, Singapore. Holy sh8t! Seryoso? President: you choose the schedule then inform us, and we will arrange everything for you. Harley: Sabay tayo? (Nakatingin pa rin ako sa envelop na hawak ko. Hindi pa rin ako makapaniwala.) Merzedez Ch- Ako: stop! Just Zed, ok? Zed. (Tinitigan ko ulit ang envelop ng kayamanan at pangako ng maraming karanasan) Stephen: pwedeng tayong dalawa na lang kung ayaw ni Zed. Nakakalungkot magpunta kapag mag-isa lang. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na isa ako sa nakakuha ng mataas na score, what more pa sa napanalunan ko. Mabait ang president ng BAP kasi sabi niya ang buong Sabado ay pasyal day, at Sunday morning daw ang alis namin. So yeah, magliliwaliw ako bukas! Hello Bacolod! Hello tindahan ng masasarap na pagkain!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD