Pasyal Day

118 Words

Karamihan sa mga kasama ko sa conference friends na sila, pero ako nanatiling loner. Loner by choice naman. Hindi naman ako nagkamali ng desisyon kasi kung sumama ako sa kanila iilan lang na kainan ang napuntahan ko, pati na rin pasyalan. Akala ko nga kanina tahimik akong makakapasyal na mag-isa, pero hindi kasi biglang sumulpot si Harley ng nasa Calea na ako. Buti hindi niya kasama o kabuntot si Stephen kasi mabo-brokenhearted na naman ako dahil nga bading siya. Okay naman pala kasama si Harley. Hindi halata sa itsura niya pero madaldal siya. And one more thing I like about him, NILIBRE NIYA AKO! Parang gusto ko na tuloy mapa-oo sa offer niya na sabay kami sa Singapore.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD