Mabilis na tinanggal ni Sweetie ang pagkakayakap niya kay Gino nang makitang nakatingin sa kanila ang mga nakapilang tao na sasakay sa ferris wheel. Natataranta itong lumakad palabas ng sinakyan nila at parang bata kung itago niya ang kanyang mukha dahil sa hiya. Sumunod naman agad sa kanya si Gino at nang mahabol niya ito gamit ang ilang hakbang lang ay hinila nito ang braso ni Sweetie. "You tricked me! Go away!" pagpupumiglas nito. Para itong batang nagmamaktol sa kanyang inaakto ngayon. "Tsk. Childish rat." poker face na sambit ni Gino. "Di ako rat! Tao ako, taooo!" pilit ni Sweetie sabay nguso. "Rat ka. Rat na makulit, rat na isip bata, rat na baliw." nagsmirk si Gino. Madali nitong maasar si Sweetie ngunit, ika nga niya, isa siyang isip bata at makulit. Hindi nagpapatalo ang mga