Sweetie "Lumuhod ka din." aya ko. Nakatayo lang siya sa tabi ko at tila nagtataka kung ano ang ginagawa ko. Lumuhod siya kahit na di alam kung bakit. Tumingin muli ako sa gitna at ngumiti. "Bestfriend, eto nga pala ang bago kong pamilya. Si Gino." napansin kong tumingin sakin si Gino kaya tumingin ako sa kanya. "Siya ang...bestfriend mo?" takang tanong niya habang nakaturo sa gitna. "Oo. Siya ang bestfriend ko. Namin ng mama ko. Ipapakilala ko rin siya sayo. Jesus ang pangalan niya. Bestfriend siya ng lahat. Kahit ikaw, pwede din siyang maging bestfriend. Pwede mo lahat sabihin sa kanya ang nararamdaman mo. Tutulungan ka Niya." nginitian ko siya. Kumunot ang noo niya. "Masama ako. Mabuti siya. Hindi niya ako tutulungan nyan dahil masama ako." Umiling ako. "Hindi. Mali ka. He hates si