Sakit na ulo ang una kong naramdaman pagkagising ko. Medyo nagtaka pa ako kung nasaan ako kasi di pamilyar ang paligid. Parang daloy ng tubig namang biglang rumagasa ang mga masasakit na alaala ng mga nangyari kahapon. Halos di ko na nga maimulat ang mga mata ko sa pamamaga pero heto at naiiyak na naman ako. Natigil ang pagmumuni-muni ko nang may marinig akong mga boses mula sa labas ng silid na kinaroroonan ko. Boses ni Igop ang tanging kilala ko sa mga nag-uusap sa labas kung pag-uusap ngang matatawag ang parang sigawang nangyayari. Paanong may mga kausap si Igop sa labas gayong ayon sa kwento niya ay nasa Cebu lahat ng mga angkan niya. "You little shithead! Ilang araw kang hindi tumawag kaya nag-alala talaga si Mama sayo!" gigil na sabi ng isang boses babae na nasundan ng malakas