Ilang araw na ang nakalipas mula noong natagpuan ako ng tunay kong pamilya at tuluyan ko nang nahanap ang mga taong unti- unting bumuo sa pagkatao ko. Sa loob ng mga nagdaang araw ay ginugol ko ang lahat ng oras ko sa pakikipagkilala sa buong angkan ng mga Ramirez. Nakakagulat kung gaano karami ang mga kamag-anak namin na matagal nang hinihintay ang pagkakataong matagpuan ako. Ilang ulit akong napaiyak tuwing may kamag-anak akong yayakap sakin at magkukwento kung anong hirap ang sinuong ng Mama ko upang mapalaki ang kakambal ko sa kabila ng pagkawala ng Papa ko habang hindi tumitigil sa paghahanap sa akin. Galing sa angkan ng mga pulitiko dito sa Cebu ang Mama ko at mayamang negosyanti naman ang mga Ramirez na may pinakamalaking hotel at restaurant dito sa Cebu. Napag-alaman ko ring