Hapon na naman, uuwi na naman ako ng bahay. Makikita ko na naman si Carina at mapipilitan na naman akong makisama. Sinundo ako ni Mang Delfin kaya di na ako hinatid ni kuya Kian. Parang napakabilis lang ng byahe at nakarating agad kami sa bahay. Wala pa ang mga kotse ng dalawa kong kapatid sa garahe, di pa siguro sila umuwi. Matapos kong magbihis ay nadatnan ko si Mommy sa kusina kausap iyong naghahanda ng pagkain para sa hapunan. Nang mapansin niya akong nakatayo sa may pintuan ay magiliw niya akong nilapitan at niyakap. "How's your day?" masuyo nitong tanong. " Boring," kibit-balikat kong sagot habang sinundan ng tingin ang paglabas ng kausap ni Mommy sa kusina. "Ikaw talagang bata ka. Mabuti pa samahan mo akong mag-bake," nakangiting aya ni Mommy sakin. " Ako ang gagawa ng ici