CHAPTER FOUR

1305 Words
︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ Chapter Four Rovenking University || ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎ Allison's P.O.V. Napalingon ako sa pinto nang marinig kong kumatok si Oliver. "Wait," sabi ko habang sinosuot itong puting blazer ng uniform ko. Nasabi nadin pala ni Oliver sa akin kung bakit dalawa ang kulay ng uniform. Pagputi daw ang uniform mo ay isa ka sa mga Royal blooded vampire. Royal vampire ang mommy ko at ang daddy ko naman ay isang mortal lang. Half vampire at half mortal ako. Si Oliver lang ang tanging nakakaalam nitong sikreto ko. Pag-itim naman daw ang kulay ng uniform ay isa itong Noble vampire. Naalala ko yung Butler nung Daria. Isa pala syang Noble Vampire. "Allison, male-late na tayo," rinig kong sabi ni Oliver sa labas ng pinto. "Alright! give me a second!" sabi ko at inipit ang buhok ko pataas dahil mainit ngayon ang panahon. Matapos ko naman ayusin ang sarili ay binuksan ko na ang pinto at nakita ang bored na mukha ni Oliver. Ngumiti naman ako sa kanya at lumapit. Bakit kasi late na ako nagising? "Sorry," mahina kong sabi at ngumuso dahil alam kong hindi ako nito matitiis. "May magagawa ba yang Sorry mo? anyways, mag-take out na lang tayo ng breakfast mo at sa kotse ka na lang kumain, kulang na tayo sa oras," sabi nya at nagbuntong hininga. "And here." May inabot sya sa aking baso at naglakad na papalabas. Napatingin naman ako sa baso na binigay nya. May laman ito ng dugo ng tao. Napabuntong hininga na lang din ako at ininom ito. Hindi pwedeng lumagpas ng 24 hours na hindi ako nakakinom ng dugo dahil pwede akong manghina or mawala sa aking sarili. Pagkainom ko nito ay dumiretso na ako sa parking lot at sumakay na sa kotse. Nagsimula na syang mag-drive at walang nagsasalita sa aming dalawa. Nag-order sya ng dalawang chicken burger, hashbrown at coffee. "Parehas tayo ng section diba?" Tanong ko sa kanya at humigop sa coffee na inorder namin. "Who knows?" Sabi nya at nag-shrug ng shoulders. Tinignan ko naman sya ng masama. There he goes again, with his words. "I seriously don't know. Charlie hasn't told me yet," paliwanag nya. Hindi ko na lang ito pinansin at nagsimula ng kumain. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Sana ay magka-section kami ni Oliver dahil sya lang ang kilala ko at ayoko na ring makipagkaibigan sa iba. Matapos ang halos isang oras ay nakarating na din kami sa Rovenking University. Pagka-park nya ay bumaba na kami. Ginala ko ang paningin ko at pasinag pa lang ang araw. Masyado pang maaga pero minadali ako nitong isang lalaki 'to. Napatingin ako sa phone ko at nakitang 5:30 A.M. pa lang at mamayang 6:40 pa ang klase namin. "What?" tanong nya nang makitang masama ang tingin ko sa kanya "We need to go here early para makapaggala-gala pa tayo dito sa University. You know, just in case. Delikado dito, it's better to be familiar here. Baka mamaya ay may kalaban pa tayo dito," sabi nya at nagsimula nang maglakad. Napabuntong hininga na lang ako. Oo nga pala, pwede kang gumamit ng powers dito pero hindi mo ito pwedeng gamitin para makasakit ng iba. "Allison, what are you waiting for? pasko?" nabalik naman ako sa sarili ko nang tawagin ako ni Oliver. "Huh?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya. "Halika na. We don't have enough time. Hindi lang tayo nandito para mag-aral, kundi para may bantayan at kumilos," seryoso nyang sabi sa akin. I knew it. Hindi sya yung tipo ng taong basta-basta na lang magdedisisyon. Tumango naman ako at nagsimula nang maglakad. "Dito ako sa labas, dun ka sa loob," sabi nya at tinuro ang entrance sa loob ng building. "Okay," sagot ko at pumasok na sa loob. May nakasalubong pa akong guard at tumango lang ako dito. Pwede naman kasing pumasok ng maaga dito kaya ayos lang mag-gala. Dumiretso ako sa kaliwang hallway. Maraming rooms dito. Kada pintuan ay may salamin ito kaya medyo kita mo ang nasa loob. Ngayon ko lang din napansin na mga room ito for clubs/organizations. May narinig akong nagtutugtog ng piano at automatic akong naglakad papalapit sa pinakadulo. Nakaka-relax yung tunog. Ang soft lang nito. Nang nasa tapat na ako ng isang pinto ay nakita ko ang isang lalaking nakatalikod at nagpa-piano ito. Pamilyar ang likod nito pati narin ang itim nyang buhok. Biglang nag-vibrate yung phone ko kaya naman ay binasa ko ang message. [Where are you? anything suspicious there?] - Oliver [None.] sagot ko at binalik na sa bulsa ang phone ko at pagtingin ko sa lalaking nagpa-piano kanina ay wala na ito. Napakunot naman ang noo ko. Saan sya nagpunta? tinignan ko ang nakasulat sa gilid ng pinto. Music Room Music Room? napa-ngiti ako. Gusto kong sumali rito at matutong tumugtog katulad ng lalaki kanina. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papalayo. Sa kabilang corridor naman ako nagpunta at katulad kanina ay puro club/organization's rooms lang din ito at walang katao-tao. Nagpunta ako sa second floor at naglalakad nang may marinig akong naguusap. Huminto ako at nagtago sa isang pader. Agad akong sumilip sa nag-uusap dahil mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Yung likod nitong lalaki.. sya yung nakita ko kanina sa music room. May kasama rin syang babae na mahaba at blonde ang buhok. "Yura, stop what your planning to do," sabi ng lalaki. Pamilyar din ang boses nya. Nang makita ko ang side view nito ay tsaka ko lang na-realize na si Zach pala ito. Yung stepbrother ni Oliver. Anong pinag-uusapan nila nung Yura? "You can't stop me. He told me to do this." "Why can't you just listen to me?" "Pagsinunod ko lahat ng gusto nya, papayagan nya akong makasama ka." "He's lying! he's just using you." "Bakit? ayaw mo ba sa'kin? kala ko ba gusto mo ako?" "Yura-" "Dahil ba bumalik na sya?" Bumalik? sino? "No, you're wrong-" hahawakan sana sya ni Zach nang humakbang sya papalayo. "It's hurting me everytime na puro sya na lang. Ako yung nandito, Zach. Mas malakas at mas better ako sa kanya. Ano bang mayron sya na wala ako?" Agad na akong tumalikod. Ayoko nang makinig pa sa pag-uusap nilang dalawa. Kung nag-aaway sila dahil lang sa babae ay wala na akong pakialam dun. Naglakad-lakad na lang ako nang may makabangga ako. Hindi ko ine-expect 'to kaya naman ay napaupo ako sa sahig at inis na tinignan yung nabangga ko. Nagulat sya nang makita ako. Kita ko ang pagkabigla sa mga mata nya. What's with his reaction? ang weird din ng kulay ng buhok nyang medyo dark red. "Excuse me," tipid kong sabi at tumayo. Pinagpag ko ang likod ng skirt ko at naglakad na. "So, you're back?" Rinig kong sabi nya. Hindi na ako lumingon. Ayokong magsayang ng oras. "Yea." Ito na lang ang nasabi ko kaysa sa sabihin kong hindi ako si Zurie dahil nakakasawa narin at paulit-ulit na lang. Nang malayo-layo na ako at naglalakad ay agad akong napahawak ako sa pader. "Urgh." Napahawak ako sa ulo ko. Sh*t. Bakit sumasakit na naman 'tong ulo ko? agad kong kinuha yung gamot ko sa bulsa at ininom ito. huminga ako nang malalim at maya-maya ay nawala na ang sakit. Napapikit ako ng madiin. Bakit bumalik itong sakit ko? What the hell is wrong with me? ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ End Next: 7's and R8 ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD