CHAPTER FIVE

2104 Words
︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ Chapter Five 7's and R8 ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎ Allison's P.O.V. "Nasa entrance na daw sila," sabi ni Oliver, reffering to other members of R8. "Puntahan na natin?" tanong ko at tumango naman sya. Naglakad na kami agad papunta sa entrance at nakita silang nakasuot na ng mga puting uniform. "Hey!" masiglang sabi ni Heron sa amin at hindi ko na lang ito pinansin. May pagka-childish kasi siya at lagi nyang gusto ay nasa kanya ang attention mo which is irritating me. "Pinag-antay nyo kami dito ng matagal," inip na sabi ni Bernice at masama ang tingin na binigay sa akin. "Pwede naman kasing pumasok na kayo," sabi ko at nag-crossarm. Sa totoo lang ay hindi ko makasudo si Bernice. Hindi ko alam kung bakit pero masyado syang masungit sa akin. Hindi ko sya maintindihan kaya lagi kaming nag-aaway. "Mukha bang kabisado namin dito?" sagot nya. "Edi kabisaduhin mo," mahina kong sabi pero i made sure na rinig nya ito. "Enough," sabi naman ni Bron sa amin. "Yes, yes!" napatingin naman kami lahat kay Heron nang may nilabas itong papel at tumingin lang kami sa kanya. "Marunong na'ko mag-drawing ng kidlat!" masaya nitong sabi. Napasimangot naman ako. Akala ko naman ay kung ano yung dahilan ng pagkasaya nya. Napabuntong hininga na lang ako. "Tch, Isip bata ka talaga," sabi bi Ethan sa kanya. Tinignan naman sya nang masama ni Heron at naglabas ito ng maliit na kidlat tapos ay tinama sa paahan ni Ethan pero agad na umangat ang lupa na kinakatayuan ni Ethan kaya naman nasangga ang kidlat nito papunta kay Yuu. "Baka! (Idiot)" sabi ni Yuu at masamang tinignan si Heron na ngumiti lang sa kanya sabay peace sign. "Stop. Let's go, magsisimula na ang klase," seryosong sabi ni Oliver. Napatingin naman ako sa wrist watch ko at nanlaki ang mata. Five minutes na lang at magsisimula na ang first subject namin! "Bilisan na natin!" sabi ko sa kanila at naglakad na nang mabilis "Wait, Allison!" Rinig kong sigaw ni Lisa kaya naman napalingon ako sa kanya at nakitang nakaturo sya sa harap ko. Agad naman akong tumingin sa harap ko at naramdamang tumama ang noo ko sa isang malambot na bagay. Napahawak ako sa noo ko at tumingala para tignan kung saan o sino yung natamaan ko pero agad lang din akong napaatras nang makita ko kung sino ito. Zach Mikel Harisson. "What are you doing?" bigla akong hinigit ni Oliver papunta sa kanila ni Yuu na ngayon ay nasa likuran ko na. "Sorry," agad kong sabi at nakita ang 7's na kompleto at nakatingin sa akin. Hindi ko alam ang gagawin dahil kakaiba yung aura na bumalot sa paligid namin. Parang masyadong seryoso at nakakailang. Ngayon ko lang din ito naramdaman. "Zurie!" agad na naglakad yung isang babaeng nagngangalang Saracley papunta sa amin. "Saracley!" sambit nung isang babaeng may pagka-dark brown at kulot na buhok habang mukhang gulat sa inakto ni Saracley. "That's Krishia," mahinang sabi ni Oliver sa akin. "Zurie, anong ginagawa mo? bakit mo sila kasama?" nagulat ako nang hawakan ako nitong si Saracley sa dalawa kong kamay at hinigit pero hindi ko sya hinayaang dalhin ako. "I'm not Zurie. I'm Allison Kramer," sabi ko at tinanggal ang pagkakahawak nya sa kamay ko pero masyadong mahigpit ang pagkakakapit nya. "Get your hands off of me," inis kong sabi at nilakasan ang pag-alis ng kamay nya sa akin kaya naman napaatras sya. Nakita kong naiiyak na sya. Tahimik lang ang lahat at nakatingin sa amin ni Saracley. Humakbang ako palapit sa kanya. "Kung sino man yung Zurie na yon, I bet she's weak. Kaya there's no way na ako si Zurie," seryoso kong sabi sa kanya. Nakita ko namang napakagat sya sa labi nya para pigilan ang mga luha nya. Gusto kong matawa dahil sa inakto nya pero.. there's something in me na dapat hindi ko yun sinabi at inakto sa kanya. Hindi ko maintindihan yung sarili ko. Nilagpasan ko na lang sya dahil hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin at ayoko ring magsayang ng oras. "Let's go," sabi ko kila Oliver at naramdaman ko naman silang nakasunod na sa'kin. Habang naglalakad ay nalagpasan ko din ang 7's at nakita kong nakatingin lang sila sa akin. Seryoso ang mukha ng iba sa kanila at ang iba naman ay mukhang naguguluhan. Iniling ko na lang ang ulo ko para alisin sila sa isipan ko. "You look awesome earlier!" Manghang sabi ni Heron at sinabayan ako sa paglalakad. Tinignan ko naman sya, "I know," sabi ko at sumimangot. Tumabi naman ako kay Oliver na masama ang tingin sa akin. "What?" takang-tanong ko sa kanya. "Dun ka na lang kay Heron," sabi nya at binilisan ang paglalakad. Napahinto naman ako. Bakit ganito tong isang 'to? nagseselos ba sya? "Allison!" napatingin naman ako kay Alyssa nang tawagin ako nito at ngayon ko lang napansin na ang layo na pala nilang walo sa akin. Lahat sila ay medyo malayo na at naiwan ako. Napatingin ako sa paligid at may mga estudyante na nakatabi lang sa gilid at binibigyan kami ng daan. Yumuko pa yung isa nang magkasalubong ang tingin namin. Napahawak ako sa ulo ko at napapikit. Nakita ko ang sarili ko na nasa isang corridor. Iba ang kulay nito sa Troxievor University. Nakatungo ako at nakatayo lang sa gilid. May naglalakad sa gitna na 5.. 6.. 7. Pito. Pito na mga bampira. "Hey." Napadilat ako nang may humawak sa balikat ko. "Oliver," tawag ko sa kanya nang makita sya sa tabi ko. "Are you okay?" Nakakunot noo nyang tanong sa akin at agad naman akong tumango. Sino yung pitong bampira na iyon? hindi ko nakita ang mukha nila pero.. alam kong bampira sila. I can feel it. At ano yung nakita ko non? alaala ko ba yun? o mangyayari palang sa Future? ●○● "Class Dissmised," sabi ng Professor namin at sinara ang hawak nyang libro na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa aming mga bampira. "Goodbye, Class A," sabi nito sa amin. Tumayo naman kami para magpaalam sa kanya. "Goodbye, Mr. Brody," sagot naming lahat tapos ay lumabas na ito. Break time na at may syam na bakante pa sa kabilang row na likod at nasabi sa'kin kanina ni Lisa na Duon ang pwesto ng 7's. Nandito kami nakapwesto sa Right side at sa harap malapit sa Professor. Nakwento na din sa akin nila Lisa at Alyssa na kaaway namin ang 7's. Hindi ko alam kung bakit dahil hindi pa nila sinasabi ito sa'kin, at 7's ang tawag sa grupo nila kahit Syam na sila. "Ano pang hinihinay nyo dyan? Christmas? New year?" Sabi ni Bernice na nakatayo at nakatingin sa aming tatlo nila Lisa at Alyssa. "Oo," sagot ko tapos ay ngumiti sa kanya at hindi tumayo. "Halika na Allison," sabi ni Lisa na pinapatayo ako pero nanatili lang akong nakaupo. "Hayaan mo sya kung ayaw nya," sabi ni Bernice at nauna nang maglakad palabas dito sa classroom. "Dadalhan na lang kita ng pagkain." sabi ni Oliver sa akin at sumunod na kay Bernice. Sinubsob ko naman ang mukha ko sa lamesa nang may kumalabit sa'kin at inis ko itong tinignan. "Di ka sasama samin?" tanong ni Heron. "Oo," tipid kong sagot sa kanya. "Okay. Fine," sabi nya at hinila na sila Alyssa at Lisa palabas. "Byee!" sabi nila Lisa at ngumiti lang ako sa kanila. Napatingin naman ako kay Bron at Ethan na nakatayo parin. "Nakakatamad kumain," sabi ni Bron at umupo sa upuan nya. "May dala akong Potato chips!" excited na sabi ni Ethan at nilabas yung potato chips sa bag nya at nilapag ito sa lap ko pero kinuha naman ito agad ni Bron. "Walang madamot," sabi nya at ngumiti tapos ay binuksan ito at kinain. Tumabi naman silang dalawa sa akin at kumain na lang muna kami ng potato chips. Laging magkasama ang dalawang 'to. Hindi naman sila mahirap pakisamahan dahil mabait naman sila. Napatingin ako sa PSP ni Bron na kulay Blue na hawak-hawak nya ngayon. "Gusto mong tignan?" tanong nya at binigay sa akin yung PSP nya. Kinuha ko naman ito at binuksan. Pagkabukas ko ay nakita ko ang pangalan naming tatlo dito. Napakunot naman ang noo ko. Hindi ko pa kasi alam kung pano ito gamitin dahil masyadong madamot itong si Bron at minsan lang din maging mabait. "Nata-track nya yung mga nasapaligid," sabi nya. "Watch and learn," naka-ngiti nyang sabi at ni-click yung pangalan ni Ethan at biglang napatayo si Ethan. Masamang tingin naman ang binigay ni Ethan kay Bron. "Sorry dude," sabi ni Bron at tumawa. "Ikaw na bahala sa kanya." Binigay sa akin ni Bron yung PSP nya at tinanggap ko naman ito. "Allison! i-exit mo na. Sige na! binigyan kita ng potato chips kanina!" panggi-guilty nya sa akin. "Sorry, Ethan," sabi ko at ngumiti sa kanya tapos ay tinignan ang PSP. Biglang may lumabas na controller sa screen. Pinindot ko yung Arrow na papunta sa right at naglakad si Ethan papunta sa right side. "Whoa!" mangha kong sabi at yung arrow naman ng left yung pinindot ko at sumunod naman si Ethan. "Sara, you must help us! kasali ka na sa grupo namin!" napatingin naman ako sa pintuan sa likod nang pumasok yung Yura at Saracley na mukhang nag-aaway. "Ayoko! ayoko sabi!" inis na sabi nung Sara. "Pero yung Daddy mo--" "Hindi ako katulad ni Daddy! kahit na may dugong Noble Vampire ako, ayoko! gusto ko lang mabuhay na normal. Kung hindi Normal ay ayos na sa'kin tong pagiging Royal Blooded," matigas na sabi ni Sara kay Yura. "Let's stop now," Sabi ni Bron at kinuha yung PSP sa kamay ko. "After 10 years, tinantanan nyo din ako," nakasimangot namang sabi ni Ethan. "What.." napatingin naman kaming tatlo kila Yura nang magsalita ito at mukhang gulat na makita kami dito. "Damn!" sigaw ni Saracley at tumakbo palabas. Ngumisi naman si Yura at naglakad palapit sa'kin. Hindi ko alam pero automatic akong napahakbang paatras habang sila Bron at Ethan ay nanonood lang sa gilid. "Allison, huh?" sabi nya at tumigil lang nang nasa harapan nya na ako. "You're still weak. You're still scared," mahina nyang sabi at ngumisi. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. "What do you mean?" tanong ko sa kanya. "You're still the Zurie that i know," sabi nito. "Stop." biglang humarang sila Bron at Ethan kaya napaatras si Yura. "So, you have a new knight? dahil wala nang magtatanggol sa'yong Jace at Zach. How weak," sabi nito at naging seryoso ang mukha. "Sorry, but we are not her Knight," sabi ni Ethan. "We are her Friends," sabi naman ni Bron kaya napatingin ako sa kanila. Tagapagtanggol? Si Jace at Zach? anong ibigsabihin nya? "What are you talking about?" tanong ko at tinignan ng seryoso si Yura. "Don't listen to her," hinawakan ako ni Bron sa wrist at hinila ako papunta sa likod nya. "Go," sabi nya pa kay Yura. "Pano kung ayaw ko?" tanong ni Yura. "Then, we don't have any other choice," sabi ni Ethan at tumayo sa gitna. "Yura." Napunta ang tingin ko sa lalaking naglakad papunta kay Yura at hinawakan ito sa braso. "Zach," gulat na sabi ni Yura at biglang nawala ang masama nitong aura. "We need to go," sabi ni Zach at tumingin kila Ethan tapos ay tumingin sya sa akin. Seryoso lang ang mukha nya at walang salita na hinila nya si Yura palabas. Bakit ganun sya makatingin sa akin? hindi ako tanga para mapansing wala lang iyon. "Allison, eto na yung tuna sandwich and apple juice mo," napatingin naman kami kila Oliver nang pumasok na ito at may dalang paper bag galing sa Cafeteria. ●○● "What? as in Yura Ersisan Wrison?" tanong ni Alyssa at tumango ako. "Yung Babaeng maganda na Blonde?" tanong naman ni Heron at tinignan ko lang sya. Childish na Playboy pa. "What else did she said?" tanong naman ni Oliver. Nandito kami ngayon sa Back garden at nag-skip kami ng klase. First day na first day at nag-skipped na kami agad kaya hindi na ako magtataka mamaya kung patawagin kami sa Faculty office. "That i'm still the Zurie she used to know," mahina kong sabi. ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ End Next: First Assignment ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD