CHAPTER THREE

1560 Words
︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ Chapter Three Rovenking University ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎ "I'm Wendy Grey," sabi ng babaeng kulay light brown ang buhok at nilahad ang kamay. "Allison Kramer," sabi ko naman at tinanggap ang kamay nya tutal kaibigan parin naman sya ni Oliver. "Mark Ryun," sabi naman nung lalaking itim ang buhok at nilahad din ang kamay na tinanggap ko naman. Actually, ayoko talagang makipag-shake hands sa kanila pero nandito si Oliver at pinapanood ang bawat kilos ko. "Mike Gean," sabi pa ng isang brown ang buhok at ngumiti lang sakin. Ngumiti lang din naman ako sa kanya. Mukhang nahalata nyang napipilitan lang ako makipag-shake hands sa kanila. Nandito pala kami sa condo ni Oliver na tinitirahan ko din. "Let's eattt~!" masayang sabi nung Wendy at kumuha ng Buttered Shrimp na luto ni Oliver. "Grabe, girlfriend ka talaga ni Oliver?" tanong ni Mike sa akin. Tumango naman ako. Pang-ilang tanong nya na yan sa'kin? Siyam? Sampu? "Ano kaba, Mike. Binata na si Oliver at natural lang na mag-girlfriend yan," sabi naman nung Mark habang nginunguya yung beef steak na luto ko. Dapat pala nilagyan ko ng lason. "Ehem." Napaubo naman si Oliver na kumakain at tinignan ako ng masama. Binabasa mo nanaman ang iniisip ko? back off! "Fine," mahina nyang sabi sa akin at uminom ng tubig. "Papasok din ba kayo sa Rovenking University?" tanong ko kila Wendy. Umiling naman sila. "Ordinary Vampires lang kami kaya hindi na namin kailangan mag-aral dun. Tsaka wala din naman talaga kaming lugar don," sabi naman ni Wendy. "Delikado din daw doon eh, pero nasabi din ni Oliver sa'kin na mag-aaral kayo dun? mag-ingat kayo dun! mga malalakas ang nag-aaral dun at mga tuso," gigil na sabi naman ni Mike. Natawa naman ako sa reaction nya. Ang cute nya sa totoo lang. Bakit ngayon lang kasi pinakilala sa akin ni Oliver ang mga kaibigan nya? "Stop laughing," rinig kong sabi ni Oliver na hindi ko alam kung nabasa nya ba ang nasa isip ko o hindi. "Anyways, magaling kami pagdating sa paggawa ng mga plans. Kaya kung kailangan nyo kami, nandito lang kami," sabi naman ni Mark at tinapat ang kamay sa puso na kunwari ay mabait. "Kasama naming mag-aaral ni Allison R8," sabi ni Oliver. Yeah, R8. Ang grupo ni Oliver. Na-meet ko na sila at medyo ayos lang naman ako sa kanila. Medyo nakakailang lang silang kasama dahil hindi ko naman sila lahat ka-close pero maayos naman. May isang member lang sa kanila na sa tingin ko ay never ko magigig kasundo dahil sa ugali nya. ●○● "Nandito na tayo," pinark na ni Oliver yung sasakyan namin. Nandito na kami sa Rovenking University. Sobrang laki nito compared sa Troxievor University at Alvah University. Kulay puti naman ang main na kulay nito. Ang lawak din ng mga daanan pero hindi ito katulad ng school na pinasukan ko noon, wala itong dorm kaya naman ay uuwi pa kami ni Oliver sa Condo nya which is malayong malayo dito sa school kaya magi-stay na muna kami sa hotel malapit dito habang naghahanap pa ng matitirhan. "Shades on," sabi nya sabay kindat sa akin at sinuot ang salamin nya. Umirap naman ako. Nababaliw nanaman sya. Sabagay, hindi pa ba ako sanay? Bago ako bumaba ay inayos ko ang suot kong dark gray na dress at ang suot kong itim na sapatos. Inayos ko din yung make up ko. Well, hindi naman talaga ako nagme-make up pero sabi ni Oliver, I should put some makeup on my face for some reasons. Nude pink lipstick at eyeliner lang ang makeup ko tsaka powder. Sinuot ko na din yung brown shades ko at lumabas na. Nakita ko namang naiinip na si Oliver sa labas kakaintay sa akin kaya naman agad na akong lumapit sa kanya. "After 20 years, natapos ka din. Let's go," sabi nya at hinila ako papasok sa loob. Napatingin ako sa mga studyante na nakasuot ng whhite uniforms at yung iba naman ay itim ang uniforms. bakit ganun? Magkaiba ang kulay ng mga uniforms dito. "Malalaman mo din mamaya sa principal's office," bulong ni Oliver sa akin. "Fine," sagot ko at napabuntonf hininga na lang. Nang nasa tapat na kami ng itim na double door na sobrang taas ay kumatok na si Oliver. "Come in," rinig naming sagot ng isang lalaki. "Ready?" tanong ni Oliver at tumango lang ako. Binuksan na namin ang pinto at ginala ko ang paningin ko dito. Sa sobrang taas ng kisame dito ay pahaba na din ang tatlong bintana sa likod ng table ng Principal. Marami ding mga books na nakalagay sa booksleves na napakataas. May diamond chandelier din sa gitna na sobrang laki. "Sit down," sabi ng isang lalaking mukhang kaedaran lang namin. "He's a Noble Vampire," bulong ni Oliver sa'kin. Umupo naman kami ni Oliver. Kakaiba yung aura dito. Ang lamig dito sa loob. kahit Ice ang power ko ay tinatablan ako ng lamig dito. Medyo Dim din ang light dito dahil nakasara ang Kurtina na kulay light brown. "So, Oliver and Allison, right?" tanong ng principal habang may hawakhawak na folder at tinitignan which is i think ay yung Papers namin ni Oliver. "Yeah," sagot naman ni Oliver. Tumingin naman sa amin yung Principal at ngumiti. "I'm Charlie Min. Nice to meet the both of you," sabi nya at nakangiting nilahad ang kamay. "Allison Kramer," sabi ko at tatanggapin sana ang kamay nya nang biglang tapikin ni Oliver ang kamay ko kaya nahinto ako at napatingin sa kanya. "Don't," mahina nyang sabi. Why? "Don't ask why," sagot naman nya. Bigla namang tumayo na si Oliver at hinila ako papatayo. "Bukas na kami papasok and i forgot to mention." may kinuha si Oliver sa bag nyang black folder at binigay ito kay Mr. Charlie Min. "R8?" nakakunot noong tanong nito habang nakatingin sa itim na folder. Tumango naman si Oliver. "Dito rin sila magaaral. Kasama namin ni Allison. Mauna na kami," matapos ay bigla na lang akong hinila ni Oliver papalabas sa malamig na Principal's office. "Why did you do that? you're being rude to him. Principal sya ng school na papasukan natin, what if-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita sya agad. "He's a Devil," seryoso nyang sabi. Anong ibigsahin nya? "Anak sya ng First Noble Vampire sa buong mundo. Madami na syang napatay. He gets what he wants. Gagawin nya lahat ng paraan para lang makuha ang gusto nya and i heard what's in his mind," nakasimangot nyang sabi at hinila na ako para maglakad papalabas dito. "Anong nasa isip nya?" tanong ko. "He knows that you're a Half-Human, Half-Vampire. I think nagkakainterest na sya sa'yo but we need this school. We need them," sabi nya at natigil sa paglalakad habang nakatingin ng deretso sa daanan kaya naman ay tinignan ko din ang tinitignan nya at nakita ang Syam na bampirang nakasuot ng mga puting uniform, pero yung isang lalaki ay nakasuot ng itim na uniform.. sya yung kasama nung Daria kagabi. "Who are they?" tanong ko at napansin na pamilyar ang mukha ng iba. Yung Babaeng maiksi at blonde ang buhok na may kasamang lalaki. Yung lalaki kahapon sa mall na dark gray ang buhok at may hikaw na maliit na krus sa kaliwang tenga at yung.. half-brother nya. "7's," sagot ni Oliver at hinawakan ako sa wrist tapos ay naglakad na ulit at hindi pinansin yung 7's nang biglang may magsalita na isang babae. "Wait!" natigil ako dahil sa pamilyar na boses nito. Lumingon ako pero nagpatuloy lang si Oliver sa paghila sa akin. Napakunot ang noo ko nang may sabihin yung babae pero wala itong boses. "I'm Saracley." Nabasa ko sa pagbuka ng bibig nya. Sara? sino sya? bakit parang kilala ko sya? ●○● "Oliver, bakit hindi mo sinabi na may grupo din pala ang half-brother mo?" tanong ko pagkapasok na pagkapasok namin sa hotel room. "Hindi ka naman nagtanong," sagot nya at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. "Bakit ganun sila makatingin sa'kin? bakit parang may kakaiba sa kanila?" tanong ko pa. "You don't know them. May balak sila," sabi nya at binaba ang baso sa lamesa. "I know, pero pwede mo namang sabihin sa akin kung ano ang ugali at kung sino sila diba? or else I'll investigate this on my own," seryoso kong sabi sa kanya. Agad naman syang tumingin sakin at napabuntong hininga. "Okay, fine. 7's ang tawag sa kanila. 7 lang ang member nila at yung isang lalaki doon ay butler which made them 8. Nag-disband sila noon at bumalik ngayon, and worse ay may dumagdag pang memeber na babae kaya 9 na sila ngayon. Hindi ko alam kung paano at kung ano ang dahilan, but i think i have a clue now," sabi nya at naglakad papunta sa couch kaya naman ay sinundan ko sya. "What clue?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. "They are also looking for the Missing flower and.. the Ring of power." ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ End Next: Rovenking Univerity || ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD