CHAPTER TWO

1617 Words
︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ Chapter Two I'm Living with Oliver ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ Allison's P.O.V Pagkauwi na pagkauwi namin ni Oliver ay agad akong humarap sa kanya at tinignan sya. "Ask now," sabi nya at hinubad ang jacket na suot nya. "Is it true? May half brother ka talaga?" ito ang unang lumabas sa bibig ko. Narinig kong bumuntong hininga sya at hinila nya ako paupo sa couch. "Oo pero magkahiwalay kami lumaki," sabi nya habang nakatingin sa kawalan. "Bakit?" tanong ko. Tumingin naman sya sakin. "Magkaiba kami ng Mom. Months lang ang tanda nya sakin. Masyadong malandi kasi ang dad namin," sabi nya at tumawa pero tinignan ko lang sya ng masama kaya naman tumigil na din sya sabay sabing "Sorry, Sorry." "Pero.. nasan yung Mom ni Zach?" tanong ko sa kanya. Actually, na-meet ko na si Tita Stephen na mommy ni Oliver at mabait naman ito pero ang daddy nya na lang ang hindi ko pa nakikita and i think alam ko na kung bakit. Lagi itong busy at awkward para sa kanya ang pumunta sa mga ganung event. "I don't know," tipid nyang sabi at sumandal. "Okay. Change topic," sabi ko at tinignan sya. "Bakit hindi mo sa'kin sinabi ang tungkol kila Wendy na childhood friends mo?" asar kong tanong sa kanya. Dinilat nya naman ang kanyang mata at ngumiti sakin. "1 year kasi silang nandun sa paris at gusto kong ipakilala sila sayo ng personal," sagot nya "tsaka bad news.." tumigil sya saglit at tinignan ako nang seryoso. "Anong bad news?" nakakunot noo kong tanong sa kanya. "May gusto sa'kin si Wendy," sabi nya at tumawa. Agad akong tumayo at pinalamig ang temperature dito sa Living room. "Joke lang!" agad nyang sabi. "Joke mo mukha mo!" sabi ko sabay lakad papunta sa room ko pero binabaan ko na din yung temperature doon dahil ayoko namang ginawin sya. Pagkasara ko ng pinto ay dumiretso ako sa kama. Humiga ako at tinignan ang puting kisame. May gusto pa akong tanungin sana sa kanya. "Ano yung pinaguusapan nila nun at seryosong seryoso sila ng kapatid nya?" ●○● "So, nabalitaan ko ang nangyari kay Victor. you killed him?" "Yea. Wala na din naman syang silbi. isa lang din sya sa mga lalaking malandi," sabi ko at humigop ng coffee. Nandito kami ngayon sa Starbucks at nag-uusap. "Good thing hindi mo pinuruhan sila Giann," natatawa nyang sabi. "Of course. Alam kong magagamit pa natin sila sa future," sabi ko kay Oliver. "Bakit ang sungit mo?" tanong nya sa akin at pinanliitan ako ng mata. Umirap naman ako. "Hindi ako masungit. Ganto lang talaga ako," sabi ko. "Masungit ka kaya ngayon," mahina nyang sabi pero hindi ko na lang ito pinansin. "Nakay Troy daw," sabi ko kaya agad syang napatingin sakin. "Troy?" ulit nya at tumango ako. "Kaso nasa japan pa ito. Puntahan na ba natin?" tanong ko pero umiling sya agad. "Wag muna. Hintayin na lang na muna natin syang makauwi rito. Alam kong alam nyang may naghahanap sa kanya ngayon dahil nasa kanya ang Ring of power," paliwanag nya. Ring of power. Ito ang singsing ng King. Ito ang nagbibigay ng sobrang lakas na kapangyarihan pero wala itong saysay kung wala naman sayo ang bulaklak dahil hindi rin ito gagana. "Nasan ba ang bulaklak?" hindi ko na ito matiis at naitanong ko na sa kanya. Agad syang nag-iwas ng tingin na ikina-kunot ng noo ko. "Hindi ko alam," maikli nyang sagot. "Bakit sinasabi ng mukha mo na alam mo?" diretso kong tanong sa kanya. "Allison, it's dangerous. Hindi mo pwedeng malaman," sabi nito sa akin at uminom sa coffee nya. Sumimangot ako. "I'm not weak anymore!" Inis kong sabi sa kanya. "Malakas na ako. Kaya ko na ang sarili ko. Kaya ko na ding ipagtanggol ang kung sino mang kailangan." "Pero hindi parin yan sapat," madiin nyang saad. "Fine," nag-crossarm na lang ako dahil sa pagmamatigas nito sa akin. Naiinis ako. Bakit ba ayaw nyang sabihin? dahil ba wala syang tiwala sa akin? "May tiwala ako sa'yo," sabi nya. Umirap na,lang ako. Binasa na naman nya ang isip ko. I hate him. "Okay, okay. I'll stop," sabi nya. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko ng breakfast nang magsalita na naman sya. "By the way, alam mo itong University right?" tanong nya at binigay sa'kin ang ipad nya at pinakita ang isang litrato ng puting skwelahan na sobrang laki. "Rovenking University?" tanong ko at tumango sya. "We'll going to study there with R8," seryoso nyang sabi. "For what?" tanong ko sa kanya. "It's also a school for us Vampires," sabi nya "Mga Royal Vampires, Noble or special Vampires ang nag-aaral dito," paliwanag nya. "And i'm asking why," sabi ko at tinaasan sya ng kilay. Ngumiti naman sya "It's a special school. Remember The Troxievor and Alvah University?" tanong nito at tumango ako. "Matapos mong mag-aral doon ay dito naman sa Rovenking University ang susunod. It's a special school for us, para ma-train pa tayo lalo at mas malaman pa ang powers natin," paliwanag nya. "Train? kailangan pa ba natin nun?" naguguluhan kong tanong sa kanya. "Of course. Marami ka pang hindi alam for being a Vampire," sabi nya at nilagay na sa bag nya ang laptop. So, does it mean na pupunta na naman ako sa school at mag-aaral? nakakatamad naman. "By the way, I need to go. May pupuntahan lang ako," sabi nya at tumayo na. "Take care," sabi ko at kumaway sa kanya. Tumango naman sya at nagsimula nang maglakad pero bago pa sya makalayo ay agad ko syang hinawakan sa laylayan ng damit nya at tumayo rin. "Sorry. Nagselos lang ako kay Wendy," mahina kong sabi at niyakap sya. "Ano?" tanong nya. "Ulitin mo nga, hindi ko narinig," alam kong nang-aasar sya kaya naman ay lumayo na ako sa kanya. "Wala!" inis kong sabi at nagpunta na lang sa rest room para maghilamos. ●○● "I want this, this and that!" sabi ko sabay turo sa Dark blue na bag na nasa taas. "Okay Ma'am," sabi naman ng sales lady at kinuha iyon. Tinignan ko naman ang tatlong Bag na binili ko. Isang itim, dark blue at brown. Actually ibibigay ko kay Oliver yung dalawang bag at yung Dark blue lang yung akin. Matapos kuhain yon ng saleslady ay nagtingin-tingin pa muna ako. Nahagip ng mata ko ang puting bag kaya naman ay agad akong nagtungo dun. Napangiti ako at kukuhain sana iyon ng may mauna sa'kin. Masama ang tingin na pinukol ko sa kumuha ng bag na iyon. Nakita kong naka-ngiti lang sya sakin at nagshrug ng shoulder. Napakunot naman ang aking noo. Kulay Dark gray ang buhok nya na nakataas at nakasuot lang sya ng plain na white longsleeve at black pants. Nakita ko ring may maliit na krus syang hikaw sa kaliwang tainga. "Gusto mo ba 'to?" tanong nya at tinaas ang bag na kulay puti. Hindi ako sumagot. Halata namang gusto ko yun diba? hindi ko ba ito lalapitan at kukunin yan kung ayoko? "Your face says no. Mauna na ako," sabi nya at nagsimula nang maglakad. "Wait!" sabi ko at humarap sa kanya. Ngumiti naman sya sa'kin. "Okay. Ibibigay ko sa'yo to but in one condition," mas lumawak pa ang ngiti nito. "What condition?" agad kong tanong dahil gusto ko na umuwi at matulog ulit. "Give me your cellphone number," sabi nya. "May boyfriend na ako," agad kong sabi sa kanya. "I know. Bakit nagtatanong ba ako?" sabi nya at tinaas baba ang kilay. "Hindi. Pero hiningi mo ang number ko," sabi ko at tinignan sya ng masama. "Pero hindi naman kita lalandiin," natatawa nyang sabi. Napakagat naman ako sa labi ko sa inis. "I'm Jace. Jace Angelo Isiphia and you are Allison Kramer, right?" pakilala at tanong nya sa akin. "Oo," sabi ko at nilahad ang kamay ko. Pero nakakapagtaka na alam nya ang pangalan ko. Stalker ko ba sya? Akmang hahawakan nya ang kamay ko pero nagsalita ako agad, "Yung bag," nakasimangot na sabi ko. "Yung cellphone number muna," sabi naman nya. Ang kulet nya din no? kung pwede lang gumamit ng powers dito kanina pa sya nagyeyelo dyan. Tsk. Huminga ako ng malalim at binigay sa kanya ang phone ko. Sinave nya dun yung Number nya at tinawagan ang phone nya para masave yung number ko. "Got it," sabi nya at ngumiti tapos binalik na sa akin yung phone ko. "Yung bag," sabi ko habang nakatingin sa bag na hawak-hawak nya. "Okay okay, nagmamadali ka ata? want to grab lunch with me?" tanong nya at inabot na sa'kin yung bag. Ngumiti naman ako sa kanya. "No thanks. I don't eat with stranger," sabi ko tapos ay dumiretso na sa cashier para magbayad. Pagbayad ko naman ay nakita ko yung Jace na may kasamang babeng blonde ang buhok at palabas na sila dito sa store. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang contact numbers. First kiss 09+++++++++ First kiss? "Ma'am? Php. 6,000 po lahat," sabi ng babae matapos ilagay sa paper bag ang mga binili ko. Agad ko namang binalik na sa bag yung Phone ko at nagbayad na sa babae. Bago umuwi ay bumili na din ako ng iba pang kailangan namin para sa school. Siguradong hindi magiging madali ang mission namin. And yeah, I'm living with him now. I'm living with Oliver. ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ End Next: Rovenking University ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD