CHAPTER SEVEN

1511 Words
︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ Chapter Six Music Room ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎ Alison's P.O.V. "Allison, let's go," sabi ni Oliver at tumayo. Hindi na ako sumagot at tumango na lang ako tapos ay tumayo. Uwian na pala namin at iniisip ko kung paano namin mahuhuli si John Willson. Hindi ko pa sya kilala. Pati nga itsura nya ay hindi ko alam. Kailangan kong magre-search about sa kanya. Parang pamilyar din ang pangalan nya para sa akin. Narinig ko na siguro ang pangalan nya dati. "John Willson.." mahina kong bulong sa sarili habang naglalakad. "Allison, rest Rroom lang ako. Stay here, okay?" paalam ni Oliver sa akin. "Okay," wala sa sarili kong sagot at sumandal sa pader. Nauna na pala ang ibang members ng R8 dahil sila na daw ang magta-track kung nasaan si John Willson. Bigla akong napahawak sa ulo ko. "Da-damn!" mahina kong bulong habang napapapikit dahil sa kirot nito. Nakatayo ako sa di kalayuang lugar at nakita ko ang sarili ko. Tumatakbo ito. Tinignan ko ang tinitignan nya at nanlaki ang aking mata. Bakit gulo-gulo doon? parking lot ba ito? bakit may patay na babae dun at isang batang babae na umiiyak? bakit naususnog yung paligid? Nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan habang nakapamulsa ang kanyang mga kamay at nakangiti sa tumatakbo kong sarili. Agad kong tinignan ang sarili ko at nakitang may humihila pala sakanya. Nakasuot ito ng longsleeve at itim na jeans. Hindi ko makita ang mukha nito dahil ang bilis nilang tumakbo at nahaharangan yung mukha nya ng itim nyang mga buhok. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na humakbang papalapit sa kanila na tumatakbo ngayon. Kailangan kong malaman kung sino yun. Kailangan kong malaman kung sino ang kasama kong lalaki. Si Oliver ba 'yun? agad akong umiling. Alam kong hindi. Hindi ganun si Oliver. Pero sino yung lalaking yon? Bakit ko sya kasama? Nanlaki ang mata ko nang pakiramdam ko ay matutumba ako. Hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako pabalikbalik at tumama ako sa isang estudyante dito. "Tch," napatingin ako sa lalaking nabangga ko. Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko at hinila patayo. "Zach," mahina kong tawag sa pangalan nya. Agad nya akong tinignan sa mga mata. "Did you-" magsasalita dapat sya pero agad syang tumahimik. Huminga sya ng malalim at binitawan ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kamay ko at napakunot ang aking noo. I felt this feeling before. Tinignan ko si Zach at nag-iwas ito ng tingin. Bakit sya nag-iiwas ng tingin? "Zach," tawag ko sa kanya kaya naman napatingin nya sa akin. "Did we met before?" Seryoso kong tanong habang nakatingin lang sa kanya. Agad naman syang tumawa ng mahina. "Did we met before? are you out of your mind? sa tingin mo may kilala akong babaeng clumsy na gaya mo? tch." nilagay nya ang kamay nya sa bulsa nya at tumalikod na. Nagsimula na syang maglaka palayo sa akin. Bigla akong napayuko. Clumsy? ako? fine. Ipapakita ko sa kanya na hindi ako clumsy na tao. Ipapakita ko rin sa kanya na hindi ako mahina. Pero.. bakit parang nasaktan ako sa sinabi nya? bakit bumigat ang pakiramdam ko? Agad naman akong napailing at napa-ngiwi. Ano ba tong mga pinag-iisip ko? Hindi naman ako ganito nung hindi ko pa nakikilala ang half-brother ni Oliver. "Allison! why are you here?" Nandito na pala si Oliver. "Huh?" takang tanong ko at tinignan ang paligid. Napatingin ako sa isang pinto. Music Room. Pano ako napunta dito? kanina lang ay nandun ako malapit sa entrance nitong building. "Wala naman, gusto ko lang maglakad-lakad," sabi ko sa kanya at ngumiti. Nakita ko naman sa mga mata nya na hindi sya naniwala sa akin pero hindi na sya nagsalita at hinawakan nya na lang ako sa kamay. Nagsimula na kaming maglakad at napatingin ako sa likuran nya. Sorry Oliver. Habang naglalakad ay bigla kong naalala yung nakita ko kanina. Yung humihila sa'kin don.. yung nakita ko na yun. Hindi kaya.. Si Zach yun? ○●○ Krishia's P.O.V. "Oh god!" inis kong sabi nang makita si Gabriel na may kasamang babae. Nakahawak ang babaeng linta sa braso ni Gabriel habang ngingiti-ngiti naman yung gunggong. Seriously? "Mas lalo syang lumala," sabi ni Ryker na katabi ko. Nandito na pala kaming lahat sa parking lot at hinihintay na lang si Zach. Ang tagal talaga nung isang 'yon. Masyadong pa-VIP. Naiwan nya kasi yung phone nya sa music room. Imbis na nakaalis na kami at hinahanap si Mr. John Willson eh. Bwisit, at mas nakakabwisit pang makitang may naghaharutan sa harapan ko. "Hello?" napatingin naman ako kay Jace na may kausap sa phone at naunang pumasok sa Van namin. Napapansin ko ding lagi na itong may kausap sa phone. Mukhang nagbibinata na din sya. Well, anyways, i don't care. Si Romeo at Daria naman ay nasa sulok lang at nag-uusap. Si Yura naman ay nakatulala lang at alam kong mas bwisit yan sa akin dahil ang tagal ng Fiancé nya. Inis akong napatingin sa babae ni Gabriel ng tumili ito. Kanina pa sila naghaharutan at hindi na ako natutuwa sa dalawang ito. Mabuti sana kung silang dalawa lang nandito eh. Agad akong naglakad sa harapan nila Gabriel. "Hey, whatever your name is, bawal makipaglampungan dito," sabi ko sa kanya at tinignan sya ng masama. "So? mind your own business," mataray nyang sabi at inirapan ako. Nanlaki naman ang mata ko dahil inakto nya. Ngayon lang na may umirap sa akin. Iniis ata ako ng isang ito. Ang kapal nya ah. Agad kong hinila itong buhok ng babae papalayo kay Gabriel. Itong Gabriel naman kasi! gustong-gusto pa! "Ano ba? bitiwan mo'ko!" sabi nitong hipon na ito. "Bibitawan kita kung bibitawan mo na din ang pagiging malandi mo," sabi sa kanya at mas diniinan ang pagkakahawak sa buhok nya. Narinig ko namang nagtawanan sila Gabriel at Yura na nanonood sa amin. Mukhang nag-eenjoy pa ang dalawang ito. "Gabriel, Baby! tulungan mo'ko!" sabi nitong babae at tumingin kay Gabriel. Nag-shrug lang ng shoulder si Gabriel at pinanood lang kami. Napangisi naman ako. Ibang klase din itong si Gabriel. Matapos nyang landiin ang isang babaeng ito ay iiwan nya na lang din. Mawawalan na agad ng pakialam at papabayaan. "Aish! hindi ka talaga titigil?" Inis na sambit nitong babae at naglabas ng pink na bubbles papunta sa'kin pero hindi ko parin sya binibitawan. Umuusok yung pink bubbles na iyon at alam kong toxic ito kaya naman nang papunta na sa'kin ang bubbles ay agad kong hinarang ang buhok nya. "What the hell?! Krishia! My hair!" pagkasigaw nya nyan ay sakto namang dumating na si Zach na lutang at hindi kami napansin. Dirediretso lang kasi itong naglakad at pumasok ng kusa sa van. "Ops, sorry," sabi ko sa babaeng ito at binitawan na ang buhok nya. Pinagpag ko naman ang kamay ko at pumasok na rin sa loob ng Van. "You'll pay for this!" Rinig kong sigaw nya. Pagkaupo ko naman sa loob ay nakita kong napaupo sya sa sahig at tinitignan yung buhok nyang sunog habang umiiyak. Duh, pwede nya namang ipaayos na lang ang buhok nya. Buti nga, sa buhok ko lang tinama eh. Kung di pa ako naawa ay sa mukha ko dapat talaga iyon itatama. "Ang hard mo," natatawang sabi ni Gabriel. "Kawawa naman sya." "Kawawa pero tumatawa ka?" Sabi ko sa kanya at sinamaan sya ng tingin. "Sige, mag-away na naman kayo," inis na sabi ni Ryker na katabi ko. Agad naman akong umubo ng mahina at pasimple na sinandal ang ulo ko sa balikat nya. "Naiirita kasi ako ngayong araw. Sorry," sabi ko sa kanya at pagtingin ko sa kanya ay nakapikit na ito. Ngumiti naman ako at hinawakan yung kamay nya. Hindi na ako nagtaka nang hawakan nya din ng mahigpit ang kamay ko dahil alam kong gising pa ito. Mas lalong lumawak ang ngiti ko at pakiramdam ko ay nawala ang negative energy sa katawan ko. Dapat pala ay kanina ko pa hinawakan ang kamay nya. "PDA nyo! aish," inis na sabi ni Gabriel at sumandal na lang habang nagsisisipa dito sa kotse. "Ang landi mo kasi! magbago kana nga. Mas lumala kapa," sabi ko sa kanya pero hindi na sya nagsalita pa at nakatingin lang sa bintana na tahimik. Dahil na-curious ako ay tinignan ko din ang tinitignan nya at nakita si Zurie-- Allison at Oliver na pasakay na sa kotse nila. Agad namang umayos ng upo si Gabriel at sumandal. Nakita ko ring pinikit nya ang mga mata nya at tahimik ang isang ito. Napakunot naman ang noo ko. Ang weird nya. Hindi kaya.. may gusto sya kay Allison? ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ End Next: The First Assignment ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD