CHAPTER SIX

1280 Words
︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ Chapter Five First Assignment ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎ Allison's P.O.V. "Pumasok na tayo guys, tapos na yung class ni Mr. Neo," sabi ni Lisa habang nakatingin ito sa Wrist watch nya. Nagsitayuan na kami at nag-unat naman ang iba dahil halos ilang minuto din kaming nakaupo dito sa damuhan at nag-uusap. "I'm pretty sure na papatawagin tayo ni Charlie Min mamaya," nakasimangot na sabi ni Ethan. "Tsk. Who's fault is this?" Mataray na tanong ni Bernice. "Tayong lahat," sagot naman ni Oliver sa kanya at natahimik na ito. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa classroom. Habang naglalakad ay pakiramdam ko matutunaw ako dahil sa mga titig ng estudyante sa gilid. May halong takot ang mga mata nila. Hindi ko maintindihan kung bakit. Daria's P.O.V "Okay kana ba talaga? wala kang ibang nararamdaman?" pang-limang tanong ni Romeo sa'kin sabay turo sa puso ko. Ngumuso naman ako. "Oo nga. Tsaka nakakainis ka talaga!" sigaw ko sa kanya kaya napaatras sya. Nandito kami ngayon sa corridor at papunta na sa klase namin. Nauna na kasi sila Zach dahil may kailangan pa daw silang gawin. And yeah, hindi lang kami nandito para mag-aral at mag-enjoy dahil may mission din kami. "Naiinis parin ako sa'yo. Bakit hindi mo sinabi sa'king Noble vampire ka?" Inis kong sabi sa kanya. Magkaiba tuloy kami ng klase. Sa Moonlight sya habang sa LightStar section kami. Si Sara naman ay dapat sa Moonlight sya pero pinakiusapan nya ang tatay nya na kausapin ito si Charlie Min para mapunta sa LightStar. "Sorry. Alam mo namang ayokong maging Noble Vampire. Ayoko matulad sa mommy ko na pumapatay ng mga inosenteng tao at bampira," sabi nya at yumuko. Ngumiti ako at hinawakan ang malamig nyang mga kamay. Naalala ko yung nangyari noon. Mamamatay na dapat ako nun pero niligtas ako ni Rom. Dinala nya ako sa U.S.. Sa Family ko. Doctor ang tatay ko at may alam syang paraan para maligtas ako. Kailangan kong uminom ng dugo ng Noble Vampire para maligtas. Dahil kay Romeo ay nabuhay ulit ako kaya utang ko ang buhay ko ngayon sa kanya. Masaya din ako dahil inamin nya na yung feelings nya para sa akin. Akala ko talaga nun ay wala lang ako para sa kanya. Akala ko ay wala akong halaga pero.. mayroon pala. Mas lalong lumawak ang ngiti ko. "Anong ningingiti mo dyan?" tanong nya habang nakatingin sa akin. "Wala!" sabi ko at hinila na sya papasok sa classroom. Allison's P.O.V. Pagkapasok namin sa classroom ay nakita ko ang 7's na nakaupo na sa pwesto nila sa likod. Agad akong nag-iwas ng tingin at umupo sa pwesto ko. "Babe! Stop," napatingin naman ako sa kabilang unahang row na may naglalandian. Hindi ko na ito pinansin dahil araw-araw naman na akong nakakakita nito. Agad akong napatingin kay Yuu nang tumayo ito at pumunta duon sa dalawang naglalandian. Nakita kong masama nyang tinignan yung dalawa. Napangisi naman ako. Yuu ba? Masyado syang strict sa mga bagay bagay, and remember? sya ang Ruddest sa grupo naming R8. "You and You," sabi nya at tinuro ang dalawa. Tumayo naman yung Lalaki at tinapatan si Yuu. "Ano bang problema mo?" tanong ng lalaki. If i'm not miskaten he's Jolo. Rank 50 ang family nila sa lahat ng Royal Blooded Vampire and there's only 150 family na Royal blooded and 50 for Noble Vampires. "Ikaw," sagot ni Yuu. "Hindi kaba na-inform na school ito at hindi motel?" Seryosong sabi ni Yuu at ngumiti ito na may halong pang-aasar. I bet Bored si Yuu kaya nang-aaway ang isang ito ngayon. Actually, wala lang naman sa kanya yung ginagawa nung dalawa. Kahit makakita pa sya ng nagtatalik sa paligid nya ay wala syang pakialam dito, kaso bored sya ngayon kaya naghahanap sya ng kalaro. "I know. Sino ka ba ha? wala kang pakialam kung anong gawin ko! I'm Jolo Dasy! and my family ranked 50!" pagmamayabang na sabi nung Jolo at humakbang palapit kay Yuu. "50? nagpapatawa kaba?" sabi ni Yuu "I'm Yuu. Yuu Chiba and I'm from Japan. Rank 18. Pasok ang family ko sa Top 20," sabi pa nito kaya napahinto naman yung Jolo sa paghakbang palalapit kay Yuu at ngayon naman ay si Yuu na ang humakbang papalapit sa kanya. "Understand? walang wala ka sa'kin. So, back off. Kung takot ka, mag-transfer ka." "Hindi ako takot! anong tingin mo sarili mo? Malakas? wag mong maliitin yung kakayahan ko," Galit na sabi ni Jolo. Napatingin ako sa paligid namin at nakitang nakatingin na ang lahat ng estudyante dito ngayon sa kanilang dalawa. "Oo. Alam naman nating mas malakas ako sa'yo. Wag na tayong maglokohan, okay?" ngumiti si Yuu at kinuha ang phone nya. "Beg. Kung ayaw mong ipa-expelled kita dito sa school," sabi ni Yuu at biglang naging seryoso ang mukha. Napakunot naman ang noo ko. Bakit iba ata ang inaakto ni Yuu? Mukhang seryosong seryoso ito at hindi na ito nakikipaglaro. Napatingin naman ako sa babaeng tumayo. "Ano bang kasalanan namin sa'yo?" Yuu's P.O.V. "Ano bang kasalanan namin sa'yo?" Rinig kong sabi ng babae na ngayon ay nakatayo na at masama ang tingin sa akin. Tinignan ko sya at napatulala ako. How can she forget me so easily? Iniwas ko agad ang tingin sa kanya at binigay ang atensyon ko sa lalaking kaharap ko ngayon. "Beg. Now," sabi ko sa lalaking ito. Nakita ko namang napangiwi ang lalaki at unti-unting lumuhod. "Sorry," mahina nyang sabi pero rinig na rinig ko ito. "Ano?" tanong ko sa kanya. "Lakasan mo." "I'm sorry, Mr. Yuu Chiba," ulit nya at yumuko. Binalik ko na sa bulsa ko ang phone ko at tinignan ang babae. "Nice to see you here, Nami," sabi ko sa kanya at tipid na ngumiti tapos ay naglakad na papunta sa upuan ko. "Wow.. as expected, ang cool! gusto mo ako naman?" sabi ni Heron at tatayo sana ito nang pumasok na ang professor namin. "What's happening here? bumalik na kayo sa pwesto nyo. I have the first assignment for you class." nakangiti nitong bungad sa amin. Sara's P.O.V Pagpasok ng Professor namin ay nagsibalikan na ang lahat sa pwesto nila matapos ang gulo na ginawa ni Yuu. Ano bang problema nung Lalaking yon? Normal lang naman sa bampira ang ginagawa nung dalawa lalo na kung sila naman. Napatingin naman ako kay Zurie na katabi si Oliver at Lisa. Hindi ba talaga nya kami naaalala? Bakit? nami-miss na namin sya ni Ziela. Hindi ko alam kung ano ang talagang nangyari. Nakita na lang namin na patay na ang mommy nya sa back garden noon at si.. Warren. Si Jace naman ay may natamong malaking sugat. Hindi namin alam kung sino ang may gawa noon pero.. nakausap ko pa ang mommy nya non bago ito malagutan ng hininga. "Please.. bantayan mo si Zurie. Alam kong mabait ka. Nakikita ko yun sa'yo at sorry.. sa gulo na naganap dahil sa akin." Naguguluhan ako sa mga pangyayari kaya gusto ko talagang malaman kung ano nangyari. Hanggayong ngayon ay wala parin akong kaalam-alam except sa pagtaksil ni Zach sa kanya. "Class, Your First assignment is.." huminto ang professor namin at naging seryoso ang mukha. "To Capture John Willson." Nanlaki ang mata ko sa narinig. What? bakit sya? masyado syang.. malakas. ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ End Next: Music Room ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD