CHAPTER EIGHT

1468 Words
︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ Chapter Eight The First Assignment ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎ Allison's P.O.V. "Damn! ang astig talaga natin!" biglang sabi ni Heron. Nandito na kaming lahat sa isang restaurant at kumakain ng Dinner. Mamayang 8 na namin sisimulan ang paghuli kay John Willson. "Anong oras na?" tanong ni Bron. "6 palang," sagot naman ni Ethan. "Tapos na'ko, maglalakad-lakad na muna ako," sabi ni Lisa at tumayo. "Wait! sama ako," sabi ko at tumayo rin. "Ako din!" sabi naman ni Alyssa na nakatayo na. Sobrang nabusog ako sa kinain namin ngayon dahil halos paborito ko ang mga pagkain na nandito. Kailangan ko maglakad-lakad para bumaba at matunaw ang mga kinain ko. Gusto ko rin makasundo at maging kaibigan sila Lisa at si Alyssa na kambal nya dahil lagi ko na rin silang makakasama simula ngayon. Mukha naman silang mabait at madali pakisamahan, hindi katulad ni Bernice. "Okay, bilisan nyo. Take care," wala sa sariling sabi ni Oliver sa amin habang umiinom ng wine. Mukhang malalim ang iniisip nya. Napailing na lang ako. Siguro iniisip nya lang kung paano namin mahuhuli si John Willson mamaya. Naglakad naman na kami palabas dito sa restaurant nila Lisa. Medyo malayo kasi itong restaurant sa City. Medyo tago din ito at puro puno ang makikita mo sa paligid. "Hayy, ang sarap talaga sa pakiramdam magpahangin. Lalo na napapalibutan tayo ng nature," sabi ni Lisa habang nag-uunat. "Guys," mahinang tawag ko sa kanila. "Ano yun?" tanong naman nilang dalawa sa akin. "May.. may nakalimutan ba ako?" tanong ko sa kanila habang naglalakad at napansin ko namang napahinto sila sa likuran ko kaya naman nilingon ko sila. "Nakalimutan? saan? sa restaurant?" Nakakunot noo na tanong ni Alyssa sa akin. "Wala. Nevermind, wag nyo na lang pansinin yung sinabi ko," sabi ko at umupo sa bench. Naramdaman ko namang umupo sila sa magkabilang gilid ko. Napangiwi naman ako dahil hindi ko alam kung bakit ko 'yon natanong sa kanila. Wala naman silang alam sa past ko. Ako lang ang nakakaalam nito. Malinaw at alam ko ang detalye ng nakaraan ko pero bakit ganun? Pakiramdam ko ay may mali. "Gusto nyo bukas ice skating tayo?" Aya ni Lisa sa amin. "Kayo bahala," sabi ko at kinuha ang phone ko sa bulsa. Hindi pa ako nakakapag-try mag ice skating at nukhang enjoy naman 'yon. "Sh*t," rinig kong mura ni Alyssa. Agad naman akong naalerto. Kanina ko pa rin nararamdaman na may nagmamasid sa amin. Akala ko ay kung sino lang ang mga iyon pero mukhang may binabalak silang masama. Binulsa ko ang phone ko at tumayo. "Allison, what are you doing?" nakakunot noong tanong ni Alyssa sa akin. "Nasa 20 lang ang bilang nila. Kaya na natin sila," sabi ko sa kanilang dalawa at tinignan sila ng seryoso. Napapalo naman si Lisa sa noo nya. "20? nakakaramdam ako ng ibang energy. Hindi ko alam kung ano iyon," sabi pa nya at tumayo rin. "May isa sa kanilang.. Royal Blooded Vampire," mahina kong sabi ko habang nakatingin sa lupa. Ramdam ko ang presence nito. Kabisado ko na ang presensya ng mga bampira. Tinuro ito sa akin ni Oliver. "Anong kailangan nila?" tanong ni Alyssa at tumayo. "Let's ask them," sagot ko at ngumiti. "Game!" sabi naman ng dalawa at naging invisible na sila. Nang maging invisible na sila Alyssa ay tsaka sumugod ang mga bampira. May tumalon papunta sa direksyon ko na may hawak na espada. Napangisi ako. Agad akong naglabas ng espadang gawa sa yelo at pinangsangga ito sa kanya habang sinipa ko naman ng malakas sa tyan ang mga nasa gilid ko at nang madapa ito ay tinapat ko ang heels ng sapatos kong suot sa mukha nya at sinipa ito ng malakas. Narinig ko namang napasigaw sya sa sakit dahil sa ginawa ko. Nakita ko rin namang may mga tumatasik sa paligid na bampira at alam kong kagagawan iyon nila Alyssa. "Tell me, sino ang master nyo?" tanong ko dito sa kaharap ko ngayon. Halatang mga tao ito na ginawa lang bampira dahil hindi sila ganun kalakas. And when I say, master.. sya yung gumawa ng tao na maging bampira kaya lahat ng iuutos nya ay susundin nila. "Bakit ko sasabihin? anong tingin mo sa akin? tanga?" Sabi nito at ngumiti na may halong pang-aasar. "Oo," sabi ko at naglabas pa ng isang Ice Sword sa kabilang kamay at sinaksak ito sa bandang puso nya at inikot. "Urgh.." nanghina sya agad at nabitawan ang espadang hawak nya tapos ay napaluhod sa harapan ko. "Now, tell me. Sino?" tanong ko at tinapat sa leeg nya ang ice sword na hawak ko. "Si master--" hindi nya natapos ang sasabihin nang may tumama na pana sa likod nya at tumagos ito sa tyan nya na muntik nang tamaan ang hita ko. Agad kong nahagip ang isang bampirang nakasuot ng red cloack at nakatago sa isang puno. Nang makita ako nitong nakatingin sa kaniya ay agad na syang tumakbo. Sino sya? tatakbo sana ako nang marinig ko ang boses ni Oliver. "Anong nangyayari rito?" agad syang lumapit sa'kin at niyakap ako. "Nasaktan kaba? ba't ba kasi di mo'ko tinawag? Bakit ba pinag-aalala mo'ko ng sobra?" narinig ko ang mahinang pag-iyak nya. Kusang nawala ang Ice Sword ko at niyakap ko din sya. "Sorry," bulong ko sa kanya. Ayoko syang makitang umiiyak. Ayoko syang pagalalahanin. Gusto kong malaman nyang kaya ko na ang sarili ko at malakas na ako. "It's okay as long as ayos ka lang. Don't do that again, okay? tumawag ka ng tulong kung--" "Oliver, kaya ko na ang sarili ko. I'm not weak anymore. I can handle myself," sabi ko sa kanya at humiwalay sa pagkakayakap. "But still," makulit nyang sabi. Ngumiti ako sa kanya. "It's okay," sabi ko at nakita ko na sila Lisa at Alyssa kasama pa ang ibang members ng R8 na pinapanood kami. "Tapos na ba yung live show?" tanong ni Heron. "Tapos na," sabi ko at tinignan sya ng masama. "Simulan na natin ang paghuli kay John Willson," seryoso kong sabi sa kanila. Daria's P.O.V. "Sigurado kabang nandito sya?" tanong ko at nagtago kami sa pader. Nasa club kami ngayon at sobrang ingay ng paligid dito. May mga nagsasayaw pa sa kung saan-saan at nakakairita ang mga ilaw na ang galaw-galaw. Hindi ako makakita ng maayos dahil dito. "Oo, nandito sya," seryosong sabi ni Zach. Napairap naman ako. Of all places ito pa talaga John Willson? "Daria, wag kang lalayo sa'kin. Okay?" paalala ni Romeo. Sinipa ko naman sya sa binti at masama nya akong tinignan. "Wag mo nga akong ituring baby. Malaki na'ko." sabi ko sa kanya. "Hey, Pay attention," sabi naman ni Jace habang hinahanap si John Willson. Napatingin naman ako sa limang bampirang pumasok. Dalawang lalaki at tatlong babae. Obviously ay classmate namin sila. Sila ang Firres. Balita ko ay malalakas din ito. Sa classroom namin ay may apat na groupo. Kami na 7's, ang grupo ni Oliver na R8, ang Firres at ang isa pa na tinatawag na Seirva. Lima din ang members nila. "Nandun sya!" mahina pero rinig naming sabi ni Gabriel at tinuro ang lalaking nakasuot ng longsleeve na light Blue. "Alright!" sabi ni Krishia at maglalakad na sana pero agad syang pinigilan ni Ryker. "Nandito din ang Firres. May makakaagaw tayo," seryosong sabi ni Zach. "I got a plan!" sabi ko kaya naman napatingin silang lahat sa akin. "Lima sa atin ang lalaban sa kanila at apat sa atin ang huhuli kay John Willson. Game?" nakangiti kong sabi sa kanila. "Okay!" sabi naman nila at nag-apir kaming lahat bukod kay Zach tapos ay nagsitakbuhan na kami sa kanya-kanyang lugar na dapat puntahan. Allison's P.O.V. "What the?" napatingin ako kay Bron nang magsalita ito habang nakatingin sa PSP nya. "Anong problema?" Agad na tanong ni Ethan. "Nag-iba yung location ni John Willson," sagot nito habang busy na nakatingin sa PSP nya. "Saan?" Nakakunot noo kong tanong. "Sa pinakasikat at kilalang Club," naka-ngisi nyang sabi. "Club?" tanong ko. "Okay. Get ready, malapit lang tayo dun," sabi ni Oliver na nagda-drive at mas binilisan pa lalo ang pagtakbo sa kotse. Actually, may humahabol na ngang police sa amin ngayon pero sya na bahala dyan. Kaya nya namang matakasan at maligaw yung mga police na sagabal sa plano namin. "Wait, I forgot to mention," sabi ni Bron at tumingin sa akin ng seryoso. "Nandun na ang Firres at ang 7's." ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢ End Next: The First Assignment || ︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎♢♦︎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD