Elysian I

1022 Words
“ATHENA NOVA.” Humarap si Athena sa kaibigan niyang si Gil, childhood friend niya ito at business partner. Ito ang kasangga niya sa pamamahala ng malaking kumpanyang iniwan sa kaniya ng kaniyang ama, ang NovaTech, isang machinery company na ilang dekada nang nananatili sa magandang posisyon. Kailangan niyang mabuhay nang mag-isa ngayong tuluyan nang namaalam ang kaniyang ama dahil sa sakit na cancer. Ngumiti siya rito. “You’re late, Gillermo Sebastian.” Ngayong araw ang kaniyang flight patungo sa Singapore. May ilang bagay siyang kailangan asikasuhin doon patungkol sa bagong makinang ilalabas ng kanilang kumpanya. Batid niyang magiging abala siyang talaga, sa mga susunod pang buwan dahil nalalapit na ang ber months. Marami-rami rin ang kailangan niyang asikasuhin sa kumpanyang kaniyang pamamahalaan ngayon. “Pasensiya na.” Napakamot ito sa batok. “Mukhang paalis kana.” Naabutan siya nitong paalis na ng waiting area. “Mami-miss kita.” Pilyo itong ngumiti at niyakap siya. “Sira! Hindi naman ako siguro tatagal ng isang buwan doon, maayos ko rin ‘to kaagad.” “Yeah, alam kong magaling ka. Bye! ‘Wag mong kalimutan ang pasalubong ko ah.” “Ano bang gusto mo?” Natawa siya at hindi na nadugtungan pa ang nais sabihin nang marinig ang anunsyo sa loob ng malawak na airport. “This is the final boarding call for passengers Athena Nova booked on flight 387B to Singapore. Please proceed to gate 3 immediately. The final checks are being completed and the captain will order for the doors of the aircraft to close in approximately five minutes time. I repeat. This is the final boarding call for Athena Nova. Thank you.” “Kailangan ko nang umalis. Ikaw na muna ang bahala sa kumpanya.” Isang ngiti ang iginawad niya rito at yumakap. Kaagad siyang umalis upang sumakay na sa eroplano. Naiwan itong iwinawagayway pa ang mga palad sa kaniyang pag-alis. Prente siyang naupo at sinandal ang likuran, nais niyang mahimbing sa buong byahe. Hindi naman nagtagal ay mahimbing siyang nakatulog. Hindi pa rin humihilom ang sugat sa kaniyang dibdib sa pagkawala ng kaniyang ama. Lumaki siyang ito ang kasama dahil nang ipanganak siya ay siya ring kamatayan ng kaniyang ina. Ang ama niya ang tumayong kaniyang ina at ama, ngunit ngayong wala na rin ito, kailangan niyang mabuhay nang mag-isa. Patakbuhin ang kanilang kumpanya at pagyamanin pa ang lahat ng kayamanang iniwan sa kaniya. Hindi niya hahayaang ang kaniyang pagiging spoiled brat noon ay siyang sumira sa pangalan ng kaniyang pamilya ngayon. She believes herself, she can. “Brace! Brace! Brace! Emergency landing position!” Naalimpungatan siya nang makarinig ng malakas na ingay mula sa loob ng kanilang sinasakyan. She started to get panic as well as everyone inside the plane. They were all panicking, but she wasn’t sure what’s happening not until the captain announced something was happening with the landing gear. They are telling them to do the brace position as they think the landing gear was down. Napakabilis ng t***k ng kaniyang dibdib at nagawa niya nang tawagin ang lahat ng santo sa kaniyang pagdarasal. Oh, please! Lord! Save me from this! I don’t want to die yet, not now!   Elysian Island, 7:45 in the morning. “Now, get out of my room!” Itinapon ni Lucas ang mgga damit ng kanaig niya kagabing si Daniela, isa ito sa sampu niyang babaeng parausan lamang. Nang malaman niyang inihinto nito ang pag-inom ng pills ay talagang naggalaiti siya. He doesn’t want to be a father now, not to a wore like Daniela. He was planning to be but that was from a very distant future. “Umalis kana, Daniela, hindi na kita gustong makita kahit kailan. Tapos na tayo."  Pinulot nito ang mga damit at isa-isang isinuot. "Gano'n na lang ba 'yon, Lucas? Pagkatapos mo akong gamitin nang isang buong taon? I thought you will learn to love me!"  Pigil ang inis niya itong hinarap. “That's stupid thought, hindi ba't pinulot ka lang ng papa sa Maynila at dinala dito sa isla para maging babae ko—”   "No! Para maging isang tao dito, na hindi naging ako noong nasa Maynila ako. Pero binaboy mo ako Lucas! Ginawa mo akong parausan!" Lubos itong nagsisisi sa nangyari, sa nagawang panibagong pagkakamali sa buhay. Dinala siya sa Elysian ni Don Gabriel upang magbagong buhay, isa siyang maruming babae noon sa Maynila at halos lahat ng tao doon ay kilala siya at tinatawag na 'Pok-pok', kaya naman dinala siya sa isla Elysian upang magsimula ng bagong buhay, subalit hindi niya nagawa dahil sa nag-iisang anak ng mga Sebastian na si Lucas. Bumigay siya sa simple nitong pang-aakit at paghimas-himas, dahil sino ba naman ang hindi? Gwapo ito, matalino, may maisog at matipunong pangangatawan at higit sa lahat ay magaling mang-akit ng mga babae. Binalaan na siya noon ni Don Gabriel Sebastian patungkol sa anak nito ngunit hindi siya nakinig. Kasalanan niya rin ito kaya naman wala siyang karapatang magreklamo pa. Ang nais niya na lamang mangyari ngayon ay ibitin ang sarili at pagsisihan ang mga katangahang nagawa sa buhay. "You degraded yourself and not me, don't blame it to me. You willingly opened your thighs for me." He smirked. "Hindi kita pinilit, hindi ba't nagustuhan mo rin naman ang ginawa ko? Nangangarap kang magkaanak sa 'kin kaya huminto ka sa pag-inom ng pills, and you kept it a secret? Huh?" Ikinuyom nito ang kamao. "Sa tingin mo tatanggapin ko ang anak ko galing sa basurang babaeng katulad mo!? You want to hear my answer? It's a 'no', Daniela. So, get the fvck away from my sight!" Kinuha ni Lucas ang isang base na nakapatong sa ibabaw ng side table at malakas na ibinato ito sa sahig. Nabasag ito at kasabay ng pagkagulat ni Daniela. Nauwi ang babae sa pag-iyak, hindi na nito malaman kung ano ang dapat gawin sa sariling buhay. Kahit saan siya magpunta, nangingibabaw ang kaniyang makating pangangatawan at katangahan. Wala na siyang ipinagbago, dapat lamang sa kaniya ang ginawa ni Lucas. "Get out!!"  Nanginginig ang katawan na lumabas si Daniela sa silid ni Lucas. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD