NAPAHAWAK si Nova sa kumot na nasa kaniyang binti. Nagusot niya ito at malalim na naghugot ng hininga. Hindi niya alam kung bakit niya nasabi kay Lucas ang bagay na iyon. Ito ang unang bagay na lumabas sa kaniyang bibig. Bumabagabag sa kaniyang dibdib ang maaring mangyari sa oras na may makaalam sa kaniyang kasalukuyang kundisyon. Hindi niya rin nais kaawaan siya ng iba o ipagtabuyan sa isla ng Elysian, gaya ng sabi ng tiyuhin na si Antonio. Ngunit nabanggit niya na kay Lucas. Paano niya ito lulusutan? “What do you mean? Wala kang alaala?” Nakakunot ang noo ng lalaki. Titig na titig sa kaniya. “You have an amnesia?” Wala na siyang iba pang nagawa kundi ang tumango. “Totoo po, pero please! Huwag n’yong sabihin kay Don Gabriel, ayokong mapaalis sa isla. Wala na akong ibang mapupuntahan.” T