“WHAT HAPPENED?” Hindi pa man tuluyang nakalalabas ng emergency room ang doctor na tumingin kay Nova ay tumayo na si Lucas upang salubungin ito ng katanungan. “Serious attacked of her allergy. Kailangan pa namin siyang obserbahan, so she has to stay here for a day—” “Wait, what? Allergy? Saan?” Hindi niya na pinatapos pa ang doctor sa sinasabi. Masiyado siyang napaisip sa narinig. He did not know she has allergy, and if ever she really has, why she did not tell him? “Yes, maybe she has a food allergy. Ano ho bang huli niyang kinain?” “Seafood—” Nakagat niya ang ibabang labi. Kung ganoon ay may allergy si Nova sa mga in-order niyang pagkain dito. Ngunit bakit hindi nito sinabi kaagad sa kaniya? Napahilamos siya ng palad sa mukha. “Thank you, doc. Just do everything to make her fin