ETHAN'S POV
Kung mamalasin ka naman talaga. Malakas ang buhos ng ulan bago pa man ako makarating sa bahay ng mga Rosales. Kunot noo akong nag park sa driveway ng antigong bahay ng pamilya Rosales dito sa Vigan Ilocos Sur.
Sampung taon ng iniwan nina Lola Marcosa at Lolo Johny ang antigong bahay kina Mama Layla at Papa Antonio, pero madalas din naman sa abroad sina Mama at Papa dahil sa bunso Kong kapatid na naninirahan sa amerika, hindi nila ito maiwan dahil sa doon na ito nakapag-asawa at naninirahan.
Ang bahay sa Vigan ay naiwan sa pangangalaga ng mag-asawang Ginang Matilda at Mang Manuel.
Dahil malakas pa ang ulan, naghintay ako sandali na tumila ito. Mula sa loob ng sasakyan, hindi napigil ng ulan na pagmasdan ko ang antigong bahay.
Ang bahay na ito ay isang ancestral house na may malaking sukat at may magandang disenyo.
Ang pader ay gawa sa mga adobe na may kapal na halos isang metro, at may mga bintana na may mga kahoy na frame at mga pamaypay na gawa sa mga materyales na katutubo sa Pilipinas.
Obviously, sinaunang style ang bahay ng mga Rosales sa Vigan.
Ang bubong ay gawa sa mga kawayan na may mga tikin na gawa sa mga kahoy, at may mga ornamentong gawa sa mga kahoy na may mga disenyo na nagpapakita ng mga impluwensya ng mga Espanyol at Tsino.
It's a combination of Filipino- Spanish - China culture, hindi ito maiwasan dahil ang bansang Pilipinas ay minsan ding sinakop ng mga banyaga, nag-Iwan ng marka ang bawat dayuhan na sumakop ng bansa. Kasama na rito ang mga Kultura nila at maging ang kanilang kaugalian at ang pagpapakita ng impluwensya sa paggawa ng bahay.
Kinuha ko ang payong sa compartment ng sasakyan, maging ang susi na dinaanan ko sa bahay nina Mang Manuel at Ginang Matilda.
Tuwang-tuwa ang mag-asawa at ang kanilang mga anak sa pasalubong ko sa kanila na imported.
I am Ethan Rosales, the youngest son of Mr and Mrs Antonio and Lyla Rosales. Isa akong Doktor and trust me, kahit na doktor ay nagkasakit rin, kaya mabuti na ang nag-iingat.
Binuksan ko ang sasakyan, gamit ang payong, bumaba na ako at sinuong ang malakas na ulan.
June month really s*cK. Kagaya na rin ng nangyari sa love life at karera ko- it suck because of Yassine Panganiban, my fiancee who miraculously disappears one month before our wedding. June wedding, wala ng kasal na magaganap.
Pagdating ko sa porch ay tiniklop ko na ang payong dahil hindi na ako mabasa ng ulan.
Lumapit ako sa pintuan, nilapag ko sa semento ang dala Kong suitcase, kinuha ko ang susi sa aking pocket jacket at ginamit ko upang mabuksan ang main door. When I step inside the house, the feeling of nothingness engulfed my system. I closed the door behind me.
Bumuntong-hininga ako na napatingin sa kabuuan ng ground floor. Nothing changes, except the feeling of emptiness. I'm not sure, kung ang emptiness na naramdaman ko ay dahil sa walang katao -tao ang bahay o dahil sa kalungkutan na naramdaman ko sa aking buhay, ang kalungkutan na naging dahilan ng pag-uwi ko rito sa Pilipinas.
Nilibot ko ang aking paningin at muling inistima ang bahay.
Sa loob ng bahay, may mga malalaking silid na may mga kisame na gawa sa mga kahoy, at may mga bintana na may mga pamaypay na nagpapakita ng mga tanawin ng kalye.
Ang bahay ay may isang malaking hagdan na nagdudugtong sa dalawang palapag, at may mga malalaking pinto na nagpapakita ng mga tanawin ng patyo.
Alam nina Aling Matilda at Mang Manuel na darating ako kung kaya kinuha nila ang tela na pantakip sa couches ng living room. Nais Kong ma feel ang umupo sa lumang kasangkapan ng antigong bahay ng may narinig akong tinig na tila sumisigaw sa ikalawang palapag ng bahay. Pero, hindi ko masyadong binigyan ng pansin dahil alam Kong wala sina Mang Manuel at Aling Matilda rito, kinuha ko pa nga sa kanila ang susi. Baka guni-guni ko lang.
Inisip ko na ihip iyon ng hangin o kaya ay ang tunog ng malakas na ulan. Sinulyapan ko ang main door dahil baka doon nagmula sa labas ang sigaw. Sinabi kasi sa akin ni Mang Manuel na sasamahan ako ng kaniyang anak na si Baste sa pagtulog para hindi ako ma bored sa bahay, Isa pa si Baste ang magdala ng aking hapunan mamaya.
Pero walang kakaiba mula sa labas, and I think sa itaas nagmula ang sigaw. Okay, aaminin ko, hindi ko lang pwedeng ipagwalang bahala ang narinig ko. Kung baga sa sakit, prevention is better than cure.
Kinapa ko ang aking baril sa bulsa ng aking jacket at nagpasiya ako na pumanhik na.
Ang sabi ni Ginang Matilda nasa second floor ang silid tulugan ko. Dahan -dahan akong pumanhik ng hagdan.
Hanggat maari, nag-iingat ako na huwag magamit ang baril na ito. But in times like this, I needed the gun's protection.
Nang magsimula na akong pumanhik ng hagdan, nakarinig ako ng kaluskos. Iniisip ko na daga lang, which Is unlikely, araw-araw na nililinis ang bahay.
Nang narating ko na ang second floor.. ay nakita ko na bukas ang Isa sa mga silid, ang silid nina Lolo at Lola Hindi ko makalimutan ang silid nina Lolo Johny at Lola Marcosa.
Hindi ako nag-aksaya ng sandali, tinahak ko ang bukas na silid, like what the hell, sino ang magkainteres na papasok sa Antigong bahay na ito?
There, in the altar, nakita ko ang isang babae na hindi magkamayaw sa pagpasok ng mga alahas na kinuha mula sa golden buddha.
I was so shocked to see her.
Ang golden buddha ay hindi man lang tinago ng pamilya namin. Nanatiling nakadisplay sa silid ng yumao Kong lolo at lola. Naniniwala sila na hindi ito nanakawin at pag-iinteresan dahil sa may dala itong sumpa.
I knew it was a myth.
Naniniwala dito ang pamilya Rosales, maging ang mag-asawang caretaker ng antigong bahay. Kaya nga kahit araw-araw pang pumasok sina Ginang Matilda at Mang Manuel upang maglinis, hindi sila kailanman nagkainteres sa golden buddha, but not this lady.
Dahil sa malakas na buhos ng ulan at gumagawa ng ingay sa bubong, dahil sa malakas na ihip ng hangin at dahil siguro sa konsentrasyon sa pagpasok sa knapsak ng mga gintong alahas, ay hind man lang nakaramdam ang babae na nakatunghay na ako sa kaniyang likod.
Sinoli ko ang baril sa aking pocket jacket.
With both my free hands, hinuli ko ang pangahas na babae. Tinakpan ko ang kaniyang bibig ng Isa Kong kamay, ang isa ko namang kamay ay ginapos ko sa kaniyang beywang. Obviously, nabigla ang babae. Nagpupumiglas siya na makawala.
The nerve of this woman! Ang lakas ng loob niyang pumasok sa antigong bahay ng mga Rosales at magnakaw! Ngayon ay parang daga na nahuli sa bitag, hindi magkamayaw sa pagpupumiglas para makawala. Kung sa akala Niya ay makawala pa siya, she was sadly mistaken.
"Calm down.." utos ko sa mariin na boses. Nang maramdaman kong hindi na siya nanlabab at nag relax na siya ay, "Good girl." I said.
Nilingon Niya ako and I was never so shocked in my whole life! This woman is a replica of my lost fiancee! Lumunok ako ng laway bago nagsalita.
" Now give me a good reason why I shouldn't kill you."
Mabilis Kong winaksi si Yassine sa aking isipan.
Nanlaki ang kaniyang mata ng tinulak ko siya sa kama na nasa gilid ng altar.
Hindi nakaligtas sa akin ang nagkalat na mga alahas sa sahig ng mabitiwan Niya ang dalang knapsack dahil sa pagkabigla ng hawakan ko siya.
She looks exactly Yassine, my lost fiance! Paano nangyari ito? Paano, paano..hindi na matahimik ang aking isipan, sino ang babaeng ito, bakit kamukhang-kamukha Niya ang fiancee Kong naglaho?
"Start talking..who are you?" Napatanga ang babae ng tutukan ko sya ng baril . Sa wari ko ay nataranta siya dahil ang mga lumalabas sa kaniyang bibig ay kalokohan. "Ako si Victoria ang iyong kon..sen.. sya... aray!" Hinablot ko ang buhok niya. I don't know, but I remember Yassine, her betrayal of leaving me without an explanation. Well, may letter siya na iniwan sa akin, but it doesn't make sense.
"Hindi ako nakipagbiruan sa iyo." malamig kong sabi.
"Totoo ba Iyan? tanong niya. "I mean, na hindi mo ako papatayin dahil may maganda akong reason?" tanong pa ni Victoria.
May maganda bang rason ang Isang magnanakaw? I sneered at her.
"You know, tatawag na lang ako ng pulis--" nagulat ako ng mula sa kama ay lumundag ang doofelhanger ni Yassine at nagmamakaawa sa akin.
"Please don't." umiling niyang sabi. "Kaya ako nagnakaw ay dahil sa kailangan Ko ng salapi na pantustos sa dialysis ng aking kapatid. Kapag makulong ako, wala nang ibang magbabantay sa kaniya, kaming dalawa lang ang magkasamang namuhay.." hinayaan niyang malaglag ang luha sa kaniyang mata.
"What you did was a serious crime. We're not only talking about an ordinary thief here, hindi kakarampot ang limasin ang mga alahas na mula pa sa Yamashita Treasure. I'm sorry lady, but you asked for your death. Kung ayaw mong makulong , mapipilitan akong gawin sa iyo ito..." kinuha ko ang baril sa aking jacket at tinutok sa kaniya.
I was thinking about Yassine--
"No, please.." lumakas ang kaniyang pag-iyak na lumuhod sa harapan ko. "Please spare my life, gagawin ko lahat ang gusto mo-- just don't kill me." she begged.