Victoria...
Unti-unting tumila na ang ulan sa labas at kinakagat na rin ng dilim ang antigong bahay kaya naman ay binuksan na ng lalaking Rosales ang ilaw sa loob ng silid na kinaroroonan namin.
Nakaupo na naman ako sa gilid ng kama samantalang siya ay hinila ang upuan sa mesa at dinala sa harap ng kama kung saan ako nakaupo.
Kinakabahan na ako sapagkat dapit hapon na at masama pa ang panahon, kahit na uni unting tumitila ang ulan, hindi pa rin humuhupa ito at may kasama pa ring hangin.
Nag-alala na ako sa aking kapatid, baka iniwan na iyon ng pinsan kong pinakiusapan Kong bantayan si John Manuel Anthony. Nagpaalam ako na saglit lang akong mawawala, na may bibilhin lang ako sa bayan. Pero, heto na nga, nahuli ako.
The man is seriously looking at me, he seems to be thinking deeply. May pagkakataon na kukunot ang kaniyang noo at iiling habang tinitigan ako. May pagkakataon rin na matalim ang kaniyang tingin na para akong kakainin ng buhay.
Lumunok na lamang ako ng laway at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Sa wari ko ay nawalan na ako ng kakayahan na magsalita. Ito ang hindi ko inaasahan na mangyayari sa akin, ang mahuli ako mismo ng Isa sa mga angkan ng Rosales.
Sino pa ba ang mag-aakala na uuwi sila dito sa Vigan. At ngayon pa kung saan huling pag-akyat ko sana sa Antigong bahay na ito.
Nang lumuhod ako kanina at nagmamakaawa, akala ko ay pagbigyan Niya ako at pauwiin dahil nakita ko na parang lumambot ang kaniyang mukha.
Alam Kong wala siyang balak na patayin ako, dahil kung meron man dapat kanina pa. Hindi rin naman Niya tinuloy ang pagtawag sa pulisya, nababagot lang ako ngayon dahil nakaupo lang siya na nakatitig sa akin, and again, he seems to be thinking deeply.
"Pwede na ba akong umuwi?' nandilat ang kaniyang mata at matalim Niya akong tinitigan. Sa wari ko ay nagalit dahil pinutol ko ang kaniyang iniisip kung ano man iyon, siya lang ang nakakaalam, but right now I'm worried big time about my brother, kaya hindi ko na napigilan ang hindi magsalita.
Umismid siya sa akin. "Hindi ka na pwedeng umuwi." malamig nitong sabi.
"Hah?.." natigatal Kong tanong sa kaniya. "Hindi po pwede na hindi ako uuwi, paano na lang ang kapatid ko--"
Umiling ang lalaki na sa wari Niya ay hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Tsk, ibang klasi ka rin pala ano? Pumunta ka rito, pumasok at magnakaw and take note, hindi lang basta kasangkapan o gamit ang ninakaw mo, we were talking about millions of pesos here, tapos magpapaalam ka na uuwi na parang walang nangyari, sa palagay mo ba, you'll have a say about this, young lady? Huwag mong bilugin masyado ang ulo ko na parang kasalanan ko pa kung walang kasama ang kapatid mo. Bakit hindi mo inisip iyan,bago ka pumasok rito at magnakaw?" Malamig niyang sabi.
Nag-iwas ako ng tingin. Kahit saang anggulo tingnan, kasalanan ko, kasalanan ang magnakaw, kahit gaano pa kabigat ang pangangailangan ko, hindi pa rin tama ang ginawa ko.
Bumabalik sa isipan ko ang unang pagpasok ko rito ng madiskubre ko ang sekretong daanan ng bahay. Sa likod ng bahay, may maliit na daanan sa ilalim ng lupa.
Nadiskubre ko ito ng mahulog ako sa Isang butas . Kung hindi pa ako nagtago sa mayabong na halaman sa likod ng gate ng minsan akong habulin ng asong gala, hindi ko sana malalaman ang sekretong daanan papasok sa nntigong bahay.
Ang pag diskubre ko sa butas na iyon ay naging dahilan nag aking pag katukso na magnakaw dahil bunga ng pangangailangan ko para sa pagpapagamot Kay John.
"You're not a minor, right?"
Nag- angat ako ng tingin sa kaniya at umiling. "Hindi na ako minor."
Tumango ang lalaki.
"Okay, makinig ka Victoria.. am I right? Victoria ang pangalan mo?"
Muli akong tumango.
"You should know by now, na Isang malaking kayamanan ang nadiskubre mo at nanakawin mo kung hindi lang kita naabutan. Ang parusa ay habang buhay Kang makulong kung isusuplong kita."
Lumunok ako ng laway dahil sa katotohanan na sinabi Niya. Nakaramdam ako ng panginginig sa aking katawan, sa palagay ko ay natuyo ang aking lalamunan.
"Ayaw mo hindi ba?" tanong Niya as if to confirm na ako ang nakiusap na huwag akong isuplong sa pulisya.
Tumango ako.
"Right, hindi na kita ipakulong.." mabilis akong ngumiti dahil sa sinabi niya. Totoo ba ang narinig ko? Halos hindi ako makapaniwala na hahayaan Niya akong umalis.
Akmang tatayo na sana ako at mag pasalamat ng marinig ko ang sumunod niyang sasabihin.
"Pero, hindi ito thank you next. Huh, don't expect it, you're sadly mistaken." nanunuya niyang sabi ng makita Niya ang mga ngiti ko at akmang pagtayo.
"Sinabi mo na handa kang sumunod ano man ang ipagawa ko--" napangiwi ako at nataranta.
"Gagawin mo anuman ang ipagawa ko huwag ka lang makulong, hindi ba?" tango lang ako ng tango dahil totoo na nangako ako sa kaniya, nakaluhod pa.
Napalunok muli ako ng laway. Hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan kung anong ipagawa Niya sa akin bilang kapalit ng buhay ko at kapalit ng hindi Niya pag pakulong sa akin .
"I'm gonna make a deal with you, makinig kang mabuti."
Yumukod ang lalaki sa sahig at nagsimulang pulutin ang mga alahas na kanina ay sumambulat.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita habang pinulot isa -isa ang ang mga gintong alahas at binalik sa loob ng Golden Buddha.
"Nakatakda na ang kasal ko pero nawala ang aking fiancée. I need to find her before the remaining two weeks or else--" tumigil siya, tumikhim at tumayo na ng maibalik na Niya lahat ng alahas sa golden buddha. Binalik Niya ito sa drawer.
Nang magawa na Niya ang pag sasa-ayos ay bumalik ito sa pag- upo sa silya na nasa harapan ng kama kung saan ako ay napako pa rin sa gilid nakaupo.
Titig na titig ang lalaki sa akin., hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala kung sino sa mga Rosales ang lalaki sa harap ko.
"Ang aking fiancée ay hindi lamang kamukha mo, kundi kamukhang-kamukha mo." Umiling ang lalaki na nakatingin sa akin. Kaya pala grabe kung nakatingin ito sa akin kanina, kaya pala parang napaso na napamaang pa siya kanina ng ihagis Niya ako sa kama. Akala ko ay lalamunin niya ako ng buhay.
"Kakalimutan ko ang pangyayaring ito, I'll let this slide Victoria, kung pumayag kang magpanggap na fiancee ko at pakasal ka sa akin on behalf of my lost fiancee." Nagkibit balikat siya.
"Huwag kang mag-alala, gagawa ako ng kasunduan of course.." mahinahon niyang sabi.
Napamaang ako at nanlaki ang aking mga mata sa tuloy tuloy na paliwanag niya. Paanong kamukha ko ang fiancee Niya?
Sa pagkakaalam ko ay wala akong kambal, but this man in front of me testifies that his alleged fiancee ay ka look- alike ko, kamukhang-kamukha ko! Totoo ba ang sinabi Niya?
"Ang kasal ay magaganap sa buwang ito, we have to--"
"Wait!" masama na naman nya akong tinitigan. Pero, this time nakatayo na ako at handa na sanang ma shock for real dahil rumirehistro na sa aking utak ang mga sinasabi Niya. I'm a little bit slow I know, sino ba ang hindi mabibigla, humihingi lang naman ako ng grasya mula sa kanilang yaman para sa pagpagamot ng aking kapatid a.k.a. pagnanakaw nga ang termino ng mga pulis rito, sadly. But getting married to a complete stranger and--
"What!?' matigas niyang tanong. If there's one thing na napapansin ko sa lalaking ito ay ang bilis ng pagbabago ng kaniyang mood. I'm not sure kung anong dominant personality meron ang taong ito. Mukhang mabait na mukhang istrikto, but the fact na hindi Niya ako pinatay at pumayag siya ng hindi ako makulong ay big thank you na ito sa akin, iyon nga lang may kondisyon siyang inihain.
Nang mag -arko na ang kaniyang kilay ay mabilis akong nagtanong. "Paano kung babalik ang-- ang nawawala mong fiancee--"
"Sa palagay mo may silbi ka pa kung hindi siya naglaho?" kinagat ng lalaki ang kaniyang ngipin na parang nanggigigil sa galit
Hindi ko sure kong sa akin o sa fiancee niyang nag disappearing act.
"So, kung babalik siya before mairaos ang kasal... natin.." nakagat ko ang akong labi, wait! ikakasal nga ba ako--
"Kung babalik siya ay sa kulungan o sa sementeryo ka pupulutin, it's your choice." kaswal niyang sabi.
Napipi ako sa sinabi Niya.
"Ganiyan nga, matuto Kang makinig sa sasabihin ko, after all, hindi ka malalagay sa sitwasyon ngayon na kung sa isip mo ay dehado ka."
Inistima Niya ako na para bang nais niyang iparating na pasalamatan ko na lang ang kapalaran ko na makasal sa Isang katulad Niya. Pumikit ako at sinubukan na pawiin ang aking mga iniisip. Ganito talaga ako pag nag panic na, sing bilis na ng kidlat ang mga iniisip ko. Nagkakagulo na sa utak ko.
"Bukas ay may kontrata na tayong
pipirmahan tungkol sa kasal natin." simple niyang sabi.
Habang nag-uusap kami at habang nagpapaliwanag siya ay nag ta type siya sa kaniyang cellphone.
"You are Victoria Lovely Fuentes, 20 years old , third year college student, nag-aaral sa University of Northern Philippines Vigan campus. May kapatid na lalaki na siyang kasama mong nanirahan sa inyong bahay. Maliban sa iyong pagnanakaw ay Isa kang on call waitress ng Isang bar."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng sinampal Niya ako sa katotohanan. But why did this bother me? Totoo naman na magnanakaw ako. Masakit pala ang sampalin ka sa katotohanan.
I'm a thief and I am humiliated right now, right in front of a stranger who will be my fake husband two weeks from now.
Kinagat ko ang pang ibaba kong labi upang mapigilan ang aking pag-iyak.
Muli Niyang sinulyapan ang kaniyang cellphone, I'm betting patuloy sa pagbasa ng mga information na nakuha tungkol sa akin.
"Ang kapatid mo ay nasa bahay na nina Ginang Matilda at Mang Manuel. Bukas na lang nila ihahatid rito ang kapatid mo. Nasa ground floor na si Baste naghahanda ng hapunan. I'm hungry and I'm tired I wanna take a rest, pero salamat sa iyo hindi ko nagawa." Kunot noo niyang sabi.
"Move your a*s and don't be dramatic as if ang pagpapakasal sa akin ay Isang malaking pagkakamali." He sneered.
"Just a heads up, Victoria. I despise you! galit ako sa mga katulad mong magnanakaw, galit ako sa Isang tamad na kagaya mo! Nagkaroon ka lang ng silbi dahil kamukha mo si Yassine--kaya huwag ka ng magdrama na malungkot ka na makasal sa akin, dahil kung may choice lang ako ngayon, mabubulok ka sa kulungan! So, tumayo ka na, dinner is served, my little thief's fiancee.." he smirked.