GIVE ME A REASON WHY I SHOULDN'T KILL YOU.
VICTORIA...
Masusi Kong pinagmasdan ang golden buddha, sa wari ko ay namalikmata ako. So, totoo pala, may yaman ng Yamashita Treasure na nakatago sa bahay ng mga Rosales.
Actually ang buong living room ay napuno ng mga Antigong bagay na pwedeng ibenta. Marami na nga akong na dispose , binabalik-balikan ko ang luma at antigong bahay ng mga Rosales dahil sa maraming mamahaling bagay na pwedeng ibenta at mapagkikitaan.
Swerte ako ngayong hapon dahil malakas ang ulan kaya siguro hindi pumunta ng bahay sina Ginang Matilda at Ginoong Manuel, mag -asawang nagbabantay ng bahay.
Araw-araw ay nililinis nila ang bahay kaya maaliwalas at walang makikitang alikabok sa loob. Hindi lang naman ang mag-asawa ang naglilinis ng malaking bahay kundi kasama pa nila ang kanilang anak.
Ang mga Rosales ay naninirahan na sa Amerika., iniwan nila ang malaking bahay nila sa Vigan, Ilocos Sur, and so I thought.
Madalas Kong pinapanood ang bahay sa tuwing mapadaan ako patungo sa kabihasnan at bibili ng gamot ng kapatid kong may sakit.
"Hah!.." napasinghap ako ng hipuin ko ang ilong ng golden buddha dahil bumukas ang bibig nito at nakita ko ang loob nito na puno ng mga alahas!
"Oh, my goodness! Bakit ngayon ko lang nakita ito?" Napalakas na sabi ko sa aking sarili. "Hindi na sana ako nahihirapan pang magdala ng kung ano anong Antigong gamit na pwedeng ibenta." Sabi ko habang nagniningning ang aking mata na nakasulyap sa mga nagkikislapang alahas.
Sa halos linggo linggo Kong pagpasok sa Antigong bahay ng mga Rosales ay marami- rami na rin akong mga Antigong kagamitan na nakuha.
Mga Antigong bagay kagaya ng vaso, kutsara, tinidor, limang relo, orasan, mga Antigong plato, kahit na nga mag picture frame na antigo hindi ko pinalalampas.
May mga nakuha din akong antigong libro at mga medalya. Madali Kong makuha ang mga Antigong bagay na kagaya ng mga kubyertos, medalya at picture frame dahil pwedeng bitbitin at ipasok sa aking knapsack.
But now, as my gaze linger to the now opened buddha, nagpasiya na akong limasin lahat ng alahas , para one time na lang at hindi na ako babalik pa sa Antigong bahay na ito.
Nagmamadali Kong nilimas ang mga alahas sa loob ng Golden Buddha, mga kuwintas, singsing , hikaw , bracelets, relo. Ang dami., medyo nahihiya naman akong kunin lahat kaya nagpasiya Akong kalahati na lang ang kukunin ko para Kong uuwi man Isa sa pamilya ng mga Rosales, may makikita pa silang alahas hindi maging obvious na ninakaw baka kasi mapagkamalan pa ang mag-asawa na nangasiwa ng bahay, kawawa naman.
Bumuntong-hininga ako, ayoko sanang gawin ito, but I was forced to. Walang tutulong sa akin sa pagpagamot sa kapatid Kong may kidney failure. Kulang na kulang ang kakarampot na sahod ko sa pagiging on call waitress sa Isang bar. Nag-aaral pa ako sa kolehiyo, na kahit libre ay marami din namang mga gastusin.
"Jackpot!" I said loudly. Alam Kong wala namang makarinig sa akin dahil sa maliban sa malakas ang ulan sa labas ay walang katao tao ang antigong bahay.
Napasinghap na lang ako na agad ring napigil ng bigla na lang may gumapang na kamay sa aking mukha at diretsong tinakpan ang aking bibig. Mahigpit ding hinapit ang aking beywang . Agad na bumilis nag t***k ng aking puso.
The instinct to get away screamed on my mind. Nagpupumiglas ako kaya nabitiwan ko ang aking dalang knapsack at sumambulat ang alahas na nagkalat sa sahig.
"Calm down." Isang baritonong boses ang bumulong sa aking tainga. Nang maramdaman niyang tumigil ako sa paggalaw ay.. "good girl." narinig Kong tinig sa likuran.
Nilingon ko ang lalaki sa aking likuran at nakita ko ang dalawang kulay hazel eyes na matalim na nakatingin sa akin. Napalunok ako ng laway dahil sa aming bayan, ang mga angkan na nag-mamay-ari ng hazel green eyes ay ang mga Rosales lamang.
Ang hazel eyes ng mga Rosales ay nag-aagaw sa pagitan ng brown, green at gold dahil ito sa kanilang espanyol na lahi. Pero, nangingibabaw ang kulay green nito depende na rin sa liwanag ng araw o sa anggulo ng pagtingin.
Guwapo at matangkad ang lalaki. Makinis ang kaniyang balat, matangos ang ilong , makapal ang kilay at buhok , maganda ang hubog ng kaniyang mga labi. Base na rin sa paghawak niya sa akin, matikas ang kaniyang katawan .
A six footer obviously. Nag somersaults ang aking puso ng ngumisi ito ng nakakaloko.
"Now give me a reason why I shouldn't kill you.." Isang baritonong boses ang naririnig ko pa. Umiling ako dahil sa higpit ng pagkahawak niya sa aking katawan.
"Oh, I see.." kinuha Niya ang kaniyang kamay sa aking bibig at tinulak Niya ako sa kama na malapit lang sa altar ng golden buddha. Ako ay napaupo at ngayon ay naging malinaw na ang hitsura namin sa isat-isa.
Nagtataka ako sa biglang pagbabago ng ekpresyon ng lalaki. Nakaawang ang mga labi na nakatingin sa akin. Nanlaki ang mata and he stood frozen for a minute or two.
Sinamantala ko ang pagkakataon na makatakas ngunit napatigil ako ng marinig ko ang malamig niyang boses.
"Manatili ka sa posisyon na iyan." Malamig niyang utos sa akin.
"One more movement and you will be dead.." hindi Niya iniwas ang tingin sa akin, kaya ako ay nanigas sa pagkaupo sa kama.
"Please sir, huwag mo akong patayin..' nagsimula ng gumaralgal ang aking boses. Umismid ang lalaki at ngumiti na parang nananuya.
"Ang lakas ng loob mong pumasok sa pamamahay na ito, ngayon takot Kang mamatay.." sinipa Niya ang kumpol kumpol na alahas na kaniyang naapakan ng siya ay lumapit pa sa kama. Muli Kong sinulyapan ang layo ng pintuan sa aking kinaroroonan.
Kahit pa siguro mabilis akong tumakbo, hindi ako makalabas ng buhay dahil sa baril na nakatutok sa akin.
"Start talking.." utos Niya sa akin. " And don't think about it.." siguro nakuha Niya ang binabalak ko na pag-eskapo dahil sinundan Niya ang tingin ko sa may pintuan.
"Uhmm--ahh, " hindi ko alam kung anong unang sasabihin ko kaya nakatitig pa rin ako sa kaniya.
"So, ngayon , napipi ka na? samantalang kanina lang ay ang taas ng energy mo habang hinakot mong lahat ng mga alahas sa loob ng knapsack mo." Mariin niyang sabi.
Kumurap-kurap ako na nakatulala lamang na nakatingin sa lalaki. What I am supposed to say: "Hey, I am Victoria Lovely Fuentes, 20 years old, estudyante, third year college, nag-aral pa rin hindi pa graduate dahil sa senior high school na curriculum na iyan! Nag aaral ako sa State University of course dito din sa Ilocos Sur, ikaw sino ka ba?"
"Hi, ako nga pala si Victoria Lovely Fuentes, 20 years old, estudyante, maganda at magnanakaw, you have hazel green eyes, do you happen to be the family member of the Rosales?"
"Hi, I'm Victoria Lovely Fuentes, ako nga pala ang magiging asawa mo, ako ito ang babaeng itinatadhana sa iyo--AHH!"
Natigil ako sa aking imahinasyon ng biglang hilahin ng lalaki ang aking buhok pababa ng aking likod kaya napatanga ako sa kaniya.
"I am losing my patience young lady, it's either you speak or I'll shove this gun right to your f**king mouth-"
"Victoria, ako si Victoria Lovely Fuentes Ako ang iyong kon..sen..sya." natigilan ako ng mula sa nanlilisik niyang mata ay tila naging maamong tupa. Mariin siyang nakatitig sa akin , bahagyang lumuwang ang paghablot Niya sa aking buhok subalit ang baril ay nakatutok pa rin sa aking leeg kaya napatanga pa rin ako sa kaniya.
Ang bakat na tiyan ng lalaki ay halos masamyo ko na, mahawakan ko na dahil nakadikit na siya sa akin, he's like a wild animal ready to devour its prey.
"Pwe-pwede bang ilayo mo sa akin ang baril mo.?" Sabi ko na nauutal. Iniisip ko ang kawawa Kong kapatid kapag nabaril ako nito.
"Why should I do that?" Malamig niyang tanong. For some reason, naguguluhan ako sa kaniyang expression, galit na nalulungkot. Habang nakatingin ako sa kaniya may Isang bagay pa akong nakikita, he looks ruggedly handsome.
"Ba-ka, baka makalabit mo kasi.." mahina Kong tugon. "Hindi nga malayong makalabit ko ito, you still didn't give me a reason not to kill you.
"To-too ba iyang sinabi no?" Tanong ko sa kaniya.
Nagsalubong ang kaniyang kilay. "I mean, kapag may maganda akong dahilan kung bakit ako..kung bakit ako... " Nabilaukan ako, parang hindi ko kayang banggitin ang salitang magnanakaw. But isn't it what's I'm doing? I'm a thief. Magnanakaw ako. Ito ang unang sandali na nahuli ako sa aking ginawa, at dito lang rin ako nagnakaw sa antigong bahay ng mga Rosales.
Ang mayamang pamilya na hindi na nakatira rito sa Vigan kundi sa Amerika na for as far as I can remember. I was about to speak ng maalala ko na hindi ko pa kilala ang taong nasa harap ko, what if magnanakaw rin ito at niloloko lang ako dahil may baril siya at gusto niyang masolo ang kayamanan na nakita ko.
"Wait,sino ka ba?" Bigla Kong nasambit. Nakita ko naman kaagad ang paggalaw ng kaniyang bagang.
"Kanina ka pa nagtatanong sa akin pero hindi kita kilala, baka Isa ka ring...aray!" Imbes na binitiwan na Niya ang buhok ko ay muli na naman niya itong hinablot at napatanga na naman ako sa kaniya dahil muli naman na diniin Niya ang kaniyang baril sa akin, this time sa aking noo.
"Listen here , this is your last chance to fu**ing play, hindi ako nakipagbiruan sa iyo.." Sabi ng lalaking may accent, oo napapansin ko ang kaniyang accent, bagamat marunong naman pala itong magsalita ng tagalog.
Umatras ang lalaki, nakahinga naman ako ng maluwag ng binaba Niya ang kaniyang baril at nilagay sa kaniyang beywang.
"I'm the master of this house and that's all you need to know. You are at my property at huling huli ko ang iyong pagnanakaw., you knew screw this, hindi ko na kailangan na patayin ka, I don't have to taint my hands with your blood. I'm gonna call the police.--" bigla akong tumalon sa kama at lumapit sa kaniya.
"Stay where you are!" He hissed.
Muli Niyang hinugot ang baril at tinutok sa akin. Napaatras ako at nagbigay ako ng distansya sa aming dalawa.
"Kaya ko ginawa ito dahil sa may sakit ang aking kapatid. kailangan ko ng pera para sa kaniyang dialysis." nataranta Kong sabi.