Zaphire's PoV,
KINABUKASAN ay maaga akong gumising dahil maaga ang flight ko pabalik ng Pilipinas. Naka handa na ang mga gamit ko sa isang maleta. Isang buwan lang naman ako roon. Kailangan ko lang tulungan si mommy sa kompanya dahil hindi pa pwedeng magtrabaho si daddy. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad na akong lumabas ng kwarto, dala-dala ang isang maleta na mga gamit ko. At sakto naman na may nag busina sa labas. Siguro si Nathan na iyon. Ihahatid daw niya ako sa airport. Kaya dali-dali akong lumabas ng bahay at nakita ko siya na bumaba ng sasakyan niya at kinuha ang maleta ko at nilagay sa compartment. At sumakay na kami sa kotse niya. At habang nagba-byahe ay nag-uusap kami.
"Ilang araw ka roon?" Tanong niya.
"Isang buwan." Sagot ko. Napatingin naman siya sa ‘kin na para bang gulat na gulat.
"Bakit ang tagal?" Tanong niya.
"Kailangan. Hindi pa pwedeng magtrabaho si daddy kaya kailangan kong tulungan muna si mommy sa kompanya." Sagot ko. Napabuntong hininga na lang siya. Nakakahiya nga. Kasi ang busy niya ring tao. Tapos ipagkakatiwala ko pa ang Restaurant ko sa kaniya. Baka hindi niya kaya.
"Sabihin mo lang kung hindi mo na kayang asikasuhin ang Restuarant ko. Pwede ko namang tawagan si Crystal para bumalik na rito sa Italy." Sabi ko.
"No, no. It's ok. Kaya ko okay? Mamimiss lang kasi kita," sabi niya. Napa-irap na lang ako.
"Tama na nga 'yan. Kulang pa ‘yong tulog ko. Kaya matutulog muna ako. Gisingin mo na lang ako kapag nasa airport na tayo." Sabi ko at ipinikit na ang mga mata.
———
PAGBABA ko palang ng eroplano ay ramdam ko na ang hangin ng Pilipinas. Finally! I'm back after five years. Pagkatapos kong makuha ang luggage ko ay agad na akong naglakad. May susundo ba sa ‘kin? Mukhang wala naman. Siguro magta-taxi na lang ako papunta sa bahay. Agad akong pumara ng taxi at sumakay. At habang nagba-byahe ako ay tumitingin ako sa labas. Wala pa ring pinagbago. Sobrang namiss ko ang Pilipinas. Akala ko matatagalan pa ako bago maka-uwi. Pagkatapos ng ilang oras na byahe ay nakarating na ako sa bahay namin. Ganoon pa rin ang kulay. Wala pa ring pinagbago. Agad na akong bumaba ng taxi at nagbayad na.
Dala-dala ko ang maleta ko nang pumasok ako sa gate. Sinalubong ako ng isa sa mga kasambahay namin.
"Magandang tanghali po ma'am Zaphire. Welcome back po." Bati sa'kin ni Nanay Cellia.
"Magandang tanghali rin po nanay Cellia. Salamat." Sagot ko. Kinuha niya ang dala kong maleta at naglakad na papasok ng bahay kaya sumunod na lang ako. Agad akong pumunta sa kwarto ko para magpahinga muna. Wala rito si mommy dahil siya ang nagbabantay kay daddy sa hospital. Agad akong humiga sa malambot kong kama at ipinikit ang aking mga mata. At dahil sa antok ay nakatulog ako.
NAGISING ako dahil sa tunog ng aking cellphone. Tiningnan ko kung sino iyon. Si Dianne. Agad kong sinagot.
"Hello,"
"Hello Zap! Hindi mo man lang sinabi na narito ka na pala sa Pilpinas," nagtatampong sabi niya. Sino naman kaya ang nagsabi sa kaniya.
"Sino nagsabi sa ‘yo?" Tanong ko.
"Sino pa? E ‘di si Crystal." Sagot niya.
"Ang daldal talaga ng babaeng iyon. Pupuntahan ko kasi si daddy sa hospital may pag-uusapan daw kami." Sagot ko.
"Ganoon ba? E ‘di magkita na lang tayo sa Hospital? Text mo sa 'kin kung saang hospital." Sabi niya.
"Sige kita na lang tayo." Sagot ko at binaba na ang cellphone. Agad kong tinext sa kanya kung saang hospital dinala si daddy. Pagkatapos ay nag-ayos na ako at bumaba na. Pupunta na ako sa hospital. At dahil walang sasakyan sa garahe ay kailangan kong mag taxi papunta roon.
PAGDATING ko sa hospital ay agad akong pumunta sa information desk para tanungin kung saang kwarto si daddy.
"Excuse me miss. Saang kwarto si Ezekiel Saavedra?" Tanong ko. Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa. Ano ba itong babaeng 'to. Kung maka-tingin akala mo may kasalanan ako sa kaniya. Nagtatanong lang naman ako.
"Sandali lang po." Sagot niya sa seryosong boses. Suplada siguro 'to. Tumingin siya sa hawak niyang listahan at tumingin ulit sa 'kin.
"Nasa 5th floor po ang kwarto ni Mr. Ezekiel Saavedra. Sa pangatlong kwarto." Sagot niya.
"Thank you," sagot ko at naglakad na papunta sa elevator. Naghintay pa ako ng ilang segundo dahil hindi pa bumubukas ang elevator. Pagkaraan ng ilang segundo ay bumukas na iyon kaya agad akong pumasok at pinindot ang 5th floor.
Pagdating ko sa 5th floor ay hinanap ko ang pangatlong kwarto. Agad ko namang nakita at binuksan iyon. Nakita ko si mommy na natutulog sa gilid ni daddy. Agad akong lumapit sa kanila. Naaawa ako sa lagay ni daddy. Limang taon na wala ako sa tabi nila ni mommy. Hindi ko man lang siya naalagaan. Pinapangako ko sa sarili ko na tutulongan ko si daddy sa kompanya niya habang nagpapagaling siya. Kahit doon man lang makatulong ako sa kaniya. Nag-iisa lang akong anak kaya ako lang ang maaasahan nila. Hindi ko namalayan na gising na pala si mommy.
"Anak. Ikaw nga," sabi ni mommy at tumayo at niyakap ako. At doon na tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Mommy, sorry." Tanging nasabi ko habang yakap siya.
"Bakit ka nagso-sorry anak?" Tanong niya.
"Kasi po wala ako sa tabi niyo ni daddy ng limang taon. Hindi ko po kayo naalagaan." Umiiyak na sabi ko. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa 'kin.
"Okay lang iyon. Huwag mong isipin iyon. Ang importante ay narito ka na. Okay?" Sabi niya. Tumango lang ako bilang sagot.
"Thank you, mommy." Sagot ko.
"Hintayin mo na lang na gumising ang daddy mo. Siya na ang kakausap sa ‘yo." Sabi ni mommy habang naka-upo kami.
"Ano po ba ang pag-uusapan namin?" Tanong ko.
"Anak mas mabuti siguro kung ang daddy mo mismo ang magsasabi niyan sa ‘yo." Sagot ni mommy. Hindi na lang ako nagsalita. Hihintayin ko na lang si daddy.
Napatingin naman kami ni mommy nang bumukas ang pinto at pumasok si Dianne at Crystal.
"Zap!" Tawag ni Dianne at niyakap ako. Ganoon din si Crystal.
"I miss you, Zap." Si Dianne.
"I miss you too." Sagot ko.
"Nga po pala tita. May dala po kaming prutas." Sabi ni Crystal at binigay kay mommy ang isang basket ng mga prutas.
"Salamat sa inyo." Sagot ni mommy at kinuha ang basket.
"Maupo muna kayo," sabi ni mommy.
"Salamat po tita," sabi nilang dalawa at umupo.
"Sige maiwan ko muna kayo ha. Bibili lang ako ng makakain natin." Paalam ni mommy.
"Sige po." Sabi nilang dalawa. Agad namang naglakad si mommy palabas ng kwarto.
"Zap, bakit dito niyo dinala si tito Zeke?" Tanong ni Dianne sa 'kin. Nangunot ang noo ko sa tanong niya. May problema ba kung dito dinala ni mommy si daddy?
"Bakit? Si mommy ang nag dala rito," sagot ko.
"Oo nga naman. May problema ba kung dito dinala si Tito?" Tanong ni Crystal.
Napabuntong hininga si Dianne. "Yeah. Meron," sagot niya. May gusto siyang sabihin. Mayroon ba siyang alam na hindi namin alam?
"Ano naman ang problema roon?" Tanong ko.
"Kasi ang may-ari ng hosp---"
Hindi na natapos ni Dianne ang sasabihin niya nang may kumatok sa pinto at pumasok ang doctor at isang nurse. Napatayo kaming tatlo.
"Excuse me po. Iche-check lang namin ang pasyente," sabi ng doctor. Tumango lang ako.
Napapa-isip pa rin ako sa sinabi ni Dianne. May problema ba kung dito i-confine si daddy? Parang wala naman. Ano kaya ang dapat sabihin kanina ni Dianne? Hindi na niya naituloy dahil pumasok ang doctor. Sa susunod ko na lang tatanungin si Dianne tungkol doon. Kailangan ko munang maka-usap si daddy tungkol doon sa pag-uusapan daw namin.
©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2017